KABANATA 4
MYCA’S POVPinagtulungan akong asarin nina Allison at Jilo. Hindi ko alam pero natatawa na lang din ako dahil sa mga pinagsasabi nilang dalawa. Alam ko naman na pareho lang silang natutuwa na naging interesado akong makipag-date. I am only doing this for my sake. Wala akong ibang motibo maliban doon. Umalis si Jilo nang nag-ala una na dahil sa flight niya. Nalulungkot ako na hindi ko man lang siya naihatid papunta sa airport dahil siya na mismo ang nagpumilit na hindi na ako sumama sa kanya. Nagdrama pa ako sa kanya dahil totoong mamimiis ko siya. Kaya naman ay sa hapon na lang din ako bumaba sa kwarto ko para sa opisina naman ako mamalagi hanggang sa malalim na ang gabi.Paliko na sana ako sa kaliwang bahagi ng corridor para pumasok sa opisina ko nang matanaw ko sa unahan ng lobby ang lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae. He is filling up the form on the reception desk while girls flock to his side just to stare and admire his handsomeness. He doesn’t seem bothered though. Mukhang sanay na sanay siya na ganyan umakto ang mga babae sa harap niya. Napailing na lamang ako nang mamukhaan na si Wallace Tessimond iyon, ang pinsan ni Ian na tinutukoy ni Allison kanina na mas kilala sa pangalang Ace. Akala ko pa naman ay jinojoke time lang ako ni Alli para sakyan si Jilo pero totoo palang nandito iyang lalaking iyan.“Ms. Fortezo, kilala mo po ba ang lalaking iyan?”Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita si Gigi sa likod ko. Mukhang kagagaling niya lang sa taas. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng kalabog ng aking puso. Magugulatin na talaga ako.“Oo,” sagot ko sa kanya habang kinakalma ang sarili.“Hinahanap ka nga kanina eh kaya ako umakyat sa taas pero nauna ka na palang bumaba rito. Tawagin ko po ba, ma’am? Total ay nandito ka naman na sa baba ay sa opisina mo na lang siya patuluyin.” Umamba pa siyang maglalakad patungo sa gawi ni Ace.Pinigilan ko siya. Umiling ako. There is no way I am going to accompany him at this hour. Baka ma-issue ako rito o ano. Nakakahiya naman kay Ace na nandito lang para magbakasyon at magrelax. At saka, totoo kaya na ibinigay ni Allison ang number ko sa kanya? Maybe he is asking me from Gigi because he is aware that I am the owner of this resort. Mabait naman na tao si Ace kaya normal lang na itanong niya ako sa mga staff ko dahil kilala niya ako.“Hindi na. Magkakilala lang kami pero hindi naman kami malapit sa isa’t isa. At isa pa ay customer siya rito,” tugon ko kay Gigi at lumiko na para makapasok sa opisina ko.I spent my time in reading the written report from one of the maintenance personnel of my resort in Palawan. This is the best way to track the progress and the state of my resort while I am away. May ipinaparenovate rin ako sa rest house namin sa Palawan dahil mukhang mamamalagi muna roon ang isa sa mga tito at tita ko na kagagaling lang sa ibang bansa. Sumandal ako sa aking swivel chair. Saka ko lang naramdaman ang pagod nang sumakit ang batok ko. Tinapos ko rin kasi ang ginagawa kong design para sa villa na nasa private island ko sa Palawan. Kakabili ko lang nito noong isang buwan. Naisip ko kasi na ipangalan dito ang resort ko sa Palawan para may maging interesado. Gagawin ko itong isang magandang lugar para sa mga bagong kasal na gustong mapag-isa sa isang isla kaya maaari kong iparenta ito sa loob ng isang linggo kapag natapos na. I still need to find a good engineer and a good architect. Pero gusto kong ako mismo ang magdisenyo sa ipaparenovate ko kaya mabuting natapos ko iyon ngayong araw.Hindi ko na namamalayan ang oras ay nag alas nuebe na pala ng gabi. I haven’t taken my dinner yet because I was so focused on finishing my design. Kaya naisipan kong sa mini resto na lang ako dumiretso dahil bukas naman kami palagi para sa mga customer na gabi na nag-che-check in. I picked the simple and light meal. Baka kasi sumakit ang tiyan ko kapag nakatulog ako agad at hindi pa nadi-digest nang maayos ang kinain ko.“Hi. May I join you?”Magsisimula na sana akong kumain nang may magsalita sa gilid ko at inilapag ang tray niya sa kabilang gilid ng table. Inangat ko ang tingin ko sa taong iyon at nakita ang nakangiting mukha ni Ace. Nanlaki ang mga mata ko.“A-Ayos lang… Upo ka na,” medyo nahihiya kong tugon sa kanya.Nagulat ako na nandito siya. I thought he is with his cousin or he is on his room to relax. Nakakapagtaka naman na late na rin siyang kakain ng dinner niya. Tahimik kaming nagsimulang kumain. Pasulyap-sulyap ako sa kanya dahil napapansin kong kanina pa pabalik-balik ang tingin niya sa akin. Nakakaasiwa naman. This is actually my first time eating with someone I am not close with.“You already know me, right? I am Ace, pinsan ni Aamon. We have hang out before in Washington. Alam ko na ikaw ang best friend ni Tatiana, hindi ba?” sambit niya para magsimula ng usapan.I nodded my head and have a sipped on my water. “Yes…”“I haven’t seen you around this afternoon. Busy ka? Ang sabi ni Tatiana ay dito ako dumiretso sa resort mo dahil maganda ang view dito at ito-tour mo ako. I was actually looking forward to it…” He flashed a simple smile.Bigla akong namula dahil sa aking narinig. Hindi ko alam kung uunahin ko bang isipin ang ginawa ni Alli o ang sagutin muna si Ace? I am not ready for this. Medyo nakakahiya naman na magmalaki ako sa harapan niya. Dati ay wala akong pake kahit pa mga turista ang sinasamahan kong mamasyal at maglibot-libot dito. Pero ngayon ay nakakaramdam ako ng hiya.“I’m sorry about that. Nabanggit nga sa akin ni Alli ang tungkol doon. I was too busy with my work so it slipped my mind. Kaya nga late akong naghahapunan ngayon,” pagdadahilan ko.Tumawa siya nang mahina. “Kidding. Alam ko naman na busy ka kaya naiintindihan ko. Pero sana ay masamahan mo ako nang kahit isang araw lang. Isang lingo lang kasi ako rito dahil uuwi rin ako agad sa America.”“Yes. Sure. Bukas ay pwede ako.” Bakas ang kaba sa aking boses pero mukhang hindi naman niya iyon napansin.Hindi ko alam ang gagawin ko, iyon ang totoo. I haven’t accompanied someone like him. Parang ang hirap niyang masiyahan sa mukha pa lang. ganoon ba kapag mga lalaki? Parang nakalimutan ko pa kung ano ba ang unang bagay na i-o-offer ko sa kanyang gawin namin bukas. What about scuba diving? Snorkeling? Island hopping? Or surfing? I don’t know what to offer first. Parang nakakahiya na mauuna akong magsalita.Tumikhim ako at agad na tinapos ang pagkain ko para makaalis na ako roon. Pakiramdam ko ay ang init nang buong pisngi ko. Hindi ko alam pero sumasagi sa isip ko ang mga sinabi nina Alli at Jilo kanina kaya hindi ko mapigilan ang hindi mamula. Iniisip ko kasi kung kaya ko ba na aminin sa kanya na gusto kong subukan naming mag-date. I suck at this so I don’t know what to say! Ako ba ang kailangang maunang mag-aya o magsabi? But Ace has no other intention but to enjoy his days here. Ibang lalaki na lang kaya ang piliin lo? Iyong hindi namin kilala ang isa’t isa para hindi naman awkward masyado. Pero saan ako hahanap?I was spacing out for the whole minutes I am walking towards the elevator kaya naman ay hindi ko napigilan ang sarili ko na mabangga sa isang tao. Sinapo ko ang noo ko dahil iyon ang tumama sa kanyang dibdib. Ang tigas naman! I caressed my forehead a little. Jusko, parang pader. Parang namula ang noo ko.“Sorry,” paghingi ko ng paumanhin dahil ako naman ang hindi tumitingin sa aking dinadaanan at hindi ko na lang tinignan kung sino ang taong iyon.Kagagaling niya lang sa elevator kaya bukas pa iyon. Sinubukan kong pumasok na roon para makaakyat na ako sa taas at makapagplano nang maayos pero naramdaman ko ang paghawak ng isang kamay sa siko ko.“I’m sorry about that. Is your forehead alright?” a man asked using his husky voice.Parang automatic at nag-angat ng tingin ang aking mga mata para siguraduhin na tama ang taong kilala kong nagmamay-ari ng ganoong boses. Lumamig ang mukha ko nang malinaw na bumungad sa akin ang mukha ni Ian.“Masakit ba?” tanong niya na tinutukoy ay ang noo ko.I saw the ghost of smile on his lips. Nainis na agad ako nang makita ko ang nangingiti niyang mukha. He looks like he is mocking me! Naalala ko na naman ang sinabi niyang nakakapanot ang magbabad sa trabaho.Sinamaan ko siya ng tingin. “Oo! Alangan na hindi ka masaktan kung kasing tigas ng semento ang nakabangga mo! Huwag ka nga paharang-harang sa daan!” inis kong sambit.Inalis ko ang pagkakahawak niya sa siko ko at inirapan ulit siya bago pumasok sa loob ng elevator. Narinig ko ang halakhak niya nang pasarado na ang pinto ng elevator. How dare he laugh at me! Kaya naman ay sira na naman ang mood ko nang ganun-ganun na lang. Mainit ang ulo ko sa buong oras na nag-iisip ako ng magandang gawin bukas kasama si Ace kaya ang naging resulta ay hindi ako nakapag-isip nang maayos kaya natulog na lang ako agad.Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanda na rin. I received a text from an unknown number but the name of the sender is indicated on the last part of his message. Si Ace iyon. Ang sabi niya ay sabay na kaming mag-almusal para sabay na rin na aalis mamaya. Pumayag naman ako agad kaya naligo ako para makababa na. Since I haven’t decided on what activities we will be doing today, I am going to ask him instead. Baka kasi gusto niya palang maglakad-lakad lang kami sa tabi ng dalampasigan tapos ako ay go naman sa scuba diving o di kaya ay snorkeling. Does he like fish? I wonder if he likes gold fish or any tropical fish. Pero laking America siya kaya baka hindi rin gusto ni Ace ang anumang klase ng mga isda.“Good morning. Sorry, kanina ka pa ba?” bati ko sa kanya pagkaupo ko sa harapan niya.I kind of find this unbelievable. Parang ang bilis ng lahat. Ganito ba ang normal na nangyayari? Wala naman sigurong malisya ito. I am just going to accompany him because he is a customer and Alli asked me to do this. Ako lang siguro ang nag-o-overthink.“Hindi naman. I ordered us a food already. Sana ay hindi ka namimili ng kinakain,” aniya.“Nope. I am not a picky eater. Thanks for choosing my breakfast.”I looked around to see if anyone is looking at us. Pero mabuti na lang at mukhang normal naman ang ganito sa mga tao. Nakahinga naman ako nang maluwag.“By the way, I haven’t mentioned that Ian will be joining us today. Mag-isa raw kasi ito kaya inaya ko na lang siya na sumama na lang sa atin. Total ay dalawa lang naman tayo kaya sa tingin ko ay mas masaya kapag mas marami,” untag ni Ace na nakapagpatameme sa akin.Kakabanggit niya lang sa pangalan ng pinsan niya ay nakita kong papasok ng mini resto si Ian habang nakangiti nang malapad at nakatingin sa amin nang diretso. Nalaglag ang panga ko. Oh no, this is not a good idea because he can surely ruin my mood without even trying! At paano ko aayain si Ace na lumabas kami na kaming dalawa lang kung kasama namin si Ian?!KABANATA 5MYCA’S POVAko lang ata ang nakakaramdam ng awkward atmosphere sa pagitan naming tatlo. It’s because I am the only one who seems to be affected. Normal naman ito sa kanilang magpinsan at hindi naman alam ni Ace na nakakainis ang pinsan niyang playboy. Hinintay pa naming dumating ang in-order na pagkain ni Ian para sabay-sabay na kaming kumain. Habang naghihintay kami ay nakapokus lamang ako sa aking cellphone para kunware ay busy pa ako.“Nauna ka na pala rito. Akala ko kung saang resort ang tinutukoy mong susubukan mong bisitahin, dito lang pala sa Pilipinas,” si Ace habang kinakausap si Ian. I am acting as if this is all normal to me. Kunware ay may ginagawa ako sa cellphone ko at paminsan-minsan ay tumitingin sa paligid. They didn’t mind me because they are busy talking with each other. Mabuti na lang at hindi ako kinakausap ni Ace dahil hindi ko alam kung ano ang irereak ko sakaling sumingit si Ian sa usapan. Nakikita ko pa lamang ang mukha niya ay naiinis na ako.“A f
KABANATA 6MYCA’S POVWe waited for Ace to finish. Mukhang na-enjoy niya ang ginagawa niya dahil medyo tumagal siya sa baba. He seems to be good at this. Baka dati na siyang diver o nakahiligan na niya ang pag-s-scuba diving kaya nagagawa niyang tumagal nang ganun na lang. I think he have surpassed my previous record. I don’t think I will be able to hold on that longer. Malaki kasi ang nagagamit ko sa gas ng tank ko kaya hindi ako nakakatagal na manatili sa pinaka-ilalim. Pero siya ay mukhang ilang taon na itong ginagawa.“Nandito na si Sir, Ma’am,” pagbibigay alam ni Chid nang matulungan nilang umahon si Ace.Umaliwalas naman ang mukha ko. Nakapagpalit na ako at medyo tuyo na ang buhok ko kaya naman ay lumapit ako kay Ace. Inabot niya ang tuwalya kay Wil.“You didn’t mention that you are good at diving, Ace. Tumagal ka pa sa baba,” ani ko na may halong pagkamangha.Napakamot siya sa kanyang batok. Isinabit niya lang ang tuwalya sa kanyang leeg at hinarap ako nang buo.“One of my hobb
KABANATA 7MYCA’S POVOur day ended after the fishing activity. Nakarami kami ng huli ni Ace at nawala ang inis ko dahil natuwa ako sa dami ng huli namin. Hindi ko tinignan man lang si Ian hanggang sa dumating kami sa hotel. Kinabukasan naman ay maaga akong bumaba sa opisina ko para tignan ang summary of feasibility report ng isang staff ko sa Palawan. At ang akala kong mapayapang araw ay muli na namang dumilim nang makatanggap ako ng tawag kay papa na gusto niyang samahan ko si Farish sa isang mall. Of course he wants us to have a date. At ang lalaking iyon naman ay tuwang-tuwa dahil nagmessage pa sa akin na manonood kami sa sinehan. Wala akong nagawa kundi ang pumayag dahil si papa ang may gusto. Kaya naman ay pagsapit ng alas nuebe ay umalis na ako ng resort papunta sa mall na sinasabi ni Farish.“Mabuti at pumayag ka,” salubong niya sa akin.He gave me a bouquet of roses. Tinanggap ko iyon kahit na labag sa aking kalooban.“Let’s get this over with. Pumili ka na ng panonoorin nati
KABANATA 8MYCA’S POVLutang ako habang nanonood kami ni Farish ng isang romantic movie sa sinehan. Ang utak ko ay lumilipad sa ibang bagay. Pagkatapos ng sinabi ni Ian sa akin na iyon ang paraan niya para humingi ng sorry sa akin ay umalis din siya agad dahil dumating ang apat na tauhan niya siguro. Mukhang flight niya ngayon at ngayong oras na mismo. I should be at peace. Pero tila balisa ang mga kulisap sa tiyan ko. Gusto ko pa rin ba siya? Akala ko ba ayaw ko na sa kanya? Ayaw ko sa mga ginagawa niya kaya bakit ako makakaramdam ng lungkot ngayon? Naiinis ako kapag nagpapakita siya sa akin. Pero ngayong alam kong hindi na kami magkikita pa ay parang nakakalungkot bigla. “Pasensya na. masama ang pakiramdam ko ngayon. Can we call it a day?” walang kabuhay-buhay kong sabi kay Farish pagkatapos ng palabas.He stared at me as if weighing my expression. Tahimik na lamang siyang tumango nang mukhang mapansin na wala talaga ako sa kondisyong tarayan siya ngayon. Ihinatid niya ako sa resor
KABANATA 9MYCA’S POVUmayon ang lahat ng naging plano namin. Pagkalabas ko sa hotel ay bumalik naman ang babaeng nagngangalang Sasha upang magdisguise at gayahin ako. Naghihintay naman si Jilo sa akin sa likod mismo ng hotel. Good thing he is not drawing too much attention. Wala rin naman kasing dumadaan dito pero ang ibang staff ng hotel ay pumupunta rito upang magtapon ng basura. Jilo is in disguise too. Nauna kaming pumunta sa meeting place dahil may ginawa pa muna si Majo para imanipulate ang security system ng hotel kung saan ako nag check in. Handa na ang lahat pati ang pangalawang fake passport na gagamitin ko para sa pagbaba sa karatig na bansa bago nila ako pasakayin sa isang barko patungo sa Pilipinas. Hindi ko alam ang lahat ng plano ni Jilo pero pinagkakatiwalaan ko siya kaya hindi naman ako nakakaramdam ng takot na baka ay pumalpak ang lahat.“Pagkababa mo sa isla na iyon ay kokontrolin ko na ang signal. You are not allowed to communicate with anyone through smart phone
KABANATA 10MYCA’S POVPagdating namin sa isla ay hindi na kami nagsayang pa ng oras at sinimulang tignan ni Majo ang security system at ang mga pagkain na kakabili lang namin. There is a jetski here and Jilo bought me a scuba gear so I can enjoy myself here for the mean time. Kung tutuusin ay para lamang akong magbabakasyon dahil parang wala akong pinoproblema sa sitwasyon ko ngayon. Majo assembled the personal computer so I can still review the report on my resort that Jilo will forward to me. Mayroon ding signal para sa TV kaya maaari pa rin akong manood. Pero bawal akong makipag-usap sa ibang tao lalo na ang buksan at gamitin ang social media accounts ko. I know that Jilo is spoiling me so I cannot start overthinking while I am alone here in this private island. I can’t help it but feel so blessed and loved. Ang swerte naman ng babaeng mapapakasalan niya.“Uuwi na ako mamayang alas kuwatro. Magpapatrol lang ako nang isang beses ngayon para masigurong safe ka rito. Don’t turn off t
KABANATA 11MYCA’S POVWala akong oras para isipin kung bakit nandito ang taong iyon. I did everything to give him warm because his body will never stop from trembling. Sa lahat ng ginawa ko ay saka lang siya medyo uminit nang naka limang makakapal na kumot siya. hindi ko siya kayang iakyat sa taas kaya ang nangyari ay ibinaba ko ang isang spare bed foam at doon siya pinahiga. Pinatuyo ko na rin ang buhok niya. Now that I am trying to figure out how did I manage to take off his pants, hindi ko alam. Basta sa sobrang taranta ko at sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na matandaan ang ibang ginawa ko sa kanya. Wala pa rin siyang malay kaya hindi ko siya mapakain. I cooked porridge for him. Iinitan ko na lang siguro sakaling magising siya.Pero hindi siya nagising hanggang sa mag-umaga na. Kung kahapon na lamig lang ang nararamdaman niya, ngayon ay sinabayan na ng sinat. I can’t contact Jilo to help me because of the typhoon. Hindi ko naman magawang ayusin ang tower dahil paniguradong m
KABANATA 12MYCA’S POVPagkatapos kong maghanda ng pagkain namin ay saka ko tinawag si Ian. Mas lalo lang kaming naging tahimik ngayon na kumakain na kami. The truth is I am still trying to absorb everything. Hindi man lang ako nagkaroon ng oras para mag-isip at magulat sa mga nagdaang araw dahil sa mga nangyari. Ngayon ko pa lang nararamdaman ang pinaghalo-halong hiya, gulat, saya, inis, at pagtataka. Dumagdag pa na ngayon ko pa lang naaamin sa sarili ko na nakakahiya ang mga ginawa ko sa mga nagdaang araw. Dapat na ba akong magdasal na sana ay hindi niya malaman man lang kung paano ko siya napapakain? Nakakawala ba ng dignidad ang mga ginawa ko? Pero hindi ba ay may rason naman ako para gawin iyon? He can’t just blame me because I saved him!“So… Did you even feed me while I am past asleep?” Halos mabulunan ako sa naging tanong ni Ian bigla.Para namang narinig niya ang nasa isip ko kanina. Tumikhim ako at tumango nang simple. Hindi ko naman sasabihin sa kanya kung paano ko iyon gin
KABANATA 84 MYCA’S POV Ian started teaching me the basics of the game. Hanggang sa pwede na akong mag-add ng friends pagkatapos ng tutorials. It’s more convenient since the game does not restrict low level players from meeting high level players in the game. We farmed together and I really enjoyed playing with him. Madali na akong naka level up dahil sa kanya. Hanggang sa makaabot ng level 20 ang character ko ay marami na ang na unlock na features sa shop ng account ko pati ang ibang quests na kailangan kong tapusin. “Do you want to put the affinity with me? We have increased it enough.” “Affinity?” I asked. “May option dito. Since it’s a multiplayer game and players can interact with other players, we put the affinity option to give them a chance to increase their bond with other players.” “Oh! A bond. Sure! Let’s put it!” I said excitedly. I stared at my character. Ang ganda niya para sa akin. My character and Ian’s character look good together. Mukha talaga silang magkasintah
KABANATA 83MYCA’S POVPagkatapos ng mahabang usapan namin ng mama ni Ian ay nagpaalam itong may dadaluhan siyang meeting. Kaya naman ay na-excite na agad ako nang i-tour naman ako ni Ian sa kwarto niya. After the brief tour in his room, he guided me to an isolated room. Pumasok kami sa isang kwartong may hagdanan pababa. It seems like a basement to me but I was surprised by the beautiful and magical decoration of the room.Hindi pa ito ang sinasabi niyang game studio niya dahil kita ko pa sa kabila ang dalawa pang pinto. The room was bathed in a soft, ethereal glow. It wasn't the kind of light you'd find in a normal house, but something more akin to a moonlit garden. The walls shimmered with a mix of blues and lavenders, punctuated by subtle hints of orange and yellow. It was like the light was dancing, shifting, and swirling, almost as if it were alive."Wow…" namamangha kong sambit habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto.Tahimik lang na sumusunod sa akin si Ian. I roamed my eye
KABANATA 82IAN'S POVMyca and I decided to go inside the mansion after some moment. Namumula pa rin siya dahil sa mga biro ko sa kanya kanina. I can't help it but flash a wide smile as I guide her inside the mansion. Pareho nga lang kaming nagulat nang salubungin kami ni mama, galing pa siyang kusina namin. I thought she is not home because I heard that she has to attend to an important Miting de Avance of our family."Ian! Why didn't you inform me beforehand? Sana man lang ay sinabihan mo akong dadalhin mo rito si Myca para naman nakapaghanda ako!" ani mama at mas nauna pang lapitan ang girlfriend ko para batiin siya at makipagbeso sa kanya.I watched them silently as they exchange greetings. Mukhang tuwang-tuwa si mama habang inuulan na ng maraming tanong ang girlfriend ko. Myca glanced at me when mama invited her to our dining area for lunch. I only smiled at her. We haven't eaten our lunch yet but I want her to respond on her own. Baka sa sobrang hiya niya ay ayawan niya ang pagy
KABANATA 81IAN’S POVHindi ko maiwasan ang hindi lalong mapangiti. The expression on Myca’s face is something that I have wanted to see. I was supposed to set a date and surprise her about her own in game character that I have designed myself but seeing her reaction now satisfied me already. Pero baka ang 3D animation na lang ang ipakita ko sa kanya at gawing surprise. We are still in the process of adjusting for some of the characters including Queen Myca. Kaya kapag nafinalize ko na ang lahat ay saka ko ipapakita sa kanya ang kabuuan ng laro.“By the way, fact about the game: there are side and back stories that we have created about the characters in the game. Wanna guess what’s Queen Myca’s back story?” I grinned at the thought of revealing it myself.“I am still shocked about this revelation and now you are telling me that such back story about this character exists?” Myca looks more surprised.“Uh-huh.”Natahimik siya sandali. Nag-iisip ng posibleng back story.“Hmm… Siguro isa
KABANATA 80MYCA'S POVKinabukasan ay maaga kaming gumising para na rin makapaghanda at masimulan ang photoshoot nina Ian at Melody. Hindi pa masyadong nagbabanta ang pagsikat ng araw ay naisipan naming maglakad-lakad muna ni Ian sa tabi ng dalampasigan. Until such time that we decided to hit the gym and ate our breakfast before we came back to the site of the resort. Tamang-tama ang dating namin dahil nakaayos na ang lahat at nakahanda na para sa photoshoot."We will start in three minutes. Please put on your beach attire," Yorrick's team's leader announced to Melody and Ian.Melody is already wearing her sexy bikini. Nagtapis lang muna ng isang roba nang makitang hindi pa nagpapalit si Ian ng trunk. Hindi ko na lang sila pinansin at tumabi ako kay Honey na busy pa sa pagkain. The outdoor table is facing the palm trees where the photoshoot will take place. Kaya naman ay kitang-kita sa gawi namin ang lahat. Nakapwesto sa kabilang gilid ang team ni Yorrick at nakaset na rin ang cameras
KABANATA 79MYCA'S POVIan and I had a long conversation. Sabay naming pinanood ang paglubog ng araw habang nag-uusap. That moment was special for me. It was peaceful… yes, I feel at peace when I am with him. Nagbabanta na ang gabi nang mapagdesisyunan namin ni Ian na bumalik sa mga kasama namin. Lahat sila ay inaayos ang sari-sarili nilang tent kaya walang nakapansin sa amin nang bumalik kami.Maliban sa team ni Yorrick na naatasan na tumulong para sa shooting bukas ay nagdala din ng ibang mga kasama ang iba sa amin. Melody has her own royal bodyguards and personal maids while Sapphire only brought three people. Nagulat din ako nang makita ang maraming mga tauhan ni Ace, Natan, at Honey.Even Ian brought some of his men. Ang iba sa kanila ay medyo namumukhaan ko. Siguro dahil natatandaan kong sila 'yung mga tauhan na sumundo sa kanya noong nasa isla pa kami. Aside from that, they are wearing different attire. Mukha silang mga tauhan ng isang maharlikang tao dahil sa suot nila. O baka
KABANATA 78MYCA'S POVMatuling lumipas ang mga araw at gabi at hindi ko na namalayan na malapit na rin matapos ang lahat ng kabuuang plano para sa aming proyekto. I had a great time here in Washington and as there is a lot of progresses in our world resort project collaboration. Medyo nahirapan lang ako sa pakikipagsabayan sa mga kasama namin dahil na rin sa hindi ako ganoon mahilig makisalamuha. Habang sila naman ay halos kilala na nila ang isa't isa.Maaga pa lang pero talagang pinaghandaan ang pagpaplano para sa gagawing advertisements at iba't-ibang paraan para mapromote ang resort namin. Hindi naman araw-araw ang meeting namin kaya kahit papaano ay nagagawa kong makagala kasama si Allison. Sometimes I would spend my nights in their mansion. Talagang sinulit ko ang malaking oras ko rito sa Washington kasi malapit na akong umuwi ulit ng Pilipinas."I volunteer to do the Social Media, Website, and Email Marketing," Majo volunteered.Walang ni isang umapila. Agad naman akong nagtaas
KABANATA 77MYCA'S POVWe became silent for a little while. Pero agad din iyon nabasag nang muling magtanong ang papa ni Ian at tungkol naman ito sa aking mga magulang. "I heard you are into business, hija. Does it mean your parents are both into business, too?" asked tito.I nodded slowly. "Opo. We handle different types and forms of business. Pero karamihan po sa kompanyang naipatayo ni papa ay pang real estate at shipping lines. Ang mama ko naman po ay mas aktibo siya pagdating sa larangan ng agrikultura pero isinasabay niya pa rin ang pagpapatakbo ng iba't ibang kompanya.""Wow, that's amazing. I think it runs in your blood.""Siguro nga po." I chuckled.Dahil sa nakikita kong tuwa sa reaksyon nilang mag-asawa ay hindi ko mapigilan ang sarili kong matuwa rin. Good thing I can keep up with their questions."Ikaw lang ba ang nag-iisang anak?" tanong naman ni tita."I actually have a twin sister but…"I couldn't afford to utter the next words. Siguro dahil kahit kailan ay hindi ko n
KABANATA 76MYCA’S POVGusto kong umalis na agad pagkalapit sa amin ng mga magulang ni Ian. His mother is smiling from ear to ear as if she is delighted by what she sees right in front of her eyes. Ian kissed his parents before he stood up beside me again. He tried to utter some word, probably trying to introduce me first, but both of us kept quiet when his mother immediately held my hands and looked at me as if I am the present she has always dreamed to have, and finally she got a hold of this unparalleled gift. Kinabahan na agad ako sa kanyang mga ngiti at matamang pagtitig sa akin. “Ma, si Myca---” Ian tried to introduce me.“Yes! I know her!” His mother cut his words off.Pakiramdam ko ay nakikita ko ang pagningning sa mga mata ni Mrs. Tessimond. Habang ako ay kinakain na ng matinding kaba.I forced a smile at her. “H-Hello po…”Pwede na akong magpalamon sa lupa. Sa dinami-dami ng pwedeng sabihin at ibati sa kanya ay iyon lang ang mga katagang lumabas sa aking bibig dahil nablangk