“Meron siyang food poisoning, pero hindi ito malala. Ginamot ko na siya. Kailangan niya magpahinga ngayong linggo, at gagaling rin siya.”Nabigla si Cordelia. “Food poisoning?”“Kasalanan ko ito.” Tumingin si Zephyr kay Cordelia. “Cordelia… hindi kita pinainom ng soup nitong umaga dahil naghihinala ako na nilagyan ito ni Aunt Helen ng gamot.”Huminga ng malalim si Cordelia. Alam niya na hindi pinaghihinalaan ni Zephyr ang isang tapat na matandang nagsisilbi sa kanya ng basta basta.”“Gusto kong dalhin ang soup sayo, pero lumapit si Ginger sa bintana habang naghahanap ng pagkain, kaya binigyan ko rin siya ng isang bowl.”“Pero umalis siya pagkatapos itong amoyin.”“Simula noon, naghihinala ako na may bagay na nilagay sa soup.”Ngayon lang naiintindihan ni Cordelia kung bakit mukhang nag aalala si Zephyr at sinabi nito ang mga kakaibang bagay na wag kainin ang luto ni Helen…“Umuwi ako ng hapon at nakita ko na busy si Aunt Helen sa bahay,” Ang sabi ni Zephyr. “Naghihinala na ako
“Ano?” Sumingkit ang mga mata ni Zephyr at pinag isipan niya ito bago niya sinabi ng nanunuya. “Parang tumatakas lang siya!”Tumingin si Cordelia kay Zephyr. Nagkataon lang na pinaghihinalaan niya rin si Phil. Maliban sa lalaking yun at si Zennie, hindi pa tumanggap ang Royal Manor ng ibang mga bisita.Malamig ang tingin ni Zephyr. “Robert, alam mo ba kung nasaan ang kinaroroonan niya?”Tumango si Robert. “Ang lipad niya po ay diretso papuntang Jangasas.”Ibig sabihin ay may bagay siguro sa Jangasas na nakakuha ng interes ni Phil.“Hulihin mo muna ang mga Nelson sa bahay nila,” Ang malamig niyang sinabi. “Ipadala mo ang mga tao natin papunta sa Jangasas para bantayan siya!”“Okay po, sir.”“May suporta siguro si Phil kung pwede siyang mag break mula sa manor ng basta basta!”Malamig ang tingin ni Zephyr habang gumawa siya ng plano sa isip niya. Si Phil ay pain lamang. Gusto niyang gamitin si Phil para lumabas ang taong nasa likod nito! Para naman sa kung sino ito, kaya na itong
Naging madilim ang ekspresyon ni Zephyr.Napahinto si Cordelia. Naalala niya na walang hawak si Phil noong dumating siya kasama si Zennie noong huling bisita ng mga ito.“Nakatago po ito sa kusina, at hindi ko po ito pinansin,” Nagbuntong hininga si Helen. “Gusto ko po gumawa ng chicken and Bird’s Nest soup para sa inyo ngayong araw at nilabas ko ito, pero…”Naging matalas ang ekspresyon ni Zephyr.Ibig sabihin ay si Phil ay talagang hindi lang isang permanente na empleyado! Ang layunin niya para lapitan si Zennie ay klaro—gusto niyang patayin sina Cordelia at Zephyr gamit si Zennie!Kapag may nangyari kay Zephyr at Cordelia—at dahil nakatira sila sa Royal Manor—ang mga Bayer masisisi.Kapag nangyari yun, magkakaroon ng problema sa pagitan ng mga Hamerton at mga Bayer, tat mag aaway sila at walang kahit sino sa kanila ang makikinabang dito…Napagtanto din ni Cordelia ang kalubhaan ng problema. “Zephyr, dapat nating sabihan si Aunt Cloud ng tungkol dito!”“Kakagaling ko lang kay
“Ano?” Kumunot ng malalim ang noo ni Zephyr. Hindi niya alam ang tungkol sa pagbisita ni Phil sa Royal Manor noong nakaraang araw.Sinabi ni Cordelia kay Zephyr ang buong istorya, “Hindi ko ito sinabi sayo dahil naisip ko na naresolba ko na ito, kaya hindi na kailangan, at…”“Hindi ko ito binigyang pansin.” Nainis si Cordelia sa sarili niya. “Hindi ko inaasahan na malalim na itinatago ni Phil ang motibo niya!”“Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo.” HInimas ni Zephyr ang balikat ni Cordelia. “Kahit ako, hindi ko inaasahan na ganitong klaseng tao si Phil.”“Si Aunt Helen ang sumira sa phone.” Tumingin si Cordelia kay Zephyr. “Nag aalala ako na may litrato siya ng bahay natin sa phone niya at hindi ito ligtas, kya nakahanap ng paraan si Aunt Helen at hinulog niya ang phone sa mainit na soup.”Tumango si Zephyr.Kahit na sira ang phone, baka pwede nilang silipin ang laman nito kung ang data ay narecover pa…Pinasa niya ang phone kay Robert, na siyang alam ang gagawin sa isang t
Hindi lang ito ang rason kung bakit kailangan pakasalan ni Zephyr si Nelly. Ito rin ang rason kung bakit laging nagyayabang si Nelly sa harap ni Cordelia! Si Nelly ay may malakas na family background para suportahan siya!Kinagat ni Cordelia ang mga labi niya at sumama ang loob niya, tinulak niya palayo si Zephyr.Nabigla si Zephyr at maingat niyang inobserbahan ang ekspresyon ni Cordelia, pinansin niya kahit ang pinakamaliit na detalye.“Anong problema, honey?”“Wala.” Naging blanko ang ekspresyon ni Cordelia, at pinagsisihan niya ng konti na tinulak niya palayo si Zephyr.Alam niya na hindi tama na nagdadabog ulit siya ngayon, ngunit nag aalala lang siya na may ibang babaeng target ang lalaki niya!Ngumiti ng mapagmahal si Zephyr at sinubukan niyang umakbay kay Cordelia. “Kung wala naman… matulog na tayo ng maaga?”“Mauna ka na. May trabaho pa ako.”“May trabaho ka pa?!” Nagbago ang tono ni Zephyr.Tumingin sa kanya si Cordelia, at halos nawala agad ang init ng ulo niya. Pin
Sa sumunod na araw, pinilit ni Cordelia ang masakit niyang katawan papunta sa trabaho.Binigyan siya ng maraming trabaho ni Janine ng hindi napansin na may problema s kanya. Nahihiya si Cordelia na sabihin ito kay Janine, kaya tiniis niya ang pagod at nagtrabaho siya.Habang nagtatrabaho siya, palihim niyang inisip na hindi niya pwedeng hayaan ang lalaki na gawin ang gusto nito sa susunod dahil lang sinabihan siya nito ng matatamis na salita!Biglang may kumatok sa mesa niya, at kasunod nito ang isang malakas na boses. “Anong problema? Masama ba ang pakiramdam mo?”Lumingon si Cordelia para makita na nakatayo si Janine sa harap niya.Ang mesa niya ay nasa labas lang ng opisina ni Janine, kaya madali lang siyang tawagin ni Janine.“Ah, hindi po.” Umiling ng awkward si Cordelia.Suming ang mga mata ni Janine habang nakangiti at tinanong niya ng may mahinang boses, “Ito ba ay dahil… masyado kang pagod mula kagabi?”Nabigla si Cordelia at namula ang mukha niya. Napatayo siya. “Mada
“Matulog? Sige!” Sumagot si Zephyr ng nakangiti. “Matutulog tayo ng magkatabi.”“Zephyr!” Ang naiinis na sabi ni Cordelia. “Ang tinutukoy ko ay matutulog talaga, hindi ang iniisip mo…”“Ano ba ang iniisip ko?”Tumahimik si Cordelia. Muli siyang niloko ni Zephyr.Nilagay ni Zephyr ang kamay niya sa payat na baywang ni Cordelia.Noong may mga lalaki na naglakad lagpas nila, tinaas niya ang baso niya ng nakangiti. Ang kilos na ito ay saktong humarang kay Cordelia.Nagpatuloy si Robert na magbuntong hininga habang napagtanto niya na nagkamali siya na manatili sa paligid ng dalawa! Naisip niya kung dapat siyang magkaroon ng bagong kasunduan sa boss niya na magbigay ng karagdagang employee benefit—”Girlfriend included”?‘Hay…’May isang taong may suot ng pula na lumapit habang may hawak na isang baso ng champagne.Paalis na si Zephyr, ngunit hinila siya ni Cordelia at tiningnan siya nito.Si Nelly lang ito. Hindi naman ito isang uri ng halimaw…Tinikom ni Cordelia ang mga labi niy
Madilim ang ekspresyon ni Nelly, at ang tingin niya ay puno ng poot habang nakatingin siya ng masama kay Cordelia. Habang dinala ni Zephyr si Cordelia sa ibang lugar, nakatitig lang si Nelly sa likod nila at narinig niya ang mga salita ni Mandy sa isip niya—”Wala ka namang dugo ng mga Tanner. Hindi ka nararapat para kay Zephyr Hamerton.”“Hindi dapat kita kinuha sa bahay ampunan at hindi dapat kita hinayaan maging isang Tanner noon!”Nanginig si Nelly, halos sumabog siya sa galit. Huminga siya ng malalim ng ilang beses para pilitin ang sarili niya na kumalma.“Hah, nilalait ka ulit?” Tumunog ang isang pamilya na boses.Tumalikod si Nelly at nakita niya si Yale na may hawak na isang baso ng whisky habang nakatayo ito ng nakangiti. Ang nasa tabi ni Yale ay hindi na si Yelena, sa halip ay isang babaeng model na may suot na low-cut dress.“Ano naman ang kinalaman nito sayo?!” Nainis si Nelly nang makita niya si Yale.“Habang nasa tabi ni Z ang babaeng yun, hindi mo na kailangan pag i
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a
[Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina
Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi
Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag
Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala