Nang bumalik sa bahay si Yelena, nakita niya na madilim ang ekspresyon ni William, at nakatingin siya kay Joanne.Tumingin si Joanne kay Yelena at nilagay niya ang kamay niya sa tabi ng mga labi niya.“Mag ingat ka,” Ang bulong niya.Tumalon ang puso ni Yelena mula sa lalamunan niya.Umubo siya at lumingon siya para tumingin kay Yelena, at kinilabutan si Yelena dahil dito.“Dad…” Tumawa ng peke si Yelena. “Nakabalik na kayo, dad. Ayos lang po ba ang lahat sa kumpanya?”Tumingin ng malamig si William sa kanya. “Mukhang may pakialam ka pa pala sa kumpanya ko!”Tinikom ni Yelena ang mga labi niya at sinabi niya, “Ang Jenner Group ay ang family business natin, kaya syempre—”“Syempre ano? Gusto mo malaman kung ano ang nangyayari sa kumpanya ko kapag patay na ako, ganun ba?!” Hinampas ni William ang mesa at tumayo siya mula sa upuan, ang mga mata niya ay puno ng galit.Nanginig sa takot si Yelena, at namutla ang mukha niya. Ang boses niya ay nanginig habang nagpaliwanag siya, “Dad…
Kuminang ang mga mata ni Yelena. Tumibok ng mabilis ang puso niya.“Dad, si Zennie Hamerton… siya ang pinakabatang tagapagmana ng mga Hamerton, hindi po ba?”“Mm-hmm.” Ang sabi ni William, “Sa tingin ko ay 18 pa lang siya at hindi pa siya pumapasok ng university. Siya ang pinakabata na anak ng mga Hamerton at ang paboritong kapatid ni Mr. Z. Kapag nakuha mo ang loob ng prinsesang yun, para magsabi siya kay Mr. Z ng mga mabuting bagay tungkol sayo, may pag asa para pakasalan mo siya!”“Alam ko na ang gagawin ko ngayon, dad!” Kinagat ni Yelena ang labi niya. Nagsalita siya pagkatapos mag isip ng malalim. “Mag uutos ako ng pwedeng sumunod kay Ms. Hamerton, at maghahanda ako ng dinner party sa madaling panahon. Mas mabuti kung… isa itong charity dinner! Alam ko na mahilig gumawa ng charity ang mga Hamerton.” “Mabuti ito.” Ngumiti na rin sa wakas si William. “Magsend ka ng imbitasyon kay Zennie kapag nahanap mo siya!”“Opo!”“Kapag mas maaga mo nagawa ang dinner party, mas mabuti ito
Tutal, isang dinner lang ito.Huminga siya ng malalim, pinilit ni Cordelia na ngumiti. Akala niya ay mananatili siya ng sandali lang at pagkatapos ay aalis siya gamit ang isang dahilan.Nang umapak siya sa hagdan ng hotel, may isang tao na biglang nagpakita sa harap niya bago pa man siya nakapunta sa entrance ng party.“Dumating ka talaga?”Humalukipkip si Yelena at tumingin siya ng mayabang kay Cordelia. May paghamak sa kanyang ngiti.Nabigla si Cordelia. Masasabi na maganda ang suot ni Yelena ngayon. Ang bright red mermaid dress ay bagay sa katawan niya, pati sa kanyang skin tone.Kumpara dito, ang ordinaryong black and white na dress ni Cordelia ay mukhang simple lang.Kumunot ang noo ni Yelena. “Cordelia, hindi ba’t sinabi ko sayo na si Ms. Hamerton ang guest of honor ngayong gabi?“Sinabi mo na isa itong charity dinner,” Ang sabi ni Cordelia. “Dapat ba akong magsuot ng damit na parang clown sa isang charity dinner?”“Ano ang sinabi mo?!”“Ang pangunahing layunin ng dinne
Sumunod si Cordelia sa likod ni Yelena. Naglakad sila paikot ng hotel building at dumating sila sa basement car park.Madilim at tahimik sa paligid. Wala masyadong pumupunta. Pati, kahit na pumunta sila dito, gagamitin nila ang elevator sa loob ng hospital sa halip na dumaan sa mahabang daan na dinaanan nila.Bumagal ang paglalakad ni Cordelia. Hindi niya mapigilan na maghinala.“Ano ang ginagawa mo?” Ang sabi ni Yelena, na siyang naglalakad sa harap. “Bilisan mo! Nagpark ako sa ibaba.”“Kaya mo ba itong hanapin?”“Sa tingin mo ba ay hindi ko alam kung saan ako nagpark? Ano? Wag mo sabihin sa akin na gusto mo na susunduin kita gamit ang kotse?” Suminghal si Yelena. “Cordelia, kung susunduin kita sa hotel entrance, makikita ng lahat na suot mo ito! Gusto mo bang ipahiya ang pamilya natin?”Tinikom ni Cordelia ang mga labi niya at hindi na siya nagsalita.Ang daan patungo sa basement car park ay madilim. Tulad ng isang black hole, hindi nila makita ang dulo.Halos tumatakbo na si
Mabilis ang tibok ng puso ni Cordelia, naging blanko ang isip niya.Ang boses na ito… ay parang galing sa isang babae.Sino siya? Bakit siya nandito?“Ugh, nakakainis ang lock na ito!” Nagbuntong hininga ang babae. “Um… Umatras ka! Gagamit ako ng bato para sirain ang lock!”Nabigla si Cordelia ngunit sinunod niya ito at umatras siya papunta sa isang sulok ng pader.Tumunog sa buong basement ang paghampas ng babae sa pinto. Nakakatakot ito.Hindi nagtagal, habang narinig niya na bumagsak ang chain, tumunog ng kasunod ang isang tunog ng bakal.Bumukas ang pinto, ngunit napahinto si Cordelia. Ang mga braso at binti niya ay tumigas.“Sis?” May isang magandang babae na nagpakita. “Bakit hindi ka gumagalaw?!”“Ikaw…”“Tara na!” Bago pa matapos magsalita si Cordelia, may isang pares ng maliit na kamay na humawak sa kanya.Hindi na siya makapag isip ng maayos. Sinundan niya lang ang babaeng ito, tumakas sila sa madilim na kulungan na ito.Maraming patay na daga sa pinto, pati na ri
“Wag kang mahiya,” Ang sabi ni Zennie ng nakangiti. “Ito ang kwarto ko. Sila ang mga stylist at makeup artist ko. Nandito ka para sa dinner, hindi ba? Tingnan mo ang sarili mo. Hindi ka pwede pumunta ng ganito.”Tumingin si Cordelia salamin at nakita niya ang sarili niyang nakangiti.“Mag shower ka muna. Pagkatapos ay ipapastyle kita sa kanila ng maganda! Pwede mo suotin ang kahit ano sa mga gown na ito!”Nakonsensya si Cordelia ngunit hindi niya tinanggihan ang kabaitan ni Zennie.Bukod pa dito, kailangan niya talaga mag shower. Kailangan niya linisin ang takot at dumi mula kanina.“Wag kang mag alala, ang masamang babaeng yun na gumawa sayo nito ay hindi pupunta dito!”“Paano mo nalaman?” Lumaki ang mga mata ni Cordelia.Ngumiti ng misteryoso si Zennie. “Alam ko rin na kayo ang mga Jenner. Ikaw si Cordelia, hindi ba?”“Wag ka magulat.” Tinapik ni Zennie si Cordelia sa balikat, kaswal niyang kinuha ang lipstick, at nilagay niya ito.“Tutal, si Ms. Jenner ang nag imbita sa aki
“Syempre po, pwede!” Ang sagot ni Yelena ng hindi nagdadalawang isip.Naisip niya na tama lang na dalahin ni Zennie ang bestfriend nito. Tutal, sigurado siya na ang bestfriend nito ay mula sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya.‘Mula kaya siya sa isa sa four big families sa Centrolis o hindi. Kung naging malapit kami, sigurado na makakatulong ito sa darating na panahon!’Habang iniisip ito, lumapit si Yelena kay Zennie at sinabi niya, “Nasaan ang kaibigan niyo ngayon, Ms. Hamerton? Kung wala siyang sasakyan, pwede ako magpadala ng tao para sunduin siya! Wag kayong mag alala. Pangako ko na dadalhin o siya dito ng ligtas!”“Hindi na kailangan.” Ngumiti si Zennie. “Dumating ang kaibigan ko kasama ko, at nasa taas siya ngayon. Kaya nga lang, ang mga Jenner ang host ng event na ito, kaya naisip ko na dapat ako kumuha ng permiso kung gusto ko dalhin ang kaibigan ko dito.”“Walang problema, Ms. Hamerton,” Tumawa si Yelena. Lumingon siya at inutos niya sa ilang mga waiter. “Dalhin
Isang matalinong tao si William. Alam niya kung paano umangkop sa sitwasyon.Nagkatinginan ang lahat ng bisita sa hall. May mga ngiti sa kanilang mga mukha na para bang nanonood sila ng isang movie.“Yelena, wag mo gawing katatawanan ang sarili mo dito!” Ang sigaw ni William, “Umuwi ka na ngayon! Ayaw kitang makita!”“Dad—”“Ngayon na!:Puno ng galit ang mukha ni Yelena. Ang mga mata niya ay puno ng luha. Tumingin siya kay Cordelia bago siya tumalikod at tumakbo patungo sa banquet hall.Gusto ni Joanne na tulungan ang anak niya, ngunit hindi niya alam kung paano. Sa huli, tumayo lang siya sa tabi at pinanood habang pinagalitan ng asawa niya ang anak niya. Bukod pa dito, kailangan niya pilitin na ngumiti.Nagbuntong hininga si William at ngumiti siya. Tumingin siya kay Zennie at sinabi niya, “Wag kayo mag alala, Ms. Hamerton. Pangako na tuturuan ko na mabuti ang anak ko sa susunod. Sigurado ako na ang pangyayari ngayon ay isang misunderstanding, ako—”“Mr. Jenner,” Sumingit si Z