Home / Romance / Mapanganib na Pagbabago / Kabanata 2 Lahat Ayon Sa Kahilingan Ni Ginoong Stewart

Share

Kabanata 2 Lahat Ayon Sa Kahilingan Ni Ginoong Stewart

Author: Qi River's Old Stream
Mayroong bahid ng gulat sa mga mata ni Sean… Talaga bang sinusubukan niya panatilihin ang kanyang dignidad hanggang sa mga oras na ito?

Kung sabagay siya nga naman si Jane Dunn. Ang babaeng ito ay palaging magara at puno ng pride, kung kaya kahit ang kanyang pagtanggi sa kanyang pagtatapat ay hindi man lang nakaapekto sa kanya.

Biglang hinablot ni Sean ang kanyang baba.

“Mhhh… Aray!” Ang kamay sa kanyang baba ay parang isang pares ng bakal na pliers, ang pwersa sa kanyang baba ay nagbabantang basagin ito. Sumakit ito ng todo na may mga luhang lumitaw sa mga mata ni Jane.

Subalit, hindi niya pinigilan kagit kaunti ang kanyang sarili, naglagay pa ng mas matinding pwersa sa kanyang paghawak sa kanyang baba. “Sino ang magaakala na ang magandang mukha na ito ay nagtatago ng masamang puso?”

“Wala akong kahit anong ginawa kay Rosaline!” Kinagat ni Jane ang kanyang labi, ang kanyang mukha ay namutla dahil sa sakit. “Hindi mo ako pwedeng ipakulong ng walang ebidensya.”

“Nagkakamali ka. Kaya ko.” Malamig na tumawa si Sean habang sinasabi ang bawat salita ng walang awa. “Kaya, Miss Dunn, lasapin mo ang masayang buhay mo sa kulungan simula ngayon.” Binitiwan ni Sean ang kanyang baba at tumalikod, kumakaway habang umaalis siya—mahinahon at walang pakialam.

Nakapaghiganti na siya kay Jane. Lahat ng dugo ay natuyo na sa mukha ni Jane at wala na siyang masabing kahit na ano.

Ang kulungan ng mga babae ay hindi kasing tahimik tulad ng itsura nito sa labas. Sa unang gabi niya dito, siya ay hinatak paalis sa kanyang tulog.

“Ano… ano ang ginagawa niyo?” Nakatingin si Jane sa kanyang mga kasama sa kulungan na nakatayo sa paligid niya na may masamang balak. “Huwag niyong subukan gumawa ng kalokohan, kung hindi tatawagin ko ang wardenl.”

Ang mga babaeng bilanggo sa paligid niya ay hindi nasindak sa kanyang pananakot. Sa halip, sila ay nagpalitan ng tingin at nagtawanan. Ang pinuno sa kanila ay itinuro ang daliri nito papunta sa mukha ni Jane at sinabi, “Anong sabi mo? Tatawagin mo ang warden? Hahaha… Tama ba ang narinig ko? Gusto mong tawagin ang warden?” Ng sabihin niya iyon, sinapak niya ang mukha ni Jane, mabilis at walang awa. “Sige! Tawagin mo ang warden, tulad ng sinabi mo!”

Ang sapak na iyon ay nagpahina sa mga binti ni Jane, may malakas na tunog sa kanyang mga tenga.

Inilagay niya ang isa niyang kamay sa pader at ng makabawi sa kanyang balanse bigla siyang nagpakawala ng isang atake, na kinagulat ng lahat sa paligid niya.

Pak!

Isang nakakapangilabot na tahimik ang sumunod sa isang sampal na iyon. Walang sinuman ang umaasa na ang mahinhin na babaeng iyon ay may lakas ng loob na lumaban.

Ang malaking babae ay nagwala sa maliit na sampal ni Jane. Ang kanyang mga mata ay namumula sa galit ng siya’y sumigaw, “Oh, ikaw p*ta ka! Bigyan na yan! Hindi importante kung makabali kayo ng isang paa o kamay. Kung sabagay, Sabi ni Mr. Stewart na hindi natin kailangan magpigil. Bigyan natin ang bobong p*ta na ito ng mainit na pagsalubong. Ang kailangan lang nating gawin ay hindi siya patayin!”

Nagulat si Jane. Isang matalas at matinding sakit ang kumalat mula sa kanyang puso papunta sa iba pang parte ng kanyang katawan!... Sean! Sean Stewart!! Sinabihan sila ni Mr. Stewart.. Sean Stewart!!!

Lahat ng paa’t kamay ni Jane ay nanginginig, habang ang kanyang puso ay nanigas na parang yelo!

Walang duda na walang bantay na pumupunta sa kabila ng lahat ng kaguluhan dito. Hindi nakakapagtaka na ang mga malalaking babaeng bilanggo na nakapaligid sa kanya ay matapang sa paggulpi sa kanya!

Itinaas niya ang kanyang ulo para tignan ang mga bilanggo, tapos tumayo siya at tumakbo sa papunta sa pasukan ng kulungan. Nakakapit sa mga bakal na rehas, sumisigaw ng tulong, “Tulong! Kailangan ko ng tulong! Inaatake nila ako! Tulungan niyo ako! Kahit na sino!” Alam niyang walang bantay na lalapit para tumulong, ngunit ang walang kwentang paghingi ng tulong ay ang tanging bagay na magagawa niya!

Sumugal siya, pumusta na hindi talaga sinabihan ni Sean ang mga babaeng ito na ‘alagaan siya ng maigi’. Bagaman ang mga pagkakataon ay malapit na sa kawalan… kumapit pa din siya sa pantasyang iyon—ang pangarap na hindi pa siya tuluyang sinukuan ni Sean, na handa pa itong iwan siya ng kaunting pagasa.

“Ah…!” May humatak sa kanyang buhok ng malakas at siya ay natumba mula sa pwersa nito, bumagsak una ang mukha sa lapag. Hindi kailanman napahiya ng ganito si Jane dati!

Sa sumunod na iglap, hintak ang buhok ni Jane pataas, pinapaulanan ng sapak at sipa. Siya ay bumagsak sa lapag, sumigaw, “Ugh~”

Hindi nakuha ni Jane ang “pagasa” mula kay Sean na inaantay niya.

Tumigil siya sa pagsigaw, hinahayaan ang mga taong ito na sipain at sapakin siya kung gusto nila, kasabay pa ng kanilang masayang tawanan.

Humingi siya ng tulong hindi dahil sa takot ng sakit at panggugulpi, ngunit dahil nagtiwala siya sa kakarampot na pagasa at pantasya na mayroon siyang natitira.

Matapos na ang mga babae ay napagod na sa panggugulpi sa kanya, bumalik na sila sa kanilang sariling mga kama at natulog.

Si Jane ay nakabaluktot sa lapag sa sakit, ang kanyang mga luha ay tumutulo sa gilid ng kanyang mga mata at kumalat na ang dumi sa kanyang buong mukha.

Hindi kailanman siya inapi ng ganito karaming tao dati. Hindi kailanman siya napahiya ng ganito dati. Ang tanging ginawa niya lang ay magkagusto sa isang lalaki na hindi dapat mangyari, kay Sean Stewart!

Bakit ba na kinakailangan niyang saluhin ang lahat ng kanyang poot at galit ng dahil sa bagay na nangyari kay Rosaline?

Matapos ang nangyari kay Rosaline, sinubukang magpaliwanag ni Jane sa lahat. “Wala akong ginawang kahit na ano kay Rosaline.”

Gaano man niya subukan na magpaliwanag , Walang sinuman ang naniniwala ng sa kanya.

Nagpaliwanag siya gamit ang lahat ng paran. Hindi siya ang nag imbita kay Rosaline patungo sa Nightlight. Si Rosaline ang siyang gustong pumunta dahil sa nagtataka ito kung ano ba talaga ang isang “bar”?

Sa mga mata ng ibang tao, si Jane, ang tagapagmana ng mga Dunn, ay mabangis at baliw, habang si Rosaline Summers ay puro, inosente at tahimik. Walang sinuman ang naniniwala na si Rosaline ang magiimbita na pumunta sa lugar na magulo at madumi tulad ng isang bar ng siya mismo.

Sabi ni Jane na ang kanyang kotse ay nasiraan papunta doon, kung kaya naman siya ay huli na ng makarating sa Nightlight.

Walang sinuman ang naniwala sa kanya. Sinabi nilang lahat na nagpapalusot lamang siya, na sinadya niya talagang iwanan si Rosaline magisa sa Nightlight para mas madali sa mga tauhang inutusan niya na gahasain si Rosaline ay dungisan ang kanyang magandang pangalan.

Subalit, walang kahit na anong rason si Jane para gawin ang lahat ng iyon. Laging sabi ni Rosaline sa kanya, “Jane, hindi ganoon ang tingin ko kay Sean, sa totoo lang.”

Kung si Rosaline ay kasintahan ni Sean, lalayuan ni Jane ito. Pero hindi naman gusto ni Rosaline si Sean, hindi ba?

Inaakala ng lahat na si Jane ay ang masamang kontrabida, ang kontrabida na siyang gumagawa ng hindi kanais nais na mga bagay.

Ang mga tauhang iyon ay malamang alam na masama na ang mga nangyari, kaya nawala sila ng walang bakas. Sino ang nakakaalam kung saan sila nagpunta? Malaki ang bansa at wala namang mga kwento ng mga mamamatay tao na nagtago sa kagubatan sa kabundukan ng isang dekada o higit pa. Hiniling ni Jane na mahuli ang mga taong ito higit pa kaysa sa kanino pa man.

Hinayaan niyang tumulo ang luha. Matapos ang insidente kay Rosaline hanggang sa sandali na nakulong siya, si Jane ay matatag na naniniwala sa isang bagay. Siya ay inosente, wala siyang ginawang krimen.

Ngayon, gayunpaman, naintindihan niya. Hanggat naniniwala si Sean na may sala siya, kung gayon siya ay ang may sala at nararapat na mamatay.

Ang lahat ng nangyari ngayon araw— Itong lahat ay naaayon sa kahilingan ni Mr. Stewart.

Ang hindi alam ni Jane ay na ang buhay niya sa kulungan ay magpapatuloy na puno ng “kahilingan ni Mr. Stewart“.

Wala na siyang suporta ng pamilya Dunn, record, o kahit na anong kwalipikasyon sa edukasyon, dagdag pa na isa na siyang bilanggo… Si Sean Stewart ay epektibong nalinis ang lahat ng prueba ng eksistensya ni Jane sa mga talaan! Ngayon si Jane Dunn ay wala na kung hindi si Convict No. 926!

Pinagisipan ng maigi ito ni Jane, niyakap ang kanyang mga binti sa kanyang dibdib at ginagawang mas maliit ang kanyang sarili. …Si Sean ay tuluyan ng binura ang lahat ng bakas ng kanyang eksistensya!

Kinaumagahan

“Hoy, gising na. Linisin mo na ang banyo...” Isa sa mga babaeng bilanggo ay tinulak si Jane, ngunit bigla siyang natakot na napasigaw siya, “Oy! Patay na siya!”

Ang isa sa malalaking bilanggo ay nagmadaling lumapit sa kanya at naglagay ng daliri sa ilalim ng ilong ni Jane, nagantay ng ilang saglit pa bago siya sa wakas nakaramdam ng mahinang hinga. “Tumahimik ka nga! Buhay pa siya! Tawagin mo na ang mga bantay!”

Si Jane ay malakas pa para mabuhay, kaya nakalusot siya sa pangyayaring iyon. Hindi ito talagang magandang bagay. Ang walang katapusang pagpapahiya at walang humpay na pasakit ay sapat na para mabaliw ang kahit na sino, sapat na… para baguhin ang isang tao ng tuluyan.

Related chapters

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 3 Ang Paglaya

    Tatlong taon ang lumipasAng mga pintuan ng S City Women’s Prison ay nagbukas at isang babae ang naglakad palabas dito ng mabagal.Siya ay sobrang namayat. Bagaman nakasuot ng parehong puting damit ng siya ay pumasok sa kulungan tatlong taon ang nakaraan, ito ay nagmukhang sako na sinuot niya sa kanyang mga balikat.Mabagal siyang naglakad, dahan-dahang naglalakad patungo sa counter na lagpas sa isang daang metro ang layo. May hawak siyang itim na plastic bag na naglalaman ng thirty-one bucks at fifty cents, pati na ang kanyang ID. Taginit ngayon panahon at may malinaw na heat wave sa ibabaw ng batong kalsada na kanyang dinadaanan. Ito ay halos thirty-three o thirty-four degrees celsius sa labas ng araw na iyon, ngunit ang babae ay sobrang natuyuan na hindi na siya pinagpapawisan habang naglalakad siya sa ilalim ng mainit na araw.Mayroong itim at asul na pasa sa paligid ng kanyang maputlang balat. Mayroong pang sugat na three centimeters ang haba sa kanyang mukha, mas eksakto pa

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 4 Pagabala sa Isang Romantikong Engkwentro

    Tatlong buwan na ang nakalipas simula ng si Jane ay magsimulang magtrabaho sa East Emperor.Ng ang gabi ay dumating, ang sobrang abalang bayan na ito ay kikinang ng may mga mapangakit na matitingkad na ilaw.Kakalinis lang ni Jane sa suka ng isang lasing na babae. Kahit na mabagal siyang gumalaw, epektibo siyang magtrabaho. Matapos iyon, nagsindi siya ng mabangong insenso at iniwan ito sa isang tabi.Ang mop na kanyang hawak ay nilinis ang bawat isang cubicle sa banyo at pagdating niya sa dulong cubicle sa pinakalikod. Dito niya itinatago ang kanyang mga panlinis at nagpapahinga sa pagitan ng kanyang mga gawain.Ito ay napaka ayos at malinis.Ang tagapagsilbing na naghatak sa kanya dito para linisin ay matagal ng wala, ngunit walang pakialam si Jane. Inilagay niya ang mop at ang timba sa gilid ng maayos bago umupo sa tabing cubicle at nakatulala.‘Jane, ang lahat ng ito ay ayon sa kahilingan ni Mr. Stewart.’‘Jane, wala ka na ngayon. Wala na ang iyong pamilya na pinagmamalaki mo

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 5 Napasok sa Gulo

    Ang puso ni Jane ay kumakabog pa din, ngunit bago pa siya huminga ng malalim, bigla niyang napagtanto na ang lalaki na hindi niya kilala ay nakahawak sa kanya baywang ng mahigpit.“Ahhhh...” Nagulat si Jane. Sa buong buhay niya, ang tanging lalaki lang na yumakap sa kanya ng ganoon kahigpit ay ang kanyang nakatatandang kapatid. Walang sino pa man ang nakahawak sa kanya ng ganito, hindi kahit na… siya.Ang ekspresyon ni Haydn Soros ay nandilim at iniabot ang kanyang kamay, nilagay ito sa bibig ni Jane. “Tumahimik ka! Bakit ka sumisigaw? Kakakiba ka, babae! Karamihan ng mga tao ay bigalng sisigaw habang nalalaglag sila, ngunit ikaw ang eksepsyon dito. Hindi ka gumawa ng kahit anong tunong noong nalalaglag ka, kaya bakit ka ngayon sumisigaw?”“P-P-Pakiusap… Bitawan mo ako.”Napansin ni Haydn na nakakapagtaka siyang nauutal at bigla siyang may naisip. “Hoy, hindi ka sumisigaw dahil niyakap kita sa baywang mo tama ba?” Nakita ni Haydn kung paano ang babae sa kanyang braso ay biglang nam

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 6 Matagal Tagal na din, Hindi mo ba ako Babatiin

    Tignan mo, talagang napunta na sa kanya ngayon! Alam na niya ito, hindi na dapat niya sinubukang tulungan si Susie!Nanghihinayang na si Jane sa kanyang ginawa ngayon.“Hoy, nagtanong ako sayo diba, tagalinis.”Walang pagpipilian si Jane kung hindi ang sapilitang tumango.Ang mayabang na boses na iyon ay tumawa ng malakas, sinasabihan si Susie ng, “Nakita mo ba? Kahit na ang isang cleaner ay mas marunong makiayon sa paligid kaysa sayo.” Dahil dito, kumuha siya ng isang bote at binagsak ito sa lamesa. “Ubusuin mo lahat ito o tatawagin ko si Alora Smith dito.” Si Alora Smith ang interviewer na siyang tumanggap kay Jane dito sa club.Ang pagbanggit kay Alora ay tumakot kay Susie ng kaunti. Ang mga Thompsons ay mahirap at si Susie ay nagnagtatrabaho dito sa East Emperor dahil sa malaki ang bayad nila. Kung talagang tinawag nila si Alora, siguradong matatanggal siya sa kanyang trabaho.“Huwag mong tawagin si Alora!” Hinablot ni Susie ang bote ng alak mula sa krystal na lamesa. “Iinumi

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 7 Halik

    “Ano ang gusto mong gawin pagkatapos mong makalaya, Jane? Ako gusto kong magpunta sa Erhai. Maganda ito sa malinaw at malinis na paraan. Ang pagdaloy ng tubig doon ay nakakatuwa at ang mga isa at hipon sa lugar na iyon ay sariwa. Ang kalangitan ay mas asul, ang tubig ay mas malinaw at kahit na ang sinag ng araw ay mas mainit kaysa dito sa bayan na ito.”“Gusto kong magtrabaho at kumita ng madaming pera, tapos pupunta ako doon at magsisimula ng isang maliit na paupahan. Ayokong kumita doon. Gusto ko lang na makita ang Erhai araw-araw, makita ang pagtaas at paghupa ng tubig. Hindi pera ang pangunahing layunin ko, hanggat mayroon akong sapat para kumain. Minsan makikita ko ang mga manlalakbay na dumadating at umaalis.”“Jane, sa tingin ko mamamatay na ako. Ano ang dapat kong gawin? Hindi ko pa nga mismong nakikita ang Erhai.”Hindi malilimutan ni Jane ang maganda ngunit nakakalungkot na boses na iyon. Yakap niya ang babae, sinusubukang painitin ang katawan ng babaeng dahan-dahang lumal

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 8 Nakialam si Haydn

    May sasabihin pa sana si Ray nang si Elior ay siningitan siya. Ang mahabang makitid na mga mata ni Elior ay kuminang habang sinasabi niya, "Ah, siya? Ginalit niya si Master Stewart, Ayun, kita mo iyon? Ang bote ng vodka na iyon. " Kaswal na tinuro ni Elior ang bote sa lamesa. "Binigyan siya ng dalawang pagpipilian ni Master Stewart: inumin ang buong bote na iyon o makipag-halikan sa taong iyon sa harap ng lahat bilang libangan.""Oh ~" Pinahaba ni Haydn ang kanyang "oh" at dahan-dahang lumakad papunta kay Jane habang tinatanaw niya si Sean, na nakaupo pa rin sa kanyang couch. Hinimas ni Haydn ang kanyang baba nang mayabang, sinasabing,"Talagang mahusay ka magpatawa, Master Stewart. Dahil nais mong makita ang isang mainit na sesyon ng halikan, boluntaryo na ako bilang lalaking bida? Hindi ko sinasadyang magyabang, ngunit magaling akong humalik. Ang pinakamahusay sa lahat, kung ako ang tatanungin. "Dahil dito, mabilis siyang kumilos, iniaabot ang kanyang mahabang braso at hinahatak

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 9 Ang kanyang Galit at Kahihiyan

    “Para isipin na ang mayabang na Miss Dunn ng Yore ay ngayo’y handang humingi ng awa ng nakaluhod at kahit ang halikan ang isang tauhan sa harap ng sobrang daming tao. Sabihin mo sakin, gaaano sa tingin mo mahihiya ang matandang lalaking si Joseph Dunn kung maririnig niya ang tungkol dito?” Si Joseph ay ang tatay ni Jane.Nanginig ang katawan ni Jane at siya ay biglang namutla, ngunit sa sumunod na segundo, may naalala siya at tumugon siya sa maputlang labi, “Ang mga Dunn ay walang anak na nagngangalang Jane. Isa lang akong dating bilanggo.” Nakatingin siya sa magandang mukha na nasa harapan niya. Isang beses, ang mukhang ito ay mukhang pinapangarap niya, ngunit ngayon na gusto niya lang na layuan ito.“Mr. Stewart, isang mababang bilanggo lang ako. Ang isang mahusay na lalaking tulad mo ay walang kinalaman sakin, kaya patawarin mo na ako.” Itinabi niya ang takot niya sa kanya at sinubukan niya na kumilos na sobrang baba. Ang gusto niya lang ay mabuhay sa tahimik.Anong halaga ng kan

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 10 Nahuling Tumatakas

    Mayroong ATM sa kabila ng kanyang lugar. Inilagay niya ang kanyang cad sa loob at ng nakita niya ang numero na nakalagay sa screen, nagngitngit ang kanyang mga ngipin at nagwithdraw ng two thousand bucks.Ng makuha niya ang pera, tumawag siya ng taxi at sinabi, “Dalhin mo ako papunta sa...” Sa sandaling iyon niya napagtanto na pumasok siya sa isang kotse… masyado siyang nagmamadali na makatakas, ngunit wala siyang ibang tatakbuhan pa.“Saan ka pupunta?” Naiinip na sabi ng driver.“Saan ako pupunta…?” Si Jane ay tuliro. Bigla niyang napagtanto na kahit na sa laki ng mundo, wala siya ibang pupuntahan.“May pupuntahan ka ba o wala? Kung wala, umalis ka na. Kailangan ko pang magtrabaho.” Sumimangot ang driver at inis na nakatingin kay Jane. Tsk… anong swerte naman ito? Nakabunggo pa siya sa malas sa kanyang unang byahe pagtapos umalis ng bahay.“...Pasensya na, hindi ko pa alam kung saan ako pupunta,” Mabagal na sabi ni Jane. Kahit na masama ang dating ng driver at pinagtaasan siya ng

Latest chapter

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 331 Dagdag na Kwento Ang Pagtatapos

    Ang pangalan ko ay Luka Stewart. Ito ay kakaibang pangalan, ‘diba? Parang ‘Tignan mo! Sabaw.’Lolo ko ang nagbigay ng pangalan ko. Sa lahat ng maraming taon ng karanasan ko bilang bata ay nagsasabi na ang lolo ko ay hindi mabait na tao.Isang tabi na ang lahat, tignan mo na lang ang pangalan na binigay niya sa akin. Mayroon siyang mahusay na pangalan mismo, ngunit binigyan niya ako ng kakaibang pangalan.Subalit, bawat beses na mag protesta ako tungkol dito sa kanya, lagi niyang sinasabi na ito ay kasalanan ng aking ama. Kung si Dad ay naging babae, siya sana ang magkakaroon ng pangalan na iyon.Tignan mo, SI Grandpa ay ang siyang nagbigay sa akin ng ganito kasamang pangalan, ngunit sinisisi niya ang lahat sa aking ama.Ah, nakalimutan ko silang ipakilala ng ayos.Ang pangalan ng lolo ko ay Sean Stewart.Tila, siya ay medyo gwapo noong kanyang kabataan.Ang aking lolo ay nagngangalang Jane Dunn.Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano sila nauwing magkasama. Sila talaga

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 330 Kinulong Ni Sean Ang Katawan ni Jane Kinulong ni Jane Ang Sarili Niyang Puso

    Sa ospital, walang tunog na bumukas ang pinto ng ward. Sa oras na ‘to, hindi ipinahayag ni Dos ang pagdating ng mas maaga.Nang nagmamadaling dumating si Elior, mabilis niyang nakita ang babaeng iyon.Bago pa siya makapagsalita, hinila siya ni Alora papunta sa pasilyo. Nagbukas ang pinto at nagsara muli.Ang lalaki sa kama ay tumagilid, mahimbing ang tulog.Walang nakakaalam kung tungkol saan ang napapanaginipan ng lalaki, ngunit ang malalim na pagkakunot ng noo sa kanyang mukha ay nagpakitang hindi maganda ang mga panaginip niya.Ang kanyang kamay ay nagpapahinga sa panlatag, ang kanyang wedding ring ay suot niya pa rin sa kanyang daliri.Mabagal siyang nilapitan ng babae, sa wakas ay tumigil sa harap ng kanyang hospital bed.Ang mga mata nito’y maningning at maaliwalas, ang kanyang tingin ay lumapag sa singsing sa kamay ng lalaki.Wala ring nakakaalam kung ano ang iniisip ng babae.Tinitigan niya ang singsing ng mahabang, mahabang oras, hanggang mawalan siya ng ulirat.Mata

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 329 Jane Dunn Ang Lagi Mong Ginagawa Ay Ang Tumakbo

    "Jane, hindi paraiso ang Erhai. Ang tinatawag mong kapayapaan ay pagtakas lamang," taimtim na sinabi ni Alora.Hindi nga dapat niya ito sinasabi, pero may mga nakikita siyang bagay na hindi nakikita ng mga taong sangkot.Siguro ang sitwasyon ay laging mas malinaw mula sa labas. Siguro hindi.Kahit na, malinaw niyang nakikita na nag-aalinlangan si Jane.Tatlong taon na ang nakalipas, tinulungan niya si Jane tumakbo palayo dahil taos puso niyang gustong mamuhay si Jane ng payapang buhay mula noon.Marami na ang nagbago sa tatlong taon. Nagmature na rin siya.Ito ay dahil sa bago niyang nalamang maturity na hindi siya tumigil kakaisip tungkol doon.Tama ba siyang tulungan si Jane na makatakas tatlong taon na ang nakalipas? O ito ay isang pagkakamali?Malabo, nagsimula siyang mag-isip na mali siya.Ang babaeng ito ay lubusang natakot. Walang paraan na titigil siya at titingin sa kanyang paligid para makita ang mga tao at katotohanan.Sa loob ng tatlong taon, nakita rin ni Alora k

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 328 Pinilit Siya Paisa Isang Hakbang

    So pumunta ka nga rito para pag-usapan ang matandang lalaki?” Natawa ang lalaki sa kama, may malinaw na hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. “Michael Luther, ang matandang lalaki ay hindi takot na mamatay ako. Mayroon siyang isa pang apo para magmana ng trono niya.Si Michael ay tumawa ironically.“Sa tingin mo talaga na babalik ako sa Stewarts? Ang maruming lugar na iyon.”“Ayaw mo sa Stewart Industries?” malamig na sinabi ni Sean. “Well, sa kasong ‘yan, mukhang mabibigo ka.“Stewart Industries, huh.” Pinadaan ni Michael ang kanyang tingin kay Sean at tumingin sa labas ng bintana. “Mukha maganda, so palagay ko gusto ko nga ito. Ibibigay mo ba ito sa akin?”“Kung hindi, hindi mo ba ‘to kukunin ng pwersahan?”“Kung ikaw ang may hawak, sigurado.” Hindi sinubukan ni Michael itago ang kanyang ambisyon. “Pero kung mamatay ka, hindi ko ito kukunin mula sa kanya.”Naningkit ang mga mata ni Sean. “Well, siguradong tapat ka sa nararamdaman mo para sa kanya. Dapat bang sabihan kitang a

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 327 Hindi Imbitadong Bisita

    Si Michael Luther ay pumasok sa Stewart Old Manor.“Ikaw ang nasa likod ‘nun, hindi ba?”Walang kahit anong babala o konteksto, sinigawan niya si Old Master Stewart, na simpleng umiinom ng tsaa.“Bigla kang lumabas kung saan… para lang magpakita ng kabastusan sa lolo mo? Ibinaba ni Old Master Stewart ang kanyang tasa, naninigas ang kanyang matandang mukha.“Ikaw ang naglagay kay butler Summers doon, ‘di ba?“Kung hindi man, ay hindi siya maglalakas ng loob, ‘di ba?”“Anong ibig mong sabihin? Anong nagawa ni Summers na dahil sa akin?”“Ikaw ang nasa likod ng aksidente ni Jane. ‘Yan ang gusto kong malaman. Ikaw ba, o hindi ikaw?!” Si Michael ay nasa tabi niya.Sa sandaling narinig ni Old Master Stewart ang pangalan ni Jane, ang kanyang ekspresyon ay mabilisang naging madilim. “Ano ito? Lalabanan mo ang sarili mong lolo para sa kanya?”“Ibig sabihin niyan… inaamin mo.”Tinikom ni Michael ang kanyang kamay sa isang kamao, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa galit. “Ano ba

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 326 Pagod Na Ako Sa Laro Na Ito

    Sa sumunod na tatlong araw, ang taong iyon ay hindi humakbang kahit isa papasok ng bahay.Tumayo si Tres at si Cuatro sa may pinto na tila isang pares ng walang ekspresyong guardian gods.Ang dating tahanan ng babae ay wasak na, kaya bumalik siya sa Stewart Manor. Sa pinakamalalim na bahagi ng manor, hindi niya marinig ang mga ibon o maamoy ang mga bulaklak. Ang butler ay ganap na ganap na professional din, at lahat ay naayos na para sa kanya.Bukod kay Tres at kay Cuatro, wala siyang ibang makausap.Wala, kahit si Tres at si Cuatro ay hindi siya kinausap.At para sa family butler, laging mabuti ang pagkilos nito at tunay na magalang sa kanya sa tuwing sila’y nagkikita.Ang kanyang tainga ngayon ay halos wala nang pakinabang, ang kanyang bibig ay dekorasyon na lamang.Ang mga naglilingkod sa paligid ng bahay ay pamilyar ang mga mukha, habang ang iba ay mukhang bago. Hindi ito mahalaga. Kahit sino pa ang makakita sa kanya, sila’y tumatango lamang bilang paggalang at maglalakad sa

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 325 Mahal Kita

    Nalalapit na ang araw para sa bone marrow transplant ni Jason.Nagpalit na siya sa isang surgical gown. Si Madam Dunn ang kasama niya.“Huwag ka kabahan, Jason. Walang mangyayari na mali.” Inalo siya ni Madam Dunn. Kahit na, ang anak niya ay nanatiling tahimik.Habang tinitignan niya ang payat na pisngi ng anak niya, minura niya ulit si Jane sa puso niya.“Kung hindi dahil sa mabuting-puso na tao na kamatch mo, iyong malditang Jane na iyon ay muntik ka na mapatay.”Mukhang nasaktan si Jason.“Mama! Tumigil ka!”“Huh? Anong mayroon sa iyo?“Naaawa si mama para sayo. Bakit mo ako sinisigawan?”“Mama, huwag ka magsalita ng ganyang kay Jane.”“Bakit hindi ko pwede gawin iyon? Wala nga siya pake sa sariling miyembro ng pamilya niya.”Kinamumuhian ni Madam Dunn ang anak niyang babae mula sa kailaliman ng puso niya.Ngunit kahit na napatunayan niyang na talgang napagkamalan niya na hindi niya sariling anak si Jane, si Madam Dunn ay nanatiling kampi laban sa anak niya.Kung sabaga

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 324 Nakuha Na Ni Jane Ang Gusto Niya

    Lumipas ang mga araw. Lulutuin ng lalaki lahat ng pagkain niya. Kapag pupunta siya sa trabaho, isasama niya ang babae sa tabi niya, pinapanatili siya sa paningin niya sa lahat ng oras. Mukha silang matamis at mapagmahal na mag-asawa.Mayroon itsura ng kainggitan sa mga mata ng ibang tao kapag nakikita nila si Jane.Sa oras, lahat ng tao mula sa bilog ay alam na.May nag buntong hininga, ‘si Jane Dunn mula sa pamilyang Dunn ay nakaraos na. Noong hinahabol niya pa lang si Sean dati, siya ay isang mapamillit na go-getter.’Ang iba ay may katulad na sentimyento rin. Nakuha na rin Jane kung ano ang gusto niya/Isang katapusan ng linggo.“Gusto ko siya makita.”“Sino?”“...Kuya ko.”May kumislap sa mga mata ng lalaki. Kahit na, pinanatili niya pa rin ang itsura niya.“Hindi mo kailangan mag-alala kay Jason.”Isang casual na ugali.Piniga ni Jane ang mga kamao niya. Pagkatapos ng ilang saglit...“Ang kondisyon niya ay hindi maganda. Gusto ko siya makita.”“Hindi ba maayos ang pa

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 323 Gumawa Siya Ng Isa Pang Kulungan

    ‘Di kinalauna’y nagising din si Jane. Madilim ang kuwarto nang siya’y magising. Bumangon siya at naglakad-lakad sa sala. Hindi na niya ikinagulat ang lalaking nakaupo sa may sofa sa ilalim ng mainit na ilaw habang nanonood ng telebisyon.Mahina lamang ang tunog ng telebisyon sa sala dahil nag-aalala itong baka magising niya ang kanyang kasama kapag masyado itong malakas.Maririnig ang mga magaang yapak mula sa pasilyo. Napalingon ang lalaki.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Ni wala ma lang pagbabago sa kanilang mga emosyon. Tila’y matagal na panahon na silang kasal at nagsasama. Tila ri’y mayroon silang kasunduang hindi na kailangang sabihin pa. Walang nagtangkang pigilan ang kakaibang kapayapaang kanilang nararamdaman.Mistulang… payapa sila sa isa’t isa.Tumayo ang lalaki, naglakad patungo sa gilid na lamesa, ininit ang mga pagkain, at ibinalik ito sa lamesa.Tahimik na tumungo rito ang babae, at umupo sila upang kumain.Mistulang wala silang away-bati na pagsasama, na wala si

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status