Hindi nagtagal, sinuyod ang buong Irwin Pharmaceuticals. Sinabihan ang lahat ng pabrika ng gamot sa ilalim nila na huminto sa pagpapatakbo. Sinara ang mga botika at hininto ang pagpapadala sa ibang bansa. Kahit ang ilang ospital sa ilalim nila ay hindi pwedeng magpapasok ng pasyente. Sa loob ng ilang araw, para bang bumagsak ang negosyo, kung kaya't nag-alala ang lahat sa pamilya. Hindi naniwala si Martin nang una niya itong narinig. Sa pagkakaalala niya, mapagbigay at marangal si Rowan. Hindi niya lang dinala ang Irwin Pharmaceuticals sa mas mataas na tagumpay, pinanatili rin nila ang presyo ng lahat ng gamot nila nang 20 taon habang lahat ng pharmaceutical companies ay nagtataasan ng presyo. Ang isang tao ay pwedeng maging mapagbigay ng isa o dalawang beses sa isa o dalawang buwan. Sinong gagawa ng bagay na makakadehado sa kanila nang 20 taon?Kumunot ang noo ni Martin. Inisip niyang may ibang nangyayari rito. Mayroon sigurong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng lahat.
“Oh, ito pala si Mr. Z ng mga Hamerton?”Isang lalaki ang nakatingin sa video sa phone niya at misteryosong ngumiti, lalo na nang narinig niyang sinabi ni Zephyr na, “Sa tingin mo ba mga uto-uto kami?”.Nagsalin ng tsaa si Rowan sa taas niya habang tinitigan niya ang chessboard. Iniisip niya kung anong susunod na gagawin. “Kinakausap kita. Bakit nakatingin ka sa chessboard?”Tinaas ni Rowan ang kamay niya at nilapag ang chess piece. “Huli ka!”Nanlaki ang mga mata ng lalaki. “Ikaw…” “Sinong nagsabi sa'yong tignan mo ang son-in-law ko sa halip na pagtuunan ng pansin ang chess?”Namumuhi siyang tinignan ng lalaki nang parang noong nakatingin siya sa kalaban sa gitna ng digmaan. Ngumiti si Rowan habang masaya niyang kinain ang meriendang dala ng lalaki. Pinagpadala niya pa siya ng medical books pagbalik niya sa susunod para hindi siya masyadong mayamot. Isa itong nakahiwalay na courtyard na may artipisyal na bundok, bulaklak, at mga halaman. Kung hindi nakikita ang maraming
Mukhang nagpapatagal si Carmella para magpatuloy na bigyan ng gamot si Helene sa isang buwan na iyon para hindi na siya magising. Tumingin si Rowan kay Neil at nagtanong, “Neil, sinong nag-aalaga kay Princess Lene ngayon?”“Ang medical team noon,” sabi ni Neil. “Pinabalik ni Queen Carmella ang dating medical team sa sandaling naaresto ka, tito.”Kung tama si Rowan, ang gamot na tinuturok nila kay Helene ang ugat ng sakit niya!“Kunin mo si Aurelia para makuha ang gamot mula sa medical team!”“Tito…” Kumunot ang noo ni Neil. Hindi niya gustong madamay si Aurelia. Mas gugustuhin niyang siya na lang ang dumaan sa panganib. “Kailangang siya ang gagawa nito.” Determinado si Rowan. “Bakit?”“Dahil…” Nag-aalangan si Rowan. Tumawa siya. “Kumuha ka ng report kay Carter, tapos sina Cordelia at Zen ang magkekwento sa'yo. Maiintindihan mo kung bakit kailangang si Aurelia ang gumawa nito pagkatapos mo silang pakinggan!”Nagtaka si Neil at di niya ito naintindihan. Nagkatinginan ang ma
Nagkatinginan ang mga tao sa isa't-isa at nanahimik. Sumandal si Aurelia sa pader nang mukhang tinatamad. Naglilinis siya ng tainga at pinaglalaruan ang buhok niya. Mayroong ngiti sa mukha niya na para bang wala siyang pakialam. Nakapag-isip sila pagkatapos itong pag-usapan. Naglakad paharap ang nauunang doktor at nagsabi sa kanya, “Tuturukan namin si Princess Helene ng gamot.”Tinaas niya ang kilay niya. “Anong gamot?”“Natural, isa tong bagay na makabubuti para sa sakit niya. Ito ang tinuturok sa kanya matagal na na nagpapakalma sa kanya pagkatapos niyang maturukan.”“Oh…” Tumango si Aurelia. ‘Kung ganun, nasaan na ang gamot?”Naglabas ang lalaki ng prescribed medicine injection mula sa medical box na hawak niya. Iniunat niya ang kamay niya at nagsalita nang may misteryosong ngiti, “Sige, ako nang bahala!”“Ano?”“Pinagbabawalan ni Princess Lene ang kahit na sino na lumapit sa kanya, kahit ang taong magtuturok sa kanya. Matatakot siya! Nagsagawa ng acupuncture sa kanya s
Pinag-isipan ito ni Cordelia at nagsabing, “Sa tingin ko rin medyo misteryoso si Tito Bond, hindi kagaya ng isang manunulat na palaging nakakulong sa bahay para magsulat. Narinig ko kay Trinity na biglang sumikat ang mga sinulat niya nitong nagdaang dalawang taon, pero napakahusay niya sa pagsusulat nang may malinaw na lohika, tapos nakakagulat ang mga storya niya na may hindi inaasahang kwento. Tapos…”“At pakiramdam ko talagang nangyari ang mga kwentong yun,” mahinang sabi ni Zephyr. Ang mga nobelang nasa tabi ng kama niya ay mga sinulat ni Jim. Magaling sa pagsusulat si Jim gamit ng first-person point-of-view. Ilan sa mga misteryo novels niya ay nakasulat sa perspektibo ng isang detective. Inisip ni Zephyr sa umpisa na isa lang itong anyo ng creative expression, pero ngayon… inisip niyang posibleng si Jim mismo ang first-person POV!“Sige na, wag na nating pag-usapan si Tito Bong sa ngayon,” mahina ang boses ni Cordelia habang tinignan niya ang relo niya at nakangiting nagsali
Nanlaki ang mga mata ni Zuko. Mukhang hindi niya maintindihan ang nangyayari. “Maliligo ka kasama ni Daddy ngayon. Di na natin gagamitin ang batya. Maliligo tayo nang nakatayo!”“Huh?” Nagulat si Cordelia. “Hindi pwede, ito—”Bago niya sila mapigilan, dinala ni Zephyr ang anak nila sa banyo nang may mabilis na mga hakbang at sinara ang pinto. Nag-aalala si Cordelia sa labas. Isang sandali lang, narinig ang tunog ng dumadaloy na tubig. Sa umpisa, para bang hindi masanay si Zuko stop at medyo umingit at umiyak siya. Pinatahan siya ni Zephyr gamit ng pambihirang paraan ng isang striktong tatay.“Bata, lalaki ka ba? Natatakot ka sa konting talsik ng tubig?“Binabanlawan lang ang ulo mo. Anong iniiyak-iyak mo diyan!?”“Zuko Hamerton, isa pang ingit at di ka makakainom ng gatas pagkatapos mong maligo!”Kumirot sa galit ang puso ni Cordelia at hiniling niyang pwede siyang pumasok at mambugbog!Hindi nagtagal, huminto si Zuko sa pag-iyak at narinig niya ang mga tawa mula sa loob n
Nagbago ang mukha ni Carmella at nagsalubong ang kilay niya.“Anong gusto mong sabihin?”Inipon ni Joy ang lahat ng tapang niya. Ito ang huling pagsubok niya kay Carmella. Kasama na niya si Carmella simula noong 18 taong gulang siya. Mahirap putulin ang maraming taon nang samahan nila. Sa kabila ng katapatan niya para kay Carmella, walang malalim na nararamdaman ang reyna para sa kanya. “Kamahalan…” sabi ni Joy nang may mahinang boses, “Tungkol to sa pag-aaral ng anak ko.”Medyo naiinis ang ekspresyon ni Carmella. “Hindi ba hinanda ko na yan para sa'yo?”“Kamahalan!” Tumingala si Joy sa kanya. “Hindi maganda ang paaralang yun! Nag-aaway ang mga estudyante at di ginagawa ng mga guro ang trabaho nila. Ang gulo ng buong paaralan at wala kang matututunan roon!”“Pero yun lang ang paaralang hindi nangangailangan ng birth registration,” diin ni Carmella. “Joy, anak mo ang batang yun nang hindi ka kinakasal. Hindi mo nga maayos ang isyu sa birth registration niya, kaya paano siya mak
Tumango si Aurelia. Matagal na siyang handa. “Ano ang tumawag sa atensyon ng lahat sa bagay na ito.” Tumawa siya. “Kung ganun, gusto ni Queen Carmella na tumestigo ako sa korte at akusahan si Mr. Irwin bilang salarin na nanakit kay Princess Lene.”“Tamang-tama ka.” Tumango si Alexander. “Pero hindi ko hahayaang makuha ang gusto niya.”“Ang mahalaga ay alam mo kung anong sasabihin sa korte.” Huminto si Alexander at nakangiting nagsabi, “Medyo kumplikado ang trial process, kaya dapat handa ang loob mo at sa araw na iyon… baka may mangyaring hindi inaasahan.”“Hindi inaasahan?” Kumurap ang bilugang mga mata ni Aurelia. Hindi niya naintindihan ang ibig sabihin nito. Hindi na nagpaliwanag si Alexander, pero may bakas ng simpatya sa nga mata niya ang tumingin siya sa babae sa harapan niya. Dapat lumaki siya kasama niya, at pakiramdam niya ay magiging isa siyang malambing at mabuting… nakababatang pinsan. Nagtanong ulit si Aurelia, “Kamahalan, may iba pa bang mangyayari?”Tumingin