Share

Kabanata 889

Habang nakatulala pa rin si Aurelia, pinakita ng misteryosong tao sa likuran ni Alexander ang tunay niyang mukha.

Tinakpan ni Aurelia ang bibig niya nang muntik na siyang tumili.

“Wag kang masyadong magulat…” Sinusubukan rin ni Alexander na pigilan ang tawa niya.

Paanong di siya magugulat?

Nang pumasok silang dalawa ngayon lang, inisip ni Aurelia na ang nakasunod kay Alexander ay isang… katulong!

Tinignan niya si Neil mula ulo hanggang paa nang nanlaki ang mga mata.

Nakasuot siya ng short-sleeved blouse at mahaba at makitid na palda—isang large-size na makitid na palda. Nakasuot pa siya ng bulaklaking sapatos at may headscarf.

Kung hindi mo titignang maigi, iisipin mo lang na isa lang siyang katulong na malaki ang katawan! Ang katulong na may malaking katawan ay naglakad nang kumekembot ngayon lang!

Namula ang mukha ni Aurelia. Nang nakita niya ang sama ng tingin ni Neil, hindi na niya napigilan ang sarili niya. Isang malakas na tawa ang nakatakas kasabay ng luha niya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status