Ito ay isang ordinaryong sedan—maliit ang engine capacity, tipid sa gas, hindi malaki, at hindi lalampas ng $15,000.Kahit ang mga katulong ng mga Hamerton ay nagmamaneho ng ganitong klaseng kotse, ngunit nagustuhan ito ni Zephyr. Ito ay dahil kuminang ang mga mata ni Cordelia nang makita niya ang kotse, at gusto ni Zephyr ang kinang sa mga mata ni Cordelia.“Honey, ano sa tingin mo?” Hinawakan ni Cordelia ang braso ni Zephyr.Ngumiti si Zephyr. “Basta’t gusto mo ito.”“Gusto ko ito, pero para sayo ito. Dapat ay gusto mo rin ito?”Alam ni Cordelia na gusto ng mga lalaki ang mga kotse. Ang mga kotse ay parang ang pangalawang asawa nila. Dapat siyang pumili ng isa na magugustuhan ni Zephyr.“Tumingin kami ni Linda ng marami at sa tingin namin ay ito ang pinakamaganda sa lahat ng aspeto. Gusto mo ba itong i-test drive, darling?”“Hindi na kailangan.” Tumingin si Zephyr kay Cordelia. “Ito ang kukunin namin. Gusto ko ito.”Ngumiti ng matamis si Cordelia at nag usap sila tungkol sa k
“Uh, hindi ko gustong pumunta. Pero pinilit ako ni Josiah!” Mabilis na naging inosente si Fredric.Tumingin ng madilim si Zephyr kay Josiah.“Hindi, Z, ako ay…”“Hindi mo lang gusto pumunta. Sinabi mo pa na gusto mong mag drive sa bagong kotse ni Z!”“Fredric!” Hindi kayang manalo ni Josiah sa argumento.Istriktong tinanong ni Zephyr, “Hindi ba’t sinabi ko sayo na wag kang tumambay dito? Paano kung nakita ka ni Cordelia?!”“Yun ay…”Malapit nang lumuha si Josiah habang sinusubukan ni Fredric na pigilan ang tawa niya.“Wag mo na siyang pansinin, Z. Hindi naman siya matalino simula pa noong bata siya. Wag ka nang magalit sa kanya!”Walang masabi si Josiah.“Oo nga pala, maganda ang bagong kotse mo!” Ngumiti si Fredric na parang isang tuso. “Si Cordelia ang pumili nito?”Sa oras na ito, doon lang nagpakita ng ngiti si Zephyr.Nagpatuloy si Fredric. “Maganda ang panlasa ni Cordelia. Z, ang mga kotse mo ay hindi praktikal dati. Ang specs at model ng kotse nito, at lalo na ang ku
“Pero…”Ang pangungusap ay lalabas na sa dila ni Zennie, ngunit hindi niya ito magawa. Nilunok niya lang ito.Maliban sa personal na pagpapaliwanag ng kapatid niya kay Cordelia, hindi pwedeng makialam ang iba.“Sige.” Ngumiti si Cordelia at piningot niya ang ilong ni Zennie. “Ano ba ang meron sayo ngayon? Ito ba ay dahil wala ka pang cookies?”Pinilit ni Zennie na ngumiti at kinuha niya ang cookies mula sa oven.Tumunog ang wind chime sa pinto tuwing may pumapasok na customer sa cafe.Nagsimula ulit ng busy na araw si Cordelia. Ang araw na ito ay parang isang normal na araw—ang suminag ang araw sa porch habang ang loob ay amoy kape. Ang mga customer ay nag uusap aat kumukuha ng litrato dito, nag iiwan ng magandang review bago sila umalis.Malapit na ang fall season ngayon, ngunit ang mga iris ay namumulaklak ng maganda.Puno ng kaligayahan si Cordelia. Habang pinanood ni Zennie ang ngiti ni Cordelia, umaasa siya na manatiling masaya ito.…Nagmamaneho ng mabagal si Zephyr sa
Kumunot ang noo ni Zephyr at hindi niya alam kung ano ang iisipin niya.Lumaki si Zennie na nakatago sa mundo at isa siyang mabait na babae simula pa noong bata siya. Gayunpaman, mas madali para sa mga babae na ganito na makaharap ang mga taong may ibang motibo.Huminga ng malalim si Zephyr at sumakit ang ulo niya. Matagal siyang nanatiling tahimik bago siya nagmaneho pabalik.…Maraming araw na naghihintay si Oliver sa labas ng private club sa Centrolis. Araw araw niyang gustong makita si Matthew, nakatayo siya mula 7:00 a.m. hanggang 8 p.m., ngunit ang mga bodyguard sa labas ay walang emosyon kahit na anong gawin niya.Nainis si Matthew na marinig ang pangalan ni Oliver, paano pa ang makita ito.Nang maging desperado na si Oliver, lumabas ang butler para sabihan siya, “Mr. Jones, iniimbitahan kayo ni Mr. Yale.”Tumayo ng diretso si Oliver at agad siyang nagmadali.May malaking bakal na cage sa backyard ng club. Bago pa lumapit si Oliver, ang hangin ang amoy ng nabubulok na b
Nabigla si Yale ng ilang sandali bago niya hinawakan ang baso sa mesa at binasag niya ito.“M-Mr. Yale… wag po kayong magalit!” Nabigla si Oliver habang pinanood niya ng maingat si Yale. “Kung nagtitiwala po kayo sa akin, bigyan niyo po ako ng ilang araw. Ako po ang mag iimbestiga sa lahat!”Ang mga mata ni Yale ay napuno ng kasamaan habang ngumiti siya kay Oliver.“So, gusto mong bumalik sa ilalim namin?”“Naging mabait po si Mr. Matthew sa akin. Babayaran ko po ang kabaitan niya!”“Wag mong gawin na parang marangal ka!” Isang nakakasuklam na tao si Yale, kaya alam niya kung ano ang iniisip ng ibang nakakasuklam na tao. “Ito lang ay dahil hindi mo kayang umasa kay Josiah Bayer at kailangan mo ng pera. Ito ang rason kung bakit binebenta mo sa akin ang balita!”“Kung pumayag si Josiah na magbayad ng $45,000,000 para sayo, hahayaan mo lang na mabulok ang balitang ito, huh?”Pawis na pawis si Oliver.“Pero magandang balita ito… At least ay hindi na perpekto si Zephyr para kay gran
Natulala si Cordelia. Tila maraming nararamdamang emosyon ang lalaking ito nitong mga nakaraan, yung tipong napakasaya at napakalambing niya.Ngumiti si Cordelia at marahan niyang tinakpan ng kanyang kamay ang kanyang bibig. "Sarilinin mo na lang 'yan," ang sabi niya. "Huwag na huwag mong sasabihin 'yan ng malalas, kundi baka mawala ito!" "Honey, may gusto akong sabihin sa'yo pagbalik ko."Nang makita niya na mukhang seryoso si Zephyr, hindi napigilan ni Cordelia na magtanong, "Ano 'yun?" “Um… Mahabang kuwento,” sabi niya. “Wala ka pa ring alam tungkol sa sitwasyon ng pamilya ko kahit na isang taon na tayong kasal. May pamilya pa ako. Yung totoo, hindi lang kami madalas mag-usap."Nagtaka si Cordelia. Noong nagpakasal sila, alam niya na bumagsak na ang mga Grist. Ang mga magulang ni Marcus ay parehong patay na, at isa siyang kriminal na madalas makipag-away at gumawa ng gulo..Hindi niya inaasahan na may iba pa palang natitira sa mga Grist. Kung sabagay, naiintindihan naman
Nagulat si Cordelia. Wala siyang kakilala mula sa Centrolis, kaya anong meron sa imbitasyong ito?"Ms. Cordelia?” Ang tanong ni Wendy, "Kailan mo ito kukunin?"“Ah, bukas na lang…”Bago pa matapos ni Cordelia ang kanyang sinasabi, narinig niya ang nagmamadaling pagsang-ayon ni Wendy, at sinundan ito ng pagbubunganga ni Yelena."Ilang beses na ba kitang tinawag? Bingi ka ba?! Kung hindi magtatrabaho, mag-impake ka na at umuwi ka na!"Natatarantang ibinaba ni Wendy ang tawag habang umiiling si Cordelia, pinakinggan niya ang tunog mula sa kabilang linya."Sinong kausap mo?" Nakakrus ang mga braso ni Yelena habang nakatingin siya kay Wendy ng may pagdududa.Takot si Wendy kay Yelena, kaya nautal siya at hindi makapagsalita noong tinatanong siya ng ganito.Bumaba ang tingin ni Yelena, at nakita niya ang sulat na hawak ni Wendy. "Ano 'yan?" Nanigas si Wendy at gusto sana niyang itago ang sulat sa likod niya, ngunit huli na ang lahat. "Ipakita mo sa'kin ang hawak mo!" “Ms. Yel
Ang taong tumawag ay paulit-ulit na tinatawagan si "Ms. Jenner,” at iisa lang ang Ms. Jenner sa pamamahay na ito—siya ‘yun, si Yelena Jenner!Kung sabagay, isa itong tagapagmana ng mga Hamerton. Wala siyang pakialam kung ito ba ang panganay o ang pangatlo. Kapag nagawa niyang ipakasal ang sarili niya sa mga Hamerton, magagawa niyang magyabang sa Jangasas at maging sa Centrolis!Mayroong napakasama at matagumpay na tingin sa mukha niya habang iniisip niya ang tungkol dito.“Wendy!”"Ms. Yelena...” Nagmamadaling lumapit si Wendy. Nag-aalala siya ngunit napansin niyang tila maganda ang mood ni Yelena noong tumingala siya.“Ano ‘yun, Ms. Yelena?”"Tawagan mo yung number." Inangat ni Yelena ang kanyang baba. "Sabihin mo sa tao na ‘yun na pwedeng kunin ng mga designer ang mga sukat ko anumang oras!“At tawagan mo si Cordelia!” Ngumisi siya."Sa araw na binibihisan ako ng mga designer, gusto kong makita ng p*tang ‘yun na sinusundo ako ng mga tauhan ng mga Hamerton!"…Dumating si Co