Home / Romance / Mapanganib na Pagbabago / Kabanata 8 Nakialam si Haydn

Share

Kabanata 8 Nakialam si Haydn

Author: Qi River's Old Stream
last update Last Updated: 2021-04-27 16:00:27
May sasabihin pa sana si Ray nang si Elior ay siningitan siya. Ang mahabang makitid na mga mata ni Elior ay kuminang habang sinasabi niya, "Ah, siya? Ginalit niya si Master Stewart, Ayun, kita mo iyon? Ang bote ng vodka na iyon. " Kaswal na tinuro ni Elior ang bote sa lamesa. "Binigyan siya ng dalawang pagpipilian ni Master Stewart: inumin ang buong bote na iyon o makipag-halikan sa taong iyon sa harap ng lahat bilang libangan."

"Oh ~" Pinahaba ni Haydn ang kanyang "oh" at dahan-dahang lumakad papunta kay Jane habang tinatanaw niya si Sean, na nakaupo pa rin sa kanyang couch. Hinimas ni Haydn ang kanyang baba nang mayabang, sinasabing,

"Talagang mahusay ka magpatawa, Master Stewart. Dahil nais mong makita ang isang mainit na sesyon ng halikan, boluntaryo na ako bilang lalaking bida? Hindi ko sinasadyang magyabang, ngunit magaling akong humalik. Ang pinakamahusay sa lahat, kung ako ang tatanungin. "

Dahil dito, mabilis siyang kumilos, iniaabot ang kanyang mahabang braso at hinahatak ang naguguluhang si Jane sa kanyang yakap.

Wala ng oras si Jane para kumilos pa. Nalaglag na sa kanyang mga braso. Sa sumunod na segundo, may init sa kanyang labi at ang kanyang mga mata ay nanlaki ng biglaan.

Siya ba ay… hinahalikan?

Whoosh!

Ang kanyang mukha ay biglang nagbago, namula ito mula sa dulo ng kanyang mga tenga hanggang sa dulo ng kanyang mga paa.

Si Haydn ay nagulat sa pakiramdam sa maliit na bibig sa ilalim ng kanyang manipis na labi… Maganda ang pakiramdam na ito!

Hindi niya sinubukan na matinding humalik. Ang kanyang kapilyuhan ay nangangahulugan na gusto niya lang halikan saglit ang kanyang labi, ngunit nabigla siya sa pakiramdam sa kanyang labi.

Ng siya ay lalo patuloy na humahalik, isang palakas na pwersa ang naghatak sa babae palayo mula sa kanyang mga braso.

Si Haydn ay hindi nakuha ang tamis na kanyang hinahanap, kaya tinignan niya ang lalaki na humatak palayo kay Jane.

“Sean, ibalik mo siya.”

Ang ekspresyon ni Sean ay madilim at masama ang kanyang tingin. “Ginalit niya ako, kaya walang sinuman ang makakakuha sa kanya bago ko mailabas ang galit kong ito.”

Pinagtaasan ni Haydn ng kilay si Sean. Silang dalawa ay magkaibigan at magkaribal din at matagal na silang ganun simula ng mga bata pa sila. Bagaman si Haydn ay sinundan ang kanyang mga magulang sa ibang bansa habang si Sean ay nanatili dito, ang kanilang relasyon ay hindi kailanman nagbago.

Gayunpaman, para isipin na pinahahalagahan ni Sean ang babaeng ito... ang kuryusidad ni Haydn ay nakaapekto sa kanya, kaya't tumingin siya sa babae sa likuran ni Sean. Nagulat siya ng makita kung paano namula ang babae.

Sa isang iglap, bigla niyang naalala kung paano hindi pa siya niyakap ng isang lalaki dati hanggang ang kanilang nakaraang engkwentro. Maaari kaya na pati ang paghalik niya ay...

“Hoy, iyon ba ang unang halik mo?”

Whoosh!

Ang mukha ni Jane ay namula na parang pwet ng unggoy at mukhang ang kanyang tenga ay handa ng tumulo ng dugo. Wala na siyang kailangan sabihin. Ang kanyang matingkad na pulang mukha ay sapat ng sagot.

Kahit na si Haydn mismo ay hindi napagtanto kung gaano kaganda ang pakiramdam niya ngayon.

Ang kanyang labi ay napangiti at humarap siya kay Sean na may kalahating ngiti. “Paano kung pinilit kong ilayo siya?”

Ang magulong pagsigaw ni Ray ay narinig sa paligid, ang pagsipol ay tuloy-tuloy. “Elior, kuhanin mo ang phone mo, dali! Videohan mo ito! Si Master Soros ay talagang hinahamon si Sean Stewart dahil sa isang babae! Kung ibebenta natin to sa magazine, siguradong kikita tayo ng sobrang laki! Sinisigurado ko na ito ay magiging headline sa balita bukas!”

Binuhusan ni Elior ang sarili niya ng baso ng whiskey at itinaas ang kanyang kilay sa malinaw na masayang si Ray. “Sinisigurado ko na kung susubukan mo iyan, ang headline bukas ay tungkol sa isang hindi kilalang nakahubad na bangkay na nakalutang sa Huangpu River.”

“Urk…”

Natural lang na nakita din ni Sean ang namumulang mukha ni Jane at sa isang iglap, naramdaman niyang nakakainis ang nahihiyang ekspresyon niya.

Ang kanyang matalim na tingin ay napunta sa kanyang labi at nanliit ang kanyang mga mata, may bagay na iniisip.

Ang kanyang matapang na titig ay nagdulot para tumalikod si Jane, na parang pinahihirapan siya. Gusto niyang iwasan ang tingin nito sa kanya.

Subalit, ito ay lalo lang nagpagalit kay Sean sa kung ano man rason. Ang kanyang kapit sa kanyang baywang ay parang pliers, tapos siya ay bumaba at pinulot siya, inilagay siya sa kanyang balikat na parang sako. Habang si Haydn, Ray at Elior ay nakatinigin, nakalaglag ang panga, naglakad siya palabas ng pinto.

Si haydn ang pinakaunang kumilos, ang kanyang kahihiyan ay naging galit.

“Tigil!” Hinabol niya ito ng walang sinasabi.

Ang panga ni Ray ay nakalag lag pa din. Hindi pa niya naiintindihan kung ano ang nangyari.

Tumayo si Elior mula sa couch bigla. “Lalo lang itong nagiging maganda.” Sinundan niya ang mga ito ng hindi tinitignan si Ray. Sa wakas, si Ray ay nakabawi na at tumalon patayo. “Intayin niyo ako! Ang magagandang palabas ay dapat pinapanuod ng magkakasama! Mas marami mas masaya, diba?”

Si Susie ay tuluyan ng namutla. Pakiramdam niya na ang kanyang mga paa ay nakadikit sa lapag at hindi na siya makagalaw. Ang alam niya lang ay… Itong lahat ay tapos na. Talagang tinapos na niya si Jane ngayon.

Siya ay nakokonsensya, ngunit hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

Kung sasabihan niya si Alora, matatapos na ang lahat ng ito para sa kanya. Kung alam ni Alora na naging bastos at nagdulot ng ganito kalaking gulo, sigurado talagang mawawalan siya ng trabaho dito bilang tagapagsilbi.

Sa isang banda, nakonsensya siya. Sa kabilang banda, nagaalala siya na masasama din siya sa kaguluhan kung nalaman ito ni Alora. Si Susie ay talagang nahahati at naguguluhan.

Sa wakas...

“Ayos lang ito. Ayos lang talaga ito. Si Jane ay isa lang cleaner at si Master Stewart ay medyo galit lang. Walang pagkakataon na parurusahan niya ang isang cleaner dahil dito. Oo, tama ‘yan. Ayos lang ito,” Sabi ni Susie sa kanyang sarili, sinusubukan na pakalmahin ang sarili niya para mabawasan ang kanyang konsensya.

Si Haydn ay mabilis na humabol. Si Sean ay nangunang naglakad sa kanya, ngunit ng bigla siyang tumalikod, ang kanyang mahabang binti ay gumuhit ng matalas na angulo sa ere habang nagbato siya ng napakagandang sipa papunta kay Haydn, napilitang magpaatras kay Haydn. Matpos iyon, mabilis siyang naglakad papunta sa elevator sa tabi niya.

Gustong humabol ni Haydn, ngunit ang mga pintuan ng elevator ay nagsara na sa harapan ng kanyang mga mata!

Sobrang lapit noon! Si Haydn ay sobrang nagalit na hinampas niya ang kanyang kamao sa mga pintuan ng elevator.

Si Ray at Elior ay ang perpektong mga kasama sa krimen, kaya dumating na sila sa pinangyarihan, magkasunod.

Nabigla si Ray sa kaguluhan, kaya pinilit niya si Haydn sinasabi, “Oy, seryoso? Ang elevator ay nasa 28th floor ngayon!!! Hoy, Elior, tignan mo! Ano sa tingin mo ang binabalak ni Sean? Kinuha ang isang cleaner papunta sa 28th floor?” Ang anim na pinakamababang floor sa gusaling ito ay ang entertainment center, kilala bilang isang nightclub. Subalit, ang mga kliyente East Emperor ay naglalaman ng mayayaman at makapangyarihang tao at ang mga taong ito ay palaging magarbo at elegante sa kung ano ang ginagawa nila.

Ang lahat ng nasa itaas ng 6th floor walang iba kung hindi isang hotel.

At sa kung bakit ang lugar na ito ay nakadisenyo ng ganito… Ito ay hindi na kailangan sabihin pa. Kahit na sino na kahit papaano ay may utak ay makaintindi dito.

Ang mga mata ni Elior ay kuminang at binigyan niya si Ray ng malamig na ngiti. “Oy, ang isang cleaner ay isang babae pa din. Walang dahilan para magulat tungkol dito.”

Lalo lang nitong pinalala ang mga bagay. Hindi mapigilan ni Ray na mapaisip ng malakas, “Seryoso, anong problema sa taste ni Sean? Baliw ba siya.” Nagdala ng isang cleaner sa hotel room? Tsk. Nang kanyang maalala ang katawan ng cleaner at itsura, hindi niya mapigilan na manginig.

“Tae!” Hinampas ulit ni Haydn ang kanyang kamao niya sa pintuan ng elevator ng marinig niya ito, tapos nagsimula niyang pindutin ng malakas ang up button.

“Hoy, Haydn, talaga bang susundan mo sila? Kakabalik mo lang galing ibang bansa, kaya hindi mo alam, ngunit ang buong 28th floor ay pinagmamay-ari ni Sean. Hindi ka makakapasok sa floor na iyon ng walang access card.”

Lalong lumala ang ekspresyon ni Haydn.

Ang elevator ay mabilis na umakyat, at ang mga pinto ay bumukas. Si Sean ay mabilis na naglakad palabas ng elevator na bitbit si Jane sa kanyang balikat, naglalakad sa sala na may pamilyar na aura bago maglakad papunta sa kwarto.

Bam!

Pakiradam ni Jane na lumabo ang kanyang paningin sa isang sandali at siya ay walang awang binaba sa Persian rug. “Mgh~” Bago pa man siya makakilos, nakaramdam siya ng matalas na sakit sa kanyang baba at siya ay napilitang buksan ang kanyang mga mata. Ang nakakamatay na gwapong mukha ni Sean ay nasa harapan ng kanyang mga mata.

“Jane Dunn,” mabagal na sinabi ng lalaki sa kanyang malamig na boses. Hindi mapigilan na manginig ng katawan ni Jane, ngunit nagpatuloy siya, “Jane Dunn, talagang ginulat mo ako ngayon.”

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Tian X Sagubo
Ang pangit ng storya
goodnovel comment avatar
Joson Cabatu Rio
magulo na nga ang kwento mahal pa
goodnovel comment avatar
Yna Tombiga
walang kwenta sobrang mahal ng bayad para Lang ma unlock tssssk di man Lang binabaan kahit 50
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 9 Ang kanyang Galit at Kahihiyan

    “Para isipin na ang mayabang na Miss Dunn ng Yore ay ngayo’y handang humingi ng awa ng nakaluhod at kahit ang halikan ang isang tauhan sa harap ng sobrang daming tao. Sabihin mo sakin, gaaano sa tingin mo mahihiya ang matandang lalaking si Joseph Dunn kung maririnig niya ang tungkol dito?” Si Joseph ay ang tatay ni Jane.Nanginig ang katawan ni Jane at siya ay biglang namutla, ngunit sa sumunod na segundo, may naalala siya at tumugon siya sa maputlang labi, “Ang mga Dunn ay walang anak na nagngangalang Jane. Isa lang akong dating bilanggo.” Nakatingin siya sa magandang mukha na nasa harapan niya. Isang beses, ang mukhang ito ay mukhang pinapangarap niya, ngunit ngayon na gusto niya lang na layuan ito.“Mr. Stewart, isang mababang bilanggo lang ako. Ang isang mahusay na lalaking tulad mo ay walang kinalaman sakin, kaya patawarin mo na ako.” Itinabi niya ang takot niya sa kanya at sinubukan niya na kumilos na sobrang baba. Ang gusto niya lang ay mabuhay sa tahimik.Anong halaga ng kan

    Last Updated : 2021-04-27
  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 10 Nahuling Tumatakas

    Mayroong ATM sa kabila ng kanyang lugar. Inilagay niya ang kanyang cad sa loob at ng nakita niya ang numero na nakalagay sa screen, nagngitngit ang kanyang mga ngipin at nagwithdraw ng two thousand bucks.Ng makuha niya ang pera, tumawag siya ng taxi at sinabi, “Dalhin mo ako papunta sa...” Sa sandaling iyon niya napagtanto na pumasok siya sa isang kotse… masyado siyang nagmamadali na makatakas, ngunit wala siyang ibang tatakbuhan pa.“Saan ka pupunta?” Naiinip na sabi ng driver.“Saan ako pupunta…?” Si Jane ay tuliro. Bigla niyang napagtanto na kahit na sa laki ng mundo, wala siya ibang pupuntahan.“May pupuntahan ka ba o wala? Kung wala, umalis ka na. Kailangan ko pang magtrabaho.” Sumimangot ang driver at inis na nakatingin kay Jane. Tsk… anong swerte naman ito? Nakabunggo pa siya sa malas sa kanyang unang byahe pagtapos umalis ng bahay.“...Pasensya na, hindi ko pa alam kung saan ako pupunta,” Mabagal na sabi ni Jane. Kahit na masama ang dating ng driver at pinagtaasan siya ng

    Last Updated : 2021-04-27
  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 11 Andito Siya

    Sandali pagkatapos, may dalawang katok sa bintana ng driver. Narinig ni Jane ang isang parang businessman na boses sa labas ng bintana, nagsasabi, “Maaari bang buksan mo ang pinto.”Ang boses ay sobrang lamig at serysos, walang bahid ng emosyon. Kahit na ang gumamit siya ng salita ‘Maaari’, ito ay isang utos at hindi hiling… Ang mga tauhan ni Sean ay tulad niya sa ganoong paraan.Sumigaw si Jane sa driver, “Huwag mong buksan ang pinto!” Sabi niya, “Babayaran kita...Biglang...Smash!Mayroong malakas na tunog at ang bintana ng taxi ay nabasag. Ang biglaang pangyayari ay tumakot kay Jane ng tuluyan, ngunit ito natakot din ang driver ng taxi na nasa harapan.“T-t-tatawagan ko ang pulis! Iyan ay paglabag sa...” batas!Swoosh! Ng sandaling iyon, isang bulto ng bagong pera ang umulan sa driver. Halos mga sampung libong ang hula sa halaga noon. Sa labas ng bintana ng kotse, isang bodyguard na malinis ang gupit at nakaitim na damit ay nagtanong, “Pwede mo na bang buksan ang pintuan nga

    Last Updated : 2021-04-27
  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 12 Mapagkumbabang Jane Dunn

    Noon, kaya niya pang sabihin ng diretsuhan sa mukha niya niya, “Sean, masyado kang impluensyal at makapangyarihan. Masyado kang madaming kaawa, kaya wala ka dapat kahinaan. Una, ang iyong babae ay hindi mo dapat kahinaan. Masyadong mahina si Rosaline, kaya hindi siya pwede. Ngunit perpekto ako para sayo!”Lagi na lang, sinasabi niya ito ng ganito, “Paano mo nagagawang sabihin iyan? Ang paghabol sa lalaki ng iyong kaibigan?!” Subalit, sa nangyayari ito, bumabawi siya sa sinabi niya ng ganito, “Single ka naman ngayon, Sean. Kapag naging girlfriend mo si Rosaline, lalayo na ako sayo! Nangangako ako bilang Jane Dunn!”Sobrang arogante niyang babae dati“Nagmamakaawa ako, pakiusap ibalik mo na ang pera ko.” Ang tanging naririnig niya lang ay ang kanyang pagmamakaawa.Natahimk bigla si Sean… Talaga bang siya si Jane Dunn? Ang babaeng umaapaw sa pride at kumpyansa?Hinawakan niya ang kanyang kamay at hinatak siya pabalik sa kanyang kotse.“Pera, ang pera ko! Bitawan mo ako, Wala akong m

    Last Updated : 2021-04-27
  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 13 Ilipat Siya Sa PR Department

    Kabadong nakatayo si Jane sa harapan ni Sean. Isang saglit pa, may kumatok sa pintuan at sabi ni Sean sa kanyang malalim at nakakaakit na boses, “Pumasok ka na”Kabadong tumingin si Jane sa taong kapapasok palang— Ito ay si Alora Smith, ang taong nag interview sa kanya tatlong buwan ang nakalipas.“Hi, Alora.” Ang puso ni Jane ay nasa kanyang lalamunan na. Maingat niyang tinignan si Sean, na siyang nakaupo sa couch at lumingon pabalik kay Alora, na biglang dumating dito. Ang kanyang puso ay kumakabog. Wala siyang ideya kung ano ang balak ng hindi mabasang lalaking ito ngayon.“Kamusta, Mr. Stewart.” Nakasuot si Alora ng puting suit at hindi nito itinatago ang kanyang ganda. Alam niya kung paano dapat kumilos sa harapan ni Sean, nagsalita,”Ano ang magagawa ko para sayo, sir?”Napansin ni Jane na kakaiba ang paguugali ni Alora kay Sean, na para bang si Sean ay kanyang suki o boss… Ang hindi alam ay na si Sean talaga ang big boss ni Alora. Nakulong si Jane ng tatlong taon sa bilanggua

    Last Updated : 2021-04-27
  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 14 Pagpapahiya at Pagpapahirap

    Mas lalong inisip ito ni Jane, mas lalo siyang napapailing. “Hindi, Mr. Stewart, ayokong mapunta sa P.R. department.” Kabado siyang nagmamakaawa, “Alam kong mali ako, pakawalan mo na ako. Mr. Stewart. Nabilanggo na ako ng tatlong taon at nagbayad na sa kung anong nagawa ko. Ibalik mo na ang aking bank card, sir, at ako’y maglalaho na kaagad, malayong malayo at sinusumpa kong hindi mo na ako makikitang muli.”Ang tanging magagawa lang ni Jane ay ang magmakaawa. Hindi niya napansin ang gulat sa mga mata ni Alora ng marinig nito ang tungkol sa pagkakabilanggo. Si Alora ay lumipat sa bayan na ito dalawang taon ang nakakalipas at hindi siya lokal, kung kaya hindi niya alam ang kahit na ano tungkol kay Jane.Ang sinuman na nakatrabaho si Sean ng mas matagal dito ay alam ang lahat tungkol sa kilalalng si Jane Dunn.Mapanganib na natuon ang mga mata ni Sean… Gusto pa din niya bang tumakas?Gusto niyang hindi na siya makitang muli?“Hah~” Tahimik na huminga ng malalim at nilabas ang kanyan

    Last Updated : 2021-04-27
  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 15 Pangungutya

    Tatlong araw ang nakalipas. Tatlong araw matapos na malipat si Jane sa P.R. department, wala pa siyang ni isang sentimong kinikita. Tumingin siya sa oras at nakita niya na ito ay 23:07. Iyon ang eksaktong oras kung kelan nagsisimulang dumating ang kanilang mga kliyente.Ang buong P.R. department ay walang laman at tanging siya lang ang taong naiwan sa waiting room. Ang lahat ng kanyang katrabaho sa department ay umalis na para gawin ang kanilang trabaho. Sa katunayan, ang bawat miyembro ng P.R. department ay nandito sa East Emperor ay malaki ang kinikita. Ang mga kliyente dito ay nilalaman ng mga matataas na tao sa lipunan at ang mga mayayaman at makakapangyarihan ay palaging mapagbigay sa kanilang pera.Tatlong araw pa lang nandito si Jane, ngunit nakarinig na siya ng mga balita. Si Jenny, ang babaeng nakhuli niyang nakikipaglandian kay Master Soros sa hagdanan noon, ay nagyayabang kahapon lang kung paano ang isang mapagbigay na negosyante mula sa Hong Kong ay kasama niya. Ang kanya

    Last Updated : 2021-04-27
  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 16 Pagpapahiya

    “Ako…” binuka ni Jane ang bibig niya para tumanggi nang di nag-iisip. Sa dilim na iyon, kumurba ang labi ni Sean… Alam na niya, alam na niyang ang mapagmalaking si Binibining Dunn ay hindi isusuko ang kanyang dignidad at tatanggapin na lamang ang insulto nang naka higa.“Makukuha ko lahat ng perang ito kung mapulot ko ito within a minute, tama ba? At dadagdagan mo pa ng fifty thousand, tama?”Hindi maituloy ni Jane ang gusto niyang sabihin na katuloy ng “Ako”. Ang nangyayari sa harap niya ay bumalik sa madilim na kulungan at sa makulit na babae, ang nag-iisang tao na nagpakita ng kabaitan sa kanya. Sa panaginip na nakita niya nang siya ay nakahiga… Lahat ng pwedeng isipin ay sumagi sa isip ni Jane at napilitan siyang baguhin ang desisyon niya nang wala sa oras. Pride? Meron pa ba siya noon?Sa ngayon, walang kahit ano si Jane Dunn. Walang pamilya, walang kamag-anak, walang kaibigan, walang nakaraan… ang tanging meron siya ay ang sarili niya.Anong mapapala niya… sa pride niya?An

    Last Updated : 2021-04-27

Latest chapter

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 331 Dagdag na Kwento Ang Pagtatapos

    Ang pangalan ko ay Luka Stewart. Ito ay kakaibang pangalan, ‘diba? Parang ‘Tignan mo! Sabaw.’Lolo ko ang nagbigay ng pangalan ko. Sa lahat ng maraming taon ng karanasan ko bilang bata ay nagsasabi na ang lolo ko ay hindi mabait na tao.Isang tabi na ang lahat, tignan mo na lang ang pangalan na binigay niya sa akin. Mayroon siyang mahusay na pangalan mismo, ngunit binigyan niya ako ng kakaibang pangalan.Subalit, bawat beses na mag protesta ako tungkol dito sa kanya, lagi niyang sinasabi na ito ay kasalanan ng aking ama. Kung si Dad ay naging babae, siya sana ang magkakaroon ng pangalan na iyon.Tignan mo, SI Grandpa ay ang siyang nagbigay sa akin ng ganito kasamang pangalan, ngunit sinisisi niya ang lahat sa aking ama.Ah, nakalimutan ko silang ipakilala ng ayos.Ang pangalan ng lolo ko ay Sean Stewart.Tila, siya ay medyo gwapo noong kanyang kabataan.Ang aking lolo ay nagngangalang Jane Dunn.Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano sila nauwing magkasama. Sila talaga

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 330 Kinulong Ni Sean Ang Katawan ni Jane Kinulong ni Jane Ang Sarili Niyang Puso

    Sa ospital, walang tunog na bumukas ang pinto ng ward. Sa oras na ‘to, hindi ipinahayag ni Dos ang pagdating ng mas maaga.Nang nagmamadaling dumating si Elior, mabilis niyang nakita ang babaeng iyon.Bago pa siya makapagsalita, hinila siya ni Alora papunta sa pasilyo. Nagbukas ang pinto at nagsara muli.Ang lalaki sa kama ay tumagilid, mahimbing ang tulog.Walang nakakaalam kung tungkol saan ang napapanaginipan ng lalaki, ngunit ang malalim na pagkakunot ng noo sa kanyang mukha ay nagpakitang hindi maganda ang mga panaginip niya.Ang kanyang kamay ay nagpapahinga sa panlatag, ang kanyang wedding ring ay suot niya pa rin sa kanyang daliri.Mabagal siyang nilapitan ng babae, sa wakas ay tumigil sa harap ng kanyang hospital bed.Ang mga mata nito’y maningning at maaliwalas, ang kanyang tingin ay lumapag sa singsing sa kamay ng lalaki.Wala ring nakakaalam kung ano ang iniisip ng babae.Tinitigan niya ang singsing ng mahabang, mahabang oras, hanggang mawalan siya ng ulirat.Mata

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 329 Jane Dunn Ang Lagi Mong Ginagawa Ay Ang Tumakbo

    "Jane, hindi paraiso ang Erhai. Ang tinatawag mong kapayapaan ay pagtakas lamang," taimtim na sinabi ni Alora.Hindi nga dapat niya ito sinasabi, pero may mga nakikita siyang bagay na hindi nakikita ng mga taong sangkot.Siguro ang sitwasyon ay laging mas malinaw mula sa labas. Siguro hindi.Kahit na, malinaw niyang nakikita na nag-aalinlangan si Jane.Tatlong taon na ang nakalipas, tinulungan niya si Jane tumakbo palayo dahil taos puso niyang gustong mamuhay si Jane ng payapang buhay mula noon.Marami na ang nagbago sa tatlong taon. Nagmature na rin siya.Ito ay dahil sa bago niyang nalamang maturity na hindi siya tumigil kakaisip tungkol doon.Tama ba siyang tulungan si Jane na makatakas tatlong taon na ang nakalipas? O ito ay isang pagkakamali?Malabo, nagsimula siyang mag-isip na mali siya.Ang babaeng ito ay lubusang natakot. Walang paraan na titigil siya at titingin sa kanyang paligid para makita ang mga tao at katotohanan.Sa loob ng tatlong taon, nakita rin ni Alora k

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 328 Pinilit Siya Paisa Isang Hakbang

    So pumunta ka nga rito para pag-usapan ang matandang lalaki?” Natawa ang lalaki sa kama, may malinaw na hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. “Michael Luther, ang matandang lalaki ay hindi takot na mamatay ako. Mayroon siyang isa pang apo para magmana ng trono niya.Si Michael ay tumawa ironically.“Sa tingin mo talaga na babalik ako sa Stewarts? Ang maruming lugar na iyon.”“Ayaw mo sa Stewart Industries?” malamig na sinabi ni Sean. “Well, sa kasong ‘yan, mukhang mabibigo ka.“Stewart Industries, huh.” Pinadaan ni Michael ang kanyang tingin kay Sean at tumingin sa labas ng bintana. “Mukha maganda, so palagay ko gusto ko nga ito. Ibibigay mo ba ito sa akin?”“Kung hindi, hindi mo ba ‘to kukunin ng pwersahan?”“Kung ikaw ang may hawak, sigurado.” Hindi sinubukan ni Michael itago ang kanyang ambisyon. “Pero kung mamatay ka, hindi ko ito kukunin mula sa kanya.”Naningkit ang mga mata ni Sean. “Well, siguradong tapat ka sa nararamdaman mo para sa kanya. Dapat bang sabihan kitang a

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 327 Hindi Imbitadong Bisita

    Si Michael Luther ay pumasok sa Stewart Old Manor.“Ikaw ang nasa likod ‘nun, hindi ba?”Walang kahit anong babala o konteksto, sinigawan niya si Old Master Stewart, na simpleng umiinom ng tsaa.“Bigla kang lumabas kung saan… para lang magpakita ng kabastusan sa lolo mo? Ibinaba ni Old Master Stewart ang kanyang tasa, naninigas ang kanyang matandang mukha.“Ikaw ang naglagay kay butler Summers doon, ‘di ba?“Kung hindi man, ay hindi siya maglalakas ng loob, ‘di ba?”“Anong ibig mong sabihin? Anong nagawa ni Summers na dahil sa akin?”“Ikaw ang nasa likod ng aksidente ni Jane. ‘Yan ang gusto kong malaman. Ikaw ba, o hindi ikaw?!” Si Michael ay nasa tabi niya.Sa sandaling narinig ni Old Master Stewart ang pangalan ni Jane, ang kanyang ekspresyon ay mabilisang naging madilim. “Ano ito? Lalabanan mo ang sarili mong lolo para sa kanya?”“Ibig sabihin niyan… inaamin mo.”Tinikom ni Michael ang kanyang kamay sa isang kamao, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa galit. “Ano ba

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 326 Pagod Na Ako Sa Laro Na Ito

    Sa sumunod na tatlong araw, ang taong iyon ay hindi humakbang kahit isa papasok ng bahay.Tumayo si Tres at si Cuatro sa may pinto na tila isang pares ng walang ekspresyong guardian gods.Ang dating tahanan ng babae ay wasak na, kaya bumalik siya sa Stewart Manor. Sa pinakamalalim na bahagi ng manor, hindi niya marinig ang mga ibon o maamoy ang mga bulaklak. Ang butler ay ganap na ganap na professional din, at lahat ay naayos na para sa kanya.Bukod kay Tres at kay Cuatro, wala siyang ibang makausap.Wala, kahit si Tres at si Cuatro ay hindi siya kinausap.At para sa family butler, laging mabuti ang pagkilos nito at tunay na magalang sa kanya sa tuwing sila’y nagkikita.Ang kanyang tainga ngayon ay halos wala nang pakinabang, ang kanyang bibig ay dekorasyon na lamang.Ang mga naglilingkod sa paligid ng bahay ay pamilyar ang mga mukha, habang ang iba ay mukhang bago. Hindi ito mahalaga. Kahit sino pa ang makakita sa kanya, sila’y tumatango lamang bilang paggalang at maglalakad sa

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 325 Mahal Kita

    Nalalapit na ang araw para sa bone marrow transplant ni Jason.Nagpalit na siya sa isang surgical gown. Si Madam Dunn ang kasama niya.“Huwag ka kabahan, Jason. Walang mangyayari na mali.” Inalo siya ni Madam Dunn. Kahit na, ang anak niya ay nanatiling tahimik.Habang tinitignan niya ang payat na pisngi ng anak niya, minura niya ulit si Jane sa puso niya.“Kung hindi dahil sa mabuting-puso na tao na kamatch mo, iyong malditang Jane na iyon ay muntik ka na mapatay.”Mukhang nasaktan si Jason.“Mama! Tumigil ka!”“Huh? Anong mayroon sa iyo?“Naaawa si mama para sayo. Bakit mo ako sinisigawan?”“Mama, huwag ka magsalita ng ganyang kay Jane.”“Bakit hindi ko pwede gawin iyon? Wala nga siya pake sa sariling miyembro ng pamilya niya.”Kinamumuhian ni Madam Dunn ang anak niyang babae mula sa kailaliman ng puso niya.Ngunit kahit na napatunayan niyang na talgang napagkamalan niya na hindi niya sariling anak si Jane, si Madam Dunn ay nanatiling kampi laban sa anak niya.Kung sabaga

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 324 Nakuha Na Ni Jane Ang Gusto Niya

    Lumipas ang mga araw. Lulutuin ng lalaki lahat ng pagkain niya. Kapag pupunta siya sa trabaho, isasama niya ang babae sa tabi niya, pinapanatili siya sa paningin niya sa lahat ng oras. Mukha silang matamis at mapagmahal na mag-asawa.Mayroon itsura ng kainggitan sa mga mata ng ibang tao kapag nakikita nila si Jane.Sa oras, lahat ng tao mula sa bilog ay alam na.May nag buntong hininga, ‘si Jane Dunn mula sa pamilyang Dunn ay nakaraos na. Noong hinahabol niya pa lang si Sean dati, siya ay isang mapamillit na go-getter.’Ang iba ay may katulad na sentimyento rin. Nakuha na rin Jane kung ano ang gusto niya/Isang katapusan ng linggo.“Gusto ko siya makita.”“Sino?”“...Kuya ko.”May kumislap sa mga mata ng lalaki. Kahit na, pinanatili niya pa rin ang itsura niya.“Hindi mo kailangan mag-alala kay Jason.”Isang casual na ugali.Piniga ni Jane ang mga kamao niya. Pagkatapos ng ilang saglit...“Ang kondisyon niya ay hindi maganda. Gusto ko siya makita.”“Hindi ba maayos ang pa

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 323 Gumawa Siya Ng Isa Pang Kulungan

    ‘Di kinalauna’y nagising din si Jane. Madilim ang kuwarto nang siya’y magising. Bumangon siya at naglakad-lakad sa sala. Hindi na niya ikinagulat ang lalaking nakaupo sa may sofa sa ilalim ng mainit na ilaw habang nanonood ng telebisyon.Mahina lamang ang tunog ng telebisyon sa sala dahil nag-aalala itong baka magising niya ang kanyang kasama kapag masyado itong malakas.Maririnig ang mga magaang yapak mula sa pasilyo. Napalingon ang lalaki.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Ni wala ma lang pagbabago sa kanilang mga emosyon. Tila’y matagal na panahon na silang kasal at nagsasama. Tila ri’y mayroon silang kasunduang hindi na kailangang sabihin pa. Walang nagtangkang pigilan ang kakaibang kapayapaang kanilang nararamdaman.Mistulang… payapa sila sa isa’t isa.Tumayo ang lalaki, naglakad patungo sa gilid na lamesa, ininit ang mga pagkain, at ibinalik ito sa lamesa.Tahimik na tumungo rito ang babae, at umupo sila upang kumain.Mistulang wala silang away-bati na pagsasama, na wala si

DMCA.com Protection Status