"Ikaw… Lahat kayo, manahimik kayo!" Galit na galit si Yelena dahil napahiya siya at tumakbo siya paalis. Subalit, natapilok siya dahil sa mataas niyang takong at namilipit siya sa sakit. Tumayo si Cordelia sa tabi ni Yelena, pinagmamasdan niya ang nakakaawa niyang kalagayan. Siya ang may gawa nito sa sarili niya. Tinikom ni Cordelia ang kanyang mga labi. Hindi siya naawa kay Yelena. Kaso lang, isa rin siyang Jenner, kaya iisa sila ni Yelena sa mata ng ibang tao. Paanong hindi siya mahihiya kung may ganito siyang kamag-anak? Bago umalis si Yelena, tumingin siya ng masama kay Cordelia at halos madurog ang kanyang mga ngipin sa sobrang pagngingitngit ng mga ito. Ngumiti si Oliver at tumingin siya sa mga tao. "Isa lang itong hindi pagkakaunawaan. Ituloy na natin ang event!" Nagpatuloy ang handaan. Wala nang gana si Cordelia at tatalikod na sana siya noong tinawag siya ni Oliver. "Ms. Jenner, sandali lang."Walang nagawa si Cordelia kundi lumingon at binati niya si Oliver. Na
Nginitian siya pabalik ni Marcus at hinawakan niya ang kanyang kamay. "Oo nga, napakaswerte natin."Dahil sa kung paano mag-usap ang mag-asawa, hindi maganda para kay Oliver na ipagpatuloy pa niya ang pagtatanong tungkol sa bagay na ito. Kaya naman, nag-isip siya ng dahilan at umalis. Pagkaraan ng ilang sandali, umalis si Cordelia sa event kasama si Marcus. Habang naglalakad silang dalawa sa may kalye sa likod ng hotel, maliwanag ang gabi dahil sa buwan at mga bituin na nagkalat sa kalangitan. Sariwa ang hangin na may halimuyak ng mga bulaklak na tumutubo lang sa panahong ito, at napakasarap sa pakiramdam ng noong umihip ang hangin. Mayroon ding mga alitaptap sa mga halaman, kumukutitap at lalo nitong pinapaganda ang kulay asul na kalangitan. Ngumiti si Cordelia at sinandal niya ang kanyang ulo sa balikat ni Marcus. Mabagal silang naglakad, at sinamantala nila ang katahimikan at kagandahan ng paligid."Bakit mo sinabi 'yun kanina?" Bigla siyang tinanong ni Marcus. Huminto
Walang masabi si Marcus. “Wifey, akala ko ba ay hindi na natin pag uusapan si Mr. Z?”…Naghintay si Oliver sa labas ng private club ni Matthew.Ang club ay nasa ilalim ng Splendor Mountain. Nakatago ito. Maliban sa makapal na mga dahon sa paligid, maraming mga bodyguard na nakasuot ng shades at suit. Nanonood sila ng walang ekspresyon.Sa huli, may taong lumabas at inimbitahan ng mabait si Oliver.Kakatapos lang ni Matthew sa kanyang spa. Nakaupo siya sa soft deck chair habang may nakaluhod sa harap niya, nagbibigay sa kanya ng masahe.Naamoy ni Oliver ang amoy ng isang top-grade cigar sa oras na pumasok siya.“Sir, ito ay… Laroux mula sa Nesarus, hindi ba?”“Maganda ang panga amoy mo!” Tumingin si Matthew sa kanya mula sa sulok ng mga mata. Tinaas niya ang baba niya upang kumuha ang mga tauhan niya ng upuan para kay Oliver.Nagpakita ng ngiti si Oliver at umupo siya sa upuan.“Bakit ka nandito?” Nakasara ng kalahati ang mga mata ni Matthew. Humihithit siya sa sigarilyo at p
“Pero sir, nalaman ko na—”Nagring ang phone ni Matthew nang sasabihin na ni Oliver sa kanya ang tungkol sa emerald na singsing. Dinala ng tauhan niya ang phone, kaya binalaan ni Matthew si Oliver gamit ang kanyang mga mata, pinatahimik niya agad ito.Mabagal na bumangon si Matthew para sagutin ang phone. Bumalik lang siya pagkatapos ng ilang sandali.Tumingin siya ng malamig kay Oliver nang bumalik siya. “Umalis ka na.”“Sir?”“Nasa Melorian, Chaiseland si Zephyr!” Naubos na ang pasensya ni Matthew. “Pupunta siya sa Ricos bukas, pagkatapos ay sa Puarvis! Saan niyo nakuha ang walang kwentang impormasyon na ito?!”Hinagis niya sa ere ang dokumento tungkol kay Marcus, at bumagsak na parang nyebe ang mga papel.Nabigla si Oliver. Kasunod nito, pinakita ng tauhan ni Matthew ang isang video sa kanya. Ang tao ay nakatalikod sa camera, ngunit makikita na may suot itong mamahalin na damit.Ang background ng eksena ay ang landmark building ng Melorian—ang Rylands Square.“I-Imposible i
“Hindi mo alam?” Nabigla si Annie, sinabi niya kay Cordelia ng may seryosong mukha, “Tungkol ito sa inyong dalawa ni Mr. Jones. Sinabi nila na para bang sinapian siya na binigyan ka niya ng trabaho. Siya ang nagtulak sayo sa posisyon na supervisor.”Nabigla si Cordelia.Ngayon at napag isipan niya na ito ng mabuti, parang may tsismis nga na ganito. Bukod pa dito, kakaiba nga talaga si Oliver. Binigyan niya ng sabay sabay na limang sales ang kumpanya, at si Cordelia ang pinili niya.Sa ganitong performance, paanong hindi siya mapopromote?Gayunpaman…“Ang mga proyekto ko kay Mr. Jones ay win-win,” Binulong niya. “Hindi ko lang naiintindihan kung bakit pinipilit niya na makipag trabaho kasama ko.”“Pinapahalagahan niya siguro ang kakayahan mo!” Tinapik siya ni Annie sa balikat. “‘Wag mo na itong pag isipan masyado. Ang hula ko ay si Karine ang nagkalat ng tsismis na ito. Nawalan siya ng kapangyarihan, at dahil konti lang ang kakayahan niya, naiinggit siya sayo!”“‘Wag kang mag ala
Nilabas ni Cordelia ang phone niya at pinakita niya ang lahat ng text ni Oliver sa kanya nitong nakaraan.“Mukhang interesado siya sa akin, pero tungkol sayo lagi ang mga tanong niya.” Matalino si Cordelia. “Pati, binigyan niya ako ng limang sales noong napromote ako bilang supervisor. Ito ang laging pinag uusapan ng mga tao sa opisina! Pati, isa lang ang layunin niya kung bakit nakikipag trabaho siya sa akin—para makuha ang impormasyon mo.”Sumingkit ang mga mata ni Marcus. Alam niya ang nangyayari.Naghihinala na siya nang makita niya si Oliver sa party noong nakaraan. Ito ay lalo na pagkatapos magpakita ni Oliver ng kakaibang interes sa singsing na suot ni Cordelia. Naging alerto siya dahil dito.Mukhang si Matthew ay isa sa mga tauhan ni Oliver.Suminghal si Marcus. Masyadong mainipin ang second uncle niya. Kahit na nag utos ito ng magbabantay sa kanya, hindi dapat ito kumuha ng isang tao na madaling mabubunyag! Gayunpaman, kapag nalaman ni Matthew na nasa Jangasas siya sa hal
Habang nakayuko, hinalikan ni Marcus si Cordelia sa noo.“Wifey, alam mo ba kung ano ang dapat gawin ng isang atleta bago ang isang competition?”Ang mga mata niya ay puno ng pagdududa. Umiling siya ng inosente.Ngumiti si Marcus at binulong niya sa tainga ni Cordelia, “Hindi ako pwede makipagtalik.”Nabigla si Cordelia.“Kapag hinayaan ng isang atleta na hayaan ang mga damdamin niya na mangibabaw, ang mga binti niya ay magiging mahina sa fighting ring. Siguradong matatalo sila sa laban.”“Kaya ikaw ang masisisi.” Tumingin si Marcus kay Cordelia at nilaro niya ang pulang mga tainga nito. “Hindi ko mapipigilan ang sarili ko kapag nakita ka. Magkasama tayo araw-araw… Kaya paano ko pipigilan ang sarili ko?”“Uy…”Tumingin ng nakakaakit si Cordelia kay Marcus. May liwanag sa kanyang magandang mga mata.Ang mga lalaki ang mahina ang kontrol sa sarili, nunit sinisisi nila ang mga babae sa huli. HIndi ito patas!Kinagat ni Cordelia ang labi niya, mukhang ayaw niya. Samantala, ang gi
Tumitig si Marcus sa labas ng bintana. Ang Ricos Bridge sa malayo ay puno ng ulap. Pumikit siya, ang mga kilay niya ay puno ng pagkairita, at sumakit ang kanyang ulo.‘Gagawin ko ba itong sikreto mula sa kanya ng buong buhay ko?’Impossible ito. Hindi magtatagal, malalaman ni Cordelia ang katotohanan.Gayunpaman, ayon sa mga tradisyon ng mga Hamerton, kailangan niya pumili ng isang babae na mula tatlong malaking pamilya para maging asawa niya. Kapag sumama si Cordelia sa mga Hamerton, ano ang magiging kapalaran niya dito.Ang pinakamahalaga sa lahat, hindi siya ang tunay na Marcus.Huminga siya ng malalim at kinuha niya ang ID ni Marcus mula sa bulsa niya. Ang lalaki na nasa ID card ay may parehong mukha niya, ngunit hindi sila iisang tao. “Z.” Baka nga hindi matalino si Josiah, pero magaling siya bumasa ng emosyon ng iba. “Ang mungkahi ko ay tapusin mo na ang “training” mo. Ang lahat ng nandito sa Chaiseland ay halos tapos na, at tutulong kami ni Freddy na asikasuhin ang natiti
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala