SIMULA
MYCA'S POVI stared at the hard copies of the complaints from the customers of my resort. Napakagat-labi ako. The reviews are good but I didn't foresee how I'll be needing more experienced and reliable staffs. Kaya naman ay namroblema agad ako dahil sa aking nakita na reklamo galing sa ibang costumers namin. Apat sa mga staff ko ang hindi nagtatrabaho nang maayos. I have to replace them as soon as possible. Ito lang ang inuwian ko dito dahil hindi pa nagda-dalawang taon simula nang bumukas ang pangalawang resort ko na ito. Kaya natatakot ako na biglang bumagsak ito dahil lang sa mga complaint ng previous customers namin."Gigi! Make a flyer for the job interview. Kailangan makahanap tayo ng papalit sa apat na iyon bago pa mag-end ang buwan na ito. Make sure to put the requirements," problemado kong sabi sa secretary ko na kanina pa nakatayo sa harap ng table ko.Tumango-tango ito agad. "Right away, Ms. Fortezo!" tugon niya at mabilis na lumabas.Napasandal ako sa upuan ko para ikalma ang sarili. Kakailanganin ko pang dumaan sa Centre Restaurant dahil ang magaling kong papa ay inireto na naman ako ulit sa taong iyon. I'm of age to get married. But I have no plan to marry this early. Simply because I am still thirsty of success in the field of business. Ito na ata ang bumubuhay sa dugo ko simula nang matutunan kong mahalin kung paano mamahala ng isang negosyo.Ang hirap lang ng buhay na walang kalayaan. Tipong pati karapatan mong mamili ay ipinagkait sayo. Napabuntong hininga ako. Mukhang mas mabuting manatili ako sa Palawan para hindi na ako magambala pa ng malalaking problema.*Knock* *Knock*Biglang may kumatok sa pintuan ng opisina ko kaya napaayos ako nang upo. Inayos ko rin ang sarili ko bago nagsalita."Come in," pagbibigay permiso ko sa taong nais pumasok.Bumukas ito at bumungad sa akin ang masiglang mukha ni mama. I flashed a sweet smile at her. Tumayo ako at sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap. I kissed her cheek twice. Iginiya ko siya sa sofa at sabay kaming naupo."I heard from Yna that you are here to check your resort. Kaya naman ay agad akong pumunta rito," ani mama na mukhang panatag na panatag ang mukha.I licked my lips. "Bibisita rin naman po ako sa mansion.""Palaging iyan ang palusot mo pero hindi ka naman sumusulpot talaga. Nagtatampo na ako sayo, Myca. The mansion is no longer warm because you are no longer there. Hindi naman sa ayaw ko at ng papa mo na bumukad ka dahil lang sa nasa tamang edad ka. Pero alalahanin mo na ikaw lang ang nag-iisang anak namin. Doon ka muna sa mansion hanggat hindi ka pa naikakasal," pagmamakaawa ni mama sa akin.Napaawang ang bibig ko. Muli na namang sumagi sa isip ko na masyado nilang inaabuso ang tradisyon ng aming pamilya. Palaging kasal ang bukambibig nila sa akin kahit saan man kami mapadpad. At hindi lang iyon ang masaklap. They want me to choose a man from a distant relative since that's part of our family tradition— part of their family tradition! Naninindig ang balahibo ko sa tuwing iniisip ko ang bagay na iyan."Mama, alam mong wala akong balak na magpatali. Bata pa ako para isiping bumuo na agad ng pamilya." I frowned and heaved a deep sigh.That's not the true case. I don't want to marry someone I don't love. Kung magpapatali ako ay doon sa taong mahal ko at mahal ako. I am still trying to figure out how can I change their opinion about choosing my own destiny, on how they must let me decide on the one I should spend the rest of my life with, or have my own freedom to speak for my rights as a woman despite being their only daughter. Nahihirapan ako sa pamilyang ito. Porket nag-iisang anak ay hindi maaaring pumili ng ibang lalaking papakasalan na hindi pinsan sa malayong kamag-anak dahil daw magkakaroon sila ng malas na buhay. Hindi ko naman masabi sa kanila na wala akong pakialam sa tradisyong kinalakihan nila. At na wala akong balak na sundin ang tradisyong iyon.Kung tatanda akong dalaga ay ayos na iyon kaysa naman magpakasal sa pinsan ko sa malayong kamag-anak! Oh my gosh! That's disgusting. Para na rin nila akong pinapakain ng isang lason. Minsan ay gusto kong magwala. If my twin has survived then we can choose our own freedom. Pero hindi. Iba ata ang plano ng Maykapal para sa akin. Balak kiya siguro akong magdusa hanggang sa huling hininga ko."Why don't you try to get to know Farish first? He is a good man, Myca. Minsan na kayong nakapagkilala sa grand reunion ng buong angkan natin dati at ayon naman sa mama niya ay gusto ka rin niyang mas makilala pa," malambing nitong suhestiyon at pinaglaruan ang hibla ng buhok ko.Nanindig ang balahibo ko sa sinabi ni mama. Kung alam niya lang na hindi maganda sa pandinig iyon ay baka hindi na lang siya magsalita. Magsisimula na naman kasi siya. Kaya nagkukulong lang ako sa penthouse ko palagi ay dahil dito. Para akong maiiyak at masusuka pero hindi ko iyon ipinahalata kay mama. Wala pa akong lakas na suwayin sila ni papa."Sure, Farish is a good man like what you are claiming. But it doesn't mean that he is qualified to be my husband," matigas kong sambit.Parang nagulat ko si mama dahil sa aking sinabi. Pero alam kong iba na naman ang iniisip niya tungkol doon."Ang kailangan mo lang namang gawin ay i-date siya at kilalanin pa nang mas maayos at mas lubusan. Ikaw talaga, kasal na agad at pag-aasawa ang nasa isip mo?" natunugan ko ang pagkakatuwa sa kanyang boses.Naitikom ko ang aking bibig. Palagi naman silang nananahimik kapag sinisipot ko sa lugar na napag-usapan ang mga ka-blind date ko o ang mga lalaking nirereto nila sa akin. Pero iba ang kaso ng lalaking nagngangalang Farish Ilmo Balenciaga. They like him that much because he became a successful entrepreneur at a very young age and won nine emmys for his outstanding innovation and ideas in ASIAN business empire. They are so fond of him because they thought he is a nice man. At isa pa, pinsan ko siya sa malayong kamag-anak kaya botong-boto ang aking mga magulang sa kanya.Pero ang masasabi ko lang ay isa siyang malaking red flag! Sa lahat ba naman ng mga sinipot ko sa mga nirereto nila ay si Farish ang hindi madaldal at hindi mukhang interesado na magseryoso. He looks like a damn maniac, a wholesome pervert! Kaya tahimik lang ay dahil grabe kung manitig sayo! Akala mo ay hinuhubaran ka na! Akala nila ay mabait siya pero halos sukaan ko siya sa kanyang pagmumukha dahil sa kung paano niya ako titigan at suriin noong unang blind date namin."Mama... Ayoko pa talagang magpakasal. Bata pa ako at marami pa akong pangarap sa buhay. Gusto ko pang magpatayo ng sarili kong resorts sa iba't ibang panig ng mundo," I almost sound begging and so desperate.Lumamig ang mukha ni mama. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa kanyang naging reaksyon. Dito pa lang ay alam ko nang hindi sila sasang-ayon sa sarili kong desisyon."Magagawa mong mapagtagumpayan ang lahat kahit kasal ka na. Mas mapapadali pa ang lahat kung may karamay ka sa mga problema mo. Kaya sinasabi ko sayo na mag-asawa ka nang maaga para hindi masayang ang lahat ng pinaghihirapan mong abutin sa ngayon. Mamalasin ka kung pipiliin mong tumandang dalaga!" tunog galit na untag ni mama.Nagtubig ang sulok ng aking mga mata kaya agad akong tumayo at nagkunwareng maglalakad-lakad lang sa harapan niya. Pero pinipigilan kong hindi maiyak nang tuluyan.People thought I have the perfect life anyone could wish to have. Pero sa panlabas na anyo lamang ng mundo ko ang nakikita nila. Hindi nila alam ang tunay na nangyayari sa buhay ko dahil mailap ako sa mga tao. At hindi halata sa pamilya namin na may tradisyon din silang sinusunod."Mamaya ay siputin mo si Farish sa Centre Restaurant. Iyan na ang huli dahil nalalapit na ang engrandeng salu-salo ng ating buong angkan. You know what to do. Huwag mo kaming bibiguin ng papa mo," ani mama.Naramdaman ko ang pagtayo ni mama. Pinilit kong pasiglahin ang mukha ko bago siya hinarap."Yes, mama.""Good. Sa tingin ko naman ay ayos na ang lahat. I know that you won't betray us, Myca. Just don't disappoint me."I had my goosebumps because of the coldness on her voice and tone. Pinagmasdan ko ang kabuuang mukha ng aking ina. Kita ko naman ang rahan sa kanyang mga titig sa akin. Alam ko namang mahal nila ako ni papa. Sadyang malaki ang paninindigan nila. Pinaniniwalaan nila na magkakaroon nang isang magandang buhay ang nag-iisang anak kung maipapakasal ito sa lalaking pinsan sa malayong kamag-anak. Dahil para sa kanila ay mas mabuti ang kakilalang tao at totoong may koneksyon sa'yo kaysa ibang tao na hindi mo naman lubusang kilala.Umalis si mama pagkatapos ng pag-uusap naming 'yun. Tinawagan ko ang nag-iisang kasambahay ko at nalamang pinakuha ni papa ang halos lahat ng mga damit ko sa penthouse kaya sa mansion ako uuwi mamaya. Mukhang alam na nila kung paano ako tuluyang kontrolin. Napapabuntong hininga na lamang ako."Any reservation po, Ma'am?" tanong ng receptionist sa akin.Kakarating ko lang sa lobby ng Centre Restaurant. Alas sinco na ng hapon at sinadya kong tagalan ang pagpunta rito para mabagot nang husto si Farish."Mr. Balenciaga, please," sagot ko at pinasadahan ng tingin ang buong paligid.Maya-maya ay nilapitan ako ng isang babae. "Let me escort you there, Ma'am. This way," paggiya sa akin ng babaeng isa sa mga waitress ng restaurant na ito.Sinundan ko siya hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang VIP room. Iniwan niya ako agad pagkatapos masiguro na bukas ang pinto. Walang pagdadalawang isip kong pinihit ang door knob at binuksan ang pinto. Unang bumungad sa akin ang naghahalikang babae at lalaki. Walang iba kundi si Farish at isang babaeng mukhang nagtatrabaho rito sa Centre Restaurant base sa kanyang suot na uniporme."Hindi ako pumunta rito para panoorin kang makipaglaplapan sa kahit sinong babaeng nakukuha ang atensyon mo," walang hiya-hiya kong sambit at umupo sa harapan nila.Napatigil sila sa kanilang ginagawa. Nagulat ang babae habang nagngising aso naman si Farish. She gave me her apologetic look but I ignored her."Leave now," pagtaboy niya sa babae pagkatapos bigyan ng tips.I crossed my legs and checked the over all design of this room. There is an infinite pool here. Pero hindi kaakit-akit para sa akin. Mas maganda kung dagat iyan."You made me wait here for five hours. Buti at naisipan mo pang siputin ako sa wakas," aniya na mukhang mas nag-enjoy pa imbes na mabagot sa kakahintay sa akin."Limang oras na pala ang lumipas? Akala ko ay limang minuto lang akong late eh," I said using my most sarcastic tone.Nagdilim ang kanyang mukha. I laughed sarcastically to irritate him more."Alam kong napipilitan ka lang sa akin, Myca. Pero sino pa ba ang mas lamang sa akin at mas maayos na piliin mo bukod sa akin? Nalalapit na ang araw na mamimili ka kung sino ang dapat na magiging katuwang mo so buhay. At masasabi kong lamang ako sa kanilang lahat kaya bakit hindi na lang tayo magkasundo?" Nagsisimula na siyang magmalaki at magmataas.Nandiri ako bigla. He is the worst. I even saw him bit his lips while checking my whole body. I am wearing a conservative dress. Pero nagagawa niya pa ring umakto nang ganyan sa harapan ko."Hindi ka ba mandidiri kung sakaling nahawakan na ako ng ibang lalaki? What if I tell you that someone has already marked me as his own woman? Nandidiri nga ako na kung sino-sino ang hinahawakan mong babae..."Ang mga lalaking katulad niya ay tatlo lang ang habol sa isang babae: ang katawan niya, sarap na mararamdaman nila habang pinaglalaruan ang isang babae, at ang panghuli ay walang iba kundi ang kasiyahan. That's why, I loathed playboys. I hate them to the extreme of madness! They are the worst!KABANATA 1MYCA’S POV“You will regret everything if you don’t marry me, Myca,” Farish said using his most authoritative and warning voice.Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko siguro kailanman maiintindihan ang mga lalaking katulad niya. Kung paano niya nasasabi sa akin ang bagay na iyan ay hindi ko maintindihan kung ano ba ang gusto niyang ipunto. Bakit ko naman pagsisisihan ang hindi maikasal sa kanya? Mas matutuwa pa nga ako eh! I rolled my eyes heavenward. “Nahulaan mo ba na ikaw ang future ko?” sarkastiko kong tanong sa kanya. Mukha na siyang nagngingitngit ngayon sa galit. Gusto ko na agad umalis sa lugar na ito. I can sense his anger as if I have stamped on his big ego and pride. Pero wala akong pakialam kahit pa magwala siya rito. Hindi ako plastik na tao kaya ipapakita ko pa rin sa kanya ang aking pagkadisgusto. Ang mahalaga ay naprangka ko sa kanya ang lahat. Hindi niya ako masisisi kung ayaw ko sa kanya at kung bakit ganito ako umakto sa harap niya.“Alam mo, Farish. Naka
KABANATA 2MYCA'S POVAkala ko ay walang madadagdag na sakit ng ulo sa buhay ko. I am already aware of how boring my life to other people. I always work and work and all I think about is my resorts. Kung pwede lang pakasalan ang trabaho ay noon pa lang ako nagpatali. Pero hindi ganoon ang buhay. I am trying my best to intermingle with everyone. That is the most crucial thing I need to learn for the sake of my business. Kaya kahit ayaw kong nakikisalamuha sa iba para magkaroon ako nang tahimik na buhay ay hindi ko naman mapigilan ang aking sarili.Busangot ang mukha ko habang binabasa ang mga feedback ng naging customers namin kahapon. Even if they left positive feedbacks and gave my resort a four star rating, I can't bring myself to smile because of what happened a while ago. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na mainis at mahiya rin nang sabay. Padabog kong kinuha ang cellphone kong nasa gilid lang ng table at agad na pinalitan ang home screen wallpaper ko. Pahamak! I am not
KABANATA 3MYCA'S POV"Baka gusto mong bigyan pa kita ng mic para marinig ng lahat ang malakas at nakakairita mong tawa?" naiinis kong untag nang hindi man lang natinag sa pagtawa si Ian.Ewan ko ba bakit mas lalong umiinit ang ulo ko sa kanya. I am not like this before. Ngayong araw pa nga lang kami nakapag-usap sa personal kasi palaging sa Instagram niya lang ako nakaabang noon. Kinikilig naman ako sa kanya dati noong hindi pa kami nagkakausap sa personal. Pero ngayon na dalawang beses niyang nasira ang mood ko ay parang ayaw ko na ulit makita ang pagmumukha niya. Ganito lang siguro ako dahil sa stress. Baka sa kanya ko naibubunton ang galit at inis ko sa mundo.I first saw him on Allison and Aamon's wedding day. Kusang dumako ang mga mata ko sa kanya nang mga oras na iyon. Hindi ko pa kilala ang mga pinsan ni Aamon noon kaya hindi ko alam sa mga oras na iyon na isa siya sa mga pinsan ng asawa ni Allison. He is very attentive when the preacher started the reading. Nakakabighani ang
KABANATA 4MYCA’S POVPinagtulungan akong asarin nina Allison at Jilo. Hindi ko alam pero natatawa na lang din ako dahil sa mga pinagsasabi nilang dalawa. Alam ko naman na pareho lang silang natutuwa na naging interesado akong makipag-date. I am only doing this for my sake. Wala akong ibang motibo maliban doon. Umalis si Jilo nang nag-ala una na dahil sa flight niya. Nalulungkot ako na hindi ko man lang siya naihatid papunta sa airport dahil siya na mismo ang nagpumilit na hindi na ako sumama sa kanya. Nagdrama pa ako sa kanya dahil totoong mamimiis ko siya. Kaya naman ay sa hapon na lang din ako bumaba sa kwarto ko para sa opisina naman ako mamalagi hanggang sa malalim na ang gabi. Paliko na sana ako sa kaliwang bahagi ng corridor para pumasok sa opisina ko nang matanaw ko sa unahan ng lobby ang lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae. He is filling up the form on the reception desk while girls flock to his side just to stare and admire his handsomeness. He doesn’t seem bothered thou
KABANATA 5MYCA’S POVAko lang ata ang nakakaramdam ng awkward atmosphere sa pagitan naming tatlo. It’s because I am the only one who seems to be affected. Normal naman ito sa kanilang magpinsan at hindi naman alam ni Ace na nakakainis ang pinsan niyang playboy. Hinintay pa naming dumating ang in-order na pagkain ni Ian para sabay-sabay na kaming kumain. Habang naghihintay kami ay nakapokus lamang ako sa aking cellphone para kunware ay busy pa ako.“Nauna ka na pala rito. Akala ko kung saang resort ang tinutukoy mong susubukan mong bisitahin, dito lang pala sa Pilipinas,” si Ace habang kinakausap si Ian. I am acting as if this is all normal to me. Kunware ay may ginagawa ako sa cellphone ko at paminsan-minsan ay tumitingin sa paligid. They didn’t mind me because they are busy talking with each other. Mabuti na lang at hindi ako kinakausap ni Ace dahil hindi ko alam kung ano ang irereak ko sakaling sumingit si Ian sa usapan. Nakikita ko pa lamang ang mukha niya ay naiinis na ako.“A f
KABANATA 6MYCA’S POVWe waited for Ace to finish. Mukhang na-enjoy niya ang ginagawa niya dahil medyo tumagal siya sa baba. He seems to be good at this. Baka dati na siyang diver o nakahiligan na niya ang pag-s-scuba diving kaya nagagawa niyang tumagal nang ganun na lang. I think he have surpassed my previous record. I don’t think I will be able to hold on that longer. Malaki kasi ang nagagamit ko sa gas ng tank ko kaya hindi ako nakakatagal na manatili sa pinaka-ilalim. Pero siya ay mukhang ilang taon na itong ginagawa.“Nandito na si Sir, Ma’am,” pagbibigay alam ni Chid nang matulungan nilang umahon si Ace.Umaliwalas naman ang mukha ko. Nakapagpalit na ako at medyo tuyo na ang buhok ko kaya naman ay lumapit ako kay Ace. Inabot niya ang tuwalya kay Wil.“You didn’t mention that you are good at diving, Ace. Tumagal ka pa sa baba,” ani ko na may halong pagkamangha.Napakamot siya sa kanyang batok. Isinabit niya lang ang tuwalya sa kanyang leeg at hinarap ako nang buo.“One of my hobb
KABANATA 7MYCA’S POVOur day ended after the fishing activity. Nakarami kami ng huli ni Ace at nawala ang inis ko dahil natuwa ako sa dami ng huli namin. Hindi ko tinignan man lang si Ian hanggang sa dumating kami sa hotel. Kinabukasan naman ay maaga akong bumaba sa opisina ko para tignan ang summary of feasibility report ng isang staff ko sa Palawan. At ang akala kong mapayapang araw ay muli na namang dumilim nang makatanggap ako ng tawag kay papa na gusto niyang samahan ko si Farish sa isang mall. Of course he wants us to have a date. At ang lalaking iyon naman ay tuwang-tuwa dahil nagmessage pa sa akin na manonood kami sa sinehan. Wala akong nagawa kundi ang pumayag dahil si papa ang may gusto. Kaya naman ay pagsapit ng alas nuebe ay umalis na ako ng resort papunta sa mall na sinasabi ni Farish.“Mabuti at pumayag ka,” salubong niya sa akin.He gave me a bouquet of roses. Tinanggap ko iyon kahit na labag sa aking kalooban.“Let’s get this over with. Pumili ka na ng panonoorin nati
KABANATA 8MYCA’S POVLutang ako habang nanonood kami ni Farish ng isang romantic movie sa sinehan. Ang utak ko ay lumilipad sa ibang bagay. Pagkatapos ng sinabi ni Ian sa akin na iyon ang paraan niya para humingi ng sorry sa akin ay umalis din siya agad dahil dumating ang apat na tauhan niya siguro. Mukhang flight niya ngayon at ngayong oras na mismo. I should be at peace. Pero tila balisa ang mga kulisap sa tiyan ko. Gusto ko pa rin ba siya? Akala ko ba ayaw ko na sa kanya? Ayaw ko sa mga ginagawa niya kaya bakit ako makakaramdam ng lungkot ngayon? Naiinis ako kapag nagpapakita siya sa akin. Pero ngayong alam kong hindi na kami magkikita pa ay parang nakakalungkot bigla. “Pasensya na. masama ang pakiramdam ko ngayon. Can we call it a day?” walang kabuhay-buhay kong sabi kay Farish pagkatapos ng palabas.He stared at me as if weighing my expression. Tahimik na lamang siyang tumango nang mukhang mapansin na wala talaga ako sa kondisyong tarayan siya ngayon. Ihinatid niya ako sa resor
KABANATA 84 MYCA’S POV Ian started teaching me the basics of the game. Hanggang sa pwede na akong mag-add ng friends pagkatapos ng tutorials. It’s more convenient since the game does not restrict low level players from meeting high level players in the game. We farmed together and I really enjoyed playing with him. Madali na akong naka level up dahil sa kanya. Hanggang sa makaabot ng level 20 ang character ko ay marami na ang na unlock na features sa shop ng account ko pati ang ibang quests na kailangan kong tapusin. “Do you want to put the affinity with me? We have increased it enough.” “Affinity?” I asked. “May option dito. Since it’s a multiplayer game and players can interact with other players, we put the affinity option to give them a chance to increase their bond with other players.” “Oh! A bond. Sure! Let’s put it!” I said excitedly. I stared at my character. Ang ganda niya para sa akin. My character and Ian’s character look good together. Mukha talaga silang magkasintah
KABANATA 83MYCA’S POVPagkatapos ng mahabang usapan namin ng mama ni Ian ay nagpaalam itong may dadaluhan siyang meeting. Kaya naman ay na-excite na agad ako nang i-tour naman ako ni Ian sa kwarto niya. After the brief tour in his room, he guided me to an isolated room. Pumasok kami sa isang kwartong may hagdanan pababa. It seems like a basement to me but I was surprised by the beautiful and magical decoration of the room.Hindi pa ito ang sinasabi niyang game studio niya dahil kita ko pa sa kabila ang dalawa pang pinto. The room was bathed in a soft, ethereal glow. It wasn't the kind of light you'd find in a normal house, but something more akin to a moonlit garden. The walls shimmered with a mix of blues and lavenders, punctuated by subtle hints of orange and yellow. It was like the light was dancing, shifting, and swirling, almost as if it were alive."Wow…" namamangha kong sambit habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto.Tahimik lang na sumusunod sa akin si Ian. I roamed my eye
KABANATA 82IAN'S POVMyca and I decided to go inside the mansion after some moment. Namumula pa rin siya dahil sa mga biro ko sa kanya kanina. I can't help it but flash a wide smile as I guide her inside the mansion. Pareho nga lang kaming nagulat nang salubungin kami ni mama, galing pa siyang kusina namin. I thought she is not home because I heard that she has to attend to an important Miting de Avance of our family."Ian! Why didn't you inform me beforehand? Sana man lang ay sinabihan mo akong dadalhin mo rito si Myca para naman nakapaghanda ako!" ani mama at mas nauna pang lapitan ang girlfriend ko para batiin siya at makipagbeso sa kanya.I watched them silently as they exchange greetings. Mukhang tuwang-tuwa si mama habang inuulan na ng maraming tanong ang girlfriend ko. Myca glanced at me when mama invited her to our dining area for lunch. I only smiled at her. We haven't eaten our lunch yet but I want her to respond on her own. Baka sa sobrang hiya niya ay ayawan niya ang pagy
KABANATA 81IAN’S POVHindi ko maiwasan ang hindi lalong mapangiti. The expression on Myca’s face is something that I have wanted to see. I was supposed to set a date and surprise her about her own in game character that I have designed myself but seeing her reaction now satisfied me already. Pero baka ang 3D animation na lang ang ipakita ko sa kanya at gawing surprise. We are still in the process of adjusting for some of the characters including Queen Myca. Kaya kapag nafinalize ko na ang lahat ay saka ko ipapakita sa kanya ang kabuuan ng laro.“By the way, fact about the game: there are side and back stories that we have created about the characters in the game. Wanna guess what’s Queen Myca’s back story?” I grinned at the thought of revealing it myself.“I am still shocked about this revelation and now you are telling me that such back story about this character exists?” Myca looks more surprised.“Uh-huh.”Natahimik siya sandali. Nag-iisip ng posibleng back story.“Hmm… Siguro isa
KABANATA 80MYCA'S POVKinabukasan ay maaga kaming gumising para na rin makapaghanda at masimulan ang photoshoot nina Ian at Melody. Hindi pa masyadong nagbabanta ang pagsikat ng araw ay naisipan naming maglakad-lakad muna ni Ian sa tabi ng dalampasigan. Until such time that we decided to hit the gym and ate our breakfast before we came back to the site of the resort. Tamang-tama ang dating namin dahil nakaayos na ang lahat at nakahanda na para sa photoshoot."We will start in three minutes. Please put on your beach attire," Yorrick's team's leader announced to Melody and Ian.Melody is already wearing her sexy bikini. Nagtapis lang muna ng isang roba nang makitang hindi pa nagpapalit si Ian ng trunk. Hindi ko na lang sila pinansin at tumabi ako kay Honey na busy pa sa pagkain. The outdoor table is facing the palm trees where the photoshoot will take place. Kaya naman ay kitang-kita sa gawi namin ang lahat. Nakapwesto sa kabilang gilid ang team ni Yorrick at nakaset na rin ang cameras
KABANATA 79MYCA'S POVIan and I had a long conversation. Sabay naming pinanood ang paglubog ng araw habang nag-uusap. That moment was special for me. It was peaceful… yes, I feel at peace when I am with him. Nagbabanta na ang gabi nang mapagdesisyunan namin ni Ian na bumalik sa mga kasama namin. Lahat sila ay inaayos ang sari-sarili nilang tent kaya walang nakapansin sa amin nang bumalik kami.Maliban sa team ni Yorrick na naatasan na tumulong para sa shooting bukas ay nagdala din ng ibang mga kasama ang iba sa amin. Melody has her own royal bodyguards and personal maids while Sapphire only brought three people. Nagulat din ako nang makita ang maraming mga tauhan ni Ace, Natan, at Honey.Even Ian brought some of his men. Ang iba sa kanila ay medyo namumukhaan ko. Siguro dahil natatandaan kong sila 'yung mga tauhan na sumundo sa kanya noong nasa isla pa kami. Aside from that, they are wearing different attire. Mukha silang mga tauhan ng isang maharlikang tao dahil sa suot nila. O baka
KABANATA 78MYCA'S POVMatuling lumipas ang mga araw at gabi at hindi ko na namalayan na malapit na rin matapos ang lahat ng kabuuang plano para sa aming proyekto. I had a great time here in Washington and as there is a lot of progresses in our world resort project collaboration. Medyo nahirapan lang ako sa pakikipagsabayan sa mga kasama namin dahil na rin sa hindi ako ganoon mahilig makisalamuha. Habang sila naman ay halos kilala na nila ang isa't isa.Maaga pa lang pero talagang pinaghandaan ang pagpaplano para sa gagawing advertisements at iba't-ibang paraan para mapromote ang resort namin. Hindi naman araw-araw ang meeting namin kaya kahit papaano ay nagagawa kong makagala kasama si Allison. Sometimes I would spend my nights in their mansion. Talagang sinulit ko ang malaking oras ko rito sa Washington kasi malapit na akong umuwi ulit ng Pilipinas."I volunteer to do the Social Media, Website, and Email Marketing," Majo volunteered.Walang ni isang umapila. Agad naman akong nagtaas
KABANATA 77MYCA'S POVWe became silent for a little while. Pero agad din iyon nabasag nang muling magtanong ang papa ni Ian at tungkol naman ito sa aking mga magulang. "I heard you are into business, hija. Does it mean your parents are both into business, too?" asked tito.I nodded slowly. "Opo. We handle different types and forms of business. Pero karamihan po sa kompanyang naipatayo ni papa ay pang real estate at shipping lines. Ang mama ko naman po ay mas aktibo siya pagdating sa larangan ng agrikultura pero isinasabay niya pa rin ang pagpapatakbo ng iba't ibang kompanya.""Wow, that's amazing. I think it runs in your blood.""Siguro nga po." I chuckled.Dahil sa nakikita kong tuwa sa reaksyon nilang mag-asawa ay hindi ko mapigilan ang sarili kong matuwa rin. Good thing I can keep up with their questions."Ikaw lang ba ang nag-iisang anak?" tanong naman ni tita."I actually have a twin sister but…"I couldn't afford to utter the next words. Siguro dahil kahit kailan ay hindi ko n
KABANATA 76MYCA’S POVGusto kong umalis na agad pagkalapit sa amin ng mga magulang ni Ian. His mother is smiling from ear to ear as if she is delighted by what she sees right in front of her eyes. Ian kissed his parents before he stood up beside me again. He tried to utter some word, probably trying to introduce me first, but both of us kept quiet when his mother immediately held my hands and looked at me as if I am the present she has always dreamed to have, and finally she got a hold of this unparalleled gift. Kinabahan na agad ako sa kanyang mga ngiti at matamang pagtitig sa akin. “Ma, si Myca---” Ian tried to introduce me.“Yes! I know her!” His mother cut his words off.Pakiramdam ko ay nakikita ko ang pagningning sa mga mata ni Mrs. Tessimond. Habang ako ay kinakain na ng matinding kaba.I forced a smile at her. “H-Hello po…”Pwede na akong magpalamon sa lupa. Sa dinami-dami ng pwedeng sabihin at ibati sa kanya ay iyon lang ang mga katagang lumabas sa aking bibig dahil nablangk