Share

Kabanata 365

Hindi lang ito ang rason kung bakit kailangan pakasalan ni Zephyr si Nelly. Ito rin ang rason kung bakit laging nagyayabang si Nelly sa harap ni Cordelia! Si Nelly ay may malakas na family background para suportahan siya!

Kinagat ni Cordelia ang mga labi niya at sumama ang loob niya, tinulak niya palayo si Zephyr.

Nabigla si Zephyr at maingat niyang inobserbahan ang ekspresyon ni Cordelia, pinansin niya kahit ang pinakamaliit na detalye.

“Anong problema, honey?”

“Wala.” Naging blanko ang ekspresyon ni Cordelia, at pinagsisihan niya ng konti na tinulak niya palayo si Zephyr.

Alam niya na hindi tama na nagdadabog ulit siya ngayon, ngunit nag aalala lang siya na may ibang babaeng target ang lalaki niya!

Ngumiti ng mapagmahal si Zephyr at sinubukan niyang umakbay kay Cordelia. “Kung wala naman… matulog na tayo ng maaga?”

“Mauna ka na. May trabaho pa ako.”

“May trabaho ka pa?!” Nagbago ang tono ni Zephyr.

Tumingin sa kanya si Cordelia, at halos nawala agad ang init ng ulo niya. Pin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status