Kumabog ng malakas ang dibdib ni Marcus.“Please huwag mong kakalimutan ang lahat ng sinabi ko,” ang sabi ni Cordelia habang nakatingin siya sa kanya. “Gusto ko lang na maging ligtas ka.”“Wala na akong pakialam sa ibang bagay.”“Gusto ko lang na maging ligtas ka, at iyon ang pinakamahalaga para sa’kin!”Isang mahinhing babae si Cordelia. Bihira siyang maging ganito ka-demanding, ngunit mahal pa rin siya ni Marcus.Tahimik niya siyang tiningnan habang bahagyang nakangiti ang kanyang mga labi. Ito ang isa sa mga pambihirang pagkakataon na ngumiti siya ng tunay.Noong sandaling iyon, ginusto niyang sabihin sa kanya ang tunay niyang pagkatao.Kung sabagay, sinabi ni Cordelia na mananatili siyang asawa niya anuman ang mangyari.Kapag nalaman ni Cordelia na hindi siya si Marcus kundi si Zephyr, hindi magbabago ang pagtrato niya sa kanya, hindi ba?Huminga siya ng malalim at pinilit niyang pigilan ang kanyang sarili.Nakikipagdigmaan siya kay Matthew. Gaya ng isang boxing match na
Nagkibit-balikat si Josiah. "Wala akong ideya. Wala akong paraan para malaman ang nangyayari sa pamilya mo. "Pero medyo kakaiba ang ikinikilos ng lolo mo nitong mga nakaraan. Palihim siyang nagpadala ng tauhan sa Chaiseland upang bisitahin ang five major consortia ng tatay ng nanay mo, at ang dinig ko pinagalitan niya ang tatay mo noong bumalik siya…"Nalungkot ang mukha ni Marcus, ngunit nagkaroon ng ngiti sa kanyang mga labi. Ang lolo niya ang may pinakamataas na awtoridad sa kanilang pamilya. Tsaka, paranoid at hindi siya madaling magtiwala sa iba. Kahit na wala siyang gaanong tiwala kay Matthew, maaapektuhan pa rin siya ng mga sinasabi niya. "Siguro…" Sumimangot si Fredric. "Dapat humanap ka ng oras at bumalik ka sa Centrolis upang linawin ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan mo at ng lolo mo. Sa tingin ko nagalit siya dahil sa kasal mo sa mga Tanner…""Sa tingin ko hindi mo dapat gawin 'yun," ang sabi ni Josiah, mayroong ngiti sa kanyang mga labi. "Dapat manatili ka sa Jang
Noong sandaling iyon mismo, kinuha niya ang karayom at sinubukan niyang saksakin si Marcus!Agad na kumilos si Marcus at hinawakan niya ang kamay ng nurse. Hindi tumigil ang nurse at nilabanan niya siya gamit ng isa pa niyang kamay. Napakaliksi niya. Subalit, natalo siya kay Marcus pagkatapos nilang maglaban ng ilang round. Madaling nailagay ni Marcus ang mga kamay ng babae sa kanyang likod. Nakadiin sa kama ang kalahati ng kanyang katawan, at hindi na siya makakilos. "Aray, masakit!" Ang sigaw ng nurse. "Bitawan mo ako!" Tinanggal ni Marcus ang kanyang mask. "Suko na ako, suko na ako!" Naiinis na tumingin sa kanya ang nurse. "Lagi kang ganyan sa'kin. Hindi mo man lang ako pagbigyan!" Natawa si Marcus bago niya pinakawalan ang babae. Agad na tumayo ang nurse, lumayo siya sa kanya. Puno ng inis ang kanyang mga mata habang hawak niya ang kanyang braso. Umiling si Marcus. "Bakit ka nandito?" "Sugatan ka. Hindi ba kita pwedeng bisitahin?" "Alam ba ni Dad at ni Aunt Cloud
Sa kabilang banda, puno ng pagdududa ang mukha ni Linda. "Cordelia, tingnan mo yung uniform ng nurse na 'yun. Bakit iba yung uniform niya sa ibang mga nurse? "Masyadong maiksi yung suot niya! Nandito ba talaga siya para palitan yung benda ng asawa mo sa ward ng ganun kaiksi yung suot niya? "Imposible. Dapat akong mag-imbestiga!" "Linda…" Hindi alam ni Cordelia kung tatawa siya o iiyak. "Ano bang dahilan ng pagpunta niya dito maliban sa palitan yung benda ni Marcus? Tigilan mo yung kalokohan mo!" Hindi siya mag-iisip ng masama. Kahit na may babaeng interesado kay Marcus, tatanggihan niya lang sila. Buo ang tiwala niya sa kanyang asawa pagdating sa kanyang katapatan. "Magaling ka sa lahat ng bagay, pero napakahina mo pagdating sa mga ganitong bagay!" Nagreklamo si Linda. Sinilip niya ang likod ni Zennie at palihim niyang kinabisa ang imahe at mukha ng nurse. Pagpasok nilang dalawa sa ward, nilapag ni Cordelia ang thermos na may lamang pagkain sa mesa. Pagkatapos, pinunt
Nakakagulat na nagagawa ni Cordelia na tiisin ang buhay kasama ang lalaking ito! Bahagyang sumimangot si Linda. Noong sandaling iyon, kababalik lang ni Cordelia. May hawak siyang bouquet ng bulaklak. "Nakita ko 'to sa isang florist sa tabi ng paradahan ng sasakyan." Masaya siyang ngumiti. "Magmumukhang maganda ang ward kapag may bulaklak. Hindi ako makapaniwala na sa sobrang dami ng ginagawa ko ngayon ko lang naalalang bumili ng mga bulaklak!" Kumuha siya ng isang babasaging bote at nilagay niya ang mga bulaklak dito. Pagkatapos ay nilagay niya ito sa may bintana. Agad na napuno ng pagmamahal ang mga mata ni Marcus noong nakita niya si Cordelia, at marahan niyang hinawakan ang kanyang maliit na kamay. Nakahanap ng palusot si Linda at agad siyang umalis. Ayaw niyang maging isang mega third-wheel doon! Namula si Cordelia. Binawi niya ang kanyang kamay at tinitigan niya si Marcus gamit ang makakislap niyang mga mata. "Hindi ka nakaligo kahapon, hindi ba? Pupunasan kita."Tu
”Ah, kung ganun ikaw si Dr. Stafford?” Agad na binawi ni Linda ang kanyang kamay na kasalukuyang nakikipagkamay kay Seth. “Ang matchmaker nila Cordelia at Marcus?”Hindi napansin ni Seth ang biglaang pagbabago ng emosyon sa mga mata ni Linda. Hindi lang iyon, iniisip niya din na maganda ang ginawa niyang pagtatambal sa mag-asawa—ginawa niyang posible ang isang magandang relasyon.Inayos ni Seth ang kanyang coat. May kaunting pagmamalaki sa kanyang boses, tumingin siya kay Linda nang may ngiti sa kanyang mukha. “Ako nga. Ha, wala naman akong gaanong ginawa. Nakatadhana sila para sa isa’t isa. Ang ginawa ko lang ay—”“Wala kang ginawa?” Biglang nagsalita si Linda at nilakasan niya ang kanyang boses. “Mukhang masyado kang mapagpakumbaba, Dr. Stafford!”Sumimangot si Seth noong napansin niya na may hindi tama kay Linda.“Dr. Stafford, isa kang doktor! Ang pagliligtas ng buhay ang trabaho mo, hindi ba? Bakit pakiramdam ko isa ka dun sa mga pakialamerong babae na walang magawa sa mga bu
"Tama 'yun! Ang Jenner Group ang isa sa pinakamahusay sa industriya. Hindi maikukumpara ang kumpanya namin. Nakakatuwa na magiging bahagi kami ng tagumpay niyo!" "Huwag niyong sabihin 'yan." Tumingin si Yelena sa kanila ng nakangiti. "Masyado kayong mabait. Yung totoo, sinabi sa'kin ng dad ko bago ako pumunta dito na training para sa'kin ang collaboration na 'to. Lalo na, ako ang magmamana sa negosyo ng pamilya namin balang-araw. Kapag may nagawa akong kahit anong mali, humihingi ako ng tawad!"Natahimik ang buong meeting room. Naramdaman ni Cordelia ang mga tingin ng lahat at palihim siyang suminghal. Sinasabi ni Yelena na gusto niyang malaman ng lahat na siya ang magmamana sa Jenner Group. Ang isang anak sa labas na gaya niya ay walang karapatan dito.Kahit na isa rin siyang Jenner, wala siyang makukuha!Kapag nangyari iyon, posibleng maghirap siya sa kumpanya pagdating ng araw. Karaniwang tinatrato ng mga taong ito ang mga empleyado nila base sa kanilang social status. Kapag
Nang marinig niya ito, si Dwayne Adler na mula sa marketing department ay sumenyas sa mga tauhan niya. Pagkatapos, tumingin si Yelena kay Cordelia ng may malamig na ngiti sa kanyang mga labi. "Natatandaan ko na magaling ka sa pagsisilbi at pag-aliw sa ibang tao, hindi ba, Ms. Jenner? Kung ganun, pwede mo ba akong igawa ng tsaa?" Lumingon ang lahat at tumingin kay Cordelia. Sa kasamaang-palad, kailanman ay hindi matatapos ang away sa pagitan ng tunay na anak at ng anak sa labas. Tumayo si Cordelia at tumingin siya kay Yelena bago siya naglakad papunta sa pantry ng walang ekspresyon ang kanyang mukha. Kumikibot ang mga talukap ng mata ni David. Pinagpawisan siya ng malamig noong naisip niya na may nag-utos sa kanila Josiah at Fredric na pagsamahin ang dalawang kumpanya.Noong tatayo na sana siya upang pigilan si Cordelia, muling may sumulpot sa kanyang isipan.‘Baka nagkataon lang ‘to? Baka balak na talaga ng dalawang kumpanya na mag-merge. Nagkataon lang na nangyari ito kasa