Share

Kabanata 101

Nang marinig niya ito, si Dwayne Adler na mula sa marketing department ay sumenyas sa mga tauhan niya.

Pagkatapos, tumingin si Yelena kay Cordelia ng may malamig na ngiti sa kanyang mga labi. "Natatandaan ko na magaling ka sa pagsisilbi at pag-aliw sa ibang tao, hindi ba, Ms. Jenner? Kung ganun, pwede mo ba akong igawa ng tsaa?"

Lumingon ang lahat at tumingin kay Cordelia.

Sa kasamaang-palad, kailanman ay hindi matatapos ang away sa pagitan ng tunay na anak at ng anak sa labas.

Tumayo si Cordelia at tumingin siya kay Yelena bago siya naglakad papunta sa pantry ng walang ekspresyon ang kanyang mukha.

Kumikibot ang mga talukap ng mata ni David. Pinagpawisan siya ng malamig noong naisip niya na may nag-utos sa kanila Josiah at Fredric na pagsamahin ang dalawang kumpanya.

Noong tatayo na sana siya upang pigilan si Cordelia, muling may sumulpot sa kanyang isipan.

‘Baka nagkataon lang ‘to? Baka balak na talaga ng dalawang kumpanya na mag-merge. Nagkataon lang na nangyari ito kasa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marilou Buntag
i like the story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status