“Alam ko kahit hindi mo sabihin sa akin. Tutal, ilan lang ang tao sa mundo na ito na gusto akong patayin!”Namutla ang mukha ng lalaki habang ngumiti siya. “Hah, Mr. Z, gusto niyong malaman kung sino ang nagpadala sa akin dito?”Tinaas niya ang duguan na daliri niya kay Rowan.“Kalokohan!” Nagalit si Rowan. “Tauhan ka ni Matthew!”Ngumiti ang lalaki at gumapang siya tabi habang sugatan ang katawan. Pagkatapos ay naglaho siya papunta sa dagat.Nabigla pa rin si Cordelia. Lumapit siya habang nanginginig.Niyakap niya ng mahigpit si Zephyr.“A-Ano ba ang nangyari?”Ang dugo sa deck ay nakakatakot, at nakakatakot din ang mga sugat sa mukha ni Rowan.Nagbuntong hininga si Rowan. “Tauhan sila ni Matthew. Nakita ko na sila noon. Pero hindi ko alam kung paano sila nakalusot at nakarating sa yate niyo.”“Noong nakita ko sila, lumabas sila ng cockpit—”Biglang may naalala si Rowan habang nagsasalita siya sa puntong ito. Nataranta siya.“Baka binago nila ang ruta sa cockpit!”Tumingi
Nahulog si Cordelia sa malamig na dagat.Naramdaman niya na napapalibutan siya ng kadiliman. Kahit anong gawin niya, hindi siya makatakas sa kadiliman.Tumawag siya ng tulong, pero ang tubig ay humarang sa ilong at bibig niya. Nawawalan na siya ng pag asa…May humawak sa kamay niya sa kadiliman na ito.Akala niya ay ito si Zephyr, kaya mahigpit ang hawak niya. Gayunpaman, ang kamay ay hindi kasing laki ng kamay ni Zephyr, ngunit malakas ito… Naging blanko ang isip niya, at narinig niya ang patuloy na pagtawag ng “Cordelia” habang malabo ang diwa niya…Umubo siya ng malakas at maraming lumabas na tubig sa bibig niya bago siya gumising ng mabagal.Nakita niya ang dalawang nag aalalang mukha.“Nagising ka na rin!” Tinulungan ni Zephyr si Cordelia.Napagtanto ni Cordelia na nakahiga siya sa beach.Lumipas na ang bagyo, at sumikat na ang araw. Makinang ang dagat—mapayapa ito—ngunit hindi pamilyar.“Nasaan… tayo?” Nalilito si Cordelia.Nakita niya na nakatingin sa kanya si Zephyr,
“Hindi na kailangan.” Tumayo si Rowan. “Maliit lang ito. Pati, isa akong doctor. Kaya ko itong harapin ng mag isa.”Kasunod nito, tumuloy na sila sa mga gawain nila.Tulad ng inaasahan, nakahanap sila ng maraming pagkain sa storeroom sa ilalim ng cabin.Ang mga bedding sa mga bedroom ay bago. Maraming mga pangangailangan na pang araw-araw sa maliit na kusina. Meron nito ang lahat.Nakahanap pa si Cordelia ng mga compressed biscuits at instant food sa cabinet.“Wow. Ang liit, pero nandito ang lahat!” Ang sabi niya habang nakangiti. “Hindi natin kailangan mag alala ngayon.”Tumingin si Zephyr sa paligid. “Sa tingin ko ay walang kuryente.”Sa sandaling ito, may ingay na tumunog mula sa cockpit.Mabilis silang lumapit at nakita nila na inaaral ni Rowan ang manual. Pinindot ni Rowan ang ilang mga button, at bumukas ang mga ilaw pagkatapos ng isang beep.“Ito ang button para kontrolin ang circuit.” Tumingin si Rowan sa kanilang dalawa. “Mukhang may kuryente pang natitira sa yate, pe
Nabigla si Zephyr. “Mr. Irwin, ito ay… problema rin para sa inyo?”“Ano? Hindi pwede?” Tumingin ng masama si Rowan kay Zephyr. “Ako ang—”Nagdadalawang isip siyang tapusin ang pangungusap. Umubo siya. “HIndi pa kayo nagpapakasal, hindi ba? Ano sa tingin niyo ang itsura kapag natulog kayo ng magkasama bago pa kayo ikasal?”Tumingin ng masama si Zephyr kay Rowan.Wala siyang ideya kung ano ang binabalak ni Rowan. Minsan ay mabait si Rowan sa kanya, ngunit pinipintasan siya nito minsan. Ngunit kapag mabait si Rowan, ito ay dahil kay Cordelia.“Zephyr!” Tumakbo si Cordelia papunta sa harap at kumaway siya ng sabik. “Tingnan mo ito, dali!”“Ano yun?”“Isa itong mountain spring, hindi ba?” Ang sabi ni Cordelia ng nakangiti, “Nakikita ko na dumadaloy ito mula sa bundok.”“Ibig sabihin ay may maiinom na tubig dito!” Ngumiti rin si Zephyr. Pagkatapos ay sinuri niya ng mabuti ang paligid, lumapit siya sa isang puno.“Ano yun?”“May ganitong puno rin sa Centrolis…” Nag isip siya at sina
“Wala akong relasyon sa kahit sino,” Ang simpleng sinabi ni Kelly. “Nagkataon lang… na nagkakilala kami.”Malupit ang tingin ni Nelly habang ang pulang mga labi niya ay ngumiti ng mapanglait.“Hah, sobrang ganda ng baby sis ko kahit na may sakit siya, may lalaking nanliligaw sa kanya!” Ang matalim na kuko niya ay dumaan sa mukha ni Kelly. “Kapag nasira ang mukha na ito, ano kaya ang itsura ni Josiah kapag nakita ka niya ulit.”“Hindi mo ito gagawin.” Tumingin si Kelly kay Nelly.Determinado ang maputla at magandang mga mata niya.Puno ng kamuhian ang tingin ni Nelly. Takot din siya.“Sa tingin mo ay hindi ko ito kayang gawin?” Kinagat niya ang ngipin niya at humigpit ang mga daliri niya sa leeg ni Kelly.Kumunot ang noo ni Kelly habang napuno siya ng takot.Hirap na sinabi ni Kelly, “Nelly, kapag… naglaho talaga ako sa mundong ito, mawawala rin ang lahat sayo!”Tinamaan si Nelly at mabagal siyang bumitaw, ngunit may kasamaan pa rin sa mga mata niya.“Kapag nasugat ang mukha k
Ika-limang araw na sa isla.Malakas at maliwanag ang araw nitong mga nakaraang araw, at ang isla ay masigla dahil sa mga berdeng kulay at sariwang hangin.Kung wala sila dito dahil sa trahedya, itatrato sana nila itong trip bilang isang bakasyon.Konti na lang ang pagkain, kaya sinusubukan ni Zephyr na manghuli ng isa sa dagat simula pa kahapon. Disente ang swerte niya, at nakainom sila ng sariwang fish soup noong gabing yun. Nakahanap din siya ng mga tools tulad ng palakol at ibang mga gamit sa pinakababa ng cabin at bumalik siya ng may mga kahoy mula sa gubat.Mas lalong napuno ng paghanga ang tingin ni Cordelia kay Zephyr.Kung mag isa lang siyang napunta sa isla na ito, siguradong mahihirapan siya. Ngayon at nandito ang lalaking ito, ayos lang ang lahat.Kumirot ang puso niya nang makita ang mga paltos sa kamay ni Zephyr habang sinuklayan niya ang magulong buhok nito. Habang nakatingin sa mukha ni Zephyr, na hindi pa nag aahit ng ilang araw, bigla siyang tumawa.Ito ang itsu
Pumunta si Cordelia sa deck pagkatapos mag shower.Ang araw ay nasa gitna ng kalangitan ngayon, kaya tanghali na siguro. Autumn season na, ngunti medyo mainit pa rin. Ang deck ay mainit dahil sa araw at komportable ito sa papa.Nakita ni Cordelia na nakaupo si Rowan sa harap ng yate.Napansin din ni Rowan si Cordelia at tumalikod siya para batiin ito.“Mr. Irwin.” Tumango si Cordelia ng nakangiti.Sumenyas si Rowan para umupo si Cordelia sa tabi niya.“Nasaan ang boyfriend mo?” Ang tanong ni Rowan ng nakangiti.“Naglalaba po siya.” Tumuro si Cordelia sa gubat. “Doon po sa spring.”Pinag isipan ito ni Rowan at lumapit siya para itanong, “Madalas bang siya ang gumagawa ng labahan kapag nasa bahay kayong dalawa?”“May katulong po kami sa bahay, at madalas na siya ang gumagawa ng gawaing bahay.”Kumunot ang noo ni Rowan. “So, ang bwisit na lalaking yun ay walang ginagawa para tumulong?”Ngumiti ng awkward si Cordelia. Hindi niya maintindihan kung bakit ang matandang lalaking ito
Naisip ni Cordelia na nakakatawa ito. Nakiliti siya sa pangungusap na “hindi maaasahan ang mga lalaki”. Lalaki rin ang matandang ito—ito rin ba ang komento niya sa sarili iya?“Mr. Irwin, hindi pare pareho ang mga lalaki!” Tumawa si Cordelia. “May kumpiyansa ako sa lalaki ko. Hindi siya tulad ng sinasabi niyo.”“Sasabihin ba ng isang masamang tao na masama siya?” Naaliw si Rowan. “Sasabihin ko sayo base sa personal na karanasan ko. Kailangan mong pag isipan ng mabuti ang sarili mo! At hindi ka dapat magtiwala sa iba ng basta basta!”“Personal na karanasan niyo?” Nakuha ni Cordelia ang puntong ito. “Ano po ang naranasan niyo?”“Yun ay…” Nagbago ang ekspresyon ni Rowan, at tumahimik siya.Ano ang pwede niyang sabihin? Sasabihin niya kay Cordelia na pinagsamantalahan niya ang nanay ni Cordelia noon at kung paano niya nakuha ang Irwin Pharmaceuticals? O dapat niya bang sabihin kay Cordelia na siya ay isang uri ng tao na hindi maaasahan at hindi mapagkakatiwalaan?Biglang nawalan ng l