“Kamahalan…” Biglang nagbago ang ekspresyon ng alalay. “Kamahalan, kumalma ka. Nagbigay ng utos ang Mahal na Hari na walang sinong pwedeng—”“Bakit, wala na bang kwenta ang mga salita ko ngayon para sa'yo?” Sumama ang mukha ni Victoria. “Gawin mo ang sinabi ko!” Nang walang ibang pagpipilian, pumunta ang alalay sa palasyo sa kanluran.Nakatayo si Victoria sa balkonahe habang malamig na nakatitig sa masayang kasalan sa malayo. Isang mabangis na ngiti ang lumitaw sa gilid ng mga labi niya. …Pagkatapos pasalamatan ni Aurelia ang dalawang embroidery artist, umalis siya ng dressing room. Maayos na ang mga damit niya. Ang bago niyang tassels ay gawa sa kalidad na materyales sa palasyo at ang dalawang embroidery artist na tumulong sa kanya ay mahusay at mabilis magtrabaho. Nakangiti si Aurelia habang dumaan siya sa parehong daan para makabalik. Humihimig siya ng isang kanta sa daan. Nang dumaan siya sa banquet hall, nakita niyang walang masyadong tao sa loob. Karamihan sa mga
Sumikip ang lalamunan ni Alexander at kumplikado ang titig niya. Natagalan siya bago siya nakapagsabing, “Pasensya na.”“Pasensya?” Tumaas ang kilay ni Zephyr at nagsabi nang nagngingitngit ang ngipin, “Hindi ko kailangan ang pasensya mo. Gusto ko lang malaman ang totoo!“Kasal ko ngayon. Gusto kong bigyan ang asawa ko ng magandang alaala na babalikan niya, tapos nagkaganito ang lahat. Muntik nang masaktan ang anak ko!”“Pasensya na, pasensya na talaga…” Nanlumo si Alexander pero wala siyang nagawa kundi humingi ng tawad. Hindi niya alam paano babanggitin ang sikreto ng royal family, pero hindi niya gustong magalit si Zephyr. Kahit na hindi siya ang nakatayo sa tabi ni Zephyr, gusto niya pa ring gawin ang lahat para pasayahin siya. Mahina siyang sinabihan ni Remus, “Kamahalan, tinurukan na ng pampakalma si Princess Lene at nakatulog na siya. Dinala siya ng mga gwardya pabalik sa west palace.”“Sige.” Mahina ang sagot ni Alexander. “Kamahalan!” Kinakabahan si Remus. “Hindi ka
“Bata pa ako nun, at mas lalo kong gustong tignan ang mga lugar kung saan ako pinagbabawalan. Isang araw, nagpunta ako sa hall at natuklasan kong madaming gwardya sa west palace. May mga bakal na rehas pa nga sa bintana nito… Hindi ito mukhang west palace kundi isang kulungan. At nakakatakot ito kahit saan. Kinilabutan ako sa sandaling nagpunta ako roon.“Hindi nagtagal, nalaman ko na ang taong nakakulong doon ay ang tita ko, si Princess Helene.”Hindi makapaniwala ang iba. “Bakit siya nakakulong doon?”“Hindi ako sigurado tungkol dito.” Umiling si Alexander. “Sinasabing nakakulong siya roon dahil nakagawa siya ng malaking pagkakamali. Wala siya sa sarili, at gumagastos ang Mahal na Hari ng malaking halaga para sa pagpapagamot sa kanya bawat taon, pero isa itong sikreto sa loob ng palasyo. Walang magsalita tungkol dito.”“Gumastos sa pagpapagamot?” Tumawa si Rowan. “Napakaraming gamot at mga sikat na doktor sa Irwin Pharmaceuticals. Bakit sila gagastos ng pera sa labas?”Tumingin
Tahimik siyang tinignan ni Cordelia nang nakakunot ang noo. Lumitaw sa magaganda niyang mata ang mga kumplikadong emosyon. Hindi siya umaasang totoo ito, pero hindi talaga lohikal ang kabutihan ni Alexander sa kanila. Kinagat niya ang labi niya nang mukhang hindi natutuwa. Lumapit sa kanya si Zephyr nang may malumanay na ngiti. Tumingin siya sa kanya at bahagya siyang tinulak para magkaroon ng distansya sa pagitan nila. “Sa tingin ko… iba ang nararamdaman ni Alexander para sa'yo.”“Ano?” Narinig ni Zephyr na umugong ang tainga niya at nanigas siya nang matagal. “Cordelia, ikaw… Bakit mo naman naisip yun?”“Hindi sa iniisip ko. Siya ang hindi normal ang kinikilos.” Naging malalim ang boses ni Cordelia. “Hindi ba parang ang bait niya masyado sa'tin? Akala mo nung una gusto niya ako, pero hindi yun!“Honey, sa tingin ko… ikaw ang gusto niya!”May bakas ng panghihina ang malungkot na boses ni Cordelia. Hindi kailanman nagkamali ang kutob ng isang babae. Tumalikod siya at di n
“Ms. Cordelia… gusto mo ba ng prutas?”“Prutas?” Huminto si Cordelia. “Hindi naman?”“Bakit pala pupunta si Mr. Zephyr sa storeroom? Puno lang ng prutas ang storeroom!”Mas lalong nagtaka si Cordelia. Ngunit hindi nagtagal, nakita niya si Zephyr na lumabas dala ang dalawang malaking pinya. Nilapag niya ito sa harapan niya. “Anong… ginagawa mo?” Umatras nang ilang hakbang si Cordelia. Seryoso ang mukha ni Zephyr nang bumulong siya, “Luluhod ako.”“Ikaw…”“Darling, gumawa tayo ng patakaran, di ba?” Tumawa siya. “Una, ang asawa ko ang palaging tama. Pangalawa, kung mali ang asawa ko, bumalik tayo sa unang patakaran!“Kaya walang paliwanag sa bagay na ito. Kasalanan ko to!“Dahil nagkamali ako, kailangan kong maparusahan. Lumuluhod sa washboard si Nicholas? Luluhod ako sa pinya!”Nanlaki ang mga mata ni Cordelia nang tinitigan niya siya nang hindi makapaniwala. Kaagad siyang naawa. Matulis ang balat ng pinya. Paano kung masaktan siya? Nagsimula na siyang mag-isip sa sarili ni
Pagkatapos umakyat ni Zephyr, napansin niyang walang tao sa master bedroom. Huminto siya bago pumunta sa baby's room. Noong inayos nila ang baby room, may isa pang kama sa tabi ng baby bed ni Zuko. Para ito sa yaya na mag-aalaga sa kanya sa gabi. Sa ngayon, nakita niya si Cordelia na natutulog sa maliit na kama kasama ng anak nila…Sumimangot si Zephyr at dumilim ang titig niya habang sumugod siya papasok. Ito ang iniisip niya. ‘Kagaya talaga ng inaasahan, hindi ko pwedeng sanayin ang isang babae!’Sumosobra na siya at natutulog sa ibang kwarto ngayong nakalamang siya! Mamaya, kailangan niyang gamitin ang pagkalalaki niya bilang asawa para ipakita sa kanya kung paano dapat sinusunod ng asawang babae ang lalaki!Sa kabila nito, ito ang ginawa niya. Habang papalapit siya sa kama, mas gumaan ang mga hakbang niya. Pagkatapos ay maingat siyang umakyat sa kama at siniksik ang sarili niya sa maliit na espasyo sa gilid ng kama. Nakatawa niyang sabi, “Darling, matutulog ako kasama
“Martin!”Takot na tumingin sa kanya si Carmella habang hawak niya ang kamay niya. Tumingin siya sa paligid—may ilang gwardya lang sa main hall at malapit sa kanya ang dalawang attendants. Sinabihan niya ang lahat na umalis at naiwan sila ni Martin sa hall. Huminga nang malalim si Carmella at mahinang nagsabi, “Alam kong nagsisisi ka sa nangyari kay Helene, pero ganun ang totoo. Wala tayong ibang magagawa! Ang magagawa lang natin sa kanya ay panatilihin siya sa west palace para makapagpahinga nang mapayapa at gumamit ng pinakaepektibong gamot para sa kanya sa lahat ng nagdaang taon!“At saka, sa nangyari noon… hindi siya uupo sa trono. Napatalon si Martin habang umulit sa isipan niya ang nakaraan. Sa magkakapatid sa royal family, siya ang pinakamalapit kay Helene. Naaalala niyang lumaking matalino, maganda at may kakayahan si Helene. Isa siyang marangal at eleganteng prinsesa sa iba, pero mapaglaro siyang ngumingisi sa harapan ng kuya niya. May malawak na dagat sa labas ng
“Nahumaling ako sa trono noon, pero hindi ako pwedeng magpatuloy na maging mali ngayon.” Tumingala si Martin. Ang titig niya ay may makinang na determinasyon. “Kahit ano pa ang halaga kailangan kong sabihan si Rowan Irwin na pagalingin si Helene!“Hahanapin ko ang batang iyon at magkikita silang muli!”…Pagkatapos ng atake sa palasyo, dinala ni Cordelia si Aurelia sa bahay para magpahinga at pagalingin ang sugat niya. Nahiya si Aurelia dahil pakiramdam niya ay mababaw na sugat lang ito. Gayunpaman, sa mga mata ni Cordelia, kung hindi kumilos si Aurelia, mauuwi ang tinidor na iyon sa anak niya. Dahil dito ay si Aurelia ang tagapagligtas nila. “Manatili ka lang rito at magpahinga!” Sabi ni Cordelia, “Hindi ba naghahanda ka para sa university? Malawak at tahimik dito. Marami kaming libro sa bahay. Pwede kang mag-aral nang mapayapa!“Para naman sa trabaho mo sa patahian, pwede kang ihatid ng chauffeur papunta sa trabaho mo kung gusto mong manatiling magtrabaho roon. Kung ayaw mo n