Tutal, isang dinner lang ito.Huminga siya ng malalim, pinilit ni Cordelia na ngumiti. Akala niya ay mananatili siya ng sandali lang at pagkatapos ay aalis siya gamit ang isang dahilan.Nang umapak siya sa hagdan ng hotel, may isang tao na biglang nagpakita sa harap niya bago pa man siya nakapunta sa entrance ng party.“Dumating ka talaga?”Humalukipkip si Yelena at tumingin siya ng mayabang kay Cordelia. May paghamak sa kanyang ngiti.Nabigla si Cordelia. Masasabi na maganda ang suot ni Yelena ngayon. Ang bright red mermaid dress ay bagay sa katawan niya, pati sa kanyang skin tone.Kumpara dito, ang ordinaryong black and white na dress ni Cordelia ay mukhang simple lang.Kumunot ang noo ni Yelena. “Cordelia, hindi ba’t sinabi ko sayo na si Ms. Hamerton ang guest of honor ngayong gabi?“Sinabi mo na isa itong charity dinner,” Ang sabi ni Cordelia. “Dapat ba akong magsuot ng damit na parang clown sa isang charity dinner?”“Ano ang sinabi mo?!”“Ang pangunahing layunin ng dinne
Sumunod si Cordelia sa likod ni Yelena. Naglakad sila paikot ng hotel building at dumating sila sa basement car park.Madilim at tahimik sa paligid. Wala masyadong pumupunta. Pati, kahit na pumunta sila dito, gagamitin nila ang elevator sa loob ng hospital sa halip na dumaan sa mahabang daan na dinaanan nila.Bumagal ang paglalakad ni Cordelia. Hindi niya mapigilan na maghinala.“Ano ang ginagawa mo?” Ang sabi ni Yelena, na siyang naglalakad sa harap. “Bilisan mo! Nagpark ako sa ibaba.”“Kaya mo ba itong hanapin?”“Sa tingin mo ba ay hindi ko alam kung saan ako nagpark? Ano? Wag mo sabihin sa akin na gusto mo na susunduin kita gamit ang kotse?” Suminghal si Yelena. “Cordelia, kung susunduin kita sa hotel entrance, makikita ng lahat na suot mo ito! Gusto mo bang ipahiya ang pamilya natin?”Tinikom ni Cordelia ang mga labi niya at hindi na siya nagsalita.Ang daan patungo sa basement car park ay madilim. Tulad ng isang black hole, hindi nila makita ang dulo.Halos tumatakbo na si
Mabilis ang tibok ng puso ni Cordelia, naging blanko ang isip niya.Ang boses na ito… ay parang galing sa isang babae.Sino siya? Bakit siya nandito?“Ugh, nakakainis ang lock na ito!” Nagbuntong hininga ang babae. “Um… Umatras ka! Gagamit ako ng bato para sirain ang lock!”Nabigla si Cordelia ngunit sinunod niya ito at umatras siya papunta sa isang sulok ng pader.Tumunog sa buong basement ang paghampas ng babae sa pinto. Nakakatakot ito.Hindi nagtagal, habang narinig niya na bumagsak ang chain, tumunog ng kasunod ang isang tunog ng bakal.Bumukas ang pinto, ngunit napahinto si Cordelia. Ang mga braso at binti niya ay tumigas.“Sis?” May isang magandang babae na nagpakita. “Bakit hindi ka gumagalaw?!”“Ikaw…”“Tara na!” Bago pa matapos magsalita si Cordelia, may isang pares ng maliit na kamay na humawak sa kanya.Hindi na siya makapag isip ng maayos. Sinundan niya lang ang babaeng ito, tumakas sila sa madilim na kulungan na ito.Maraming patay na daga sa pinto, pati na ri
“Wag kang mahiya,” Ang sabi ni Zennie ng nakangiti. “Ito ang kwarto ko. Sila ang mga stylist at makeup artist ko. Nandito ka para sa dinner, hindi ba? Tingnan mo ang sarili mo. Hindi ka pwede pumunta ng ganito.”Tumingin si Cordelia salamin at nakita niya ang sarili niyang nakangiti.“Mag shower ka muna. Pagkatapos ay ipapastyle kita sa kanila ng maganda! Pwede mo suotin ang kahit ano sa mga gown na ito!”Nakonsensya si Cordelia ngunit hindi niya tinanggihan ang kabaitan ni Zennie.Bukod pa dito, kailangan niya talaga mag shower. Kailangan niya linisin ang takot at dumi mula kanina.“Wag kang mag alala, ang masamang babaeng yun na gumawa sayo nito ay hindi pupunta dito!”“Paano mo nalaman?” Lumaki ang mga mata ni Cordelia.Ngumiti ng misteryoso si Zennie. “Alam ko rin na kayo ang mga Jenner. Ikaw si Cordelia, hindi ba?”“Wag ka magulat.” Tinapik ni Zennie si Cordelia sa balikat, kaswal niyang kinuha ang lipstick, at nilagay niya ito.“Tutal, si Ms. Jenner ang nag imbita sa aki
“Syempre po, pwede!” Ang sagot ni Yelena ng hindi nagdadalawang isip.Naisip niya na tama lang na dalahin ni Zennie ang bestfriend nito. Tutal, sigurado siya na ang bestfriend nito ay mula sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya.‘Mula kaya siya sa isa sa four big families sa Centrolis o hindi. Kung naging malapit kami, sigurado na makakatulong ito sa darating na panahon!’Habang iniisip ito, lumapit si Yelena kay Zennie at sinabi niya, “Nasaan ang kaibigan niyo ngayon, Ms. Hamerton? Kung wala siyang sasakyan, pwede ako magpadala ng tao para sunduin siya! Wag kayong mag alala. Pangako ko na dadalhin o siya dito ng ligtas!”“Hindi na kailangan.” Ngumiti si Zennie. “Dumating ang kaibigan ko kasama ko, at nasa taas siya ngayon. Kaya nga lang, ang mga Jenner ang host ng event na ito, kaya naisip ko na dapat ako kumuha ng permiso kung gusto ko dalhin ang kaibigan ko dito.”“Walang problema, Ms. Hamerton,” Tumawa si Yelena. Lumingon siya at inutos niya sa ilang mga waiter. “Dalhin
Isang matalinong tao si William. Alam niya kung paano umangkop sa sitwasyon.Nagkatinginan ang lahat ng bisita sa hall. May mga ngiti sa kanilang mga mukha na para bang nanonood sila ng isang movie.“Yelena, wag mo gawing katatawanan ang sarili mo dito!” Ang sigaw ni William, “Umuwi ka na ngayon! Ayaw kitang makita!”“Dad—”“Ngayon na!:Puno ng galit ang mukha ni Yelena. Ang mga mata niya ay puno ng luha. Tumingin siya kay Cordelia bago siya tumalikod at tumakbo patungo sa banquet hall.Gusto ni Joanne na tulungan ang anak niya, ngunit hindi niya alam kung paano. Sa huli, tumayo lang siya sa tabi at pinanood habang pinagalitan ng asawa niya ang anak niya. Bukod pa dito, kailangan niya pilitin na ngumiti.Nagbuntong hininga si William at ngumiti siya. Tumingin siya kay Zennie at sinabi niya, “Wag kayo mag alala, Ms. Hamerton. Pangako na tuturuan ko na mabuti ang anak ko sa susunod. Sigurado ako na ang pangyayari ngayon ay isang misunderstanding, ako—”“Mr. Jenner,” Sumingit si Z
Hindi lumingon si Fredric dahil ayaw niyang harapin ang malupit na tingin ni Marcus.Pagkatapos ng mahabang katahimikan, sinabi niya, “Z, hindi ako ang tunay na Marcus. Ginagamit mo lang ang pagkakakilanlan niya. Dahil ginagamit mo ang ID card niya, niregister mo rin ang kasal mo gamit ang ID niya.”“Kaya mula sa pananaw ng batas, ang taong pinakasalan ni Cordelia ay si Marcus, hindi si Zephyr.”Tumayo si Josiah at sinabi niya, “Pero patay na ang tunay na Marcus!”“Oo….” Mas naging mahina ang boses niya habang nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Kaya invalid ito. Dahil patay na siya.”Napuno ng katahimikan ang kwarto.Lumingon ang lahat at tumingin sila kay Marcus, at pagkatapos ay yumuko sila.Mas naging madilim ang ekspresyon ni Marcus sa bawat lumipas na sandali.‘Tama… Bakit hindi ko ito naisip?’Noong nag register sila ng kasal, wala sila doon. Ang mga Jenner ang gumawa ng lahat gamit ang mga ID nila. Ang mga tao mula sa city hall ay hindi rin tiningnan kung ang tunay na Mar
Tumalikod si Cordelia at gumising siya ng mabagal. Ang unang bagay na lumapas sa paningin niya pagkatapos niyang dumilat ay ang lalaking nakatayo sa balkonahe.Napuno ng kahihiyan ang mukha niya, namula ang kanyang mga tainga. Tinikom niya ang mga labi niya at tumawa siya. Pagkatapos ay may naramdaman siyang kakaiba. Kahit na paminsan minsan silang nagtatalik, kalmado si Marcus lagi. Hindi siya nawawalan ng kontrol ng ganito.Bumangon si Cordelia. Gusto niyang yakapin si Marcus mula sa likod, ngunit hindi niya inaasahan na halos bumagsak siya nang umapak siya sa sahig.“Ayos ka lang ba?”Mabilis na tinaas ni Marcus ang kamay niya at sinalo niya si Cordelia.Nabigla ng ilangsandali si Cordelia. Niyakap niya si Cordelia at tumingin siya ng maamo dito.Tumawa siya at nilagay niya ang likod ni Cordelia sa kama. Habang nilalaro niya ang buhok ni Cordelia, sinabi niya, “Bakit hindi ka natutulog ngayong gabi at balak mo akong puntahan mula sa likod?”“Hindi yun.” Sinuntok ni Cordelia s