Sa kabilang banda, puno ng pagdududa ang mukha ni Linda. "Cordelia, tingnan mo yung uniform ng nurse na 'yun. Bakit iba yung uniform niya sa ibang mga nurse? "Masyadong maiksi yung suot niya! Nandito ba talaga siya para palitan yung benda ng asawa mo sa ward ng ganun kaiksi yung suot niya? "Imposible. Dapat akong mag-imbestiga!" "Linda…" Hindi alam ni Cordelia kung tatawa siya o iiyak. "Ano bang dahilan ng pagpunta niya dito maliban sa palitan yung benda ni Marcus? Tigilan mo yung kalokohan mo!" Hindi siya mag-iisip ng masama. Kahit na may babaeng interesado kay Marcus, tatanggihan niya lang sila. Buo ang tiwala niya sa kanyang asawa pagdating sa kanyang katapatan. "Magaling ka sa lahat ng bagay, pero napakahina mo pagdating sa mga ganitong bagay!" Nagreklamo si Linda. Sinilip niya ang likod ni Zennie at palihim niyang kinabisa ang imahe at mukha ng nurse. Pagpasok nilang dalawa sa ward, nilapag ni Cordelia ang thermos na may lamang pagkain sa mesa. Pagkatapos, pinunt
Nakakagulat na nagagawa ni Cordelia na tiisin ang buhay kasama ang lalaking ito! Bahagyang sumimangot si Linda. Noong sandaling iyon, kababalik lang ni Cordelia. May hawak siyang bouquet ng bulaklak. "Nakita ko 'to sa isang florist sa tabi ng paradahan ng sasakyan." Masaya siyang ngumiti. "Magmumukhang maganda ang ward kapag may bulaklak. Hindi ako makapaniwala na sa sobrang dami ng ginagawa ko ngayon ko lang naalalang bumili ng mga bulaklak!" Kumuha siya ng isang babasaging bote at nilagay niya ang mga bulaklak dito. Pagkatapos ay nilagay niya ito sa may bintana. Agad na napuno ng pagmamahal ang mga mata ni Marcus noong nakita niya si Cordelia, at marahan niyang hinawakan ang kanyang maliit na kamay. Nakahanap ng palusot si Linda at agad siyang umalis. Ayaw niyang maging isang mega third-wheel doon! Namula si Cordelia. Binawi niya ang kanyang kamay at tinitigan niya si Marcus gamit ang makakislap niyang mga mata. "Hindi ka nakaligo kahapon, hindi ba? Pupunasan kita."Tu
”Ah, kung ganun ikaw si Dr. Stafford?” Agad na binawi ni Linda ang kanyang kamay na kasalukuyang nakikipagkamay kay Seth. “Ang matchmaker nila Cordelia at Marcus?”Hindi napansin ni Seth ang biglaang pagbabago ng emosyon sa mga mata ni Linda. Hindi lang iyon, iniisip niya din na maganda ang ginawa niyang pagtatambal sa mag-asawa—ginawa niyang posible ang isang magandang relasyon.Inayos ni Seth ang kanyang coat. May kaunting pagmamalaki sa kanyang boses, tumingin siya kay Linda nang may ngiti sa kanyang mukha. “Ako nga. Ha, wala naman akong gaanong ginawa. Nakatadhana sila para sa isa’t isa. Ang ginawa ko lang ay—”“Wala kang ginawa?” Biglang nagsalita si Linda at nilakasan niya ang kanyang boses. “Mukhang masyado kang mapagpakumbaba, Dr. Stafford!”Sumimangot si Seth noong napansin niya na may hindi tama kay Linda.“Dr. Stafford, isa kang doktor! Ang pagliligtas ng buhay ang trabaho mo, hindi ba? Bakit pakiramdam ko isa ka dun sa mga pakialamerong babae na walang magawa sa mga bu
"Tama 'yun! Ang Jenner Group ang isa sa pinakamahusay sa industriya. Hindi maikukumpara ang kumpanya namin. Nakakatuwa na magiging bahagi kami ng tagumpay niyo!" "Huwag niyong sabihin 'yan." Tumingin si Yelena sa kanila ng nakangiti. "Masyado kayong mabait. Yung totoo, sinabi sa'kin ng dad ko bago ako pumunta dito na training para sa'kin ang collaboration na 'to. Lalo na, ako ang magmamana sa negosyo ng pamilya namin balang-araw. Kapag may nagawa akong kahit anong mali, humihingi ako ng tawad!"Natahimik ang buong meeting room. Naramdaman ni Cordelia ang mga tingin ng lahat at palihim siyang suminghal. Sinasabi ni Yelena na gusto niyang malaman ng lahat na siya ang magmamana sa Jenner Group. Ang isang anak sa labas na gaya niya ay walang karapatan dito.Kahit na isa rin siyang Jenner, wala siyang makukuha!Kapag nangyari iyon, posibleng maghirap siya sa kumpanya pagdating ng araw. Karaniwang tinatrato ng mga taong ito ang mga empleyado nila base sa kanilang social status. Kapag
Nang marinig niya ito, si Dwayne Adler na mula sa marketing department ay sumenyas sa mga tauhan niya. Pagkatapos, tumingin si Yelena kay Cordelia ng may malamig na ngiti sa kanyang mga labi. "Natatandaan ko na magaling ka sa pagsisilbi at pag-aliw sa ibang tao, hindi ba, Ms. Jenner? Kung ganun, pwede mo ba akong igawa ng tsaa?" Lumingon ang lahat at tumingin kay Cordelia. Sa kasamaang-palad, kailanman ay hindi matatapos ang away sa pagitan ng tunay na anak at ng anak sa labas. Tumayo si Cordelia at tumingin siya kay Yelena bago siya naglakad papunta sa pantry ng walang ekspresyon ang kanyang mukha. Kumikibot ang mga talukap ng mata ni David. Pinagpawisan siya ng malamig noong naisip niya na may nag-utos sa kanila Josiah at Fredric na pagsamahin ang dalawang kumpanya.Noong tatayo na sana siya upang pigilan si Cordelia, muling may sumulpot sa kanyang isipan.‘Baka nagkataon lang ‘to? Baka balak na talaga ng dalawang kumpanya na mag-merge. Nagkataon lang na nangyari ito kasa
Naglakad si Cordelia palapit kay Yelena ng tahimik at hinawakan niya ang kanyang braso.Sisigawan na sana ni Yelena si Cordelia, ngunit tiningnan niya siya ng masama.Bihirang maging seryoso ang mukha ni Cordelia, at hindi na siya gaya ng dati na kinakayan-kayanan ni Yelena. Nakaramdam ng kaba si Yelena. Kumibot ang kanyang mga labi, at hindi siya nangahas na gumawa ng kahit kaunting ingay.Karaniwang sinasabi ng mga tao na naiimpluwensyahan ng mga mag-asawa ang kilos at ugali ng isa’t isa. Posible kaya na pagkatapos niyang pakasalan si Marcus, ay naglaho na ang pagiging mabuti ni Cordelia at naging kasing bagsik na siya ni Marcus?“Anong balak mong gawin?”Binabaan ni Cordelia ang kanyang boses, at puno ng galit ang kanyang mga mata habang nakatingin siyang maigi kay Yelena. “Ate, nirerepresenta ko ang kumpanya, at nirerepresenta mo ang tatay natin at ang mga Jenner. Sinusubukan mo bang ipahiya ang tatay natin sa pagiging bastos mo?”Tumingin sa kanya si Yelena at kinuyom niya n
Ngumiti si Marcus at sumagot, “Pupunta tayo sa Regalia Hotel.”Napalunok si Cordelia, at kumibot ang kanyang mga labi.‘Sa Regalia Hotel nanaman? Sa tuwing kakain kami sa labas, siguradong pupunta siya sa Regalia Hotel.’Subalit, dahil kagagaling pa lang ng mga sugat niya, naisip ni Cordelia na pagbigyan na lang siya.Pagkatapos magbihis ni Cordelia, pumunta sila sa hotel.Maraming tao ang naglalabas-pasok sa Regalia Hotel, ngunit sa hindi malamang dahilan, walang umuupo sa mesa na malapit sa bintana.Pagpasok nila sa hotel, masaya silang dinala ng waiter papunta sa mesa na malapit sa bintana.“Honey, hindi ba dito tayo umupo noong huling dalawang beses na pumunta tayo dito?” Ang sabi ni Cordelia, “Napakamaasikaso nila. Dalawang beses pa lang tayong nakapunta dito, pero alam na nila kung saan tayo laging umuupo.”Ngumiti si Marcus ngunit hindi siya nagsalita. Tumingin siya sa menu at inabot niya ito sa waiter habang nagpapalitan sila ng tingin.Nakilala ng waiter si Marcus. Da
Nagningning ang mga mata ni Marcus habang nakatingin siya kay Cordelia, interesado siya sa sinabi niya.“Sarili nating negosyo?”“Oo! Kung magagawa nating mag-invest o gumawa ng side hustle pagkatapos ng trabaho, magkakaroon din tayo ng dagdag na income!” Ang seryosong sinabi ni Cordelia, “Kahit isang maliit na tindahan o pwesto lang pwede na ‘yun. Kahit paano, maituturing pa rin ‘yun na sarili nating negosyo. Kapag tayo ang boss, magagawa natin ang lahat ng gusto natin. Hindi ba maganda ‘yun?”“Anong klaseng negosyo ang gusto mong simulan kapag may pera ka?”Nanahimik si Cordelia at nag-isip siya ng matagal, mistula siyang isang batang babae na iniisip ang kanyang hinaharap.“Kung marami akong pera, gusto kong bumili ng shopping mall! Pupunta ang mga tao sa shopping mall ko at bibili sila mula sa’kin! Hehe! Pero sa tingin ko imposible ‘yun, kaya mas makatotohanan ang mag-ipon ng pera upang makapagbukas tayo ng isang maliit na coffee shop na may malalaking floor-to-ceiling windows