Habang nakayuko, hinalikan ni Marcus si Cordelia sa noo.“Wifey, alam mo ba kung ano ang dapat gawin ng isang atleta bago ang isang competition?”Ang mga mata niya ay puno ng pagdududa. Umiling siya ng inosente.Ngumiti si Marcus at binulong niya sa tainga ni Cordelia, “Hindi ako pwede makipagtalik.”Nabigla si Cordelia.“Kapag hinayaan ng isang atleta na hayaan ang mga damdamin niya na mangibabaw, ang mga binti niya ay magiging mahina sa fighting ring. Siguradong matatalo sila sa laban.”“Kaya ikaw ang masisisi.” Tumingin si Marcus kay Cordelia at nilaro niya ang pulang mga tainga nito. “Hindi ko mapipigilan ang sarili ko kapag nakita ka. Magkasama tayo araw-araw… Kaya paano ko pipigilan ang sarili ko?”“Uy…”Tumingin ng nakakaakit si Cordelia kay Marcus. May liwanag sa kanyang magandang mga mata.Ang mga lalaki ang mahina ang kontrol sa sarili, nunit sinisisi nila ang mga babae sa huli. HIndi ito patas!Kinagat ni Cordelia ang labi niya, mukhang ayaw niya. Samantala, ang gi
Tumitig si Marcus sa labas ng bintana. Ang Ricos Bridge sa malayo ay puno ng ulap. Pumikit siya, ang mga kilay niya ay puno ng pagkairita, at sumakit ang kanyang ulo.‘Gagawin ko ba itong sikreto mula sa kanya ng buong buhay ko?’Impossible ito. Hindi magtatagal, malalaman ni Cordelia ang katotohanan.Gayunpaman, ayon sa mga tradisyon ng mga Hamerton, kailangan niya pumili ng isang babae na mula tatlong malaking pamilya para maging asawa niya. Kapag sumama si Cordelia sa mga Hamerton, ano ang magiging kapalaran niya dito.Ang pinakamahalaga sa lahat, hindi siya ang tunay na Marcus.Huminga siya ng malalim at kinuha niya ang ID ni Marcus mula sa bulsa niya. Ang lalaki na nasa ID card ay may parehong mukha niya, ngunit hindi sila iisang tao. “Z.” Baka nga hindi matalino si Josiah, pero magaling siya bumasa ng emosyon ng iba. “Ang mungkahi ko ay tapusin mo na ang “training” mo. Ang lahat ng nandito sa Chaiseland ay halos tapos na, at tutulong kami ni Freddy na asikasuhin ang natiti
“Nagsisinungaling sila!” Hinampas ni Cordelia ng malakas ang mesa, at nanginig ang katawan niya sa galit. “HIndi ko ito ginawa! Sinetup ako! Si Karine siguro ito! Sabihin niyo sa kanya na lumabas at harapin ako!”“Hinaan mo ang boses mo!” Hinampas ng interrogator ang mesa gamit ang kanyang kamay, ang boses niya ay malakas at nag echo ito sa buong kwarto. “Nasaan ka ba sa tingin mo? Ang lakas ng loob mo para sumigaw ng ganito?”“Hindi ako aamin sa isang bagay na hindi ko ginawa!”Ang mga kamay at paa ni Cordelia ay malamig. Kinagat niya ang labi niya at sinubukan niyang ikalma ang sarili niya.“Ako ang nagsulat ng marketing proposal. Meron akong softcopy sa computer at ang hardcopy sa drawer, pero hindi ko alam kung paano ito nakuha ng karibal na kumpanya namin. Sigurado ako na may taksil sa kumpanya namin, at ang taong ito ang nagnakaw ng dokumento. Kaya, gusto ko na tingnan ng kumpanya ko ang security cameras. Ang kahit sino na pumasok o umalis ng opisina ko ay isang suspect!”“M
Madilim ang ekspresyon ni Marcus sa buong biyahe habang umapak siya ng madiin sa pedal ng gas.Maraming beses na naramdaman ni Fredric na lilipad siya palabas ng bintana, at naintindihan niya na ang ibig sabihin ng centripetal at centrifugal force na natutunan niya noon sa high school physics.Habang maingay ay tunog ng kotse, huminto ang kotse ni Marcus sa harap ng police station.Naglakad si Marcus papasok ng police station habang may istrikto at madilim na ekspresyon. Pagkatapos niya pumasok sa police station, tumingin siya ng malamig sa madla. Pagkatapos, mula sa isang pinto na medyo nakabukas, nakita niya ang dalawang babaeng police officer na lumabas habang nasa pagitan nila si Cordelia.“Lia!” Sinigaw niya, at napalingon si Cordelia sa direksyon niya.Sa oras na nagkita sila, hindi na mapigilan ni Cordelia ang mga luha. Tumalon siya papunta kay Marcus at yumakap siya ng mahigpit. Ang ilong niya ay napuno ng pamilyar na amoy ni Marcus, at pakiramdam niya ay ligtas siya sa ya
Umubo si Marcus, kaya si Fredric ay mabilis na sinara ang kanyang bibig at nagpokus sa pagmamaneho.Tinawag ni Cordelia si Marcus ng may mahinang boses, “Honey, wala akong sinabi sa kanila maliban sa pagtanggi dito. Sumama ang loob nila at sinabi nila na isipin kita at umamin na ako ng krimen.”“Ano ang sinabi mo?”“Tumahimik lang ako…” Ang sagot ni Cordelia, ang mukha niya ay maputla ngunit ang mga mata niya ay puno ng determinasyon.Tumibok ang puso ni Marcus. Hinimas niya ang buhok ni Cordelia at nangako siya sa puso niya na poprotektahan niya si Cordelia, kahit ano ang mangyari.Kung ito ay ibang babae, aamin na sila sa lahat sa interrogator dahil sa takot.Gayunapan, sa ilalim ng mahinang katawan ni Cordelia ay isang malakas na kaluluwa. Hindi siya aamin kung wala siyang ginawa, kahit na tutukan siya ng baril.May isang ngiti sa sulok ng mga labi ni Marcus nang malaman niya na marami silang pagkakapareho. Tulad ng kasabihan, “birds of the same feather flock together”.“Mag
Tumingin si Fredric kay Marcus na para bang hindi siya makapaniwala. Lumaki ang mga mata niya, ngunit wala siyang masabi.“Maraming paghahanda siguro na ginawa si Karine bago siya kumilos.” Binabaan ni Fredric ang boses niya at sinabi niya, “Nakipag tulungan siya sa karibal na kumpanya at binura niya ang tanging video na pwedeng patunayan ang pagiging inosente ni Cordelia. Nasa kanya ang lahat ng ebidensya, kaya… mukhang si Cordelia ang matatalo sa ngayon.”Tumingin sa kanya si Marcus ng masama.Mabilis na nagpatuloy si Fredric. “Pero maniwala ka sa akin, Z, sisiguraduhin ko sayo na makakahanap ako ng ibang ebidensya para patunayan na inosente siya!”Tumayo ng tahimik si Marcus at naglakad siya ng mabagal patungo sa kwarto.Natutulog ng mahimbing si Cordelia, at mukhang pagod talaga siya ngayon. Tumalikod siya habang yakap ang mga unan. Ang mukha niya ay medyo naging mapula at makinang.Hinalikan ni Marcus ang noo niya, tumawa siya, at tumalikod siya.“Magiging huli na ang lahat
Ang kumpanya ay sumailalim sa malaking pagbabago sa nakalipas na linggo. Maraming tao ang labas pasok lagi. Ang ilang department ay may ilang bagong tao, habang may ibang tao na umalis ng kumpanya ng nakayuko at malungkot.May ilan na promoted, habang ang iba ay demoted. Ang mga higher-up sa parehong kumpanya ay nagtatalo upang makuha ang mga benepisyo na gusto nila.Masasabi na naging isang giyera na sa kumpanya. Maraming tao ang isinakripisyo, ngunit ang ilan ay may nakuha mula sa giyera na ito.Ang mga empleyado ay nililinis ang kanilang bagong mga opisina, inaayos ang kanilang mga upuan, at sinasanay ang kanilang sarili sa paligid, nang biglang may galit na boses na sumigaw.“Ano?!”Nabigla ang lahat at lumingon sila.Ang boses na ito ay galing sa opisina ng director.Galit na galit ang boses ni Karine habang sumigaw siya, “Nagtrabaho at nagsikap ako sa kumpanya na ito ng maraming taon. Marami akong dinalang pera sa kumpanya, at ngayon ay gusto niyo akong sisantihin?!”“Hum
Habang dala ang mga personal na gamit, naglakad ng malungkot si Karine sa corridor ng kumpanya.Ang lahat ay nakatingin sa kanya ng nanunuya, nagagalit, at nanlalait. Ang ilan pa sa kanila ay pumapalakpak, at masaya sila.Walang kahit sino sa kanila ang naawa sa kanya.Habang pababa siya ng hagdan, nakasalubong niya si Cordelia. Nabigla si Cordelia ng ilang sandali. Bumalik sa isip niya ang oras na hinuli siya ng mga pulis. Sa mga oras na ‘yun, naglalakad din siya sa stairwell na ito, at nakita niya rin si Karine sa ganitong posisyon.Kahit na isang linggo pa lang ang lumipas, naramdaman niya na matagal na panahon na ang lumipas simula nang nagpalit ang posisyon nila.Tumango ng awkward si Cordelia. Gusto niyang ngumiti kay Karine, ngunit hindi niya ito magawa. Nang maglalakad na siya palayo, nakita niya na nakatingin ng galit sa kanya is Karine, at bumilis ang tibok ng puso niya.Gayunpaman, napansin niya na may kakaiba sa tingin ni Karine ngayon. Maliban sa kamuhian, nakita niy