Isang matalinong tao si William. Alam niya kung paano umangkop sa sitwasyon.Nagkatinginan ang lahat ng bisita sa hall. May mga ngiti sa kanilang mga mukha na para bang nanonood sila ng isang movie.“Yelena, wag mo gawing katatawanan ang sarili mo dito!” Ang sigaw ni William, “Umuwi ka na ngayon! Ayaw kitang makita!”“Dad—”“Ngayon na!:Puno ng galit ang mukha ni Yelena. Ang mga mata niya ay puno ng luha. Tumingin siya kay Cordelia bago siya tumalikod at tumakbo patungo sa banquet hall.Gusto ni Joanne na tulungan ang anak niya, ngunit hindi niya alam kung paano. Sa huli, tumayo lang siya sa tabi at pinanood habang pinagalitan ng asawa niya ang anak niya. Bukod pa dito, kailangan niya pilitin na ngumiti.Nagbuntong hininga si William at ngumiti siya. Tumingin siya kay Zennie at sinabi niya, “Wag kayo mag alala, Ms. Hamerton. Pangako na tuturuan ko na mabuti ang anak ko sa susunod. Sigurado ako na ang pangyayari ngayon ay isang misunderstanding, ako—”“Mr. Jenner,” Sumingit si Z
Hindi lumingon si Fredric dahil ayaw niyang harapin ang malupit na tingin ni Marcus.Pagkatapos ng mahabang katahimikan, sinabi niya, “Z, hindi ako ang tunay na Marcus. Ginagamit mo lang ang pagkakakilanlan niya. Dahil ginagamit mo ang ID card niya, niregister mo rin ang kasal mo gamit ang ID niya.”“Kaya mula sa pananaw ng batas, ang taong pinakasalan ni Cordelia ay si Marcus, hindi si Zephyr.”Tumayo si Josiah at sinabi niya, “Pero patay na ang tunay na Marcus!”“Oo….” Mas naging mahina ang boses niya habang nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Kaya invalid ito. Dahil patay na siya.”Napuno ng katahimikan ang kwarto.Lumingon ang lahat at tumingin sila kay Marcus, at pagkatapos ay yumuko sila.Mas naging madilim ang ekspresyon ni Marcus sa bawat lumipas na sandali.‘Tama… Bakit hindi ko ito naisip?’Noong nag register sila ng kasal, wala sila doon. Ang mga Jenner ang gumawa ng lahat gamit ang mga ID nila. Ang mga tao mula sa city hall ay hindi rin tiningnan kung ang tunay na Mar
Tumalikod si Cordelia at gumising siya ng mabagal. Ang unang bagay na lumapas sa paningin niya pagkatapos niyang dumilat ay ang lalaking nakatayo sa balkonahe.Napuno ng kahihiyan ang mukha niya, namula ang kanyang mga tainga. Tinikom niya ang mga labi niya at tumawa siya. Pagkatapos ay may naramdaman siyang kakaiba. Kahit na paminsan minsan silang nagtatalik, kalmado si Marcus lagi. Hindi siya nawawalan ng kontrol ng ganito.Bumangon si Cordelia. Gusto niyang yakapin si Marcus mula sa likod, ngunit hindi niya inaasahan na halos bumagsak siya nang umapak siya sa sahig.“Ayos ka lang ba?”Mabilis na tinaas ni Marcus ang kamay niya at sinalo niya si Cordelia.Nabigla ng ilangsandali si Cordelia. Niyakap niya si Cordelia at tumingin siya ng maamo dito.Tumawa siya at nilagay niya ang likod ni Cordelia sa kama. Habang nilalaro niya ang buhok ni Cordelia, sinabi niya, “Bakit hindi ka natutulog ngayong gabi at balak mo akong puntahan mula sa likod?”“Hindi yun.” Sinuntok ni Cordelia s
Ang ulo ni Oliver ay puno ng pawis. Lumuhod siya sa sahig at humingi siya ng tawad.Si Josiah ay laging kumikilos base sa kagustuhan niya. Hindi naman sa hindi niya kayang pumatay ng isang tao o sunugin ang lugar. Dahil sa kapangyarihan ng mga Bayer, kahit na patayin siya ni Josiah, siya ay magiging siyang tao lang na nawawala sa mundo, at ang mga Bayer ay tatakpan ang pangyayari.Para naman kay Matthew…Hindi siya titigil hanggat ligtas siya. May posibilidad na pagtataksilan siya nito at gagamitin siya para tumakas.Tutal, kailangan ni Matthew ng isang positibong imahe sa harap ng tatay niya.Kinagat ni Oliver ang mga labi niya at tumama ang ulo niya sa sahig. May sugat na lumabas sa noo niya, at lumabas ang dugo mula diot.“Pakiusap, pakawalan niyo ako, Mr. Bayer! Pa… Pangako ko na gagawin ko ang lahat para sa inyo at hindi ako magrereklamo!”“Paano naman ang Mr. Hamerton mo?” Ang tanong ni Josiah habang umupo siya sa gitna habang naka dekwatro.“Pa… Pangako!” Maputla ang mu
“Yelena!”“Oo na! Oo na!” Kinumpas ni Mr. Rudd ang kanyang kamay at tinuro niya si Cordelia. “Makakaalis ka na. Si Ms. Yelena na lang ang kakausapin ko ngayong araw.”Ngumiti si Yelena, at bago siya pumasok sa meeting room kasama si Mr. Rudd, tumingin siya ng mapang-insulto kay Cordelia. Nakaramdam ng pagkapahiya at kalungkutan si Cordelia noong mga sandaling iyon. Gayunpaman, kinuha pa rin niya ang mga gamit niya at naglakad siya palabas ng gusali. Hindi niya inasahan na… Isang manggagantso su Mr. Rudd! Nalaman lamang niya na hindi totoo ang kumpanya si Mr. Rudd pagkatapos pumirma ni Yelena sa kanyang kumpanya. Mukha man itong kahanga-hanga sa labas, pero wala itong kalaman-laman! Subalit, desperado si Yelena na mabago ang tingin sa kanya ng kanyang ama, kaya nagbayad na siya agad pagkatapos niyang pirmahan ang kontrata upang masimulan ang kanilang proyekto. Isang malaking pagkakamali ang ginawa niyang ito at naging dahilan ito upang mawalan ng halos ilang milyong dolyar a
”Z?” Ilang ulit siyang tinawag ni Josiah. “Z? Nandyan ka ba?”Nagising sa katotohanan si Marcus at inayos niya ang kanyang lalamunan.Natawa si Josiah at sinabi niya na, “Naiintindihan ko na ngayon kung anong ibig sabihin nila sa ‘lumilipad ang isipan’. Kahit na wala ako diyan, alam ko na nakatitig ka sa asawa mo ngayon.”Ang sabi ni Marcus ng may malagim na boses, “Josiah, kung gusto mong mabugbog, pwede mong sabihin sa’kin. Hindi mo kailangang ipaalala sa’kin ng ganito.”Natawa na lamang si Josiah. Alam niya na buong araw na sasamahan ni Marcus ang kanyang asawa, kaya agad niyang pinutol ang tawag.Kinabukasan, nakasalubong ni Linda si Yelena sa isang open-air western restaurant sa baba ng Jenner Building.“Ms. Jenner.” Nginitian siya ni Linda at nilabas niya ang isang termination contract. “Nakausap na namin ang secretary mo, kaya pirma mo na lang ang kailangan namin. Please pumirma ka dito!”Madilim na ang ekspresyon ng mukha ni Yelena, at lalong pumangit ang mukha niya dahi
Kung titingnan ang mga ngiti sa kanilang mga mukha, malalaman agad ng isang tao kung gaano kasarap at katamis ang mga ice cream na hawak nila.Sumimangot si Linda at medyo sumama ang loob niya.Bumuntong-hininga si Yelena at sinabing, “Tinuturing mo siyang parang sarili mong kapatid, pero hindi ka man lang niya inimbitahan noong lumabas siya.“Linda, kilala mo ba kung sino yung babaeng nasa harap ni Cordelia? Siya si Zennie, ang pinakabatang anak ng mga Hamerton mula sa Centrolis! Noong huling nagdaos ng isang charity dinner ang pamilya namin, dumating siya kasama si Cordelia. Tinawag pa nga niya si Cordelia na bestfriend niya! Hah, sinong nakakaalam kung anong ginawa ng p*tang ‘yun para maging kaibigan niya si Zennie?“May bago nang kaibigan ang bestfriend mo ngayon, at hindi lang ‘yun, mas maganda ang background ng pamilya niya kaysa sa’yo! Syempre, wala na siyang pakialam sa’yo!” Tinapik ni Yelena ang balikat ni Linda at nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Mukhang ito na ‘yun. Kung
Umaasa rin si Linda na sana ay nagkamali siya.Subalit, napakatalas ng memorya niya mula pa noong nasa high school siya, at kailanman ay hindi niya nakalimutan ang mga taong nakilala niya noon.Kahit na nakasuot ng mask ang isang tao, hindi magbabago ang mga mata nila.Habang iniisip ni Linda ang tungkol dito, lalo siyang nagdududa kay Zennie. Hininaan niya ang kanyang boses at sinabing, “Kung ganun, bantayan mo lang siya ng maigi. Hindi pa natin alam kung siya ba talaga ang anak ng mga Hamerton o hindi.”Nanlaki ang mga mata ni Cordelia sa gulat.“Ang ibig kong sabihin ay dapat manatili kang alerto para hindi ka pagsamantalahan ng masasamang tao!”“Pero Linda…” Nagsalita si Cordelia pagkaraan ng ilang sandali, “Kung hindi siya ang anak ng mga Hamerton, kung ganun ano ang dahilan niya para lumapit sa’kin? Tsaka, dinaos yung charity dinner nung nakaraan para mismo sa kanya, at personal na kinumpirma ni Yelena ang pagkatao niya!“Kahit na kaya niya akong lokohin, sa tingin mo ba m