Home / Romance / Mapanganib na Pagbabago / Kabanata 1 Ikulong Siya

Share

Mapanganib na Pagbabago
Mapanganib na Pagbabago
Author: Qi River's Old Stream

Kabanata 1 Ikulong Siya

Author: Qi River's Old Stream
“Hindi ako may gawa niyan. Maniwala ka sakin!” Nakatitig ng maigi si Jane Dunn sa taong nasa kotse. Ang malakas na buhos ng ulan ay tumalsik sa bintana ng kotse, ngunit hindi niya gaanong maaninag ang mukhang nasa kabila ng basang bintana. Nanginig ang katawan ni Jane habang nakatayo sa labas ng pinto, sumisigaw sa kanya sa kabila ng bintana, “Sean! Pakinggan mo naman ako!”

Biglang bumukas ang pintuan, ngunit bago pa matuwa si Jane, siya ay walang pasintabing hinagis papasok sa kotse . Siya ay bumagsak sa kanyang katawan, biglang nabasa ang kanyang malinis na puting damit.

“Sean, hindi ako ang siyang nagutos sa mga taong iyon na saktan si Rosaline...” Ng sinabi ni Jane ang mga salitang iyon, isang mahabang manipis na daliri ang dumikit sa kanyang baba. Ang kanyang kakaibang malalim at nakakaakit na boses ay nagsalita sa taas ng kanyang ulo.

“Ganoon mo ba talaga ako kagusto?”

Ang kanyang malamig na boses at ang mahinang amoy ng sigarilyo—ang kanyang amoy.

“Ano?” Nataranta si Jane ng kaunti. Ang lahat at ang kanilang mga magulang ay alam na gusto niya si Sean, kaya bakit naman siya biglang tinanong tungkol dito ngayon?

Hawak niya sa isang kamay ang baba ni Jane, habang ang kanyang kabilang manipis at malakas na kamay ay papalapit sa kanya. Ang kanyang mga daliri ay dahan-dahang dumampi sa kanyang mga pisngi, basa at malamig dahil sa ulan. Si Jane ay nalunod sa kanyang mga mainit na mga mata, tuluyan ng nawala sa kanyang sarili. Halos marinig na niya na tinatanong siya, “Nilalamig ka ba?”

Subalit, ang lalaki ay biglang nagpakita ng malamig at masamang aura, sinabi ng walang pakialam, “Jane Dunn, talaga bang ganun mo ako kagusto? Na kaya mong patayin kahit si Rosaline?”

Isang pakiramdam ang gumapang mula sa ilalim ng kanyang puso, kumalat papunta sa kanyang mga paa’t kamay. Nagising bigla si Jane at hindi niya mapigilan na pabirong ngumiti sa sarili niya… Siyempre, siyempre hindi niya ito pagmamalasakitan tulad ng ganito. Hindi ito paglambing o ano pa man, tanging isa lang itong pakitang kilos.

“Hindi ko sinasadyang patayin si Rosaline...” Gusto niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.

“Tama ka diyan. Hindi mo sinadyang patayin si Rosaline, inutusan mo lang ang ilang tao para magahasa siya at mapagdiskitahan siya.” Galit at irita ang nagsimulang lumitaw sa mga mata ng lalaki. Hindi man lang binigyan ng oras na magpaliwanag, hinablot niya ito at pinunit ang kanyang mga damit.

“Ah~!”

Dahil sa sigaw na iyon, si Jane ay bayolenteng tinulak palabas ng kotse. Nalaglag siya ng malakas sa ulan, habang ang malamig na boses ng lalaki ay talagang rinig niya lalo na dahils sa lamig ng ulan.

“Jane Dunn, o Miss Dunn, gagawin ko mismo ang ginawa mo kay Rosaline. Ano ngayon ang pakiramdam ng halos nakahubad na?”

Swoosh!

Itinaas ni Jane ang kanyang ulo ng mabilis, nakatingin sa kotse ng puno ng pagkagulat. Ang lalaking nakaupo sa loob na nakatingin sa kanya mula sa itaas. Kumuha ito ng panyo at pinunasan ang kanyang mga daliri ng mabagal, sinasabi, “Talagang pagod na ako ngayon, Miss Dunn. Iwan mo na ako.”

“Sean! Pakinggan mo naman ako! Hindi ko talagang...”

“Kung gusto mo talaga akong makinig, sige.” Malamig na itinaas ng lalaki ang kanyang tingin at lumingon sa kanya. “Kung handa ka na lumuhod sa harap ng Stewart Manor ng buong gabi, Miss Dunn, Maaari kong ikunsidera na bigyan ka ng sampung minuto ng aking oras. Kung ako ay nasa magandang kalagayan, siyempre.”

Ang pintuan ng kotse ay sumara at ang panyo ay itinapon palabas ng kotse, umikot ang kotse sa harapan ni Jane at nabasa siya ng tuluyan sa tubig ng ulan.

Binaba ni Jane ang kanyang ulo at kinuha ang panyo sa ulan, mahigpit na hinawakan ito sa kanyang kamay.

Ang kotse ay nagtungo papunta sa Stewart Manor at ang magandang bakal na gate ay sumara sa harapan niya ng walang anumang bahid ng awa.

Sa ilalim ng ulan, namutla si Jane. Matagal na siyang nandoon bago determinadong itinaas ang kanyang ulo, naglakad patungo sa main gate ng Stewart Manor. Ang kanyang mga labi ay mahigpit na magkadikit, pagkatapos ay nalaglag siya sa kanyang mga tuhod ng malakas.

Siya ay nakaluhod!

Ngunit hindi para magbayad sa isang krimen!

Ito ay dahil lamang si Rosaline Summers ay kanyang kaibigan! Dahil namatay ang kanyang kaibigan, natural lamang para sa kanya na lumuhod. Hindi ito dahil sa siya ang pumatay kay Rosaline tulad ng inaakala ng lahat!

Siya ay nakaluhod!

Nagmamakaawa siya sa lalaking ito na bigyan siya ng sampung minutos, para pakinggan siya!

Ang kanyan damit ay punit-punit. Tinatakpan niya ang kanyang katawan gamit ang kanyang mga kamay, ngunit ang kanyang likod ay diretso. Marangal siya at mananatili siyang marangal kahit na nakaluhod pa! Mayroon siyang pride at dignidad. Siya ay si Jane Dunn of the Bund!

Matigas na ulo siyang nakaluhod, para lang sa pagkakataon na makapagpaliwanag. Hindi niya ginawa ang kahit na anong binibintang nila sa kanya at hindi niya kailanman aaminin ang bagay na hindi niya naman ginawa!

Subalit, talaga ba na magkakaroon siya ng pagkakataon na iyon?

Talaga bang maipapaliwanag niya ang kanyang sarili?

At saka… Mayroon kayang maniniwala sa kanya?

Ang ulan ay lumakas pa lalo, hindi man lang humihinto kahit saglit.

Dumaan ang gabi.

Si Jane ay nananatiling nakaluhod sa labas ng Stewart Manor sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Nabasa na ng tuluyan ng ulan ang kanya damit. Nakaluhod na siya sa labas ng isang buong gabi.

Lumitaw na ang araw at ang mansyon ay nagbalik na muli sa buhay matapos ang gabi ng katahimikan. Ang matandang puting buhok na butler ay lumabas na sa bakuran, may hawak na lumang payong.

Ang mga bakal na pintuan ay nagbukas ng maingay matapos ang isang gabi ng hindi kumikilos, ang dalawang hati nito ay nagpakita ng agwat sa gitna. Si Jane ay kumilos na sa wakas, itinaas ang kanyang nakayukong ulo at binigyan ang matandang butler sa pagitan ng mga pintuan ng isang maputlang ngiti.

“Miss Dunn, hinihiling ni Mr. Stewart na umalis ka na dito.” Ang buhok ng butler ay maayos na nakasuklay, walang kahit isang hibla na wala sa lugar kahit na sa gitna ng maulang panahon. Siya ay strikto at maayos tulad ng mga halaman sa hardin, inaalagaan at inaayos ng isang propesyonal na hardinero. Ang matandang butler ay nagbato ng isang set ng damit kay Jane.

Iniabot ng mga kamay ni Jane ang mga ito, nakababad ng isang gabi sa ulan at umiling siya habang sinusuot ang mga damit. Naghiwalay ang walang mga dugong labi niya at sinabi sa magaspang ngunit determinadong boses, “Gusto ko siyang makita.”

Ang matandang butler ay hindi man lang natinag, inulit ang mga sinabi ng may-ari ng mansyon, “Sinabi ni Mr. Stewart na ang presensya mo dito, Miss Dunn, ay nakakadumi sa hangin sa paligid ng mansyon. Gusto niyang umalis ka sa kanyang paningin.”

Hindi kailanman nagpakita ng kahit anong bahid ng kahinaan si Jane simula ng mangyari ang mga masasamang bagay. Ngayon, gayunpaman, hindi na niya mapanatili ang kanyang pagpapakitang tao. Ang kanyang mga balikat ay nanginig, sumuko na sa sakit na nararamdaman ng kanyang puso.

Pinikit ni Jane ang kanyang mga mata, ang mga patak ng ulan sa kanyang mukha ay ginagawang mahirap malaman kung ito ay iyak o ulan na nagmumula sa gilid ng kanyang mga mata. Ang matandang butler ay nakatingin sa kanya ng walang pakialam. Binukas ni Jane ang kanyang mga mata at itinaas ang kanyang ulo, nakatingin sa butler sinabi niya. “Mr. Summers, hindi ko alam kung ano ang iniisip mo, ngunit sinusumpa ko hindi ko kailanman inutusan ang mga taong iyon para atakihin si Rosaline. Kahit ano pa man, hindi ko matatanggap ang iyong galit ng walang rason.”

Kahit na pagod na si Jane, sinabi pa din niya ang bawat salita ng malinaw at eksakto… Ito ay isang babae na mayroong pride, kahit na handa niya itong baliin ng pansamantala.

Ang matandang butler ay nagkaroon na ng reaksyon maliban sa pagtingin sa kanya na parang wala siya doon. Ang kanyang grey na kilay ay nakakunot at nakatingin siya kay Jane na puno ng galit. “Anak ko si Rosaline at siya ay mabait at masunuring babae. Hindi siya kailanman pumunta sa isang lugar na kasing gulo at dumi tulad ng isang nightclub, ngunit ano pa man ang nangyari nauwi siya sa isa sa mga lugar na iyon na may mga walang kwentang tao, kung saan inatake siya sa kanyang kamatayan.”

“Miss Dunn, tinignan namin ang kanyang messages. Bago ang pangyayari, tinawagan ka niya at nagpadala ng text, na nagsasabi, ‘Dumating na ako sa Nightlight. Asana ka, Jane?’.”

Ang tingin ng matandang butler kay Jane ay puno ng matinding galit. “Miss Dunn, Hindi isang pusa o aso ang iyong pinatay. Isang buhay na nilalang iyon! Patay na siya ngayon, ngunit tinatanggi mo pa din na aminin ito! Alam ng lahat na gustong-gusto mo si Mr. Stewart, samantalang si Mr. Stewart ay nakatingin lang sa anak kong si Rosaline. Ayaw niya sayo ng tuluyan! Ikaw ay malinaw na naiinggit kay Rosaline at nahuhumaling kay Mr. Stewart. Iyon ang dahilan bakit mo gustong magahasa si Rosaline. Wala talagang hangganan ang kasamaan mo, Miss Dunn!”

Wala ng masabi pa si Jane sa mga salitang iyon. Si Rosaline Summers ay anak ni Mr. Summer at minamahal na tunay ni Sean, samantalang si Jane mismo ay isa lamang maliit na karakter na nagkagusto kay Sean. Ngayon na patay na si Rosaline, kaya si Jane ay lalong naging maliit na karakter kaysa noon. Isa na siyang maliit na kontrabida.

“Pakiusap umalis ka na, Miss Dunn,” Sabi ng matandang butler. “Ay, oo nga pala, sabi nga pala ni Mr. Stewart na sabihin ko sayo ito.”

Biglang napatingin si Jane sa matandang butler.

“Sabi ni Mr. Stewart, ‘Bakit hindi na lang ikaw ang namatay?’”

Nakaluhod pa noon si Jane sa lapag, ngunit ngayon ang kanyang katawan ay nagsimulang manginig din. Mayroong matalas at matinding sakit sa kanyang dibdib.

Tumalikod ang matandang butler, ang kanyang tuyo at kulubot na mga labi ay napangiti sa isang gilid. Ito ay nagbigay sa kanyang konserbatibong itsura na magmukhang masama at walang awa.

Pinatay ni Jane si Rosaline at ito ay nagpagalit sa kanya. Galit siya sa kawalang-awa ni Jane.

Itinayo ni Jane ang kanyang katawan, na siyang nanginginig na sa lamig. Nakatayo na siya, nabigla, ngunit nang makatayo na, ang kanyang manhid na mga paa ay bumigay at lumagapak siya ng malakas sa aspaltong kalsada, una ang pwet. Binigyan ang kanyang sarili ng isang makasariling ngiti… ‘Bakit hindi na lang ikaw ang namatay?’

Mukha nga na ang bagay na iyon ay sasabihin ng taong iyon. Ngumiti si Jane, ngunit mukha itong mas malala kaysa sa mapangutyang ngiti. “Rosaline, o, Rosaline... Ang iyong kamatayan ay ginawa akong public enemy number one.”

Sa ikalawang palapag ng Stewart Manor, isang lalaking may mahaba at matipunong katawan ang nakatayo, ang kanyang mga malalapad na balikat at manipis na balakang, Ang kanyang itim na balabal ay nakabalot sa kanya at nakatayo ng nakayapak, ang kanyang matangkad at matipunong katawan ay nakatayo sa harapan ng bintana. Ang kanyang malamig na titig ay nakatungo sa anino ng isang likod sa labas ng mansyon.

“Mr. Stewart, inulit ko ang iyong bawat salita kay Miss Dunn, tulad ng iyong hiling.” Ang matandang butler ay nakatayo ng tahimik sa labas ng kanyang pintuan papunta sa master bedroom matapos niyang paalisin si Jane.

Inikot ni Sean ang baso ng red wine sa kanyang kamay. Matapos lamang niyang marinig ang ulat ng butler na malamig niyang binigay ang sumunod na mga utos, “Sabihin mo sa mga Dunn na kailangan nilang mamili. Kung pipiliin nila na panatilihin siya, magpaalam na sila sa kanilang negosyo. Kung gusto nilang panatilihin ang kanilang negosyo, kinakailangan nilang itakwil siya.”

“Masusunod, sir.”

“Sunod, sabihan ang S University na wala silang taong nagngangalang Jane Dunn sa kanilang mga talaan. Sabihan ang No. 1 High na si Jane Dunn ay expelled dahil sa pakikipag away habang nag aaral siya doon. Ang kanyang pinakamataas na qualipikasyon ay ang kanyang junior high graduation.”

“Masusunod, sir.”

“Huli sa lahat...” Malamig na sinabi ni Sean Stewart, “Ipakulong siya.”

Biglang itinaas ng matandang butler ang kanyang ulo, mukhang nagulat sa sinabi niya, “Mr. Stewart?”

“Buhay para sa buhay. Inutusan niya ang iba para pumatay ng isang buhay na nilalang, kaya ipapakulong ko siya at panatilihin siya sa likod ng rehas ng tatlong taon. Anong problema? Tingin mo ba mali ang desisyon ko, Summers?” Ang sentensya ng tatlong taon ay ang bagay na napagdesisyunan ni Sean ng magisa. Wala silang sapat na ebidensya sa ngayon, ngunit sigurado si Sean dahil sa kanyang galit.

“Hindi, tama ang iyong nagawang desisyon, Mr. Stewart. Sa katunayan… Maraming salamat, Mr. Stewart. S-Salamat sayo...” Ang mukha ng matandang butler ay napuno ng luha. Talagang umiyak siya. “Kung hindi dahil sayo, Mr. Stewart, ang ginawa ni Jane Dunn kay Rosaline ay hindi mapaparusahan. Siya ay isang Dunn, kaya naman wala akong magagawa sa kanya. Maraming salamat, sir, maraming salamat… Waaaa...”

Tumalikod si Sean at nakatayo sa harap ng kanyang bintana, nakatingin pababa sa tao na lumiko sa isang kanto at naglakad paalis sa kanyang tingin. Ang kanyang mga mata ay puno ng mga anino at ang kanyang mga daliri ay hinawakan ng mahigpit ang baso ng alak. Sa wakas, tumingala siya at inubos ang kulay dugong likido, nilagok itong lahat.

“Summers, tinuturuan ko si Jane Dunn ng isang leksyon, hindi dahil sa si Rosaline ay iyong anak, ngunit dahil siya ang babaeng pinili ko,” mabagal na sinabi ni Sean.

Hinatak ni Jane ang kanyang pagod na katawan pabalik sa kanyang bahay.

Subalit, hindi man lamang siya nakapasok sa bahay ng mga Dunn. Ang matandang butler na naglilingkod sa mga Dunn buong buhay niya ay inulit ang eksaktong mga salita ni Sean Stewart sa kanya at si Jane ay mabait na “pinakisuyuang umalis ” sa bahay ng mga Dunn. Hindi man lamang niya nasilayan ang kanyang sarili mga magulang sa pangyayring ito.

Ganoon ba sila katakot kay Sean Stewart? Nangiwi ang gilid ng labi ni jane.. Pagkatapos noon inalis na niya ang kanyang titig. Ang mga magandang bakal na pintuan ay naguhit ng linya sa pagitan niya at ng mga Dunn, pinutol siya mula sa lahat ng kanyang pagmamay-ari dati.

Hindi magawang mailarawan ni Jane kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Sa sandali na tumalikod siya, dalawang lalaki na naka asul na uniporme ng pulis ay nagpahinto sa kanya. “Miss Dunn, sinusupetya namin na ikaw ang nagutos sa mga tao upang gahasain si Miss Rosaline Summers, na nagdulot sa kanyang aksidenteng kamatayan. Maari bang sumama ka samin.”

Bago siya ihatid patungo sa kulungan, nakita ni Jane si Sean, nakatayo ng diretso sa tabi ng bintana.

Umiling si Jane at determinadong sinabi, “Wala akong kahit anong ginawa kay Rosaline.”

Sadyang nilakad ni Sean ang kanyang mahaba at matipunong katawan sa kanya. Sinabihan ni Jane ang kayang sarili na maging matapang. Kung sabagay, inosente siya. Wala siyang ginawang masama.

Ang kanyang maliit na mukha ay nakataas ng walang takot at sinusubukan niya ang lahat para manatiling kalmado, ngunit ang kanyang nanginginig na mga balikat ay nagpakita ng kanyang kaba… at ang matalas na pares ng mga matang iyon ay walang pinapalampas na kahit ano.

Related chapters

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 2 Lahat Ayon Sa Kahilingan Ni Ginoong Stewart

    Mayroong bahid ng gulat sa mga mata ni Sean… Talaga bang sinusubukan niya panatilihin ang kanyang dignidad hanggang sa mga oras na ito?Kung sabagay siya nga naman si Jane Dunn. Ang babaeng ito ay palaging magara at puno ng pride, kung kaya kahit ang kanyang pagtanggi sa kanyang pagtatapat ay hindi man lang nakaapekto sa kanya.Biglang hinablot ni Sean ang kanyang baba.“Mhhh… Aray!” Ang kamay sa kanyang baba ay parang isang pares ng bakal na pliers, ang pwersa sa kanyang baba ay nagbabantang basagin ito. Sumakit ito ng todo na may mga luhang lumitaw sa mga mata ni Jane.Subalit, hindi niya pinigilan kagit kaunti ang kanyang sarili, naglagay pa ng mas matinding pwersa sa kanyang paghawak sa kanyang baba. “Sino ang magaakala na ang magandang mukha na ito ay nagtatago ng masamang puso?”“Wala akong kahit anong ginawa kay Rosaline!” Kinagat ni Jane ang kanyang labi, ang kanyang mukha ay namutla dahil sa sakit. “Hindi mo ako pwedeng ipakulong ng walang ebidensya.”“Nagkakamali ka. K

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 3 Ang Paglaya

    Tatlong taon ang lumipasAng mga pintuan ng S City Women’s Prison ay nagbukas at isang babae ang naglakad palabas dito ng mabagal.Siya ay sobrang namayat. Bagaman nakasuot ng parehong puting damit ng siya ay pumasok sa kulungan tatlong taon ang nakaraan, ito ay nagmukhang sako na sinuot niya sa kanyang mga balikat.Mabagal siyang naglakad, dahan-dahang naglalakad patungo sa counter na lagpas sa isang daang metro ang layo. May hawak siyang itim na plastic bag na naglalaman ng thirty-one bucks at fifty cents, pati na ang kanyang ID. Taginit ngayon panahon at may malinaw na heat wave sa ibabaw ng batong kalsada na kanyang dinadaanan. Ito ay halos thirty-three o thirty-four degrees celsius sa labas ng araw na iyon, ngunit ang babae ay sobrang natuyuan na hindi na siya pinagpapawisan habang naglalakad siya sa ilalim ng mainit na araw.Mayroong itim at asul na pasa sa paligid ng kanyang maputlang balat. Mayroong pang sugat na three centimeters ang haba sa kanyang mukha, mas eksakto pa

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 4 Pagabala sa Isang Romantikong Engkwentro

    Tatlong buwan na ang nakalipas simula ng si Jane ay magsimulang magtrabaho sa East Emperor.Ng ang gabi ay dumating, ang sobrang abalang bayan na ito ay kikinang ng may mga mapangakit na matitingkad na ilaw.Kakalinis lang ni Jane sa suka ng isang lasing na babae. Kahit na mabagal siyang gumalaw, epektibo siyang magtrabaho. Matapos iyon, nagsindi siya ng mabangong insenso at iniwan ito sa isang tabi.Ang mop na kanyang hawak ay nilinis ang bawat isang cubicle sa banyo at pagdating niya sa dulong cubicle sa pinakalikod. Dito niya itinatago ang kanyang mga panlinis at nagpapahinga sa pagitan ng kanyang mga gawain.Ito ay napaka ayos at malinis.Ang tagapagsilbing na naghatak sa kanya dito para linisin ay matagal ng wala, ngunit walang pakialam si Jane. Inilagay niya ang mop at ang timba sa gilid ng maayos bago umupo sa tabing cubicle at nakatulala.‘Jane, ang lahat ng ito ay ayon sa kahilingan ni Mr. Stewart.’‘Jane, wala ka na ngayon. Wala na ang iyong pamilya na pinagmamalaki mo

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 5 Napasok sa Gulo

    Ang puso ni Jane ay kumakabog pa din, ngunit bago pa siya huminga ng malalim, bigla niyang napagtanto na ang lalaki na hindi niya kilala ay nakahawak sa kanya baywang ng mahigpit.“Ahhhh...” Nagulat si Jane. Sa buong buhay niya, ang tanging lalaki lang na yumakap sa kanya ng ganoon kahigpit ay ang kanyang nakatatandang kapatid. Walang sino pa man ang nakahawak sa kanya ng ganito, hindi kahit na… siya.Ang ekspresyon ni Haydn Soros ay nandilim at iniabot ang kanyang kamay, nilagay ito sa bibig ni Jane. “Tumahimik ka! Bakit ka sumisigaw? Kakakiba ka, babae! Karamihan ng mga tao ay bigalng sisigaw habang nalalaglag sila, ngunit ikaw ang eksepsyon dito. Hindi ka gumawa ng kahit anong tunong noong nalalaglag ka, kaya bakit ka ngayon sumisigaw?”“P-P-Pakiusap… Bitawan mo ako.”Napansin ni Haydn na nakakapagtaka siyang nauutal at bigla siyang may naisip. “Hoy, hindi ka sumisigaw dahil niyakap kita sa baywang mo tama ba?” Nakita ni Haydn kung paano ang babae sa kanyang braso ay biglang nam

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 6 Matagal Tagal na din, Hindi mo ba ako Babatiin

    Tignan mo, talagang napunta na sa kanya ngayon! Alam na niya ito, hindi na dapat niya sinubukang tulungan si Susie!Nanghihinayang na si Jane sa kanyang ginawa ngayon.“Hoy, nagtanong ako sayo diba, tagalinis.”Walang pagpipilian si Jane kung hindi ang sapilitang tumango.Ang mayabang na boses na iyon ay tumawa ng malakas, sinasabihan si Susie ng, “Nakita mo ba? Kahit na ang isang cleaner ay mas marunong makiayon sa paligid kaysa sayo.” Dahil dito, kumuha siya ng isang bote at binagsak ito sa lamesa. “Ubusuin mo lahat ito o tatawagin ko si Alora Smith dito.” Si Alora Smith ang interviewer na siyang tumanggap kay Jane dito sa club.Ang pagbanggit kay Alora ay tumakot kay Susie ng kaunti. Ang mga Thompsons ay mahirap at si Susie ay nagnagtatrabaho dito sa East Emperor dahil sa malaki ang bayad nila. Kung talagang tinawag nila si Alora, siguradong matatanggal siya sa kanyang trabaho.“Huwag mong tawagin si Alora!” Hinablot ni Susie ang bote ng alak mula sa krystal na lamesa. “Iinumi

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 7 Halik

    “Ano ang gusto mong gawin pagkatapos mong makalaya, Jane? Ako gusto kong magpunta sa Erhai. Maganda ito sa malinaw at malinis na paraan. Ang pagdaloy ng tubig doon ay nakakatuwa at ang mga isa at hipon sa lugar na iyon ay sariwa. Ang kalangitan ay mas asul, ang tubig ay mas malinaw at kahit na ang sinag ng araw ay mas mainit kaysa dito sa bayan na ito.”“Gusto kong magtrabaho at kumita ng madaming pera, tapos pupunta ako doon at magsisimula ng isang maliit na paupahan. Ayokong kumita doon. Gusto ko lang na makita ang Erhai araw-araw, makita ang pagtaas at paghupa ng tubig. Hindi pera ang pangunahing layunin ko, hanggat mayroon akong sapat para kumain. Minsan makikita ko ang mga manlalakbay na dumadating at umaalis.”“Jane, sa tingin ko mamamatay na ako. Ano ang dapat kong gawin? Hindi ko pa nga mismong nakikita ang Erhai.”Hindi malilimutan ni Jane ang maganda ngunit nakakalungkot na boses na iyon. Yakap niya ang babae, sinusubukang painitin ang katawan ng babaeng dahan-dahang lumal

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 8 Nakialam si Haydn

    May sasabihin pa sana si Ray nang si Elior ay siningitan siya. Ang mahabang makitid na mga mata ni Elior ay kuminang habang sinasabi niya, "Ah, siya? Ginalit niya si Master Stewart, Ayun, kita mo iyon? Ang bote ng vodka na iyon. " Kaswal na tinuro ni Elior ang bote sa lamesa. "Binigyan siya ng dalawang pagpipilian ni Master Stewart: inumin ang buong bote na iyon o makipag-halikan sa taong iyon sa harap ng lahat bilang libangan.""Oh ~" Pinahaba ni Haydn ang kanyang "oh" at dahan-dahang lumakad papunta kay Jane habang tinatanaw niya si Sean, na nakaupo pa rin sa kanyang couch. Hinimas ni Haydn ang kanyang baba nang mayabang, sinasabing,"Talagang mahusay ka magpatawa, Master Stewart. Dahil nais mong makita ang isang mainit na sesyon ng halikan, boluntaryo na ako bilang lalaking bida? Hindi ko sinasadyang magyabang, ngunit magaling akong humalik. Ang pinakamahusay sa lahat, kung ako ang tatanungin. "Dahil dito, mabilis siyang kumilos, iniaabot ang kanyang mahabang braso at hinahatak

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 9 Ang kanyang Galit at Kahihiyan

    “Para isipin na ang mayabang na Miss Dunn ng Yore ay ngayo’y handang humingi ng awa ng nakaluhod at kahit ang halikan ang isang tauhan sa harap ng sobrang daming tao. Sabihin mo sakin, gaaano sa tingin mo mahihiya ang matandang lalaking si Joseph Dunn kung maririnig niya ang tungkol dito?” Si Joseph ay ang tatay ni Jane.Nanginig ang katawan ni Jane at siya ay biglang namutla, ngunit sa sumunod na segundo, may naalala siya at tumugon siya sa maputlang labi, “Ang mga Dunn ay walang anak na nagngangalang Jane. Isa lang akong dating bilanggo.” Nakatingin siya sa magandang mukha na nasa harapan niya. Isang beses, ang mukhang ito ay mukhang pinapangarap niya, ngunit ngayon na gusto niya lang na layuan ito.“Mr. Stewart, isang mababang bilanggo lang ako. Ang isang mahusay na lalaking tulad mo ay walang kinalaman sakin, kaya patawarin mo na ako.” Itinabi niya ang takot niya sa kanya at sinubukan niya na kumilos na sobrang baba. Ang gusto niya lang ay mabuhay sa tahimik.Anong halaga ng kan

Latest chapter

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 331 Dagdag na Kwento Ang Pagtatapos

    Ang pangalan ko ay Luka Stewart. Ito ay kakaibang pangalan, ‘diba? Parang ‘Tignan mo! Sabaw.’Lolo ko ang nagbigay ng pangalan ko. Sa lahat ng maraming taon ng karanasan ko bilang bata ay nagsasabi na ang lolo ko ay hindi mabait na tao.Isang tabi na ang lahat, tignan mo na lang ang pangalan na binigay niya sa akin. Mayroon siyang mahusay na pangalan mismo, ngunit binigyan niya ako ng kakaibang pangalan.Subalit, bawat beses na mag protesta ako tungkol dito sa kanya, lagi niyang sinasabi na ito ay kasalanan ng aking ama. Kung si Dad ay naging babae, siya sana ang magkakaroon ng pangalan na iyon.Tignan mo, SI Grandpa ay ang siyang nagbigay sa akin ng ganito kasamang pangalan, ngunit sinisisi niya ang lahat sa aking ama.Ah, nakalimutan ko silang ipakilala ng ayos.Ang pangalan ng lolo ko ay Sean Stewart.Tila, siya ay medyo gwapo noong kanyang kabataan.Ang aking lolo ay nagngangalang Jane Dunn.Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano sila nauwing magkasama. Sila talaga

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 330 Kinulong Ni Sean Ang Katawan ni Jane Kinulong ni Jane Ang Sarili Niyang Puso

    Sa ospital, walang tunog na bumukas ang pinto ng ward. Sa oras na ‘to, hindi ipinahayag ni Dos ang pagdating ng mas maaga.Nang nagmamadaling dumating si Elior, mabilis niyang nakita ang babaeng iyon.Bago pa siya makapagsalita, hinila siya ni Alora papunta sa pasilyo. Nagbukas ang pinto at nagsara muli.Ang lalaki sa kama ay tumagilid, mahimbing ang tulog.Walang nakakaalam kung tungkol saan ang napapanaginipan ng lalaki, ngunit ang malalim na pagkakunot ng noo sa kanyang mukha ay nagpakitang hindi maganda ang mga panaginip niya.Ang kanyang kamay ay nagpapahinga sa panlatag, ang kanyang wedding ring ay suot niya pa rin sa kanyang daliri.Mabagal siyang nilapitan ng babae, sa wakas ay tumigil sa harap ng kanyang hospital bed.Ang mga mata nito’y maningning at maaliwalas, ang kanyang tingin ay lumapag sa singsing sa kamay ng lalaki.Wala ring nakakaalam kung ano ang iniisip ng babae.Tinitigan niya ang singsing ng mahabang, mahabang oras, hanggang mawalan siya ng ulirat.Mata

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 329 Jane Dunn Ang Lagi Mong Ginagawa Ay Ang Tumakbo

    "Jane, hindi paraiso ang Erhai. Ang tinatawag mong kapayapaan ay pagtakas lamang," taimtim na sinabi ni Alora.Hindi nga dapat niya ito sinasabi, pero may mga nakikita siyang bagay na hindi nakikita ng mga taong sangkot.Siguro ang sitwasyon ay laging mas malinaw mula sa labas. Siguro hindi.Kahit na, malinaw niyang nakikita na nag-aalinlangan si Jane.Tatlong taon na ang nakalipas, tinulungan niya si Jane tumakbo palayo dahil taos puso niyang gustong mamuhay si Jane ng payapang buhay mula noon.Marami na ang nagbago sa tatlong taon. Nagmature na rin siya.Ito ay dahil sa bago niyang nalamang maturity na hindi siya tumigil kakaisip tungkol doon.Tama ba siyang tulungan si Jane na makatakas tatlong taon na ang nakalipas? O ito ay isang pagkakamali?Malabo, nagsimula siyang mag-isip na mali siya.Ang babaeng ito ay lubusang natakot. Walang paraan na titigil siya at titingin sa kanyang paligid para makita ang mga tao at katotohanan.Sa loob ng tatlong taon, nakita rin ni Alora k

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 328 Pinilit Siya Paisa Isang Hakbang

    So pumunta ka nga rito para pag-usapan ang matandang lalaki?” Natawa ang lalaki sa kama, may malinaw na hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. “Michael Luther, ang matandang lalaki ay hindi takot na mamatay ako. Mayroon siyang isa pang apo para magmana ng trono niya.Si Michael ay tumawa ironically.“Sa tingin mo talaga na babalik ako sa Stewarts? Ang maruming lugar na iyon.”“Ayaw mo sa Stewart Industries?” malamig na sinabi ni Sean. “Well, sa kasong ‘yan, mukhang mabibigo ka.“Stewart Industries, huh.” Pinadaan ni Michael ang kanyang tingin kay Sean at tumingin sa labas ng bintana. “Mukha maganda, so palagay ko gusto ko nga ito. Ibibigay mo ba ito sa akin?”“Kung hindi, hindi mo ba ‘to kukunin ng pwersahan?”“Kung ikaw ang may hawak, sigurado.” Hindi sinubukan ni Michael itago ang kanyang ambisyon. “Pero kung mamatay ka, hindi ko ito kukunin mula sa kanya.”Naningkit ang mga mata ni Sean. “Well, siguradong tapat ka sa nararamdaman mo para sa kanya. Dapat bang sabihan kitang a

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 327 Hindi Imbitadong Bisita

    Si Michael Luther ay pumasok sa Stewart Old Manor.“Ikaw ang nasa likod ‘nun, hindi ba?”Walang kahit anong babala o konteksto, sinigawan niya si Old Master Stewart, na simpleng umiinom ng tsaa.“Bigla kang lumabas kung saan… para lang magpakita ng kabastusan sa lolo mo? Ibinaba ni Old Master Stewart ang kanyang tasa, naninigas ang kanyang matandang mukha.“Ikaw ang naglagay kay butler Summers doon, ‘di ba?“Kung hindi man, ay hindi siya maglalakas ng loob, ‘di ba?”“Anong ibig mong sabihin? Anong nagawa ni Summers na dahil sa akin?”“Ikaw ang nasa likod ng aksidente ni Jane. ‘Yan ang gusto kong malaman. Ikaw ba, o hindi ikaw?!” Si Michael ay nasa tabi niya.Sa sandaling narinig ni Old Master Stewart ang pangalan ni Jane, ang kanyang ekspresyon ay mabilisang naging madilim. “Ano ito? Lalabanan mo ang sarili mong lolo para sa kanya?”“Ibig sabihin niyan… inaamin mo.”Tinikom ni Michael ang kanyang kamay sa isang kamao, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa galit. “Ano ba

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 326 Pagod Na Ako Sa Laro Na Ito

    Sa sumunod na tatlong araw, ang taong iyon ay hindi humakbang kahit isa papasok ng bahay.Tumayo si Tres at si Cuatro sa may pinto na tila isang pares ng walang ekspresyong guardian gods.Ang dating tahanan ng babae ay wasak na, kaya bumalik siya sa Stewart Manor. Sa pinakamalalim na bahagi ng manor, hindi niya marinig ang mga ibon o maamoy ang mga bulaklak. Ang butler ay ganap na ganap na professional din, at lahat ay naayos na para sa kanya.Bukod kay Tres at kay Cuatro, wala siyang ibang makausap.Wala, kahit si Tres at si Cuatro ay hindi siya kinausap.At para sa family butler, laging mabuti ang pagkilos nito at tunay na magalang sa kanya sa tuwing sila’y nagkikita.Ang kanyang tainga ngayon ay halos wala nang pakinabang, ang kanyang bibig ay dekorasyon na lamang.Ang mga naglilingkod sa paligid ng bahay ay pamilyar ang mga mukha, habang ang iba ay mukhang bago. Hindi ito mahalaga. Kahit sino pa ang makakita sa kanya, sila’y tumatango lamang bilang paggalang at maglalakad sa

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 325 Mahal Kita

    Nalalapit na ang araw para sa bone marrow transplant ni Jason.Nagpalit na siya sa isang surgical gown. Si Madam Dunn ang kasama niya.“Huwag ka kabahan, Jason. Walang mangyayari na mali.” Inalo siya ni Madam Dunn. Kahit na, ang anak niya ay nanatiling tahimik.Habang tinitignan niya ang payat na pisngi ng anak niya, minura niya ulit si Jane sa puso niya.“Kung hindi dahil sa mabuting-puso na tao na kamatch mo, iyong malditang Jane na iyon ay muntik ka na mapatay.”Mukhang nasaktan si Jason.“Mama! Tumigil ka!”“Huh? Anong mayroon sa iyo?“Naaawa si mama para sayo. Bakit mo ako sinisigawan?”“Mama, huwag ka magsalita ng ganyang kay Jane.”“Bakit hindi ko pwede gawin iyon? Wala nga siya pake sa sariling miyembro ng pamilya niya.”Kinamumuhian ni Madam Dunn ang anak niyang babae mula sa kailaliman ng puso niya.Ngunit kahit na napatunayan niyang na talgang napagkamalan niya na hindi niya sariling anak si Jane, si Madam Dunn ay nanatiling kampi laban sa anak niya.Kung sabaga

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 324 Nakuha Na Ni Jane Ang Gusto Niya

    Lumipas ang mga araw. Lulutuin ng lalaki lahat ng pagkain niya. Kapag pupunta siya sa trabaho, isasama niya ang babae sa tabi niya, pinapanatili siya sa paningin niya sa lahat ng oras. Mukha silang matamis at mapagmahal na mag-asawa.Mayroon itsura ng kainggitan sa mga mata ng ibang tao kapag nakikita nila si Jane.Sa oras, lahat ng tao mula sa bilog ay alam na.May nag buntong hininga, ‘si Jane Dunn mula sa pamilyang Dunn ay nakaraos na. Noong hinahabol niya pa lang si Sean dati, siya ay isang mapamillit na go-getter.’Ang iba ay may katulad na sentimyento rin. Nakuha na rin Jane kung ano ang gusto niya/Isang katapusan ng linggo.“Gusto ko siya makita.”“Sino?”“...Kuya ko.”May kumislap sa mga mata ng lalaki. Kahit na, pinanatili niya pa rin ang itsura niya.“Hindi mo kailangan mag-alala kay Jason.”Isang casual na ugali.Piniga ni Jane ang mga kamao niya. Pagkatapos ng ilang saglit...“Ang kondisyon niya ay hindi maganda. Gusto ko siya makita.”“Hindi ba maayos ang pa

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 323 Gumawa Siya Ng Isa Pang Kulungan

    ‘Di kinalauna’y nagising din si Jane. Madilim ang kuwarto nang siya’y magising. Bumangon siya at naglakad-lakad sa sala. Hindi na niya ikinagulat ang lalaking nakaupo sa may sofa sa ilalim ng mainit na ilaw habang nanonood ng telebisyon.Mahina lamang ang tunog ng telebisyon sa sala dahil nag-aalala itong baka magising niya ang kanyang kasama kapag masyado itong malakas.Maririnig ang mga magaang yapak mula sa pasilyo. Napalingon ang lalaki.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Ni wala ma lang pagbabago sa kanilang mga emosyon. Tila’y matagal na panahon na silang kasal at nagsasama. Tila ri’y mayroon silang kasunduang hindi na kailangang sabihin pa. Walang nagtangkang pigilan ang kakaibang kapayapaang kanilang nararamdaman.Mistulang… payapa sila sa isa’t isa.Tumayo ang lalaki, naglakad patungo sa gilid na lamesa, ininit ang mga pagkain, at ibinalik ito sa lamesa.Tahimik na tumungo rito ang babae, at umupo sila upang kumain.Mistulang wala silang away-bati na pagsasama, na wala si

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status