Tumigil si Rowan. Parang nabara ang kanyang lalamunan, at naging malungkot ang kanyang tingin.Naisip ni Cordelia na siya ay nag-trigger ng isang bagay na malungkot at nakaramdam ng pagkakasala. Mabilis niyang inilihis ang topic. "Sir, mukhang maganda ang pusa mo. Mukhang hindi naman sakit!"“Oh…” bawi ni Rowan at ngumiti. "Ito... hindi rin maganda ang pakiramdam sa mga araw na ito. Sa tingin ko mas mabuting tingnan ito.""Ngunit ang linyang ito ay talagang mahaba." Napabuntong-hininga si Cordelia.Ang ospital ng beterinaryo ay hindi malaki, ngunit ang mga pusa at aso ay mahirap kontrolin. Hindi sila makapagsalita at naiiyak lamang ang kanilang kakulangan sa ginhawa. Kahit na ang isang bihasang beterinaryo ay magtatagal ng ilang oras sa bawat alagang hayop."Hindi mo pa turn." Ngumiti si Rowan. "Bakit hindi ko tingnan ang iyong pusa?"Nagulat si Cordelia. "Isa kang vet?"“Isa akong doktor.”Ngumiti siya. "Sir, ginagamot mo ang mga tao, pero pwede mo ring gamutin ang mga hayop?"
Isang malaking cruise ang naglayag sa kahabaan ng pribadong sea area ng Bayers.Umalingawngaw ang melodic piano music sa buong beach, at maging ang mga seagull ay sumasayaw.Isa si Rowan sa mga inimbitahang bisita. Tumayo siya sa deck at humigop sa kanyang champagne, alam na alam niya kung bakit siya inimbitahan ng Bayers.Ito ay para sa pinagsamang proyekto ng ospital.Ngumisi siya at inubos ang champagne para bumalik sa banyo sa cruise.Bigla siyang nakarinig ng malalim at mapanuksong boses habang nakapikit ang mga mata sa sopa."Mr. Irwin, hindi mo ba dinala ang Siamese cat mo?"Biglang bumukas ang mga mata ni Rowan.Tumayo si Zephyr sa kanyang harapan na may mapanuksong ngiti sa kanyang nagyeyelong mukha. Malamig ang tingin nito sa kanya. "Mr. Irwin, ayos ka lang ba?"Huminga ng malalim si Rowan."Mr. Zephyr." Bumangon siya at ngumiti.Habang nakatayo silang dalawa sa harap ng isa't isa, ang nagyeyelong tingin ni Zephyr ay naging masama nang bigla siyang humakbang pasulo
Huminto si Zephyr at tinitigan niya si Rowan."Bakit ka nag-aalala ka kung sasamahan ko ba siya o hindi?""Ikaw-""Hindi ba parang masyado kang nangingialam sa bagay na walang kinalaman sa’yo, Mr. Irwin?" Tumigas ang tono ni Zephyr habang malamig na kumikinang ang kanyang mga mata.Gayunpaman, ang ikinagulat niya, ay lumamlam ang ekspresyon ni Rowan, at makikita ang kalungkutan sa kanyang mukha."Oo, dapat hindi ako masyadong nag-aalala." Bulong ni Rowan sa kanyang sarili habang naglalakad palabas, "Sino ba ako para..."Pinanood siya ni Zephyr na umalis na may pagtataka sa mukha.Ano ang gusto ng tusong matandang na ‘yun? Kung ano man iyon, hindi siya dapat lumapit kay Cordelia.Mabilis na lumabas ng kwarto si Zephyr.Ang recital sa deck ay natapos na. Ang mga panauhin ay nagkakalat ng baso, at ito ay masaya.Nakatayo si Cordelia sa bow, malayo sa karamihan, habang nakangiting pinagmamasdan ang mga tao."Cordelia, bakit ka mag-isa dito?" Nagmamadaling tumakbo si Josiah at bi
Tumingin ng masama si Zephyr kay Rowan at prinotektahan niya si Cordelia.Tumingin si Cordelia kay Zephyr, pagkatapos ay tumingin siya kay Rowan, “Zen, kilala mo ba siya?”“Oo,” Ang sabi ni Rowan.“HIndi,” Ang sabi ni Zephyr.Walang masabi si Cordelia.Huminto siya. Nakita niya na madilim ang ekspresyon ni Zephyr habang may kakaibang tingin si Rowan, ang hula ni Cordelia ay may away sa pagitan ng dalawa noon.Gayunpaman, kahit anong mangyari, hindi dapat sila gumawa ng gulo sa event ng mga Bayer.Humawak si Cordelia sa kamay ni Zephyr at tumingin siya ng maamo kay Zephyr. Ang ngiti niya ay parang mahika, kaya nitong pakalmahin agad si Zephyr.“Siya ang chairman ng Southeast Aciatic Medical Association, si Rowan Irwin. Siya rin ang head ng Irwin Pharmaceuticals.” Nagbigay siya ng simpleng introduction kay Zephyr.Kumilos ang mga mata ni Cordelia.Hindi niya alam kung dahil marami siyang naririnig tungkol sa Southeast Aciatic nitong nakaraan, pero may kakaibang pakiramdam sa lo
Habang sumusunod si Rowan sa kanila, madilim ang ekspresyon niya. Gusto niyang tusukin ng karayom si Zephyr noong makita niya na paminsan minsang humahawak si Zephyr kay Cordelia.Gayunpaman, pinag isipan niya ito, at naisip niya na mas pipiliin niya na makita silang mapagmahal sa isa’t isa.Ngumiti siya.Sa huli, nagdesisyon siya na hindi na maging isang third wheel. Noong tatalikod na siya para ihatid siya paalis ng attendant, biglang napansin niya ang dalawang anino na palihim na dumaan.“Sino yan?” Ang sigaw niya.Ang dalawang tao ay mabilis na tumakbo patungo sa cockpit. May masamang kutob si Rowan, tumakbo siya papunta sa dalawa.Tila may kaguluhan noong dumaan siya sa cockpit.“May tao ba dito?” Dumilim ang ekspresyon niya. Lumapit siya at kumatok siya sa pinto.Sa loob ng ilang sandali ng katahimikan, ang mga alon lang ng dagat ang maririnig.May malakas na tunog. Agad siyang umiwas. Ang dalawang tao na sumugod sa cockpit ay tinutok ang baril sa kanya.Napatalon ang p
“Alam ko kahit hindi mo sabihin sa akin. Tutal, ilan lang ang tao sa mundo na ito na gusto akong patayin!”Namutla ang mukha ng lalaki habang ngumiti siya. “Hah, Mr. Z, gusto niyong malaman kung sino ang nagpadala sa akin dito?”Tinaas niya ang duguan na daliri niya kay Rowan.“Kalokohan!” Nagalit si Rowan. “Tauhan ka ni Matthew!”Ngumiti ang lalaki at gumapang siya tabi habang sugatan ang katawan. Pagkatapos ay naglaho siya papunta sa dagat.Nabigla pa rin si Cordelia. Lumapit siya habang nanginginig.Niyakap niya ng mahigpit si Zephyr.“A-Ano ba ang nangyari?”Ang dugo sa deck ay nakakatakot, at nakakatakot din ang mga sugat sa mukha ni Rowan.Nagbuntong hininga si Rowan. “Tauhan sila ni Matthew. Nakita ko na sila noon. Pero hindi ko alam kung paano sila nakalusot at nakarating sa yate niyo.”“Noong nakita ko sila, lumabas sila ng cockpit—”Biglang may naalala si Rowan habang nagsasalita siya sa puntong ito. Nataranta siya.“Baka binago nila ang ruta sa cockpit!”Tumingi
Nahulog si Cordelia sa malamig na dagat.Naramdaman niya na napapalibutan siya ng kadiliman. Kahit anong gawin niya, hindi siya makatakas sa kadiliman.Tumawag siya ng tulong, pero ang tubig ay humarang sa ilong at bibig niya. Nawawalan na siya ng pag asa…May humawak sa kamay niya sa kadiliman na ito.Akala niya ay ito si Zephyr, kaya mahigpit ang hawak niya. Gayunpaman, ang kamay ay hindi kasing laki ng kamay ni Zephyr, ngunit malakas ito… Naging blanko ang isip niya, at narinig niya ang patuloy na pagtawag ng “Cordelia” habang malabo ang diwa niya…Umubo siya ng malakas at maraming lumabas na tubig sa bibig niya bago siya gumising ng mabagal.Nakita niya ang dalawang nag aalalang mukha.“Nagising ka na rin!” Tinulungan ni Zephyr si Cordelia.Napagtanto ni Cordelia na nakahiga siya sa beach.Lumipas na ang bagyo, at sumikat na ang araw. Makinang ang dagat—mapayapa ito—ngunit hindi pamilyar.“Nasaan… tayo?” Nalilito si Cordelia.Nakita niya na nakatingin sa kanya si Zephyr,
“Hindi na kailangan.” Tumayo si Rowan. “Maliit lang ito. Pati, isa akong doctor. Kaya ko itong harapin ng mag isa.”Kasunod nito, tumuloy na sila sa mga gawain nila.Tulad ng inaasahan, nakahanap sila ng maraming pagkain sa storeroom sa ilalim ng cabin.Ang mga bedding sa mga bedroom ay bago. Maraming mga pangangailangan na pang araw-araw sa maliit na kusina. Meron nito ang lahat.Nakahanap pa si Cordelia ng mga compressed biscuits at instant food sa cabinet.“Wow. Ang liit, pero nandito ang lahat!” Ang sabi niya habang nakangiti. “Hindi natin kailangan mag alala ngayon.”Tumingin si Zephyr sa paligid. “Sa tingin ko ay walang kuryente.”Sa sandaling ito, may ingay na tumunog mula sa cockpit.Mabilis silang lumapit at nakita nila na inaaral ni Rowan ang manual. Pinindot ni Rowan ang ilang mga button, at bumukas ang mga ilaw pagkatapos ng isang beep.“Ito ang button para kontrolin ang circuit.” Tumingin si Rowan sa kanilang dalawa. “Mukhang may kuryente pang natitira sa yate, pe