Kumunot ang noo ni Zephyr, medyo naiinis siya. “Kailan ka pa naging mabagal?”Walang masabi si Robert.“Gusto kong bilhin ang isla. Naiintindihan mo na?!”Binili ni Zephyr ang isla pagkatapos bumalik sa Centrolis at handa na siyang idevelop ito.Kahit ang Hamerton Group ay naisip na nawala na sa pag iisip si Zephyr, kahit si Liam ay ganito ang naisip.Ang geographical location ng isla ay ang pinakamasama sa pagitan ng mga nakapaligid na isla sa Centrolis. Ito ang pinakamaliit. Maliban sa mas maganda ang tanawin, wala itong commercial value.Ang board meeting ay puno ng mga komento.“Anong meron kay Mr. Zephyr? Umalis lang siya at bumalik siya ng nasiraan na ng ulo!”“Bumili siya ng isla na walang halaga! Sayang naman at ang Hamerton Group ay may isang walang ingat na tagapagmana na ganito!”May isa pang nagsabi, “Ang isla na yun ba ay may kakaibang kapangyarihan para akitin si Mr. Zephyr?”Simple lang ang sagot ni Zephyr sa lahat ng ito. “Sino ang nagsabi na para sa commercia
Kinagat ni Nelly ang mga labi niya at huminga siya ng malalim. Binisita niya si Liam noong nakaraang mga araw, at sinabi pa rin ng matanda na sinusuportahan nito ang pagpapakasal niya kay Zephyr.Kahit na ipinaliwanag ni Mandy na ang mga Tanner at mga Hamerton ay walang pangako at ang kasal ay dapat pag desisyonan ng lalaki at babae na ikakasal, hindi pa rin sang ayon si Nelly dito.Ito ay isang laban na hindi niya susukuan. Gusto niyang magpakasal sa mga Hamerton. Naisip niya na kapag ginawa niya ito, tataas ang tingin ni Mandy sa kanya, at walang kahit sino sa mga Hamerton ang titingnan siya ng mababa dahil sinusuportahan siya ni Zephyr.Sa ganun, hindi niya kailangan matakot na malaman ng mga tao ang kapanganakan niya. Habang buhay na sikreto ito na dinurog niya na sa ilalim ng mga paa niya.Huminahon si Nelly. “Zephyr, alam ko na minadali mo lang ang desisyon mo. Mabuti si Ms. Jenner, pero hindi siya nababagay sayo.”“Ang kasal ay parang pagbuo ng isang bahay. Pwede lang ito t
“Ayos lang po, Aunt Tanner.” Nirerespeto pa rin ni Zephyr ang nakakatanda sa kanya. “Si Grandpa po ay binanggit kayo ni uncle noong nakaraan at nangangamusta po siya.”“Sabihin mo na ayos lang kami at salamat kamo.” Tumango si Mandy. “Matagal nang inalagaan ni Elder Mr. Hamerton ang mga Tanner, at may utang na loob kami… Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong ko, Mr. Zephyr!”“Okay po.”Nakipag kamustahan si Zephyr kay Mandy bago siya nagpaalam para makipag usap sa ibang mga guest.Nanginig si Nelly. Ang mga kamay at paa niya ay malamig habang namuo ang galit niya.Tumingin ng masama si Mandy kay Nelly at sinabi niya ng malamig, “Sapat nang nandito kami ng tatay mo. Pwede ka nang umuwi kung hindi ka pa sanay sa event.”“Mom!” Nataranta si Nelly. “Pumayag po si Grandpa Hamerton sa kasal namin ni Zephyr. Bakit pinipigilan niyo pa rin po ako?!”“Dahil nahihiya na ako!” Ang sumbat ni Mandy.Kinagat ni Nelly ang labi niya at nanatili siyang tahimik.Humawak si Mandy sa braso n
Tumayo sa gitna ng banquet hall si Cordelia suot ang mahaba na cream-yellow, light chiffon dress. Mukha siyang maganda at elegante, parang isang diwata.Nakuha ni Cordelia ang atensyon ng lahat.Natulala ang host ng ilang sandali bago siya bumalik sa sarili at kinuha niya ang cue card mula sa assistant niya. Umubo siya at pinakilala niya si Cordelia ng nakangiti.“Everyone, nahulaan niyo na siguro ito.” Malakas at klaro ang boses ng host. “Ito si Ms. Cordelia Jenner. Hindi lang siya ang boss sa likod ng proyekto ng western suburb, siya rin ang CEO ng tatlong nakalistang kumpanya!”Sa sandaling yun, ang mga bisita ay tila napahinto, at ang buong mundo ay nahigop sa isang butas. Walang kahit anong tunog o kilos.Makalipas ang ilang sandali ng katahimikan, nagkaroon ng malakas na palakpakan sa hall.May maliit na ngiti si Cordelia habang ang tingin niya ay dumaan sa mga bisita at huminto ito kay Nelly. Hawak ni Zephyr ang kamay niya at ngumiti siya kay Nelly.Walang ilaw sa mundo n
“Ito ang unang beses ko maging isang boss,” Ang mahinang sinabi ni Cordelia. “Pagbigyan niyo ako kung nagkulang ako!”Humawak si Zephyr sa mga balikat ni Zephyr. “May ilang mga partner doon. Ipapakilala ko sila sayo!”Umalis silang dalawa habang ang mga tao ay nagkalat. Si Nelly ang tanging natira na nakatayo doon.Tumalikod sina Joe at Mandy pagkatapos lumayo ng dalawang hakbang. “Bakit nakatayo ka lang dyan? Hindi pa ba sapat ang pagpapahiya mo sa sarili mo?!”Napuno ng poot at paghihiganti si Nelly. Sumunod siya sa likod nila at mabilis siyang naglakad palabas ng party.…“Ganito po ang nangyayari sa party.” Ang report ni Mr. Williams kay Rowan.Nakatayo si Rowan sa harap ng floor-to-ceiling window sa sala. Nasa loob siya ng private mansion niya sa Centrolis, malapit ito si Royal Manor.“Ang galing po tala ng ating si Cordelia. Hindi niya po kailangan ng tulong ng iba, at nagawa niyang harapin ang Nelly na yun!” Ang papuri ni Charlie.Ngumisi si Rowan. Hindi niya mapigilan
Sumagot ng magalang ang butler. “Si Madam Tanner po ang naghanda nito.”Halos huminto ang puso ni Nelly.Noong papasok na siya, pinahinto siya ng butler. “Si Madam Tanner po ang nag aalaga kay Ms. Kelly ngayon. Ipinagbabawal niya po na pumasok ang kahit sino.”“Kahit ako?” Nagpanggap na maging kalmado si Nelly. “Hah, ako ang nag alaga sa kanya!”“Ito po ang utos ni Madam Tanner!” Ang ekspresyon sa mga mata ng butler ay malamig. “Bumalik na po kayo, Ms. Nelly!”“Ikaw…”Nainis si Nelly. Binawi niya ang kamay niya at tumalikod siya par umalis.Gayunpaman, natataranta siya sa loob.Malalaman ni Mandy ang sikreto ni Nelly dahil siya mismo ang mag aalaga kay Kelly… Lagot si Nelly ngayon.Kailangan niya mag isip ng paraan para masolusyonan ito!Pabalik balik siyang naglalakad sa courtyard. Natataranta siya na parang isang langgam sa mainit na ihawan.Sa sandaling ito, nagring ang phone.Nabigla siya. Noong yumuko siya para tumingin, nakita niya ang isang message mula kay Mona. Pin
Sa katotohanan, hindi masisisi ni Nelly si Mona.Hindi inaasahan ni Nelly na isang tuso si Janine para gawin ang isang bagay na iba sa ipinangako. Sinabi ni Janine na nakapili na siya ng manugang, at ito ay isang maling akala kay Nelly.Sa katotohanan, ang manugang na pinili ni Janine ay si Cordelia!Humigpit ang kamo ni Nelly. “Yung p*ta na si Cordelia ang gumawa nito sayo!”Lumingon si Mona para tumingin kay Nelly. Nanginginig siya sa galit.“Tama! Kasalanan ito ng p*ta na yun!”“Pero Nelly, hindi ko kayang lumapit sa kanya. Hindi man lang ako makapasok ngayon sa headquarters ng Imperial media… Kaya, ano sa tingin mo ang dapat kong gawin para maghiganti?”Tumahimik si Nelly bago ulit siya nagsalita. “Kung wala tayong pwedeng gawin sa kanya, sasaktan natin ang mga tao sa buhay niya! Basta’t masaktan siya, hindi na mahalaga kung sino ang ipahamak natin!”“Ang mga tao sa buhay niya?” Pinag isipan ito ni Mona. “Hindi ba’t gumawa ka na ng problema para sa kapatid niya? Inakusahan
Tumingin ng inosente si Josiah. “Z, anong problema?”Nabasa ni Fredric ang sitwasyon. Mabilis niyang tinakpan ang bibig ni Josiah. Kumaway siya sa attendant para pigilan ito sa pagdala ng inumin.Huminahon lang si Zephyr pagkatapos huminga ng ilang beses. Tumingin siya kay Fredric at sumenyas siya para magkita sila sa lounge.Sinuot nila ang kanilang bathrobe at pumunta sila sa lounge.“Hinahanap mo ba ako, Z?”Huminto si Zephyr. Napuno ng kinang ang mga mata niya. “Nalilito ako sa isang bagay.”“Ano yun?”“Ang bagay na inimbestigahan natin… May hindi ba tayo nalalaman?”Hindi nabigla si Fredric. Sa halip, tila hinihintay niya lang na itanong ito ni Zephyr.“Naghihinala ka rin ba, Z?” Ang sabi ni Fredric, “May hinala ako tungkol dito, pero naisip ko na sabihin lang ito sayo pagkatapos makahanap ng mas maraming ebidensya.”“Sinabi sa akin ni Robert na nalaman mo na bumili ng mahal na insurance policy si Matthew bago ang place accident. Ang beneficiary ay si Rowan.”“Hah, Z, l
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala