Nakilala din siya ni Seth, at ngumiti ito sa kanya.“Ikaw si Yelena, hindi ba? Wow, nagkataon nga naman. Ano ang ginagawa mo dito?”Yumuko si Cordelia at tumawa siya.Si Seth ang rason kung bakit nagkakilala sila ni Marcus. Gayunpaman, hindi niya alam na nagpakasal si Cordelia kay Marcus para sa kapatid nito.“Ako si Cordelia.” Ngumiti siya at tumingin siya kay Seth, “Mahabang istorya. Ipapaliwanag ko ito sayo sa susunod.”Nabigla ng ilang sandali si Seth at ngumiti siya, “Maging ikaw si Yelena o Cordelia, pareho kayong mula sa mga Jenner. Sigurado ako na hindi ako nagkamali sa trabaho ko sa pagpapakilala sa inyo.”“Oo nga pala, kamusta na kayo ni Marcus? Pagkatapos niyo lumipat sa Jangasas, tinuloy ko ang pag aaral ko sa medical school sa Centrolis. Matagal din simula noong nagkita tayo!”“Ayos lang kami,” Sumagot si Cordelia. “Bakit hindi ka pumunta sa bahay ko pagkatapos ng trabaho? Matagal na simula noong huling beses kang nakita ni Marcus. Magluluto ako ng pagkain, at pwede
Nagtaka si Cordelia. 'Yung taong 'yun?' Tumingin siya sa direksyon kung saan nakaturo si Linda at nakita niya si Oliver. Kahit na hindi gaanong maliwanag sa loob ng hall, nakilala pa rin niya siya agad. "Anong ginagawa niya dito?" Nagtanong si Linda. "Isa ba siya sa mga fan ng asawa mo?" Kinagat ni Cordelia ang kanyang mga labi. Kamakailan lang, kakaiba ang mga ikinikilos ni Oliver. Lumilibot siya kung saan-saan at nagtatanong ng impormasyon tungkol kay Marcus, kaya kinutuban ng hindi maganda si Cordelia noong sumulpot si Oliver. Posible kayang may sama siya ng loob kay Marcus noon?Nasa isang boxing match sila ngayon, kaya normal lang na masaktan ang mga boxer. Kung gusto niyang saktan si Marcus, ito ang pinakamagandang pagkakataon para sa kanya. Habang iniisip ito ni Cordelia, lalo siyang nag-alala. Subalit, puno ng tao ang hall ngayon, at magsisimula na ang laban sa loob ng ilang minuto. Hindi siya pamilyar sa lugar, kaya hindi siya makapunta sa likod upang balaan
”Tama ‘yun. Posible na uminom ng ipinagbabawal na gamot ang taong ‘to. Iyon siguro ang dahilan kung bakit napakagaling niya sa mga naunang round. Ngayong humupa na ang epekto ng gamot, nawawala na din siya sa sarili.”Lalong napupuno ng paghihinala ang mga mata ni Oliver.Pinagpapawisan ng husto sila Josiah at Fredric para kay Marcus.Hindi na napigilan ni Josiah ang kanyang sarili at sumigaw siya, “Anong nangyayari kay Z?”Tinulak siya ni Fredric pabalik sa kanyang upuan at tumingin siya sa paligid upang hanapin si Oliver.“Hinaan mo ang boses mo!” Ang sabi niya, “Siguradp ako na may dahilan si Z. Tumigil ka na sa kakasigaw!”“Posible kaya na dahil ‘to sa wala si Cordelia para panoorin siya?”Noong matapos siya sa pagsasalita, nagulat ang mga manonood. Nakaluhod na sa ring si Marcus. Nakahawak ang isang kamay niya sa kanyang tagiliran habang dahan-dahang tumutulo ang magkahalong dugo at pawis mula sa kanyang noo.“Marcus…”Bumalik si Cordelia sa hall at nagulat siya sa kanyan
May sasabihin pa sana si Oliver, ngunit humakbang paharap si Seth at hinarangan niya siya. Nginitian niya siya, ngunit hindi hindi siya umalis sa tapat ng pinto. “Mr. Jones…”Hindi alam ni Oliver at ng mga tauhan niya kung ano ang gagawin nila. Nagmamasid mula sa gilid sila Josiah at Fredric. Pagkatapos, nakita nila si Oliver na umalis ng puno ng galit ang kanyang mukha. Noong kampante na sila na hindi na babalik si Oliver, gusto sanang puntahan ni Josiah si Marcus, ngunit pinigilan siya ni Fredric."Bakit mo ako pinigilan? Gusto kong makita si Z!" "Huwag." Ang sabi ni Fredric, "Siguradong ayos lang si Z kasama si Cordelia at yung doktor na nagbabantay sa kanya." Noong nakita niya na hindi pa rin mapakali si Josiah, tinapik ni Fredric ang kanyang balita at tumawa siya. "Kung gusto mo talagang tulungan si Z, tingnan mo kung ano nanamang binabalak ni Oliver." Nag-isip sandali si Josiah at tumango. Pagkatapos nun, nagmadali silang umalis sa boxing arena. …Noong minulat n
Kumabog ng malakas ang dibdib ni Marcus.“Please huwag mong kakalimutan ang lahat ng sinabi ko,” ang sabi ni Cordelia habang nakatingin siya sa kanya. “Gusto ko lang na maging ligtas ka.”“Wala na akong pakialam sa ibang bagay.”“Gusto ko lang na maging ligtas ka, at iyon ang pinakamahalaga para sa’kin!”Isang mahinhing babae si Cordelia. Bihira siyang maging ganito ka-demanding, ngunit mahal pa rin siya ni Marcus.Tahimik niya siyang tiningnan habang bahagyang nakangiti ang kanyang mga labi. Ito ang isa sa mga pambihirang pagkakataon na ngumiti siya ng tunay.Noong sandaling iyon, ginusto niyang sabihin sa kanya ang tunay niyang pagkatao.Kung sabagay, sinabi ni Cordelia na mananatili siyang asawa niya anuman ang mangyari.Kapag nalaman ni Cordelia na hindi siya si Marcus kundi si Zephyr, hindi magbabago ang pagtrato niya sa kanya, hindi ba?Huminga siya ng malalim at pinilit niyang pigilan ang kanyang sarili.Nakikipagdigmaan siya kay Matthew. Gaya ng isang boxing match na
Nagkibit-balikat si Josiah. "Wala akong ideya. Wala akong paraan para malaman ang nangyayari sa pamilya mo. "Pero medyo kakaiba ang ikinikilos ng lolo mo nitong mga nakaraan. Palihim siyang nagpadala ng tauhan sa Chaiseland upang bisitahin ang five major consortia ng tatay ng nanay mo, at ang dinig ko pinagalitan niya ang tatay mo noong bumalik siya…"Nalungkot ang mukha ni Marcus, ngunit nagkaroon ng ngiti sa kanyang mga labi. Ang lolo niya ang may pinakamataas na awtoridad sa kanilang pamilya. Tsaka, paranoid at hindi siya madaling magtiwala sa iba. Kahit na wala siyang gaanong tiwala kay Matthew, maaapektuhan pa rin siya ng mga sinasabi niya. "Siguro…" Sumimangot si Fredric. "Dapat humanap ka ng oras at bumalik ka sa Centrolis upang linawin ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan mo at ng lolo mo. Sa tingin ko nagalit siya dahil sa kasal mo sa mga Tanner…""Sa tingin ko hindi mo dapat gawin 'yun," ang sabi ni Josiah, mayroong ngiti sa kanyang mga labi. "Dapat manatili ka sa Jang
Noong sandaling iyon mismo, kinuha niya ang karayom at sinubukan niyang saksakin si Marcus!Agad na kumilos si Marcus at hinawakan niya ang kamay ng nurse. Hindi tumigil ang nurse at nilabanan niya siya gamit ng isa pa niyang kamay. Napakaliksi niya. Subalit, natalo siya kay Marcus pagkatapos nilang maglaban ng ilang round. Madaling nailagay ni Marcus ang mga kamay ng babae sa kanyang likod. Nakadiin sa kama ang kalahati ng kanyang katawan, at hindi na siya makakilos. "Aray, masakit!" Ang sigaw ng nurse. "Bitawan mo ako!" Tinanggal ni Marcus ang kanyang mask. "Suko na ako, suko na ako!" Naiinis na tumingin sa kanya ang nurse. "Lagi kang ganyan sa'kin. Hindi mo man lang ako pagbigyan!" Natawa si Marcus bago niya pinakawalan ang babae. Agad na tumayo ang nurse, lumayo siya sa kanya. Puno ng inis ang kanyang mga mata habang hawak niya ang kanyang braso. Umiling si Marcus. "Bakit ka nandito?" "Sugatan ka. Hindi ba kita pwedeng bisitahin?" "Alam ba ni Dad at ni Aunt Cloud
Sa kabilang banda, puno ng pagdududa ang mukha ni Linda. "Cordelia, tingnan mo yung uniform ng nurse na 'yun. Bakit iba yung uniform niya sa ibang mga nurse? "Masyadong maiksi yung suot niya! Nandito ba talaga siya para palitan yung benda ng asawa mo sa ward ng ganun kaiksi yung suot niya? "Imposible. Dapat akong mag-imbestiga!" "Linda…" Hindi alam ni Cordelia kung tatawa siya o iiyak. "Ano bang dahilan ng pagpunta niya dito maliban sa palitan yung benda ni Marcus? Tigilan mo yung kalokohan mo!" Hindi siya mag-iisip ng masama. Kahit na may babaeng interesado kay Marcus, tatanggihan niya lang sila. Buo ang tiwala niya sa kanyang asawa pagdating sa kanyang katapatan. "Magaling ka sa lahat ng bagay, pero napakahina mo pagdating sa mga ganitong bagay!" Nagreklamo si Linda. Sinilip niya ang likod ni Zennie at palihim niyang kinabisa ang imahe at mukha ng nurse. Pagpasok nilang dalawa sa ward, nilapag ni Cordelia ang thermos na may lamang pagkain sa mesa. Pagkatapos, pinunt