Bumukas ang pinto, at dahan-dahang naglakad si Alexander papasok. Nakatitig ang lahat sa kanya at nanahimik ang buong lugar. Kalmadong naglakad si Alexander sa stage nang may ngiti sa kanyang mukha. Nagpakawala ng mabibigat na tanong ang mga reporter habang lumitaw ang walang katapusang komento ng mga netizen sa malaking screen sa likod ni Alexander. Naging mahirap tignan ang tindi ng masasamang bagay na sinasabi sa kanya. Ngumiti lang si Alexander at kalmadong tumingin sa lahat. Kasunod nito, tumayo siya at diniin ang bawat isang salita nang seryosong-seryoso. “Alam kong malaki ang pakialam ng lahat tungkol dito. Ipapaliwanag ko ang lahat ngayong araw.” Dinilaan ni Alexander ang mga labi niya at huminga nang malalim. “Tama kayo. Bakla ako.”Nagkagulo ang lahat sa sandaling sinabi niya iyon. Napakagulo sa ibaba ng stage. “Ang totoo, matagal ko na itong pinipigilan.” Tinaas siya. “Inanunsyo ko to ngayon para bigyan ang lahat, pati na ang sarili ko, ng paliwanag.“Inaamin kon
Dumating si Victoria sa main palace at di niya napigilang manginig nang nasalubong niya ang tingin ni Martin. “Tito…”Mukhang seryoso si Martin na para bang nawalan na siya ng pag-asa sa kanya. Tumingin si Victoria sa paligid—mukhang mga tao ni General Harris ang mga gwardya. Madaling malaman kung bakit tinawag ni Martin ang grupo sa palasyo sa ganitong oras. Kinagat niya ang labi niya at pilit na ngumiti. “Maaari ko bang matanong kung bakit ako pinatawag dito?”Huminga nang malalim si Martin para pigilan ang galit niya at kinawayan ang mga gwardya na umalis. Hindi nagtagal, sila na lang ang natira sa main palace. Ang totoo, may pakialam pa rin si Martin sa dignidad niya. “Tayo na lang ang natitira.” Malalim ang boses niya habang tinignan niya si Victoria ang may matatalim na mga mata. “Sabihin mo sa'kin ang totoo!”Sumimangot si Victoria. “Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin, tito.”“Hindi ka pa rin aamin!?” sigaw niya. “Ikaw ba ang nagpakalat ng mga larawang iyon
Nabigla si Victoria. Kasunod nito, ilang matatangkad na gwardya ang lumapit para hawakan siya sa braso at kaladkarin siya palayo. Pinagbawalan siyang lumabas ng palasyo ni Martin kaya hindi siya makakaalis nang biglaan. Sumigaw siya nang buong lakas at umalingawngaw ang pagwawala niya eleganteng pasilyo. Tinalikuran ni Martin ang tunog habang nagtatalo ang mga emosyon niya. Inabot siya nang ilang malalalim na paghinga bago kumalmang muli sa wakas. Narinig ni Alexander ang ingay na nagmula sa main palace at nagmadaling pumunta roon. Nang makarating siya, nakita niya ang mga gwardyang sapilitang nilalabas si Victoria. Nagkasalubong ang magkapatid at nasalubong ng tingin ni Alexander ang mababangis na mata ni Victoria. Sa sandaling iyon, bigla siyang kinilabutan.…Umupo si Alexander sa harapan ni Martin nang pumasok siya sa main palace. “Nandito ka pala…” Pinilit na ngumiti ni Martin. Tinatrato siya ni Alexander na parang isang puno, iniisip niyang isa siyang kanlungan sa l
Tahimik na tinitigan nang masama ni Alexander si Neil. Nakatitig pa rin si Neil at tulalang-tulala. Pinaglaruan niya ang singsing sa daliri niya. Natauhan lang siya pagkatapos nang matagal na sandali nang para bang kinausap siya ni Alexander. “Uy, anong sinabi mo?”“Wala lang.” Pinilit ni Alexander na ngumiti, “Iniisip ko lang kung dapat ko bang tanggalin ang hereditary knighthood sa hinaharap.”Nagtaka si Neil. “Bakit?”“Kung umayon ang lahat sa plano, mamanahin mo ang knighthood ni General Harris.”“Tama ka.” Tumango siya. “Ano naman ngayon?”Ngumisi si Alexander. “Iniisip ko lang na hindi makatwiran ang hereditary knighthood system. Hindi ko to pwedeng ibigay sa isang hangal, tama?”Nanlaki ang mga mata ni Neil at sinubukan niya siyang suntukin. “Hoy!”Umilag si Alexander nang inihampas ni Neil ang kamao niya. Ngumiti siya at nagsabing, “Nagpakahirap akong ihanda ang palabas na'to para sa'yo… Tapos ganito mo ko tatratuhin!”“Anong palabas?”Pumalakpak si Alexander, at
Malakas ang matatabang kamay ni Zuko. Pagkatapos hampasin ang ‘tambourine’, hinawakan niya ang sarili niyang pisngi at tumawa. “Zuko!” Hinila ni Zephyr ang mataba niyang kamay at nagpanggap na papaluin ito. “Bakit mo sinaktan ang tatay mo, bata ka. Paparusahan kita!”"Mama!"Umikot ang batang umiiyak para yakapin ang leeg ni Cordelia. Gayunpaman, hindi niya siya kinunsinti kagaya ng kadalasan. Sa halip, binaba niya siya sa lapag, hinayaan siyang umiyak, at nagpumilit na hindi siya kargahin. Hindi nagtagal, umupo siya kasama ni Zephyr. Huminto siya sa pagngiti at nagsalita habang nakatingin ng seryoso sa kanya, “Aling kamay ang pinamalo mo kay Daddy? Ipakita mo!”Nanlaki ang mata ni Zuko bago kumunot ang noo niya. Iiyak ulit siya, pero tinitigan siya ni Cordelia. “Masamang nananakit ka ng iba! Tatay mo siya. Bakit mo siya sinaktan?”"Wah…"“Aling kamay ang pinamalo mo kay Daddy? Ipakita mo sa'kin!”Napagtanto na ni Zuko kung anong nangyari ngayon. Nalaman niyang wala na si
“Parang…” Kumunot ang noo ni Cordelia at nag-aalangang nagsabi, “Parang may nakita akong dumaan dito kanina!”Tumingin si Zephyr sa pagkaalerto pero wala siyang nakitang kaduda-duda. Disente ang ekolohikal na kapaligiran sa loob ng palasyo dahil hindi naglagay ng restriksyon ang royal family sa maliliit na hayop. Palaging may mga pusang pumupuslit mula sa labas para maghanap ng pagkain o mga squirrel na tumatakbo sa puno. Pinag-isipan ito ni Zephyr at mahinang nagsabi, “Namalik-mata ka man o hindi, kailangan natin itong ipaalam kay Alexander at alertuhin siya.”“Mm, tama ka,” sumang-ayon si Cordelia. “Mas mabuti nang maging mas maingat.”Nagmadaling maglakad ang mag-asawa, pero pagdating nila sa gitna ng hardin, nakapwesto na ang lahat para sa larawan. Nakaupo si Martin sa gitna habang nasa magkabilang gilid niya sina Aurelia at Alexander. Nakasuot ng korona ang magpinsan at nakasuot nang pormal. Dagdag pa sa nakakamanghang itsura nila, hindi mapigilang isiping ganito siguro a
Dinala si Neil sa VIP ward pagkatapos niyang lumabas ng operation theater. May malaking bintana sa ward at nakaupo si Aurelia sa labas nito habang nakatingin kay Neil na nakahiga nang tahimik sa kama. Isang klase ng sakit na hindi alam ng kahit na sino ang nakatago sa ekspresyon niya. Ngayon niya naintindihan na hindi ka makakakibo sa gitna ng matinding sakit—hindk ka makaiyak, makatawa, makasalita, o makakilos. Nakaupo lang siya roon nang parang troso at pinapanood siya sa takot na may malampasan siyang isang segundo o minuto. Paulit-ulit sa utak niya ang eksena bago hinimatay si Neil. …Duguan siya at ginamit niya ang buong lakas niya para hawakan ang kamay niya bago siya bumunot ng isang diamond ring nang hirap na hirap para isuot ito sa daliri niya. “N-Nagpopropose ako…” Dumudugo rin ang bibig ni Neil at halos hindi siya marinig. “Aurelia, wag kang matakot… Hindi ako mamamatay. Papakasalan kita.”Halos wala na siyang malay at para bang nahiwaan ang puso ni Aurelia. …T
Ang singsing na hawak niya ay kapareho ng nasa daliri niya, naiiba lang ng sukat. Isa itong pares. Kung hindi lang nangyari ang aksidente… Hinawakan ni Aurelia ang dalawang singsing habang iniisip kung paano desperadong sinuot ni Neil ang singsing sa daliri niya pagkatapos mabaril. Kumirot nang matindi ang dibdib niya. “Siya…” Binuksan niya ang bibig niya sa kagustuhang magtanong, pero parang nakasara ang lalamunan niya at hindi siya makapagsabi ng kahit isang salita. Naawa si Carter sa kanya at ang nagawa niya lang ay magsabi sa kanya, “Ang balikat niya ang tinamaan ng bala, hindi isang vital organ, at nasalinan na siya ng dugo. Magigising rin siya.”“Talaga?”“Oo, sigurado ako.”“Gaano katagal?”“Uhh…” Nag-alangan si Carter. Hindi sinabi sa kanya ng pinsan niya kung gaano katagal ang kailangan niya! Imposible ito!Isang tapat na tao si Carter na may mataas na pamantayan ng edukasyon at moralidad buong buhay niya, tapos ngayon, sa pinakaunang beses, nagsinungaling siya—nags