Tumingin si Fredric kay Marcus na para bang hindi siya makapaniwala. Lumaki ang mga mata niya, ngunit wala siyang masabi.“Maraming paghahanda siguro na ginawa si Karine bago siya kumilos.” Binabaan ni Fredric ang boses niya at sinabi niya, “Nakipag tulungan siya sa karibal na kumpanya at binura niya ang tanging video na pwedeng patunayan ang pagiging inosente ni Cordelia. Nasa kanya ang lahat ng ebidensya, kaya… mukhang si Cordelia ang matatalo sa ngayon.”Tumingin sa kanya si Marcus ng masama.Mabilis na nagpatuloy si Fredric. “Pero maniwala ka sa akin, Z, sisiguraduhin ko sayo na makakahanap ako ng ibang ebidensya para patunayan na inosente siya!”Tumayo ng tahimik si Marcus at naglakad siya ng mabagal patungo sa kwarto.Natutulog ng mahimbing si Cordelia, at mukhang pagod talaga siya ngayon. Tumalikod siya habang yakap ang mga unan. Ang mukha niya ay medyo naging mapula at makinang.Hinalikan ni Marcus ang noo niya, tumawa siya, at tumalikod siya.“Magiging huli na ang lahat
Ang kumpanya ay sumailalim sa malaking pagbabago sa nakalipas na linggo. Maraming tao ang labas pasok lagi. Ang ilang department ay may ilang bagong tao, habang may ibang tao na umalis ng kumpanya ng nakayuko at malungkot.May ilan na promoted, habang ang iba ay demoted. Ang mga higher-up sa parehong kumpanya ay nagtatalo upang makuha ang mga benepisyo na gusto nila.Masasabi na naging isang giyera na sa kumpanya. Maraming tao ang isinakripisyo, ngunit ang ilan ay may nakuha mula sa giyera na ito.Ang mga empleyado ay nililinis ang kanilang bagong mga opisina, inaayos ang kanilang mga upuan, at sinasanay ang kanilang sarili sa paligid, nang biglang may galit na boses na sumigaw.“Ano?!”Nabigla ang lahat at lumingon sila.Ang boses na ito ay galing sa opisina ng director.Galit na galit ang boses ni Karine habang sumigaw siya, “Nagtrabaho at nagsikap ako sa kumpanya na ito ng maraming taon. Marami akong dinalang pera sa kumpanya, at ngayon ay gusto niyo akong sisantihin?!”“Hum
Habang dala ang mga personal na gamit, naglakad ng malungkot si Karine sa corridor ng kumpanya.Ang lahat ay nakatingin sa kanya ng nanunuya, nagagalit, at nanlalait. Ang ilan pa sa kanila ay pumapalakpak, at masaya sila.Walang kahit sino sa kanila ang naawa sa kanya.Habang pababa siya ng hagdan, nakasalubong niya si Cordelia. Nabigla si Cordelia ng ilang sandali. Bumalik sa isip niya ang oras na hinuli siya ng mga pulis. Sa mga oras na ‘yun, naglalakad din siya sa stairwell na ito, at nakita niya rin si Karine sa ganitong posisyon.Kahit na isang linggo pa lang ang lumipas, naramdaman niya na matagal na panahon na ang lumipas simula nang nagpalit ang posisyon nila.Tumango ng awkward si Cordelia. Gusto niyang ngumiti kay Karine, ngunit hindi niya ito magawa. Nang maglalakad na siya palayo, nakita niya na nakatingin ng galit sa kanya is Karine, at bumilis ang tibok ng puso niya.Gayunpaman, napansin niya na may kakaiba sa tingin ni Karine ngayon. Maliban sa kamuhian, nakita niy
Ang mukha ni Marcus ay puno ng kumpiyansa, ang mga mata niya ay kumikinang tuwing binabanggit si Cordelia.“‘Wag niyo isipin na parang tulad ng ibang babae si Cordelia. Mas may kakayahan siya kaysa sa inaasahan niyo at hindi siya umuurong sa mga pagsubok.”“Kaya naman, ibibigay ko sa kanya ang upuan sa gitna ng mga manonood, para mapanood niya kung paano bugbugin ng asawa niya ang iba!”Sa mga oras na ‘yun, magiging proud si Cordelia kay Marcus at iisipin niya na si Marcus ang hero niya!Ang mukha ni Marcus ay puno ng kaligayahan, at nakangiti siya ng malaki habang iniisip ito.Binuksan niya ang pinto at umalis na siya para umuwi sa bahay niya.Nakatingin ng blanko si Josiah habang paalis si Marcus. Pagkatapos bumalik sa sarili, tumingin siya kay Robert at Fredric at tumawa siya. “Ininom niya ba ang gamot niya ngayon?”“Sa wakas!” Ang dalawang lalaki ay nakahinga na ng maluwag. Dahil wala na si Marcus, hindi na nila kailangan magpanggap. Bumalik na sila sa tunay na sarili nila a
Nabigla ng saglit si Cordelia. Napuno siya ng gulat habang hinawakan niya ang mga kamay ni Xyla.“Mom, nakikilala niyo po ako?”Tumingin ng blanko sa kanya si Xyla, ang tingni nito ay medyo malabo.“Mom!” Sa sobrang sabik ni Cordelia ay sumandal siya sa kandungan ng nanay niya. “Naaalala niyo na po kung sino ako… Matagal niyo po akong hindi nakilala, at si Carter lang po ang nakikilala niyo. Nalungkot po ako!”May ngiti sa maputlang mukha ni Xyla. Tinaas niya ng payat na braso niya at hinimas niya ang mahabang buhok ni Cordelia.“Lia… Ikaw si Lia…” Ang bulong niya.Kahti na mahina ang boses niya, natuwa pa rin si Cordelia.“Mom, maganda po ang panahon ngayon. Bakit hindi po tayo bumaba para maglakad?”Hindi sumagot si Xyla. Dumilat siya at tumingin siya sa distansya, ang bibig niya ay bumubulong ng ilang salita.Nakaupo pa rin si Cordelia sa harap niya. Napalitan ng dismaya ang tuwa na nararamdaman niya.“Mom…”“Lia…” Bumulong si Xyla, “Ikaw ang anak ko… Ikaw si Cordelia Jen
Nakilala din siya ni Seth, at ngumiti ito sa kanya.“Ikaw si Yelena, hindi ba? Wow, nagkataon nga naman. Ano ang ginagawa mo dito?”Yumuko si Cordelia at tumawa siya.Si Seth ang rason kung bakit nagkakilala sila ni Marcus. Gayunpaman, hindi niya alam na nagpakasal si Cordelia kay Marcus para sa kapatid nito.“Ako si Cordelia.” Ngumiti siya at tumingin siya kay Seth, “Mahabang istorya. Ipapaliwanag ko ito sayo sa susunod.”Nabigla ng ilang sandali si Seth at ngumiti siya, “Maging ikaw si Yelena o Cordelia, pareho kayong mula sa mga Jenner. Sigurado ako na hindi ako nagkamali sa trabaho ko sa pagpapakilala sa inyo.”“Oo nga pala, kamusta na kayo ni Marcus? Pagkatapos niyo lumipat sa Jangasas, tinuloy ko ang pag aaral ko sa medical school sa Centrolis. Matagal din simula noong nagkita tayo!”“Ayos lang kami,” Sumagot si Cordelia. “Bakit hindi ka pumunta sa bahay ko pagkatapos ng trabaho? Matagal na simula noong huling beses kang nakita ni Marcus. Magluluto ako ng pagkain, at pwede
Nagtaka si Cordelia. 'Yung taong 'yun?' Tumingin siya sa direksyon kung saan nakaturo si Linda at nakita niya si Oliver. Kahit na hindi gaanong maliwanag sa loob ng hall, nakilala pa rin niya siya agad. "Anong ginagawa niya dito?" Nagtanong si Linda. "Isa ba siya sa mga fan ng asawa mo?" Kinagat ni Cordelia ang kanyang mga labi. Kamakailan lang, kakaiba ang mga ikinikilos ni Oliver. Lumilibot siya kung saan-saan at nagtatanong ng impormasyon tungkol kay Marcus, kaya kinutuban ng hindi maganda si Cordelia noong sumulpot si Oliver. Posible kayang may sama siya ng loob kay Marcus noon?Nasa isang boxing match sila ngayon, kaya normal lang na masaktan ang mga boxer. Kung gusto niyang saktan si Marcus, ito ang pinakamagandang pagkakataon para sa kanya. Habang iniisip ito ni Cordelia, lalo siyang nag-alala. Subalit, puno ng tao ang hall ngayon, at magsisimula na ang laban sa loob ng ilang minuto. Hindi siya pamilyar sa lugar, kaya hindi siya makapunta sa likod upang balaan
”Tama ‘yun. Posible na uminom ng ipinagbabawal na gamot ang taong ‘to. Iyon siguro ang dahilan kung bakit napakagaling niya sa mga naunang round. Ngayong humupa na ang epekto ng gamot, nawawala na din siya sa sarili.”Lalong napupuno ng paghihinala ang mga mata ni Oliver.Pinagpapawisan ng husto sila Josiah at Fredric para kay Marcus.Hindi na napigilan ni Josiah ang kanyang sarili at sumigaw siya, “Anong nangyayari kay Z?”Tinulak siya ni Fredric pabalik sa kanyang upuan at tumingin siya sa paligid upang hanapin si Oliver.“Hinaan mo ang boses mo!” Ang sabi niya, “Siguradp ako na may dahilan si Z. Tumigil ka na sa kakasigaw!”“Posible kaya na dahil ‘to sa wala si Cordelia para panoorin siya?”Noong matapos siya sa pagsasalita, nagulat ang mga manonood. Nakaluhod na sa ring si Marcus. Nakahawak ang isang kamay niya sa kanyang tagiliran habang dahan-dahang tumutulo ang magkahalong dugo at pawis mula sa kanyang noo.“Marcus…”Bumalik si Cordelia sa hall at nagulat siya sa kanyan