Married To A Billionaire Beast
“What did you do to me?!” Galit na galit ang boses ng lalake, mababa at matalim.
Nag-panic si Katrice. Hindi niya alam ang nangyayari.
Hawak pa rin ang kanyang leeg, napailing siya at pilit nagsalita, “A-Ako, wa-wala po akong ginawa... H-hindi ko alam…”
Bigla siyang binitiwan. Pero hindi pa siya nakakahinga nang maayos, naramdaman na lang niyang hinawakan siya sa bewang at idinikit sa katawan ng lalake.
Mainit ang balat nito, parang may lagnat, at sobrang lapit nila sa isa’t isa. Nang magsalita ang lalake, halos dumikit sa balat niya ang mainit na hininga, “Binibigyan kita ng pagkakataon. Itulak mo ako. Lumabas ka dito.”
Napamulagat si Katrice. Pinalalabas niya ako? Hindi ba siya kuntento? Iniisip ba niyang hindi ako interesado?
Pero hindi siya puwedeng umalis. Hindi para sa sarili niya—kundi para sa kapatid niya.
Wala na siyang karapatang mag-inarte pa. Nandito na siya. Wala nang atrasan. “Hindi ako lalabas. Tonight… I’m yours,” mahinang bulong niya.
Read
Chapter: 4Naiintindihan ni Katrice ang lahat, pero alam niyang hindi biro ang kasal. Napaisip siya at bahagyang umiling.“Hindi na siguro kailangan, diba? Pwede mo namang kausapin nang maayos si Mr. Manzano...”Ngunit hindi pa man siya natatapos magsalita ay pinutol na siya ni Ethaniel. Hindi nagbago ang ekspresyon nito, at kalmado ang tono ng boses.“Bilang kapalit, bibigyan kita ng pera. Consider it compensation.”Napahinto si Katrice. Pera? Hindi niya alam kung paano tututulan iyon. Natahimik siya. Nasa ospital pa ang kanyang kapatid at kailangan ng agarang gamutan.Iyon din naman ang dahilan ng pagpunta niya sa Manzano ay para humiram ng pera.Nang makita ni Ethaniel na tila nag-aalangan na si Katrice, muling nagsalita ang lalaki.“As long as you agree, you can name your price.”Tahimik na nagbilang si Katrice ng ilang segundo, saka marahang tumango. “Okay. Pumapayag ako.”Bahagyang yumuko si Ethaniel, tinatago ang malamig na panunuya sa kanyang mga mata. Sa isip niya, Ang isang babaeng kay
Last Updated: 2025-04-18
Chapter: 3“Mr. Manzano.” Napahinto bigla si Mr. Perez. Sa mundo ng negosyo, may pangalan at impluwensiya siya—pero kahit anong taas ng lipad niya, hindi puwedeng hindi kilalanin si Ethaniel. “Bakit ka narito?”Ni hindi man lang nilingon ni Ethaniel si Mr. Perez. Ang mga mata niya ay diretsong nakatingin kay Giselle na noon ay umiiyak at nanginginig pa.Siya ‘yong babaeng umiiyak sa mga bisig ko kagabi...Bigla na lang niyang itinaas ang kamay at sinampal si Mr. Perez nang sobrang lakas.Diretsong bumagsak sa sahig si Mr. Perez, at sa lakas ng tama, may lumipad pang ngipin nito, may bahid pa ng dugo.Ang pamilya nina Giselle ay nanlumo sa takot. Hindi makapagsalita, hindi makagalaw.May ngisi sa labi si Ethaniel—bahagyang matalim, may halong pangungutya. “Babae ko ‘yan. At ikaw, naglakas-loob kang hawakan siya?”Gulantang si Mr. Perez, hawak-hawak ang duguang bibig, halos hindi na maintindihan ang sinasabi. “Mr. Manzano, hindi ko alam... hindi ko po alam na babae n’yo siya... wala pa naman pong
Last Updated: 2025-04-18
Chapter: 2Nagmadaling umuwi si Katrice. Pagkapasok niya sa bahay, agad niyang nakita ang isang matabang lalaking halos kalbo na, nakaupo sa sofa ng sala at nakasimangot habang tinititigan si Giselle ."Potangina! Pinangakuan ko na ngang pakasalan ka! Tapos ngayon, ang kapal ng mukha mong pag-antayin ako buong gabi?" Galit na galit ang boses ni Mr. Perez.Tiniis ni Giselle ang lahat ng kahihiyan. Sanay na siya—ginagamit ni Mr. Perez na palusot ang “kasal” para lang makapangbabae. At kahit totoong handa itong magpakasal, para lang siyang ihahagis sa apoy. Walang matinong babae ang papayag.Napagtripan lang siya dahil siya ang napusuan. Pero dahil mahal siya ng mga magulang niya, si Katrice ang pinakiusapang pumalit para sa kanya.Hindi lang niya akalaing—tumakas si Katrice.“Mr. Perez, pasensya na po talaga. Mga bata po kasi, hindi marunong makiramdam. Sana po, intindihin n’yo na lang.” Maingat na nakikiusap si Jessa, ang ina ni Giselle.Nagkunwaring kalmado si Roy. “Sir, kalma lang po…”“Kalma?
Last Updated: 2025-04-18
Chapter: 1Alas-diyes ng gabi sa araw na iyon sa Moro Hotel. Tumingin si Katrice sa numero ng presidential suite.“Nandito na ako,” bulong niya.Sa mga oras na iyon, sobra na ang kaba na nararamdaman niya. Pumikit siya nang maraan hanggang sa nag-vibrate ang phone niya. Nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang ama na si Roy.{From Tatay:Katrice, pumayag na ang tiyahin mo. Basta samahan mo lang nang maayos si Mr. Perez ngayong gabi, babayaran na niya agad ang gastos sa pagpapagamot ng kapatid mo.}Pagkabasa niya ng mensahe, nanatiling walang emosyon ang maputlang mukha ni Katrice. Manhid na siya—wala na siyang maramdaman, ni sakit man lang.Matapos mag-asawang muli ang kanilang ama, tila naging invisible na silang magkapatid sa paningin nito. Sa loob ng mahigit sampung taon, pinabayaan lang sila nitong abusuhin at saktan ng madrasta nila. Ang kakulangan sa pagkain at damit—pangkaraniwan na. Pero ang pambubugbog, panlalait, at pang-aalipusta—araw-araw niyang dinaranas.At ngayong may utang sa
Last Updated: 2025-04-18