“Nahumaling ako sa trono noon, pero hindi ako pwedeng magpatuloy na maging mali ngayon.” Tumingala si Martin. Ang titig niya ay may makinang na determinasyon. “Kahit ano pa ang halaga kailangan kong sabihan si Rowan Irwin na pagalingin si Helene!“Hahanapin ko ang batang iyon at magkikita silang muli!”…Pagkatapos ng atake sa palasyo, dinala ni Cordelia si Aurelia sa bahay para magpahinga at pagalingin ang sugat niya. Nahiya si Aurelia dahil pakiramdam niya ay mababaw na sugat lang ito. Gayunpaman, sa mga mata ni Cordelia, kung hindi kumilos si Aurelia, mauuwi ang tinidor na iyon sa anak niya. Dahil dito ay si Aurelia ang tagapagligtas nila. “Manatili ka lang rito at magpahinga!” Sabi ni Cordelia, “Hindi ba naghahanda ka para sa university? Malawak at tahimik dito. Marami kaming libro sa bahay. Pwede kang mag-aral nang mapayapa!“Para naman sa trabaho mo sa patahian, pwede kang ihatid ng chauffeur papunta sa trabaho mo kung gusto mong manatiling magtrabaho roon. Kung ayaw mo n
“Ikaw ang magkusa kung ayaw niya!” Naiinip na si Cordelia para sa kanila. “Hindi pa ba sapat yung ginagawa ko?” Kumunot ang noo ni Neil at nagpanggap na naman na mapagmalaki. “Nagtapat na ako isang beses… at naglalaro siya ng palaka nang ginawa ko yun! Hindi ko na'to gagawin sa pangalawang beses. Kung hindi mabubugbog ang ego ko!” “…”“Bahala na, magtitiyaga ako sa kanya.” Ngumisi si Neil. “Titignan natin kung sinong matitira sa huli!”Umalis si Cordelia habang tinatakpan ang mukha niya. Hindi madaling hawakan ang dalawang ito—matitigas ang ulo nila na mahilig inisin ang isa't-isa. “Hoy, Cordelia, bakit ka umaalis? Hindi pa ako tapos sabihin sa'yo ang plano ko!”“Di ko na papakinggan yan!” Tumakas si Cordelia. “Hinahanap na ako ni Zuko!”“May isa pa!” Sumigaw si Neil mula sa likuran. Hindi ba nagpa-checkup si Aurelia pagkatapos niyang masaktan? Anong sabi sa report? Na kay Tito Rowan ba yun?”…Dumating si Victoria sa side hall kung saan naghihintay sa kanya si Carmella. Ka
“Para naman kay Aurelia Chilton…” Tumingin si Carmella kay Victoria sa inis. Hindi pa niya naiisip kung anong gagawin kay Aurelia. Sa ngayon, mukhang siya ang pinapahalagahan ni Neil. Base sa kung gaano inaalagaan ni Noah si Neil, dagdag pa sa hindi pagiging mapili ni Noah pagdating sa katayuan sa buhay at pamilyang pinagmulan, mataas ang posibilidad na hahayaan niyang ikasal si Neil kay Aurelia. Sa halip na hayaang magwala si Victoria at magalit niya ang mga Harris, mas maganda kung tutulong na lang siya at gamitin si Aurelia para makuha ang suporta ng mga Harris. Ang pinakalayunin naman niya ay panatilihin ang paghahari ni Martin. Mahal ni Carmella si Martin. Basta't makabubuti sa kanya, wala siyang pakialam sa ano mang maging kapalit. Ang mga Irwin man o ang mga Harris, magiging lakas sila na magagamit ni Martin kapag nagawa niya silang hilahin sa panig nila. Gagawin niya ang kahit na ano para burahin ang kahit na sinong pipigil sa kanya!“Tita…” Nag-iingat na tumingin
Huminto si Rowan at ngumiti sa halip na sumagot. Lumingon si Alexander para tulungan siya. “Mr. Irwin, narinig kong mayroon kang White Egret Orchids dito, na tinaguriang mga pambihirang halaman. Ngayon ang blooming season ito. Seswertehin ba akong makita ito?”“Syempre naman!” Mabilis na sumagot si Rowan, “Dito ang daan, Kamahalan!”Umalis sina Alexander at Rowan para tignan ang mga bulaklak habang nag-usap sila. Si Victoria naman na naiwan ay mukhang galit na galit. “Kamahalan, hindi mo kailangang bumaba sa lebel nila!” pinakalma siya ng katulong sa tabi niya. “Hah, bakit naman ako bababa sa lebel nila?” Ngumisi si Victoria, “Ako ang susunod na magiging pinuno. Pagsisisihan nila ang pambabastos nila sa'kin ngayon!”“Oo, pagdating ng oras!” Pagkatapos ay sinenyasan siya ng katulong na tumingin sa labas ng bintana. Nang nagpunta si Victoria sa bintana, narinig niya ang mga tawanan sa labas. May dalawang tao sa tabi ng pool—sina Aurelia at Neil…Malapit sa rainforest ang Irwi
Bumuntong-hininga si Zephyr nang nakahawak sa mukha niya. Masaya ang mga araw niya noong bago siya magkaanak… Malumanay na parang kuneho si Cordelia at hilig niyang dumikit sa kanya—sinabi niyang iyon ang lugar kung saan siya pinakaligtas sa buong mundo. Ngayon?Sinakop ng anak nila ang sarili niya, ang puso niya, at ang buong mundo niya! Nag-isip ng paraan si Zephyr para baguhin ito. Isa na rito ang patigilin sa pag-inom ng gatas si Zuko mula sa nanay niya. Nang anim na buwan na ng bata, kumaunti ang gatas ni Cordelia at hindi masyadong maganda ang kalidad nito. Nagngingipin na rin si Zuko noon at namamaga ang gilagid niya kaya madalas na nasasaktan si Cordelia sa pagkagat niya. May isang beses na dumedede ang bata habang nangangagat. Nakita ni Zephyr kung paano kinakagat ni Cordelia ang labi niya para pigilang sumigaw kahit na pinagpapawisan siya sa sakit. Kumirot ang puso niya. Hindi siya nagtangkang sumigaw dahil natatakot siyang matakot ang bata, pero hindi hahayaan n
Inimbitahan ni Alexander ang mag-asawang Hamerton at ang anak nila para maging bisita niya sa palasyo. Kinuha niya rin ang pinakamagaling na photographer sa Southeast Aciatic para kumuha ng family photo para sa kanila. Hindi magaling sa paglalakad si Zuko at minsan ay kailangan niya ng baby walker, also nagustuhan niya ang royal garden. Kinaway niya ang matataba niyang braso sa hardin habang gumagawa ng ingay sa sabik na makita ang mga paru-paro at ibon. Kinarga siya ni Zephyr para sumakay sa balikat niya at tumili ang bata sa tuwang nararamdaman niya. Napatalon ang puso ni Cordelia habang pinapanood sila at gusto niyang pigilan si Zephyr nang ilang beses, ngunit pinigilan siya ni Alexander. “Wag kang mag-alala. Alam siguro ni Mr. Hamerton ang ginagawa niya at hindi niya sasaktan ang anak niyo!” Ngumiti siya. Huminto si Cordelia bago siya ngumiti. Sa kabila ng sinabi ni Alexander, sinabihan niya ang palace guards at ang katulong na sundan ang mag-ama. Kahit na magkamali si Ze
Nakita ni Neil si Victoria na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at kumunot ang noo niya. Binalot niya ang braso niya kay Aurelia at hinila siya sa tabi niya. Naintindihan ito ng iba nang nakita nila ang reaksyon ni Neil. Kahit na hindi nila gustong galitin ang prinsesa, hindi rin madaling banggain ang mga Harris. Kung kaya't yumuko sila sa paggalang at naghanap ng palusot para maglakad papalayo. Hindi makapaniwala si Victoria. Hindi siya pinansin ng lahat! “Victoria.” Nagmula sa likuran niya ang boses ni Alexander. Lumingon siya at nakita niya ang maliit na ngisi ng kapatid niya. “Sinabi ko na sa'yong wag mong masyadong taasan ang tingin mo sa royal status mo.” Mahina niyang sabi. “Hindi tanga ang mga tao. Alam nila kung sinong mahalaga sa hindi!”“Ano?” Ngumisi si Victoria. “Hindi ako pwedeng sumali ngayon sa kasiyahan? Nasa palasyo tayo. Ito ang bahay ko. Sa tingin mo tama na magsagawa ng party dito nang wala ang permiso ng may-ari!?”“Sumosobra ka na, Victoria.
Nahuhulaan ng katulong na malamang ay galit na naman si Victoria dahil kay Aurelia. Masunuring nagsabi ang katulong, “Kamahalan may bagong balita…”Kumunot ang noo ni Victoria. “Ano yun?”“Sabi ng in imbestigador, lumaki si Aurelia sa iskwater ng Melorian at nakasama ang mga nomad. Parehong illegal immigrants ang mga magulang niya. Isang drug addict ang taray niya habang prostitute naman ang nanay niya. Inabandona nila siya sa murang edad.”“Kaya malamang ay hindi siya konektado kay Aunt Helene.”Nakahinga nang maluwag si Victoria. Mukhang masyado lang siyang nag-iisip. “Syempre, Kamahalan!” Ngumiti ang katulong. “Mababa ang pinagmulan ng p*tang yun. Maswerte siya nakapunta siya ng Southeast Aciatic! Kamahalan, ano… Anong nangyari sa'yo? Nakaaway mo na naman ba si Mr. Harris?”Lumingon palayo si Victoria sa inis. Mas maganda kung nag-away talaga sila! Hindi niya alam kung gaano katindi ang mga sugat ni Neil at kung paano niya aayusin ito…Binalaan na siya noon ni Carmella n
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala