Share

2

Penulis: BlankTinker
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-18 15:59:43

Nagmadaling umuwi si Katrice. Pagkapasok niya sa bahay, agad niyang nakita ang isang matabang lalaking halos kalbo na, nakaupo sa sofa ng sala at nakasimangot habang tinititigan si Giselle .

"Potangina! Pinangakuan ko na ngang pakasalan ka! Tapos ngayon, ang kapal ng mukha mong pag-antayin ako buong gabi?" Galit na galit ang boses ni Mr. Perez.

Tiniis ni Giselle  ang lahat ng kahihiyan. Sanay na siya—ginagamit ni Mr. Perez na palusot ang “kasal” para lang makapangbabae. At kahit totoong handa itong magpakasal, para lang siyang ihahagis sa apoy. Walang matinong babae ang papayag.

Napagtripan lang siya dahil siya ang napusuan. Pero dahil mahal siya ng mga magulang niya, si Katrice ang pinakiusapang pumalit para sa kanya.

Hindi lang niya akalaing—tumakas si Katrice.

“Mr. Perez, pasensya na po talaga. Mga bata po kasi, hindi marunong makiramdam. Sana po, intindihin n’yo na lang.” Maingat na nakikiusap si Jessa, ang ina ni Giselle.

Nagkunwaring kalmado si Roy. “Sir, kalma lang po…”

“Kalma?”  Napailing si Mr. Perez, hindi pa rin matanggap ang nangyari. “Hindi pwede!” Tumayo ito at galit na galit na umalis. “Kung ayaw ni Miss Giselle, edi wag! Maghanda na lang kayong malugi at makulong!”

Pagliko niya sa hallway, nagkasalubong sila ni Katrice. Napatigil si Mr. Perez.

Sa isip niya. ‘Saan nanggaling ang babaeng ‘to? Ang ganda.’

Makinis at sariwa ang kutis, maganda ang mga mata’t labi, at halatang bata pa. Ang mukha ay parang porselana.

“Hi. Who are you?”

Nanigas si Katrice. Alam na niya kung sino ito—si Mr. Perez.

Naalala niya ang nangyari kagabi. Kahit wala siyang masyadong nakita kagabi, ramdam niyang matangkad at maskulado ang lalaking kasama niya. Hindi puwedeng ito ‘yon.

Para sa kapatid niya, isinakripisyo niya ang dangal at puri niya ngunit mali pa pala ang lalaking pinuntahan niya.

Napaisip siya — totoo ngang may kakaiba sa “Mr. Perez” kagabi...

Pero huli na ang lahat.

Agad lumapit si Jessa at pilit itinulak si Katrice papalapit sa lalaki. “Mr. Perez, ito po ang bunsong anak kong si Katrice. Hindi po ako nagyayabang, pero wala pong mas gaganda pa sa kanya sa buong Bicol!”

Maganda rin si Giselle , pero kapag katabi si Katrice, nawawala ang kinang niya. Kaya kahit si Giselle  ang gusto ni Mr. Perez noong una, naglakas-loob silang si Katrice ang ipalit.

“Not bad, not bad!” puri ni Mr. Perez habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa.

Tuwang-tuwa si Jessa. “Mr. Perez, wala pa pong boyfriend si Katrice. Baka po kapalaran niya ang maging Mrs. Perez?”

“Pasado sa panlasa ko, so…” Lumapit pa si Mr. Perez, halatang sabik. “Tomorrow night, I’ll come pick her up myself. Try muna, para sigurado. Ayoko ng palpak ulit!”

“Hindi na po magiging palpak ngayon,” nakangiting sagot ni Jessa.

Pagkaalis ng lalaki, namutla si Katrice.

“Ibebenta niyo na naman ako?” Nanginginig ang boses niya, punong-puno ng galit at hinanakit.

Papasagot pa lang si Roy, pero si Jessa na agad ang sumabat.

“Anong ibenta?! Pinalaki ka namin, hindi ba’t dapat lang na suklian mo ‘yon? Suwerte mo nga at gusto ka pa ni Mr. Perez!”

Pagkatapos ay inutusan si Giselle . “Ikulong mo na siya sa kwarto, baka tumakas na naman!”

“Opo, Mama.”

“Dad!” Bumaling si Katrice kay Roy, halos mabasag ang ngipin niya sa pagkakakagat sa bagang. “Wala ka man lang sasabihin?!”

Oo, madrasta niya si Jessa. Pero si Roy? Tatay niya. Umasa pa rin siya—kahit isang beses lang—na ipagtatanggol siya nito.

Pero tulad ng dati, tinalikuran siya nito.

“Wag mo nang pahirapan si Papa,” sabi ni Giselle  habang hinahatak siya. “Gusto mo bang makulong at malugi siya?”

“Bitawan mo ako!” Pumiglas si Katrice, galit na galit. “Ako na lang ang aakyat!”

Sinamahan siya ni Giselle, binuksan ang pintuan sa second floor, at itinulak siya sa loob.

Bago isara ang pinto, malamig ang sinabi ni Giselle, “Magpakatino ka na lang. Isipin mo si Kathlyn. Hindi mo ba siya mahal? Tumigil na ang treatment niya.”

Sinara at ni-lock ang pinto.

Nanginig sa galit si Katrice. Pero anong magagawa niya? Hindi niya kayang pabayaan si Kathlyn.

Wala nang tatay ang kapatid niya. Wala ring nanay. Siya lang ang natitirang pamilya nito.

Napaupo siya sa sahig, tinakpan ang mga mata at pinigilan ang luhang pilit nang lumabasl.

"Mom… what should I do?"

Walong taong gulang pa lang siya nang mamatay ang kanyang ina. Isang taon pa lang noon si Kathlyn. Hindi pa nga lumilipas ang pitong araw ng lamay, bumalik ang ama niya na may kasamang bagong babae at anak—si Giselle .

Mas masakit pa, nalaman niyang mas matanda ng dalawang buwan sa kanya si Giselle. Ibig sabihin, matagal nang niloko ng ama ang kanyang ina.

Doon niya napagtanto — sabay nawala sa kanya ang ina't ama.

"Mom… kung andito ka lang, anong gagawin mo?"

Bigla siyang napatayo. May naalala.

Agad siyang naghalungkat sa drawer — at sa wakas, nakita niya ang isang lumang kahon.

Nasa yakap pa rin niya ang bracelet habang mahigpit itong niyayakap, naguguluhan at mahina ang bulong.

"Mama... hindi ko na talaga kaya. Sana... huwag mo akong sisihin."

Binuksan niya ang kahon. Sa loob nito ay may nakapatong na jade bracelet. Sa ilalim, may isang papel na may nakasulat na numero.

"Ang tagal na rin... baka hindi na ito gumagana," bulong niya habang nanginginig ang kamay sa kaba.

Isa-isa niyang pinindot ang mga numero. At tumawag ito.

Kinabahan si Katrice. Ang tagal na nilang walang komunikasyon, at patay na ang kanyang ina. Makikilala pa ba siya ng taong ito?

May sumagot sa kabilang linya.

"Hello? Sino 'to?"

Huminga ng malalim si Katrice at mahinang nagsalita. "Hello, maaari ko po bang makausap si Mr. Jaime Manzano? Naalala n’yo po ba si Sylvia Alonzo? Anak niya po ako...ako po si Katrice."

May ilang segundo ng katahimikan.

"……Sige, pupuntahan kita."

Napangiti siya. Nakilala siya ng kausap.

Binaba niya ang tawag, agad na ibinalik ang bracelet sa bag, at mabilis na nag-empake. Binuksan ang aparador, naghahanap ng kumot at pinagtali-tali ito.

Tumakbo siya papunta sa bintana, binuksan ito, at itinapon palabas ang pinagtaling mga kumot.

"Buti na lang... second floor lang." Mahina niyang sambit.

Inayos niya ang dulo ng kumot sa kama, isinabit ito nang maayos, saka siya dahan-dahang bumaba, bitbit ang bag. Maingat siyang lumapag sa lupa, hingal at mabilis ang tibok ng puso.

Tahimik siyang tumakbo palabas ng bahay, palayo sa impyerno ng bahay na iyon.

Gamit ang address na binigay sa tawag, nagmamadali siyang tumungo sa bahay ng mga Manzano.

Samantala, sa isang opisina… Bukas ang pinto ng president’s room. Pumasok si Kyle.

"Sir, tumawag si Uncle Joe. Tinanong kung uuwi ka raw ba ngayong gabi."

Tumango si Ethaniel. "Uuwi ako."

Dati’y sa Daraga siya nakatira mag-isa, pero mula nang lumala ang kalagayan ng lolo niya, mas pinili niyang umuwi.

Naalala niya ang isang bagay kaya muling nagtanong, "Kumusta na ang imbestigasyon?"

"Inaalam pa po kung sino ang naglagay ng gamot," sagot ni Kyle. "Pero nahanap na ang babae. Isa siyang artista. Hindi nakuhanan ng CCTV ang mukha niya, pero may record siya sa hotel. Nakalista siya dapat sa kwarto ni Mr. Perez. Sigurado kaming hindi siya ang babaeng dapat ilalagay sa kwarto mo."

Tumango si Ethaniel. Hindi niya man nakita ang mukha ng babae nang gabing iyon, ramdam niyang hindi ito boluntaryo—tila isang biktima ng “unspoken rule.”

Pero pagkatapos noon, wala nang naglakas-loob na lapitan pa ito.

"Ano’ng pangalan niya?"

"Giselle Basco," sagot ni Kyle habang ipinakita sa kanya ang litrato mula sa cellphone.

Sa ilalim ng ilaw, tumambad ang larawan ni Giselle —maganda. Pero hindi niya ito maalala ng buo.

Sa isip ni Ethaniel, matagal nang hinihintay ng kanyang lolo na siya'y magpakasal. Wala na siyang ibang pamilya kundi ang matanda, kaya kung ikaliligaya nito ang pagpapakasal niya, handa siyang sundin ito.

At sakto—lumitaw si Giselle . Simple ang pamilya, walang bahid, at siya rin ang una niyang babae.

"Kyle, ayusin mo na. Pupunta tayo sa bahay ng Basco."

Sa bahay ng mga Basco naman ay nagkagulo.

Dumating si Mr. Perez upang sunduin si Katrice—pero wala siya. Galit na galit ito.

"Ginagago niyo ba ako? Pinapaghintay n’yo ako tapos tatakasan ako?!"

"Hindi po, Mr. Perez! Hindi po namin kayo ginagago—"

"Tama na 'yan! Ngayong nandito na ako, hindi ako aalis nang wala akong makukuha!" Itinutok niya ang paningin kay Giselle . "Wala na ‘yong maganda mong kapatid? Pwede na rin ito! Sumama ka sa’kin ngayon!"

Hinawakan niya si Giselle  sa pulso at marahas itong hinila.

"Hindi! Ayoko! Mama! Papa!" sigaw ni Giselle  habang umiiyak sa takot. "Tulungan niyo ako!"

"Mr. Perez, bata pa po siya—hindi pa niya kayo kayang alagaan, please! Babalik po si Katrice, ipahanap lang namin—"

"Wala akong pake!" sigaw ni Mr. Perez, sabay tulak kay Jessa. Napaupo ito sa sahig, napaiyak.

"Mama! Mama!"

Hinila palabas ni Mr. Perez si Giselle  na umiiyak at nagsusumamo.

Sa labas ng bakuran, tumigil ang isang itim na Bentley. "Sir, ito na po," sabi ni Kyle.

Bumaba si Ethaniel. Suot niya ang isang eleganteng coat, at kahit sa gitna ng tensyon, dama ang presensya niyang kagalang-galang at mabagsik.

Sa sandaling makita niya si Mr. Perez na kinaladkad si Giselle  habang umiiyak, nanlamig ang hangin. Dumilim ang kanyang tingin. Walang pwedeng humawak sa kanya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Married To A Billionaire Beast   3

    “Mr. Manzano.” Napahinto bigla si Mr. Perez. Sa mundo ng negosyo, may pangalan at impluwensiya siya—pero kahit anong taas ng lipad niya, hindi puwedeng hindi kilalanin si Ethaniel. “Bakit ka narito?”Ni hindi man lang nilingon ni Ethaniel si Mr. Perez. Ang mga mata niya ay diretsong nakatingin kay Giselle na noon ay umiiyak at nanginginig pa.Siya ‘yong babaeng umiiyak sa mga bisig ko kagabi...Bigla na lang niyang itinaas ang kamay at sinampal si Mr. Perez nang sobrang lakas.Diretsong bumagsak sa sahig si Mr. Perez, at sa lakas ng tama, may lumipad pang ngipin nito, may bahid pa ng dugo.Ang pamilya nina Giselle ay nanlumo sa takot. Hindi makapagsalita, hindi makagalaw.May ngisi sa labi si Ethaniel—bahagyang matalim, may halong pangungutya. “Babae ko ‘yan. At ikaw, naglakas-loob kang hawakan siya?”Gulantang si Mr. Perez, hawak-hawak ang duguang bibig, halos hindi na maintindihan ang sinasabi. “Mr. Manzano, hindi ko alam... hindi ko po alam na babae n’yo siya... wala pa naman pong

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-18
  • Married To A Billionaire Beast   4

    Naiintindihan ni Katrice ang lahat, pero alam niyang hindi biro ang kasal. Napaisip siya at bahagyang umiling.“Hindi na siguro kailangan, diba? Pwede mo namang kausapin nang maayos si Mr. Manzano...”Ngunit hindi pa man siya natatapos magsalita ay pinutol na siya ni Ethaniel. Hindi nagbago ang ekspresyon nito, at kalmado ang tono ng boses.“Bilang kapalit, bibigyan kita ng pera. Consider it compensation.”Napahinto si Katrice. Pera? Hindi niya alam kung paano tututulan iyon. Natahimik siya. Nasa ospital pa ang kanyang kapatid at kailangan ng agarang gamutan.Iyon din naman ang dahilan ng pagpunta niya sa Manzano ay para humiram ng pera.Nang makita ni Ethaniel na tila nag-aalangan na si Katrice, muling nagsalita ang lalaki.“As long as you agree, you can name your price.”Tahimik na nagbilang si Katrice ng ilang segundo, saka marahang tumango. “Okay. Pumapayag ako.”Bahagyang yumuko si Ethaniel, tinatago ang malamig na panunuya sa kanyang mga mata. Sa isip niya, Ang isang babaeng kay

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-18
  • Married To A Billionaire Beast   5

    Halos matumba si Katrice sa sobrang pagkabigla at hirap sa pagtayo.Kakatapos lang suriin ng doktor si Jaime nang dumating si Ethaniel."Nandito ka na, Mr. Manzano," sabi ng doktor nang mapansin siya. "Sa ngayon ay wala namang seryosong problema kay Jaime, pero mahina pa rin ang katawan niya. Kailangang bantayan ang kanyang pagkain at pahinga. Ang pinakaimportante, panatilihing masaya at kalmado ang kalooban niya—huwag siyang pabiglain o istresin.”Pagkasabi nito ay lumabas na ang doktor ng silid.Nakahiga si Jaime at tinawag sila gamit ang mahinang tinig."Ethaniel, Katrice... Kayo ba'y kinasal na ngayon? Hindi ba sinabi ko sa’yo, Ethaniel na hayaan muna kayong magsama at mag-enjoy bilang bagong kasal? Hindi niyo kailangang dumalaw sa akin agad."Pinawisan si Katrice sa kaba. “Mr. Manzano… pasensya na po…”Napakunot-noo si Jaime. “Bakit parang nag-iba ang tawag mo? At ano naman ang pinagsosorry mo?”“Kasi…"Bago pa siya makapagsalita, biglang hinawakan ni Ethaniel ang pulso niya at p

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-01
  • Married To A Billionaire Beast   6

    Sa loob ng silid, nakaupo si Kathlyn sa isang upuan. Suot niya ang puting hospital gown na ngayon ay basa na ng sabaw. Hindi lang ang damit niya ang nadungisan—pati ang kanyang buhok ay may kanin at ulam, kaya’t halos hindi na makita ang kanyang mukha dahil sa lagkit at dumi.Hawak ng isang matandang tagapag-alaga ang kutsarang plastik at walang awang sinusubukang isubo ito kay Kathlyn."Kainin mo 'to! Kainin mo sabi! Wala kang kwenta! Mas mabuti pa ang baboy at aso kesa sa'yo!" galit na sigaw nito habang binabastos si Kathlyn.Bigla na lang hinila ang buhok ng tagapag-alaga mula sa likod, dahilan para mapasigaw ito sa sakit."Aaaray! Sino ka ba?! Bitawan mo ako!" sigaw niya habang nagpupumiglas.Namumula sa galit ang mga mata ni Katrice habang hinahatak ang buhok ng tagapag-alaga. Halos maningkit na sa galit ang kanyang mukha, punong-puno ng poot ang kanyang boses."Binubugbog mo ang isang bata? Akala mo wala siyang pamilya?! Buhay pa ako!"Habang nagsasalita, lalong hinigpitan ni Ka

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-01
  • Married To A Billionaire Beast   7

    Dahil sa matinding kutob, napalingon si Katrice.Sa mismong pintuan ng bahay, nakita niyang palabas na si Giselle—nagpalit na ito ng damit, inayos ang makeup, at maaliwalas ang mukha.Huminto ang isang kotse sa harapan. Bumukas ang pinto at bumaba si Ethaniel, may hawak na palumpon ng mga rosas.Matingkad ang kulay at napakaganda—mga rosas na sumisimbulo ng mainit na pag-ibig."Ang ganda naman," wika ni Giselle habang inaabot ang bulaklak, sabay yakap sa braso ni Ethaniel.Magalang na binuksan ni Ethaniel ang pinto ng kotse para kay Giselle at tinulungan itong sumakay. Pagkatapos, sabay na silang umalis.Habang dumaraan ang sasakyan, nakatalikod si Katrice. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.Naalala niya ang sinabi ni Ethaniel noon—may "marriage partner" na raw siya. At si Giselle nga ang tinutukoy niyang girlfriend.Kung ang isang tulad ni Giselle ay may boyfriend na kagaya ni Ethaniel, baka buong pamilya nila ay tatawa sa tuwa kahit sa panaginip. Pero, nakakatawa, kasi alam na

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-01
  • Married To A Billionaire Beast   8

    Maghapon lang na nanatili si Katrice sa bahay ni Rosalie. Pagsapit ng gabi, tumingin siya sa oras, isinuot ang bag, at lumabas. May part-time job pa siyang papasukan ngayong gabi.Matapos niyang mag-decisyon sa edad na labing-walo, tumigil na si Jessa sa pagbibigay ng pera sa kanya. Kaya mula noon, siya na ang sumusuporta sa sarili—sa pamamagitan ng scholarship at mga part-time job.May ATM card siyang galing kay Ethaniel, pero matapos niyang gamitin ito para sa pagpapagamot ni Kathlyn, hindi na niya ito muling ginalaw. Sa isip niya, hindi na niya dapat pa itong gamitin.Ang lugar kung saan nagtatrabaho si Katrice ay sa Mise—isang kilalang leisure club sa Bicol na para sa mga mayayaman. Isa itong "gold cave" para sa mga elite.Doon, nagtatrabaho si Katrice bilang massage acupuncturist. Bagamat ang major niya ay Western medicine at clinical medicine, nag-aral siya ng traditional massage at acupuncture para magamit sa part-time job niya.Dahil busy siya sa internship, pansamantala lang

    Terakhir Diperbarui : 2025-05-01
  • Married To A Billionaire Beast   1

    Alas-diyes ng gabi sa araw na iyon sa Moro Hotel. Tumingin si Katrice sa numero ng presidential suite.“Nandito na ako,” bulong niya.Sa mga oras na iyon, sobra na ang kaba na nararamdaman niya. Pumikit siya nang maraan hanggang sa nag-vibrate ang phone niya. Nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang ama na si Roy.{From Tatay:Katrice, pumayag na ang tiyahin mo. Basta samahan mo lang nang maayos si Mr. Perez ngayong gabi, babayaran na niya agad ang gastos sa pagpapagamot ng kapatid mo.}Pagkabasa niya ng mensahe, nanatiling walang emosyon ang maputlang mukha ni Katrice. Manhid na siya—wala na siyang maramdaman, ni sakit man lang.Matapos mag-asawang muli ang kanilang ama, tila naging invisible na silang magkapatid sa paningin nito. Sa loob ng mahigit sampung taon, pinabayaan lang sila nitong abusuhin at saktan ng madrasta nila. Ang kakulangan sa pagkain at damit—pangkaraniwan na. Pero ang pambubugbog, panlalait, at pang-aalipusta—araw-araw niyang dinaranas.At ngayong may utang sa

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-18

Bab terbaru

  • Married To A Billionaire Beast   2

    Nagmadaling umuwi si Katrice. Pagkapasok niya sa bahay, agad niyang nakita ang isang matabang lalaking halos kalbo na, nakaupo sa sofa ng sala at nakasimangot habang tinititigan si Giselle ."Potangina! Pinangakuan ko na ngang pakasalan ka! Tapos ngayon, ang kapal ng mukha mong pag-antayin ako buong gabi?" Galit na galit ang boses ni Mr. Perez.Tiniis ni Giselle ang lahat ng kahihiyan. Sanay na siya—ginagamit ni Mr. Perez na palusot ang “kasal” para lang makapangbabae. At kahit totoong handa itong magpakasal, para lang siyang ihahagis sa apoy. Walang matinong babae ang papayag.Napagtripan lang siya dahil siya ang napusuan. Pero dahil mahal siya ng mga magulang niya, si Katrice ang pinakiusapang pumalit para sa kanya.Hindi lang niya akalaing—tumakas si Katrice.“Mr. Perez, pasensya na po talaga. Mga bata po kasi, hindi marunong makiramdam. Sana po, intindihin n’yo na lang.” Maingat na nakikiusap si Jessa, ang ina ni Giselle.Nagkunwaring kalmado si Roy. “Sir, kalma lang po…”“Kalma?

  • Married To A Billionaire Beast   1

    Alas-diyes ng gabi sa araw na iyon sa Moro Hotel. Tumingin si Katrice sa numero ng presidential suite.“Nandito na ako,” bulong niya.Sa mga oras na iyon, sobra na ang kaba na nararamdaman niya. Pumikit siya nang maraan hanggang sa nag-vibrate ang phone niya. Nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang ama na si Roy.{From Tatay:Katrice, pumayag na ang tiyahin mo. Basta samahan mo lang nang maayos si Mr. Perez ngayong gabi, babayaran na niya agad ang gastos sa pagpapagamot ng kapatid mo.}Pagkabasa niya ng mensahe, nanatiling walang emosyon ang maputlang mukha ni Katrice. Manhid na siya—wala na siyang maramdaman, ni sakit man lang.Matapos mag-asawang muli ang kanilang ama, tila naging invisible na silang magkapatid sa paningin nito. Sa loob ng mahigit sampung taon, pinabayaan lang sila nitong abusuhin at saktan ng madrasta nila. Ang kakulangan sa pagkain at damit—pangkaraniwan na. Pero ang pambubugbog, panlalait, at pang-aalipusta—araw-araw niyang dinaranas.At ngayong may utang sa

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status