Share

4

Author: BlankTinker
last update Last Updated: 2025-04-18 16:00:15

Naiintindihan ni Katrice ang lahat, pero alam niyang hindi biro ang kasal. Napaisip siya at bahagyang umiling.

“Hindi na siguro kailangan, diba? Pwede mo namang kausapin nang maayos si Mr. Manzano...”

Ngunit hindi pa man siya natatapos magsalita ay pinutol na siya ni Ethaniel. Hindi nagbago ang ekspresyon nito, at kalmado ang tono ng boses.

“Bilang kapalit, bibigyan kita ng pera. Consider it compensation.”

Napahinto si Katrice. Pera? Hindi niya alam kung paano tututulan iyon. Natahimik siya. Nasa ospital pa ang kanyang kapatid at kailangan ng agarang gamutan.

Iyon din naman ang dahilan ng pagpunta niya sa Manzano ay para humiram ng pera.

Nang makita ni Ethaniel na tila nag-aalangan na si Katrice, muling nagsalita ang lalaki.

“As long as you agree, you can name your price.”

Tahimik na nagbilang si Katrice ng ilang segundo, saka marahang tumango. “Okay. Pumapayag ako.”

Bahagyang yumuko si Ethaniel, tinatago ang malamig na panunuya sa kanyang mga mata. Sa isip niya, Ang isang babaeng kayang ipagbili ang sarili niyang kasal sa kapalit ng pera... madali lang iyang alisin sa buhay ko balang araw.

“Paghahandaan ko ang kasunduan. Bukas ng umaga, dalhin mo ang mga dokumento mo. Magkita tayo sa City Hall.”

“Sige,” mahina niyang sagot.

Kinabukasan, maagang naghintay si Katrice sa harap ng City Hall. Halos hindi siya nakatulog buong gabi. Magulo ang kanyang isipan, at ngayon lang siya tuluyang natahimik nang dumating si Ethaniel.

Mabagal ang lakad nito papalapit, pormal at walang emosyon sa mukha. Pinilit ni Katrice ngumiti.

“Sir Ethaniel,” tawag niya.

Hindi siya nito tiningnan man lang. Diretso itong pumasok sa loob.

“Bilisan mo,” malamig nitong sabi.

“Ah, opo!”

Matapos ang mabilis na proseso ng kasal, hawak na ni Katrice ang maliit na pulang booklet na tanda ng kanilang kasal. Mabigat ang pakiramdam niya.

Para mabuhay, una niyang ibinenta ang katawan niya. Ngayon, ibinenta na rin niya ang karapatan niya sa pag-ibig.

Sa labas ng gusali, dalawang sasakyan ang nakaparada. Itinuro ni Ethaniel ang isa sa likod.

“Sumakay ka na. Ihahatid ka ng driver sa tirahan mo.”

Tumalikod siya at lumapit sa unahang sasakyan.

“Ma’am,” bati ni Kyle nang lapitan si Katrice. Iniabot nito ang isang card. “Pinabigay ni Sir.”

Hindi nag-alinlangan si Katrice. Tinanggap niya ang card at taos-pusong nagpasalamat.

“Salamat.”

Hindi siya pinansin ni Ethaniel. Para sa kanya, isa lamang itong transaksyon—wala siyang kailangan pasalamatan.

“Kyle, hindi niya kailangan ng tawag na 'Ma’am'. Tara na.”

Hindi sumama si Katrice sa driver. Humingi siya ng address, at pinauwi ito. Siya na lang ang pumunta sa Autism Sanatorium—isang institusyon para sa paggamot ng mga batang may autism.

Samantala, nasa loob ng Bentley si Ethaniel, at kausap si Kyle.

“Si Giselle . Puntahan mo at sabihing wala na ang kasal. Paalalahanan mong wala akong balak na pabayaan siya. Anumang hilingin niya, ibigay mo.”

“Okay, Sir.”

Tumunog ang cellphone ni Ethaniel. Isang notification sa kanyang credit card.

— ‘Your credit card ending in xxxx has been charged with 200,000.’

Napakunot ang noo niya. Ganito agad kalaki ang nagasos niya?

Paglabas ni Katrice mula sa Autism Sanatorium, maingat niyang isiniksik ang resibo sa maliit na ledger na bitbit niya. Isinulat niya sa loob:

— Taon xx, buwan xx, araw xx: Utang kay Ethaniel, 200,000 pesos.

Hindi siya sanay tumanggap ng tulong nang walang kapalit. Hindi man niya ito mabayaran ngayon, sisiguraduhin niyang mababayaran niya ito balang araw.

Ngunit sa kabila ng bigat na dinadala niya, nakahinga siya ng maluwag. Matapos ang ilang araw ng tensyon, ngayon lang siya nakaramdam ng kahit kaunting kaginhawahan. Ngunit dahil sa biglang pagkalma, nanghina ang kanyang mga tuhod at tila hindi siya makatayo nang maayos. Nanlamig ang likod at noo niya sa pawis.

Intern siya, at alam niya ang posibleng dahilan.

Yung gabing ‘yon… sobrang sakit. Hanggang ngayon, masakit pa rin at may pagdurugo pa. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Agad siyang pumunta sa ospital at nagpakonsulta sa OB-GYN.

Sa kabilang banda, habang nasa meeting si Ethaniel, nakatanggap siya ng tawag mula kay Kyle.

“Sir! Si Miss Giselle... nahimatay! Nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa kasal, bigla siyang nawalan ng malay. Nasa ospital na siya ngayon!”

“Pupunta ako agad.”

Sa ospital, tahimik na umiiyak si Jessa habang pinupunasan ang luha ng anak.

“Kawawa ang anak ko. Kasal na nga ang inaasahan, biglang nawala. Para mo na rin siyang pinatay!”

“Mom, please don’t say that...” mahinang bulong ni Giselle . “Kasal na si Mr. Manzano sa iba.” Punong-puno ng luha ang kanyang mga mata. “Siguro hindi talaga ako para sa kanya. Mr. Manzano, salamat po sa pagpunta...”

Hindi gusto ni Ethaniel ang babaeng umiiyak, ngunit si Giselle  ang unang babaeng minahal niya, ang una niyang babae. Kahit paunti-unti na ang nararamdaman niya rito, kailangan niyang maging mahinahon.

“Wala akong relasyon sa babaeng iyon. Napilitan lang ako. Kasal man kami, maghihiwalay rin kami. I’m just asking you to wait, Giselle . My promise to you won’t change.”

Biglang huminto sa pag-iyak si Jessa. “Talaga ba, Mr. Manzano? Hindi mo pinapaasa ang anak ko?”

Hindi mahilig si Ethaniel sa mga taong nagdududa sa kanya, kahit pa si Giselle  ang ina ng babae. Tumalim ang tingin niya.

“Hindi ka ba naniwala sa sinasabi ko?”

Agad namang sumingit si Giselle  at mahigpit na kumapit sa manggas ng kanyang damit habang umiiyak.

“Naniniwala ako sa’yo....”

Bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Ethaniel. Sa kabila ng lahat, nasasaktan pa rin ang babaeng ito dahil sa ginawa ni Katrice. Sa isip niya, Kung hindi lang talaga dahil kay Katrice, hindi sana nawalan ng tiwala sa akin si Giselle .

“Magpahinga ka muna. Don’t overthink, okay?”

Tumango si Giselle , “Okay. I’ll listen to you.”

Matapos kumalma ni Giselle, agad na naisipang bumalik ni Ethaniel sa kumpanya. Ngunit habang dumadaan siya sa lobby, napansin niya ang isang pamilyar na pigura. 

Napatanong siya sa isipan niya. ‘Hindi siya nagpunta sa bahay na binigay ko, bakit narito siya sa ospital?’

Sinundan niya ito.

Pumasok si Katrice sa isang silid ng konsultasyon. Napatingala si Ethaniel at nakita ang karatula sa pinto — Gynecology.

Biglang sumeryoso ang mukha ni Ethaniel at nanatiling naghihintay sa labas.

Makalipas ang kalahating oras, lumabas si Katrice. Maputla ang kanyang mukha at halatang nanghihina. Nakahawak siya sa pader habang dahan-dahang naglalakad... at eksaktong nagkasalubong sila ni Ethaniel.

Nanlaki ang mata ni Katrice sa gulat. “Anong ginagawa mo rito?”

Hindi siya sinagot ng lalaki at sa halip ay tinanong siya, “Bakit ka nasa department ng gynecology?”

Nag-iba ang tingin ni Katrice. Umiwas siya ng tingin at sumagot, “Wala kang kailangan malaman. It’s my personal business.”

Biglang bumukas ang pinto ng examination room. Lumabas ang nurse na may hawak na folder.

“Miss Katrice, naiwan mo ang medical records mo!”

“Ay, salamat!” Agad siyang lalapit sana para kunin ito, pero inunahan siya ni Ethaniel.

Agad siyang kinabahan at tumakbo palapit. “Ibalik mo ‘yan! Don’t look at it!”

Pero mas matangkad si Ethaniel at kaya niyang itaas ang folder nang hindi ito maabot ni Katrice. Binuklat niya ito habang pilit itong inaagaw ni Katrice.

“Please, ibalik mo na! Don’t read it!”

Ngunit huli na. Nabasa na niya ang laman.

Biglang dumilim ang mukha ni Ethaniel. Hindi siya makapaniwala sa nabasa. “Anong klaseng babaeng walang hiya ka ba?!”

Napapikit si Katrice sa hiya. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha.

Hindi na napigilan ng nurse ang sarili at sumabat.

“Boyfriend ka niya, di ba? Dapat alam mo ang nangyari. Hindi mo man lang ba siya inalagaan? Sarili mo lang iniisip mo. Three lacerations 'yon, tapos ilang tahi. Sa susunod, sana naman marunong kang magpahalaga sa girlfriend mo.”

Paglingon ng nurse ay napabulong pa ito, “Kung wala ka namang experience, huwag mong subukan ang mga mahihirap na posisyon.”

Parang tinamaan ng matigas na bagay si Ethaniel. Three lacerations? Tapos may stitches pa? Gano’n katindi?

Hindi siya makapaniwala.

Grabe. Ganito pala kabastos ang babaeng ‘to. Kakasal lang namin, niloko na agad ako! At dahil lang sa ganitong babae, nasasaktan pa si Giselle !

“Katrice, ‘shameless’ is not even enough to describe you!”

Hinila niya si Katrice palabas. Napakadiin ng hawak niya kaya napasinghap ito sa sakit.

“Masakit! Saan mo ako dadalhin?!”

“Kay Grandpa. Papakita ko sa kanya kung anong klaseng babae talaga ang pinakasalan ko!”

Punong-puno ng galit si Ethaniel. Ang babaeng ito, may gana pang humarap sa Manzano at ipilit ang kasunduan sa kasal? Hindi man lang marunong mahiya.

Gusto sanang sabihin ni Katrice na hindi naman siya ang nagpumilit sa kasal. Siya mismo ang nagsabing peke lang ito, walang label, walang pakialaman, at agad ding maghihiwalay.

Pero dahil sa utang na loob niya kay Ethaniel, napabuntong-hininga na lang siya. Bahala ka na kung anong gusto mong gawin.’ sabi niya sa isip niya.

Pagdating nila sa ward, galit na binuksan ni Ethaniel ang pinto at itinulak si Katrice papasok.

“There! Tell him what kind of woman you are!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Married To A Billionaire Beast   5

    Halos matumba si Katrice sa sobrang pagkabigla at hirap sa pagtayo.Kakatapos lang suriin ng doktor si Jaime nang dumating si Ethaniel."Nandito ka na, Mr. Manzano," sabi ng doktor nang mapansin siya. "Sa ngayon ay wala namang seryosong problema kay Jaime, pero mahina pa rin ang katawan niya. Kailangang bantayan ang kanyang pagkain at pahinga. Ang pinakaimportante, panatilihing masaya at kalmado ang kalooban niya—huwag siyang pabiglain o istresin.”Pagkasabi nito ay lumabas na ang doktor ng silid.Nakahiga si Jaime at tinawag sila gamit ang mahinang tinig."Ethaniel, Katrice... Kayo ba'y kinasal na ngayon? Hindi ba sinabi ko sa’yo, Ethaniel na hayaan muna kayong magsama at mag-enjoy bilang bagong kasal? Hindi niyo kailangang dumalaw sa akin agad."Pinawisan si Katrice sa kaba. “Mr. Manzano… pasensya na po…”Napakunot-noo si Jaime. “Bakit parang nag-iba ang tawag mo? At ano naman ang pinagsosorry mo?”“Kasi…"Bago pa siya makapagsalita, biglang hinawakan ni Ethaniel ang pulso niya at p

    Last Updated : 2025-05-01
  • Married To A Billionaire Beast   6

    Sa loob ng silid, nakaupo si Kathlyn sa isang upuan. Suot niya ang puting hospital gown na ngayon ay basa na ng sabaw. Hindi lang ang damit niya ang nadungisan—pati ang kanyang buhok ay may kanin at ulam, kaya’t halos hindi na makita ang kanyang mukha dahil sa lagkit at dumi.Hawak ng isang matandang tagapag-alaga ang kutsarang plastik at walang awang sinusubukang isubo ito kay Kathlyn."Kainin mo 'to! Kainin mo sabi! Wala kang kwenta! Mas mabuti pa ang baboy at aso kesa sa'yo!" galit na sigaw nito habang binabastos si Kathlyn.Bigla na lang hinila ang buhok ng tagapag-alaga mula sa likod, dahilan para mapasigaw ito sa sakit."Aaaray! Sino ka ba?! Bitawan mo ako!" sigaw niya habang nagpupumiglas.Namumula sa galit ang mga mata ni Katrice habang hinahatak ang buhok ng tagapag-alaga. Halos maningkit na sa galit ang kanyang mukha, punong-puno ng poot ang kanyang boses."Binubugbog mo ang isang bata? Akala mo wala siyang pamilya?! Buhay pa ako!"Habang nagsasalita, lalong hinigpitan ni Ka

    Last Updated : 2025-05-01
  • Married To A Billionaire Beast   7

    Dahil sa matinding kutob, napalingon si Katrice.Sa mismong pintuan ng bahay, nakita niyang palabas na si Giselle—nagpalit na ito ng damit, inayos ang makeup, at maaliwalas ang mukha.Huminto ang isang kotse sa harapan. Bumukas ang pinto at bumaba si Ethaniel, may hawak na palumpon ng mga rosas.Matingkad ang kulay at napakaganda—mga rosas na sumisimbulo ng mainit na pag-ibig."Ang ganda naman," wika ni Giselle habang inaabot ang bulaklak, sabay yakap sa braso ni Ethaniel.Magalang na binuksan ni Ethaniel ang pinto ng kotse para kay Giselle at tinulungan itong sumakay. Pagkatapos, sabay na silang umalis.Habang dumaraan ang sasakyan, nakatalikod si Katrice. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.Naalala niya ang sinabi ni Ethaniel noon—may "marriage partner" na raw siya. At si Giselle nga ang tinutukoy niyang girlfriend.Kung ang isang tulad ni Giselle ay may boyfriend na kagaya ni Ethaniel, baka buong pamilya nila ay tatawa sa tuwa kahit sa panaginip. Pero, nakakatawa, kasi alam na

    Last Updated : 2025-05-01
  • Married To A Billionaire Beast   8

    Maghapon lang na nanatili si Katrice sa bahay ni Rosalie. Pagsapit ng gabi, tumingin siya sa oras, isinuot ang bag, at lumabas. May part-time job pa siyang papasukan ngayong gabi.Matapos niyang mag-decisyon sa edad na labing-walo, tumigil na si Jessa sa pagbibigay ng pera sa kanya. Kaya mula noon, siya na ang sumusuporta sa sarili—sa pamamagitan ng scholarship at mga part-time job.May ATM card siyang galing kay Ethaniel, pero matapos niyang gamitin ito para sa pagpapagamot ni Kathlyn, hindi na niya ito muling ginalaw. Sa isip niya, hindi na niya dapat pa itong gamitin.Ang lugar kung saan nagtatrabaho si Katrice ay sa Mise—isang kilalang leisure club sa Bicol na para sa mga mayayaman. Isa itong "gold cave" para sa mga elite.Doon, nagtatrabaho si Katrice bilang massage acupuncturist. Bagamat ang major niya ay Western medicine at clinical medicine, nag-aral siya ng traditional massage at acupuncture para magamit sa part-time job niya.Dahil busy siya sa internship, pansamantala lang

    Last Updated : 2025-05-01
  • Married To A Billionaire Beast   1

    Alas-diyes ng gabi sa araw na iyon sa Moro Hotel. Tumingin si Katrice sa numero ng presidential suite.“Nandito na ako,” bulong niya.Sa mga oras na iyon, sobra na ang kaba na nararamdaman niya. Pumikit siya nang maraan hanggang sa nag-vibrate ang phone niya. Nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang ama na si Roy.{From Tatay:Katrice, pumayag na ang tiyahin mo. Basta samahan mo lang nang maayos si Mr. Perez ngayong gabi, babayaran na niya agad ang gastos sa pagpapagamot ng kapatid mo.}Pagkabasa niya ng mensahe, nanatiling walang emosyon ang maputlang mukha ni Katrice. Manhid na siya—wala na siyang maramdaman, ni sakit man lang.Matapos mag-asawang muli ang kanilang ama, tila naging invisible na silang magkapatid sa paningin nito. Sa loob ng mahigit sampung taon, pinabayaan lang sila nitong abusuhin at saktan ng madrasta nila. Ang kakulangan sa pagkain at damit—pangkaraniwan na. Pero ang pambubugbog, panlalait, at pang-aalipusta—araw-araw niyang dinaranas.At ngayong may utang sa

    Last Updated : 2025-04-18
  • Married To A Billionaire Beast   2

    Nagmadaling umuwi si Katrice. Pagkapasok niya sa bahay, agad niyang nakita ang isang matabang lalaking halos kalbo na, nakaupo sa sofa ng sala at nakasimangot habang tinititigan si Giselle ."Potangina! Pinangakuan ko na ngang pakasalan ka! Tapos ngayon, ang kapal ng mukha mong pag-antayin ako buong gabi?" Galit na galit ang boses ni Mr. Perez.Tiniis ni Giselle ang lahat ng kahihiyan. Sanay na siya—ginagamit ni Mr. Perez na palusot ang “kasal” para lang makapangbabae. At kahit totoong handa itong magpakasal, para lang siyang ihahagis sa apoy. Walang matinong babae ang papayag.Napagtripan lang siya dahil siya ang napusuan. Pero dahil mahal siya ng mga magulang niya, si Katrice ang pinakiusapang pumalit para sa kanya.Hindi lang niya akalaing—tumakas si Katrice.“Mr. Perez, pasensya na po talaga. Mga bata po kasi, hindi marunong makiramdam. Sana po, intindihin n’yo na lang.” Maingat na nakikiusap si Jessa, ang ina ni Giselle.Nagkunwaring kalmado si Roy. “Sir, kalma lang po…”“Kalma?

    Last Updated : 2025-04-18
  • Married To A Billionaire Beast   3

    “Mr. Manzano.” Napahinto bigla si Mr. Perez. Sa mundo ng negosyo, may pangalan at impluwensiya siya—pero kahit anong taas ng lipad niya, hindi puwedeng hindi kilalanin si Ethaniel. “Bakit ka narito?”Ni hindi man lang nilingon ni Ethaniel si Mr. Perez. Ang mga mata niya ay diretsong nakatingin kay Giselle na noon ay umiiyak at nanginginig pa.Siya ‘yong babaeng umiiyak sa mga bisig ko kagabi...Bigla na lang niyang itinaas ang kamay at sinampal si Mr. Perez nang sobrang lakas.Diretsong bumagsak sa sahig si Mr. Perez, at sa lakas ng tama, may lumipad pang ngipin nito, may bahid pa ng dugo.Ang pamilya nina Giselle ay nanlumo sa takot. Hindi makapagsalita, hindi makagalaw.May ngisi sa labi si Ethaniel—bahagyang matalim, may halong pangungutya. “Babae ko ‘yan. At ikaw, naglakas-loob kang hawakan siya?”Gulantang si Mr. Perez, hawak-hawak ang duguang bibig, halos hindi na maintindihan ang sinasabi. “Mr. Manzano, hindi ko alam... hindi ko po alam na babae n’yo siya... wala pa naman pong

    Last Updated : 2025-04-18

Latest chapter

  • Married To A Billionaire Beast   4

    Naiintindihan ni Katrice ang lahat, pero alam niyang hindi biro ang kasal. Napaisip siya at bahagyang umiling.“Hindi na siguro kailangan, diba? Pwede mo namang kausapin nang maayos si Mr. Manzano...”Ngunit hindi pa man siya natatapos magsalita ay pinutol na siya ni Ethaniel. Hindi nagbago ang ekspresyon nito, at kalmado ang tono ng boses.“Bilang kapalit, bibigyan kita ng pera. Consider it compensation.”Napahinto si Katrice. Pera? Hindi niya alam kung paano tututulan iyon. Natahimik siya. Nasa ospital pa ang kanyang kapatid at kailangan ng agarang gamutan.Iyon din naman ang dahilan ng pagpunta niya sa Manzano ay para humiram ng pera.Nang makita ni Ethaniel na tila nag-aalangan na si Katrice, muling nagsalita ang lalaki.“As long as you agree, you can name your price.”Tahimik na nagbilang si Katrice ng ilang segundo, saka marahang tumango. “Okay. Pumapayag ako.”Bahagyang yumuko si Ethaniel, tinatago ang malamig na panunuya sa kanyang mga mata. Sa isip niya, Ang isang babaeng kay

  • Married To A Billionaire Beast   3

    “Mr. Manzano.” Napahinto bigla si Mr. Perez. Sa mundo ng negosyo, may pangalan at impluwensiya siya—pero kahit anong taas ng lipad niya, hindi puwedeng hindi kilalanin si Ethaniel. “Bakit ka narito?”Ni hindi man lang nilingon ni Ethaniel si Mr. Perez. Ang mga mata niya ay diretsong nakatingin kay Giselle na noon ay umiiyak at nanginginig pa.Siya ‘yong babaeng umiiyak sa mga bisig ko kagabi...Bigla na lang niyang itinaas ang kamay at sinampal si Mr. Perez nang sobrang lakas.Diretsong bumagsak sa sahig si Mr. Perez, at sa lakas ng tama, may lumipad pang ngipin nito, may bahid pa ng dugo.Ang pamilya nina Giselle ay nanlumo sa takot. Hindi makapagsalita, hindi makagalaw.May ngisi sa labi si Ethaniel—bahagyang matalim, may halong pangungutya. “Babae ko ‘yan. At ikaw, naglakas-loob kang hawakan siya?”Gulantang si Mr. Perez, hawak-hawak ang duguang bibig, halos hindi na maintindihan ang sinasabi. “Mr. Manzano, hindi ko alam... hindi ko po alam na babae n’yo siya... wala pa naman pong

  • Married To A Billionaire Beast   2

    Nagmadaling umuwi si Katrice. Pagkapasok niya sa bahay, agad niyang nakita ang isang matabang lalaking halos kalbo na, nakaupo sa sofa ng sala at nakasimangot habang tinititigan si Giselle ."Potangina! Pinangakuan ko na ngang pakasalan ka! Tapos ngayon, ang kapal ng mukha mong pag-antayin ako buong gabi?" Galit na galit ang boses ni Mr. Perez.Tiniis ni Giselle ang lahat ng kahihiyan. Sanay na siya—ginagamit ni Mr. Perez na palusot ang “kasal” para lang makapangbabae. At kahit totoong handa itong magpakasal, para lang siyang ihahagis sa apoy. Walang matinong babae ang papayag.Napagtripan lang siya dahil siya ang napusuan. Pero dahil mahal siya ng mga magulang niya, si Katrice ang pinakiusapang pumalit para sa kanya.Hindi lang niya akalaing—tumakas si Katrice.“Mr. Perez, pasensya na po talaga. Mga bata po kasi, hindi marunong makiramdam. Sana po, intindihin n’yo na lang.” Maingat na nakikiusap si Jessa, ang ina ni Giselle.Nagkunwaring kalmado si Roy. “Sir, kalma lang po…”“Kalma?

  • Married To A Billionaire Beast   1

    Alas-diyes ng gabi sa araw na iyon sa Moro Hotel. Tumingin si Katrice sa numero ng presidential suite.“Nandito na ako,” bulong niya.Sa mga oras na iyon, sobra na ang kaba na nararamdaman niya. Pumikit siya nang maraan hanggang sa nag-vibrate ang phone niya. Nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang ama na si Roy.{From Tatay:Katrice, pumayag na ang tiyahin mo. Basta samahan mo lang nang maayos si Mr. Perez ngayong gabi, babayaran na niya agad ang gastos sa pagpapagamot ng kapatid mo.}Pagkabasa niya ng mensahe, nanatiling walang emosyon ang maputlang mukha ni Katrice. Manhid na siya—wala na siyang maramdaman, ni sakit man lang.Matapos mag-asawang muli ang kanilang ama, tila naging invisible na silang magkapatid sa paningin nito. Sa loob ng mahigit sampung taon, pinabayaan lang sila nitong abusuhin at saktan ng madrasta nila. Ang kakulangan sa pagkain at damit—pangkaraniwan na. Pero ang pambubugbog, panlalait, at pang-aalipusta—araw-araw niyang dinaranas.At ngayong may utang sa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status