Share

Kabanata 158

Author: Breaking Wave
last update Huling Na-update: 2023-10-01 16:00:00
Umupo si Nicholas sa loob ng kotse. Kahit na ang air-conditioner ay nasa mababang temperatura, mainit pa rin siya sa galit. Kinurot niya ang noo niya at nararamdaman niya na nababawasan na ang sakit ng ulo niya. Gayunpaman, ang kirot sa puso niya ay lumaki lang lalo.

Ang unang araw na napunta siya sa kulungan, alam niya na hindi na siya mula sa parehong mundo ni Linda. Hindi niya kayang alagaan ng habang buhay si Linda—ang magagawa niya lang ay tumingin kay Linda, mamiss ito, at mamatay sa pagprotekta kay Linda.

Ito ang rason kung bakit naalarma siya at natakot nang makita niya na may kinalaman si Linda kay Marcus. Alam niya kung anong klaseng tao si Marcus, at hindi niya hahayaan ang isang taong tulad ni Marcus na saktan si Linda!

Basta’t may isang tao na makakasakit kay Linda, ilalayo ito ni Nicholas kahit na may presyo ito na dapat bayaran. Ito rin ang rason kung bakit niya laging pinupuntirya si Marcus.

Ngunit, ngayong araw, may isang bagay siyang nakumpirma—na ang lalaking yun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 159

    Huminto si Nicholas at tinanong niya, “Sino ang gusto mong mawala?”May nakakabinging katahimikan bago sinabi ni Yale, “Ang pangatlong tagapagmana ng mga Hamerton, si Zephyr Hamerton!”Nagging malamig ang mga mata ni Nicholas.“Pumunta ka sa Centrolis kung pwede ka. Mag uusap tayo ng detalyado kapag nagkita tayo!”…Tumingin si Cordelia kay Linda, na siyang nakayakap sa tuhod at nakahiga sa kama. Hinimas niya ang likod ni Linda.Simula noong bumalik sila, walang sinabi si Linda. Nagtago siya sa kwarto niya simula nang pumasok siya sa bahay, at ang mga mata niya ay tila nawalan ng focus. Mukha siyang isang taong walang kaluluwa.“Linda, nagugutom ka na ba?” Ginawa ni Cordelia ang lahat para makipag usap. “Nasa labas sina Seth at Marcus. Sasabihin ko sa kanila na kumuha ng pagkain, okay?”Kumurap si Linda, at tumulo ang luha sa kanyang mata.Naramdaman ni Cordelia na parang humigpit ang kanyang puso.Ang Linda na kilala niya ay matapang at walang pakialam sa mga bagay, parang i

    Huling Na-update : 2023-10-01
  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 160

    May sentensya na walong taon si Nicholas para sa intentional assault upang protektahan si Linda.Maraming beses binisita ni Linda si Nicholas sa kulungan noong mga araw niya sa university, ngunit laging malamig ang sagot sa kanya ng warden, “Ayaw ka niyang makita.”Ang huling bisita niya ay noong nag graduate siya mula sa university. Nakakuha siya ng company offer at gusto niya na si Nicholas ang maging unang tao na masabihan niya ng magandang balita.…Habang balisa siyang naghihintay sa labas ng visiting room, narinig niya ang malakas na tunog ng metal na pinto. Ang mga luha niya ay walang tigil ang pagtulo nang umupo si Nicholas sa kabilang panig ng salamin na naghahati sa kanila.Ito ang una at huling sinabi ni Nicholas sa kanya. “Wag kang umiyak. Hindi ka dapat umiyak para sa isang taong tulad ko.”Tumingin ng malalim si Nicholas kay Linda bago siya tumayo at bumalik sa likod ng bakal na pinto.Hinampas ni Linda ang salamin ng buong lakas niya, at pinigilan siya ng warden n

    Huling Na-update : 2023-10-01
  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 161

    Gustong tapikin ni Zephyr ang balikat ni Seth, ngumit huminto ang kama niya sa ere. Binaba niya lang ito makalipas ang ilang sandali.…Nakahiga si Cordelia sa yakap ni Zephyr nang umuwi si Zephyr nang gabi at humiga sila sa kama.Gabi na, ngunit hindi makatulog si Cordelisa. Ang mga bituin ay kumislap mula sa photo frame sa madilim na kwarto. Tumingin siya sa kalangitan. Matagal na simula noong panoorin niya ang gabi ng mapayapa.Dahil alam niya na mainit si Cordelia, pinaypayan ni Zephyr si Cordelia habang nakatitig siya sa isang panig ng mukha nito habang nakayuko. Natuwa ang puso niya.Lumunok siya, at uminit ang kanyang pakiramdam.Tumingin si Cordelia sa pawis na nasa ilong ni Zephyr. Nahiya siya na nakapatay ang air conditioner para magtipid ng pera. “Hubby, buksan mo ang air conditioner kung naiinitan ka. Hindi naman ito magastos masyado.”“Hmm… Hindi na kailangan.” Dinilaan niya ang labi niya.Ang init na tinutukoy nila ay magkaibang bagay.Huminga ng malalim si Zephy

    Huling Na-update : 2023-10-01
  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 162

    Dumilim ang ekspresyon si Zephyr. Sinabi niya ng mahina, “Nakaraan na ang lahat ng ito… Ano pa ba ang ginagawa ng mga kriminal kundi ang mag away?”“SInaktan mo ba siya?”“Hmm, parang ganun na nga.”Tumango si Cordelia.Ang lahat ng nasa kulungan dati ay mapang api. Madaling paniwalaan na may problema sila sa pag iisip. Tulad ni Nicholas, na dati na gustong mapunta sa tuktok, ay natural na magkakaroon ng sama ng loob kung sinaktan siya ni Marcus.Gayunpaman, iba si Zephyr. Maliban sa seryosong mukha niya at hindi siya masyadong nagsasalita, para kay Cordelia, walang mali kay Zephyr.Ang mga malaking mga mata ni Cordelia ay makinang. Tumingin siya ng tahimik sa asawa niya. Habang tumitingin siya, mas lalo niyang naisip na nakakuha siya ng napakabuting asawa.Ang maliit na kamay niya ay hinimas ang mukha ni Zephyr. Walang oras si Zephyr para mag ahit, kaya makita ang balbas niya.“Bakit ka nakatitig sa akin?” May nakakaakit na boses si Zephyr habang hinimas niya ang ulo ni Cordel

    Huling Na-update : 2023-10-01
  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 163

    Tumango si Josiah.“Namimingwit ako sa isang sapa noong nakaraang linggo. Nagkataon na nakita ko siya. Nagulat ako! Z, magkamukha talaga kayo ni Marcus…”Naging madilim ang ekspresyon ni Zephyr.“Pero maliban sa itsura niyo, wala nang pagkakapareho sa inyong dalawa.” Nagpatuloy si Josiah. “Naghinala ako, kaya nag utos ako ng taong mag iimbestiga. Hindi ako makapaniwala na hindi pa patay si Marcus.“Ginalit niya ang ilang mga gang sa Jangasas pagkatapos niya makalabas ng kulungan. Pinutol pa ang daliri niya dahil hindi niya nabayaran ang utang niya. Pinalayas siya ng Jangasas.”Walang sinabi si Zephyr habang lumaki ang mga mata ni Fredric sa gulat.“Kaya…” Bumalik sa sarili si Fredric. “May kinalaman ba ito kay Nicholas?”“Z! Baka nalaman niya sa simula pa lang na hindi ikaw si Marcus!”Nagkaroon ng malupit na tingin sa mga mata ni Zephyr.Hindi ito ang pinag aalala niya. Napansin niya na kakaiba si Nicholas mula sa mga nakaraang paghaharap nila, kaya baka may alam ito.Dinila

    Huling Na-update : 2023-10-01
  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 164

    Nabigla siya sa taong nasa litrato!‘Marcus?’Lumingon si Nicholas para tumingin kay Yale. Hindi makapaniwala ang mga mata niya.“Ano, nakita mo na ba ang taong ito dati?” Ngumisi si Yale.Ibinaba ni Nicholas ang mga litrato. Ang ekspresyon ng mukha niya ay hindi nagbago.“Ito ang taong gusto kong patayin mo.” Tumitig si Yale sa mga mata niya. “Tandaan mo ang mukha niya, N. Wag mong patayin ang maling tao!”“Ano ang ibig niyong sabihin?”Kakaiba ang tawa ni Yale. Tumawa siya ng matagal, sa sobrang tagal nito ay halos nawalan ng pasensya si Nicholas.“Sige, hindi na ako magpapaligoy ligoy,” Ang malamig na sinabi ni Yale. “Ang lalaking ito ay si Zephyr Hamerton, ang pangatlong anak ng mga Hamerton! Lumipad ang lolo ko papunta sa North Armania para makipagkita sa ilang mga dignitaryo. Wala siyang oras para sa pamilyang ito… Ito ang tamang oras para gawin ito!”Kumunot ang noo ni Nicholas.Hindi niya inaasahan na ang asawa ni Cordelia ay si Zephyr!Mula sa ilang beses nilang pag

    Huling Na-update : 2023-10-02
  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 165

    Tumitig si Nicholas kay Yale. Matagal siyang walang sinabi.“Ako ang bahala sa paghihinala ni lolo,” Ang sabi ni Yale habang nakatingin kay Nicholas. “Nicholas, ang kailangan mo lang gawin ay ang pumatay ng mga tao para sa akin. Ako na ang bahala sa lahat!”Sigurado si Nicholas na gusto rin ni Yale na patayin ang matanda, base sa tono nito.Inutusan ni Yale na umalis si Marcus. Kasabay nito, nilabas niya ang isang land plan at binilugan niya ang pinakamagandang lokasyon sa gitna ng Centrolis.“Maraming tao sa lugar na ito. Isa itong gintong lugar.” Tumawa siya. “Kapag natapos na ang kasunduan, makikipag usap ako sa mga tamang department, at ang lupa na ito ay mapapasayo! Ano sa tingin mo?”Tinikom ni Nicholas ang mga labi niya ngunit wala siyang sinabi.Tinapik ni Yale ang balikat ni Nicholas. “Nicholas, ikaw ay ambisyoso, brutal, at walang awa. Yun ang gusto ko sayo!”“Makakatulong ito para sayo at para sa akin, kaya pag isipan mo ito ng mabuti!”Tumingin si Nicholas sa land p

    Huling Na-update : 2023-10-02
  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 166

    Hindi inaasahan ni Nicholas na ang lalaking tulad ni Zephyr na may mataas na katayuan sa lipunan ay may isang ordinaryong pagkatao din.Ang isa sa mga account entry ay mali siguro, habang kausap ni Cordelia si Zephyr ng may seryosong ekspresyon. Si Zephyr, na may tangkad na higit six feet, ay yumuko na parang isang batang mula sa elementary school, na may ginawang mali.Nabigla si Nicholas sa eksenang ito.Si Zephyr ay isang asawa lang kapag kasama niya si Cordelia. Takot siya sa asawa niya, pinapagalitan siya ng asawa niay, at binibigay niya ang perang kinita niya sa asawa niya—tulad ng milyon milyong mga lalaki sa mundo, wala siyang lugar para magdesisyon sa pamilya nila.Hindi niya hinahangad ang pwesto na gusto ng libo libong mga tao, ngunit kuntento na siya sa masayang mga araw na meron siya kasama ang asawa niya.Nabigla si Nicholas at humigpit ang mga kamao niya. Lumapit siya. Nakabukas ang pinto ng cafe, at madaling marinig ang pag uusap ng mag asawa.“Darling, makinig ka

    Huling Na-update : 2023-10-02

Pinakabagong kabanata

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1219

    Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1218

    Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1217

    ”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1216

    Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1215

    ”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1214

    [Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1213

    Kumunot ang noo ni Zuko. “Ang balat mo? Yung hugis buwan?”“Oo.” Nahihiyang ngumiti si Lina. “Hindi ko kaagad sinabi sayo dahil medyo nag-aalala ako… Hindi ba karamihan ng mga lalaki ay ayaw sa mga babae na nagpapa-plastic surgery?”“Hindi naman lahat.” Marahan na hinaplos ni Zuko ang buhok ni Lina. “Ang mga lalaki ay kayang tanggapin ang lahat para sa babaeng mahal nila. Pero bakit mo nga pala pinatanggal ang balat mo?”Huminto sandali si Lina at marahan na nagsalita. “Si Gia ang kumumbinsi sa akin na ipatanggal ito. Sinabi niya sa akin na… yung balat sa bewang ko ay hindi maganda at naapektuhan nito ang itsura ko sa ilang mga damit.“Sa totoo lang, wala akong kamuwang-muwang noon.” Humagikgik siya. “Ibig kong sabihin, gaano ba ako kadalas magsusuot ng damit na kita ang tiyan at bewang ko? Mahalaga ba talaga kung hindi ito maganda sa paningin!? Pero nagpadala ako at nakinig sa kanya at pinatanggal ko ang balat ko.”Dumilim ang tingin ni Zuko. Matagal na nakausap ni Gia si Melvi

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1212

    Inakala ni gia na si Jacob, dahil sa wala itong karanasan na makipag-date, ay walang alam at hindi siya tatratuhin ng maayos. Kaagad niyang napagtanto na ginamit niya ang pagiging mautak niyang abogado sa kanilang relasyon, ayaw nga rin siya bigyan ng tsokolate nito. Kung kaya nauwi siya kay Tobias. Yun nga lang…Huminga ng malalim is Gia. Lahat ng mga lalaki ay hindi maaasahan. Nagtataka siya kung bakit may maasahan na lalaki si Lina habang kahit si Renee, na maituturing na kahihiyan, ay may nag-aalaga sa kanya. Kinuyom ni Gia ang kanyang mga kamao sa galit na nagliliyab sa kanyang magata na parang apoy. -Pasado 10 na ng gabi, at hanggang ngayon ay nakasubsob pa rin si Lina sa pag-aaral sa isang disenyo sa kanyang opisina. Nag-unat siya at napansin niya na nakangiti sa kanya si Renee, at sinesenyasan siya gamit ng mga mata nito. At doon napansin ni Lina na nakapasok na pala si Zuko ng hindi niya napapansin. Napasinghap siya ng mahina at sinuntok ito ng mahina. “Paano mo nag

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1211

    Napasinghap si Gia, bakas sa kanyang mga mata ang pinaghalong galit at takot habang nakatingin siya kay Linda. Saka naman lumapit ang driver ng mga Thompson at tumayo sa harapan nila. Tiningnan ni Linda si Gia ng nakangiti an puno ng panlilibak."Mm! Mmph!"Ng bigla, isang kakaibang tunog ang nanggaling sa kanilang likuran. Lumingon si Linda at nakita niya ag isang lalaki na may balot ang ulo, na pagewang gewang papunta sa kanila habang umaalog ang malaking katawan nito. Nagulat si Linda ngunit napansin niya na parang may kakaiba sa ekspresyon ni Gia. Ang lalaking balot na balot ang ulo ay nagawang ibuka ang ang bahagi ng kanyang bibig at magalang silang binati. Yumuko siya at sinabi, “Mrs. Thompson, ako nga pala si tobias Chambers. Isang karangalan para sa akin ang makita kayo dito!”“Ano naman ang maganda tungkol sa makita mo ako sa ospital?” Tanong ni Linda.“Kasi…” tumigil si Tobias. Binulong ng driver kay Linda, “Siya ang manager ng film studio project at ang punong abala

DMCA.com Protection Status