Nabigla si Zephyr. “Mr. Irwin, ito ay… problema rin para sa inyo?”“Ano? Hindi pwede?” Tumingin ng masama si Rowan kay Zephyr. “Ako ang—”Nagdadalawang isip siyang tapusin ang pangungusap. Umubo siya. “HIndi pa kayo nagpapakasal, hindi ba? Ano sa tingin niyo ang itsura kapag natulog kayo ng magkasama bago pa kayo ikasal?”Tumingin ng masama si Zephyr kay Rowan.Wala siyang ideya kung ano ang binabalak ni Rowan. Minsan ay mabait si Rowan sa kanya, ngunit pinipintasan siya nito minsan. Ngunit kapag mabait si Rowan, ito ay dahil kay Cordelia.“Zephyr!” Tumakbo si Cordelia papunta sa harap at kumaway siya ng sabik. “Tingnan mo ito, dali!”“Ano yun?”“Isa itong mountain spring, hindi ba?” Ang sabi ni Cordelia ng nakangiti, “Nakikita ko na dumadaloy ito mula sa bundok.”“Ibig sabihin ay may maiinom na tubig dito!” Ngumiti rin si Zephyr. Pagkatapos ay sinuri niya ng mabuti ang paligid, lumapit siya sa isang puno.“Ano yun?”“May ganitong puno rin sa Centrolis…” Nag isip siya at sina
“Wala akong relasyon sa kahit sino,” Ang simpleng sinabi ni Kelly. “Nagkataon lang… na nagkakilala kami.”Malupit ang tingin ni Nelly habang ang pulang mga labi niya ay ngumiti ng mapanglait.“Hah, sobrang ganda ng baby sis ko kahit na may sakit siya, may lalaking nanliligaw sa kanya!” Ang matalim na kuko niya ay dumaan sa mukha ni Kelly. “Kapag nasira ang mukha na ito, ano kaya ang itsura ni Josiah kapag nakita ka niya ulit.”“Hindi mo ito gagawin.” Tumingin si Kelly kay Nelly.Determinado ang maputla at magandang mga mata niya.Puno ng kamuhian ang tingin ni Nelly. Takot din siya.“Sa tingin mo ay hindi ko ito kayang gawin?” Kinagat niya ang ngipin niya at humigpit ang mga daliri niya sa leeg ni Kelly.Kumunot ang noo ni Kelly habang napuno siya ng takot.Hirap na sinabi ni Kelly, “Nelly, kapag… naglaho talaga ako sa mundong ito, mawawala rin ang lahat sayo!”Tinamaan si Nelly at mabagal siyang bumitaw, ngunit may kasamaan pa rin sa mga mata niya.“Kapag nasugat ang mukha k
Ika-limang araw na sa isla.Malakas at maliwanag ang araw nitong mga nakaraang araw, at ang isla ay masigla dahil sa mga berdeng kulay at sariwang hangin.Kung wala sila dito dahil sa trahedya, itatrato sana nila itong trip bilang isang bakasyon.Konti na lang ang pagkain, kaya sinusubukan ni Zephyr na manghuli ng isa sa dagat simula pa kahapon. Disente ang swerte niya, at nakainom sila ng sariwang fish soup noong gabing yun. Nakahanap din siya ng mga tools tulad ng palakol at ibang mga gamit sa pinakababa ng cabin at bumalik siya ng may mga kahoy mula sa gubat.Mas lalong napuno ng paghanga ang tingin ni Cordelia kay Zephyr.Kung mag isa lang siyang napunta sa isla na ito, siguradong mahihirapan siya. Ngayon at nandito ang lalaking ito, ayos lang ang lahat.Kumirot ang puso niya nang makita ang mga paltos sa kamay ni Zephyr habang sinuklayan niya ang magulong buhok nito. Habang nakatingin sa mukha ni Zephyr, na hindi pa nag aahit ng ilang araw, bigla siyang tumawa.Ito ang itsu
Pumunta si Cordelia sa deck pagkatapos mag shower.Ang araw ay nasa gitna ng kalangitan ngayon, kaya tanghali na siguro. Autumn season na, ngunti medyo mainit pa rin. Ang deck ay mainit dahil sa araw at komportable ito sa papa.Nakita ni Cordelia na nakaupo si Rowan sa harap ng yate.Napansin din ni Rowan si Cordelia at tumalikod siya para batiin ito.“Mr. Irwin.” Tumango si Cordelia ng nakangiti.Sumenyas si Rowan para umupo si Cordelia sa tabi niya.“Nasaan ang boyfriend mo?” Ang tanong ni Rowan ng nakangiti.“Naglalaba po siya.” Tumuro si Cordelia sa gubat. “Doon po sa spring.”Pinag isipan ito ni Rowan at lumapit siya para itanong, “Madalas bang siya ang gumagawa ng labahan kapag nasa bahay kayong dalawa?”“May katulong po kami sa bahay, at madalas na siya ang gumagawa ng gawaing bahay.”Kumunot ang noo ni Rowan. “So, ang bwisit na lalaking yun ay walang ginagawa para tumulong?”Ngumiti ng awkward si Cordelia. Hindi niya maintindihan kung bakit ang matandang lalaking ito
Naisip ni Cordelia na nakakatawa ito. Nakiliti siya sa pangungusap na “hindi maaasahan ang mga lalaki”. Lalaki rin ang matandang ito—ito rin ba ang komento niya sa sarili iya?“Mr. Irwin, hindi pare pareho ang mga lalaki!” Tumawa si Cordelia. “May kumpiyansa ako sa lalaki ko. Hindi siya tulad ng sinasabi niyo.”“Sasabihin ba ng isang masamang tao na masama siya?” Naaliw si Rowan. “Sasabihin ko sayo base sa personal na karanasan ko. Kailangan mong pag isipan ng mabuti ang sarili mo! At hindi ka dapat magtiwala sa iba ng basta basta!”“Personal na karanasan niyo?” Nakuha ni Cordelia ang puntong ito. “Ano po ang naranasan niyo?”“Yun ay…” Nagbago ang ekspresyon ni Rowan, at tumahimik siya.Ano ang pwede niyang sabihin? Sasabihin niya kay Cordelia na pinagsamantalahan niya ang nanay ni Cordelia noon at kung paano niya nakuha ang Irwin Pharmaceuticals? O dapat niya bang sabihin kay Cordelia na siya ay isang uri ng tao na hindi maaasahan at hindi mapagkakatiwalaan?Biglang nawalan ng l
Kumunot ang noo ni Zephyr habang nabigla naman si Rowan.“Mahahanap ba ang pinanggalingan ng message na ito?” Ang tanong ni Rowan.Sinagot ni Zephyr ng may mahinang boses, “Sa tingin ko, pero hindi ko pa natutunan sa manual at hindi ko alam kung paano ito gawin.”Kinuha ni Rowan ang manual at binasa niya ang bawat linya.Sinabi ni Zephyr pagkatapos ng ilang sandali ng katahimikan, “Mr. Irwin, sa tingin ko ay ang paghingi ng tulong na ito ay hindi para sa atin, kundi para kay Josiah.”“Mr. Bayer?” Kumunot ang noo ni Rowan. “Ang ibang mga yate ba ay napunta rin sa panganib?”“Baka…”Sumingkit ang mga mata ni Zephyr. May naisip siya. Minsang sinabi sa kanya ni Josiah na may gustong babae si Josiah, at na walang kasunod nito.‘Hindi kaya… hindi sa ayaw magkaroon ng relasyon ng babae kay Josiah, ngunit ito ay dahil hindi siya pwede?’Humigpit ang puso ni Zephyr. Naging seryoso ang tingin niya habang tumitig siya sa message na [Tulong!]…Kahit na ang radio at internet connection
Kumunot ang noo ni Zephyr, medyo naiinis siya. “Kailan ka pa naging mabagal?”Walang masabi si Robert.“Gusto kong bilhin ang isla. Naiintindihan mo na?!”Binili ni Zephyr ang isla pagkatapos bumalik sa Centrolis at handa na siyang idevelop ito.Kahit ang Hamerton Group ay naisip na nawala na sa pag iisip si Zephyr, kahit si Liam ay ganito ang naisip.Ang geographical location ng isla ay ang pinakamasama sa pagitan ng mga nakapaligid na isla sa Centrolis. Ito ang pinakamaliit. Maliban sa mas maganda ang tanawin, wala itong commercial value.Ang board meeting ay puno ng mga komento.“Anong meron kay Mr. Zephyr? Umalis lang siya at bumalik siya ng nasiraan na ng ulo!”“Bumili siya ng isla na walang halaga! Sayang naman at ang Hamerton Group ay may isang walang ingat na tagapagmana na ganito!”May isa pang nagsabi, “Ang isla na yun ba ay may kakaibang kapangyarihan para akitin si Mr. Zephyr?”Simple lang ang sagot ni Zephyr sa lahat ng ito. “Sino ang nagsabi na para sa commercia
Kinagat ni Nelly ang mga labi niya at huminga siya ng malalim. Binisita niya si Liam noong nakaraang mga araw, at sinabi pa rin ng matanda na sinusuportahan nito ang pagpapakasal niya kay Zephyr.Kahit na ipinaliwanag ni Mandy na ang mga Tanner at mga Hamerton ay walang pangako at ang kasal ay dapat pag desisyonan ng lalaki at babae na ikakasal, hindi pa rin sang ayon si Nelly dito.Ito ay isang laban na hindi niya susukuan. Gusto niyang magpakasal sa mga Hamerton. Naisip niya na kapag ginawa niya ito, tataas ang tingin ni Mandy sa kanya, at walang kahit sino sa mga Hamerton ang titingnan siya ng mababa dahil sinusuportahan siya ni Zephyr.Sa ganun, hindi niya kailangan matakot na malaman ng mga tao ang kapanganakan niya. Habang buhay na sikreto ito na dinurog niya na sa ilalim ng mga paa niya.Huminahon si Nelly. “Zephyr, alam ko na minadali mo lang ang desisyon mo. Mabuti si Ms. Jenner, pero hindi siya nababagay sayo.”“Ang kasal ay parang pagbuo ng isang bahay. Pwede lang ito t
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala