Home / Romance / Mapanganib na Pagbabago / Kabanata 5 Napasok sa Gulo

Share

Kabanata 5 Napasok sa Gulo

Author: Qi River's Old Stream
last update Last Updated: 2021-04-27 16:00:26
Ang puso ni Jane ay kumakabog pa din, ngunit bago pa siya huminga ng malalim, bigla niyang napagtanto na ang lalaki na hindi niya kilala ay nakahawak sa kanya baywang ng mahigpit.

“Ahhhh...” Nagulat si Jane. Sa buong buhay niya, ang tanging lalaki lang na yumakap sa kanya ng ganoon kahigpit ay ang kanyang nakatatandang kapatid. Walang sino pa man ang nakahawak sa kanya ng ganito, hindi kahit na… siya.

Ang ekspresyon ni Haydn Soros ay nandilim at iniabot ang kanyang kamay, nilagay ito sa bibig ni Jane. “Tumahimik ka! Bakit ka sumisigaw? Kakakiba ka, babae! Karamihan ng mga tao ay bigalng sisigaw habang nalalaglag sila, ngunit ikaw ang eksepsyon dito. Hindi ka gumawa ng kahit anong tunong noong nalalaglag ka, kaya bakit ka ngayon sumisigaw?”

“P-P-Pakiusap… Bitawan mo ako.”

Napansin ni Haydn na nakakapagtaka siyang nauutal at bigla siyang may naisip. “Hoy, hindi ka sumisigaw dahil niyakap kita sa baywang mo tama ba?” Nakita ni Haydn kung paano ang babae sa kanyang braso ay biglang namutla sa mga sinabi niya at hindi niya mapigilang mangiwi ang gilid ng kanyang mga labi.

“..Kung gayon tama nga ako, huh?” Binigyan niya ito ng kaunting sandali bagomagbigay ng kakaibang ngiti. “Hoy, babae, sinasabi mo bang hindi ka pa nahawakan ng lalaki kailanman tulad ng ganito?”

Napansin ni Haydn ang kanyang mga reaksyon na nakakamangha. Ng makita niya kung gaano kapula ang kanyang mga tenga, bigla niyang naiisip at lalo pa niyang nilagyan ng pwersa ang pagyakap niya sa balikat ni Jane.

Swoosh!

Tinignan ni Haydn kung gaano kaputla ang kanyang buong mukha sa isang iglap, nakating na parang nakakita ng panibagong kontinente… Para isipin na mayroon pa ding mga babae sa panahon na ito na namumula dahil sa pagyakap ng lalaki sa kanyang baywang! Nakakamangha! Talagang pambihira!

Si Haydn ay talagang napuno ng tuwa.

Sinadya niyang pisilin ang baywang ni Jane gamit ang brasong nakayakap sa kanya, ngunit ang nararamdaman niya lang ay tela. Nalito siya dito at hindi niya hahayaan ang kanyang galang na makahadalng sa kanyang pagtataka.

“Anog ang ginagawa mo?!”

Nagpupumiglas si Jane at tinutulak si Haydn palayo. Samantala, si Haydn ay gulat na nakatingin kay Jane. “Ang iyong baywang...” Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Ang kanyang hinawakan ba ay talagang baywang ng isang noraml na babae.

Si Haydn ay kilala bilang matinik sa mga babae, na mayroong halos isang libong kasintahan na pinagdaanan. Ang kanyang mga nakaraang relasyon ay naglalaman ng maraming international na model at artista, ngunit ang baywang na kanyang hinawakan ay mas mapayat pa sa pinakamapayat na nakaraan niyang kasintahan, Ito’y sobrang payat na kaya na niya itong palibutan gamit ang isang kamay lamang!

“Ikaw...” Gusto niyang sabihin, “Iyan ang dahilan bakit makapal ang suot mo kahit na sa mainit na araw”. Subalit, tinignan niya ang kanynag mga tenga at nakita na ang babaeng nasa harapan niya ay malinaw na nagpapanggap sa kabila ng matinding sakit. Ang kanyang tingin ay puno ng pangungutya sa sarili at sa isang iglap, wala na siyang masabi.

Madaming taon ang nagdaan, hindi pa din makalimutan ni Haydn ang tingin ni Jane sa sandaling iyon. Kahit na hanggang sa ngayon, hindi niya pa din maintindihan kung paano ang titig na isang tao ay maging ganoon ka mapagmataas at maging sobrong mapagkumbaba sa sabay na sandali, perpektong pinagsasama ng tuluyan ang dalawang magkaibang emosyon.

Ano kaya ang nangyari sa babaeng ito para magkaroon ng dalawang magkaiba aura, magkasama sa isang magulong aura?

Tinulak ni Jane si Haydn at umalis ng tumatakbo. Hindi siya makatakbo ng mabilis at halos dalawang hakbang pa lang bago siya matumba at malaglag muli. Subalit, itinayo niya ang kanyang sarili na parang walang nangyari, nakasandal sa pader bilang suporta habang inilalayo ang sarili kay Haydn hanggang kaya niya.

Ang kanyang isipan ay magulo ngayon… na parang mayroong nakadiskubre ng kanyang pinaka nakakahiyang sikreto.

Matapos siyang makalaya sa kulungan, gusto niya ng mapayapa at tahimik na buhay. Gusto niya lang ng sapat para makakain at lugar na matutulugan, para mabuhay ang kanyang sarili at makapagipon ng kaunting pera para makalipat sa Erhai, isang malayong lawa. Doon, magagaawa niyang makakita ng malinaw na tubig at asul na kalangitan na hinding hindi niya makikita sa kulungan.

Ayaw na niya ng karagdagang drama sa buhay.

Gusto lang ni Haydn na tulungan siya, ngunit kung hahabulin niya ito, ang babae ay siguradong kikilos na parang hinahabol ng isang halimaw, hinatak ang kanyang katawan habang nakakaawang nakakapit sa pader.

Walang pagpipilian si Haydn kung hindi bumagal.

Sa Room 606

Kumatok si Jane sa pinto at pumasok sa loob.

Pagpasok niya ng kwarto, napapansin niya ang nakakakilabot na kapaligiran sa loob. Sa ilalim ng madilim na ilaw, nakita niya ang ilang kliyente na nakaupo sa couch, napapaligiran ng ilang mga model.

Mayroong isang puro at inosenteng babae na nakatayo magisa sa harap ng krystal na lamesa sa kwarto.

Kilala ni Jane ang babaeng ito. Siya ang pinakabagong tanggap na tagapagsilbi na nagngangalang Susie Thompson. Siya ay kasama ni Jane sa dorm at estudyante sa S University.

“Jane...” Biglang tinawag ni Susie ang pangalan niJane, na may iyak sa kanyang mga boses. Nagulat si Jane, ang bawat muscle sa kanyang katawan ay biglang nanigas.

Ang pito o walong pares ng mata ay biglang napunta kay Jane, kaya kailangan niyang kumalma, biglang sabi, “Ako ang cleaner. Tinawag nila ako dito para maglinis.” Ng siya ay magsalita, narinis ng lahat ang kanyang nakakatakot na boses.

Sumimangot ang lahat sa kwarto sa pagkairita.

Si Jane ay nagtatrabaho sa East Emperor ng tatlong buwan na ngayon, kung kaya alam na niya na bawas ang salita at mas madaming gawa. Siya ay isang cleaner, kung kaya kahit na hindi nila gusto ang kanyang boses, walang sinuman ang magpaparusa sa kanya dahil dito. Subalit, sa sitwasyon ni Susie dito na malinaw na hindi maintindihan ni Jane, maaaring maging mas malala pa ang mga pangyayari kung makikialam si Jane.

Sa buong sandali, Nakayuko si Jane at umiikot kay Susie, patungo sa malapit na banyo. Ang mga VIP room ay mayroon nakadugtong na banyo, nakalagay sa bawat isa ang mga kailangang gamit panglinis sa espesyal na aparador para hindi nito maapektuhan ang ganda ng banyo.

Si Jane ay lumabas sa banyo na may hawak na mop at balde.

Nanatiling halos nakayuko siya habang naglilinis, iniiwasan ang nagmamakaawang mga tingin ni Susie.

Ang tatlong taon niyang pagkakabilanggo ay nagturo sa kanya na huwag maging bido kung hindi niya naman kaya at laging alamin kung saan ang kanyang lugar. Kung hindi, isang pitik lang ng isang makapangyarihang tao ay mababago na ang kanyang kapalaran na mas malala pa kaysa sa kamatayan.

Siya ay hindi si Susie Thompson. Si Susie ay mahirap, ngunit mayroon pa din siyang mga magulang at isa pa siyang estudyante sa S University. Samantala, si Jane ay wala lang kung hindi isang dating bilanggo!

Wala lang siya. Hindi na niya kaya pang pahirapan o saktan at siguradong hindi niya kayang makatulong sa kahit na sino.

“Maaari ka ng makaalis matapos mong kantahin ang awi na ito,” Sabi ng isa sa mga lalaki kay Susie.

Patagong itinaas ni Jane ang kanyang ulo at nakita na kagat ni Susie ang kanyang labi, na parang sobrang napahiya. “Hindi ako...”

Niluwagan niya ng kaunti ang hawak niya sa mop at ito ay dumulas papunta sa sapatos ni Susie, na gumulat at nagpakalimot sa sasabihin niya. Napatingin siya kay Jane.

Itinaas ni Jane ang kanyang ulo at humingi ng tawad. “Pasensya na, aksidente kong natamaan ang iyong sapatos ng aking mop.”

Mukha itong aksidenteng pagbabago sa usapan, ngunit hindi ito nakuha ang atensyon ng ibang mga lalaki sa kwarto.

Narinig ni Jane na galit na sinabi ni Susie sa tabi ng kanyang tenga, “Hindi ako model o hostess dito. Hindi ako kakanta! Ako’y tagapagsilbi na magbibigay sa kanila ng inumin!”

Si Jane ay puno ng paghihinayang ngayon, sapat na para patayin ang kanyang sarili… May ilang taong pwede niyang tulungan, ngunit mayroong ilan na hindi na niya kaya pang tulungan.

Hindi alam ni Jane kung bakit nagdesisyon si Susie ng ganito, ngunit kung si Jane ay nasa kalagayan niya, hinding hindi niya gagalitin ang mga mayayamang tao dahil sa isang kanta. Kahit na sino na kayang makapasok sa VIP room sa East Emperor ay siguradong may mga koneksyon sa matataas na lugar, kung kaya naman paano na lang nila magagawang hayaan ang ganitong klaseng hindi pagsunod mula sa isang hamak na tagapagsilbi?

Talagang binastos ni Susie ang mga ito. Wala ng paraan para pagbigyan pa nila ito sa sandaling iyon.

Ang mga mayayamang lalaking ito ay nakakita na ng iba’t ibang mga babae. Tutal si Susie ay maganda at inosente, tinanong lang nila kung pwede siyang kumanta ng isang awit para pakawalan na nila siya. Kung naging masunurin lang si Susie, ang mga lalaking ito ay hindi na sana nagdulot ng karagdagang gulo.

Mukhang ang subok na pagtulong ni Jane ay walang silbi. Ang natanggap niya lang ay ang atensyon na hindi niya gusto mula sa mga bisita.

Inisip ni Jane sa kanyang sarili, “Kailangan ko lang linisi ito kaagad at umalis hanggang kaya ko. Mas tumatagal ako dito, mas lalong magkakagulo. Sinubukan kong tulungan si Susie kanina, ngunit baka nabastos ko ang mga bisita sa kwartong ito bilang resulta at ako’y madadamay sa gulong ito. Kailangan kong makaalis sa kwartong ito sa lalong madaling panahon.”

“Ha? Medyo ang yabang, ah?” Sa oras na ito, ito ay isang mayabang na boses na nagsalita. “Hindi ka kakanta? Sige, inumin mo na lang ang bote ng alak sa lamesang ito, tapos makakaalis ka na.”

“Hindi ako iinom! Hindi ako isang hostess na dapat uminom kasama niyo!”

“Hahaha, hindi ka iinom?” Ang mayabang na boses ay tumawa. “Sa tingin ko wala kang karapatan na tumanggi dito. Lahat ng nagtatrabaho sa East Emperor, kahit na ito ay isang hamak na tagapagsilbi o kahit na ang tagalinis, ay kailangan sumunod sa bawat salita ng kliyente. Tama ba?”

Sa sandaling iyon na narinig ni jane ay boses na binanggit ang ‘tagalinis’, nakaramdam siya bigla ng masamang pangitain. Sa sumunod na segundo, ang kanyang premonisyon ay mukhang tama nga.

“Hoy, ikaw diyan. Oo, ikaw, tagalinis. Hindi ba’t sumasang ayon ka?”

Related chapters

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 6 Matagal Tagal na din, Hindi mo ba ako Babatiin

    Tignan mo, talagang napunta na sa kanya ngayon! Alam na niya ito, hindi na dapat niya sinubukang tulungan si Susie!Nanghihinayang na si Jane sa kanyang ginawa ngayon.“Hoy, nagtanong ako sayo diba, tagalinis.”Walang pagpipilian si Jane kung hindi ang sapilitang tumango.Ang mayabang na boses na iyon ay tumawa ng malakas, sinasabihan si Susie ng, “Nakita mo ba? Kahit na ang isang cleaner ay mas marunong makiayon sa paligid kaysa sayo.” Dahil dito, kumuha siya ng isang bote at binagsak ito sa lamesa. “Ubusuin mo lahat ito o tatawagin ko si Alora Smith dito.” Si Alora Smith ang interviewer na siyang tumanggap kay Jane dito sa club.Ang pagbanggit kay Alora ay tumakot kay Susie ng kaunti. Ang mga Thompsons ay mahirap at si Susie ay nagnagtatrabaho dito sa East Emperor dahil sa malaki ang bayad nila. Kung talagang tinawag nila si Alora, siguradong matatanggal siya sa kanyang trabaho.“Huwag mong tawagin si Alora!” Hinablot ni Susie ang bote ng alak mula sa krystal na lamesa. “Iinumi

    Last Updated : 2021-04-27
  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 7 Halik

    “Ano ang gusto mong gawin pagkatapos mong makalaya, Jane? Ako gusto kong magpunta sa Erhai. Maganda ito sa malinaw at malinis na paraan. Ang pagdaloy ng tubig doon ay nakakatuwa at ang mga isa at hipon sa lugar na iyon ay sariwa. Ang kalangitan ay mas asul, ang tubig ay mas malinaw at kahit na ang sinag ng araw ay mas mainit kaysa dito sa bayan na ito.”“Gusto kong magtrabaho at kumita ng madaming pera, tapos pupunta ako doon at magsisimula ng isang maliit na paupahan. Ayokong kumita doon. Gusto ko lang na makita ang Erhai araw-araw, makita ang pagtaas at paghupa ng tubig. Hindi pera ang pangunahing layunin ko, hanggat mayroon akong sapat para kumain. Minsan makikita ko ang mga manlalakbay na dumadating at umaalis.”“Jane, sa tingin ko mamamatay na ako. Ano ang dapat kong gawin? Hindi ko pa nga mismong nakikita ang Erhai.”Hindi malilimutan ni Jane ang maganda ngunit nakakalungkot na boses na iyon. Yakap niya ang babae, sinusubukang painitin ang katawan ng babaeng dahan-dahang lumal

    Last Updated : 2021-04-27
  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 8 Nakialam si Haydn

    May sasabihin pa sana si Ray nang si Elior ay siningitan siya. Ang mahabang makitid na mga mata ni Elior ay kuminang habang sinasabi niya, "Ah, siya? Ginalit niya si Master Stewart, Ayun, kita mo iyon? Ang bote ng vodka na iyon. " Kaswal na tinuro ni Elior ang bote sa lamesa. "Binigyan siya ng dalawang pagpipilian ni Master Stewart: inumin ang buong bote na iyon o makipag-halikan sa taong iyon sa harap ng lahat bilang libangan.""Oh ~" Pinahaba ni Haydn ang kanyang "oh" at dahan-dahang lumakad papunta kay Jane habang tinatanaw niya si Sean, na nakaupo pa rin sa kanyang couch. Hinimas ni Haydn ang kanyang baba nang mayabang, sinasabing,"Talagang mahusay ka magpatawa, Master Stewart. Dahil nais mong makita ang isang mainit na sesyon ng halikan, boluntaryo na ako bilang lalaking bida? Hindi ko sinasadyang magyabang, ngunit magaling akong humalik. Ang pinakamahusay sa lahat, kung ako ang tatanungin. "Dahil dito, mabilis siyang kumilos, iniaabot ang kanyang mahabang braso at hinahatak

    Last Updated : 2021-04-27
  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 9 Ang kanyang Galit at Kahihiyan

    “Para isipin na ang mayabang na Miss Dunn ng Yore ay ngayo’y handang humingi ng awa ng nakaluhod at kahit ang halikan ang isang tauhan sa harap ng sobrang daming tao. Sabihin mo sakin, gaaano sa tingin mo mahihiya ang matandang lalaking si Joseph Dunn kung maririnig niya ang tungkol dito?” Si Joseph ay ang tatay ni Jane.Nanginig ang katawan ni Jane at siya ay biglang namutla, ngunit sa sumunod na segundo, may naalala siya at tumugon siya sa maputlang labi, “Ang mga Dunn ay walang anak na nagngangalang Jane. Isa lang akong dating bilanggo.” Nakatingin siya sa magandang mukha na nasa harapan niya. Isang beses, ang mukhang ito ay mukhang pinapangarap niya, ngunit ngayon na gusto niya lang na layuan ito.“Mr. Stewart, isang mababang bilanggo lang ako. Ang isang mahusay na lalaking tulad mo ay walang kinalaman sakin, kaya patawarin mo na ako.” Itinabi niya ang takot niya sa kanya at sinubukan niya na kumilos na sobrang baba. Ang gusto niya lang ay mabuhay sa tahimik.Anong halaga ng kan

    Last Updated : 2021-04-27
  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 10 Nahuling Tumatakas

    Mayroong ATM sa kabila ng kanyang lugar. Inilagay niya ang kanyang cad sa loob at ng nakita niya ang numero na nakalagay sa screen, nagngitngit ang kanyang mga ngipin at nagwithdraw ng two thousand bucks.Ng makuha niya ang pera, tumawag siya ng taxi at sinabi, “Dalhin mo ako papunta sa...” Sa sandaling iyon niya napagtanto na pumasok siya sa isang kotse… masyado siyang nagmamadali na makatakas, ngunit wala siyang ibang tatakbuhan pa.“Saan ka pupunta?” Naiinip na sabi ng driver.“Saan ako pupunta…?” Si Jane ay tuliro. Bigla niyang napagtanto na kahit na sa laki ng mundo, wala siya ibang pupuntahan.“May pupuntahan ka ba o wala? Kung wala, umalis ka na. Kailangan ko pang magtrabaho.” Sumimangot ang driver at inis na nakatingin kay Jane. Tsk… anong swerte naman ito? Nakabunggo pa siya sa malas sa kanyang unang byahe pagtapos umalis ng bahay.“...Pasensya na, hindi ko pa alam kung saan ako pupunta,” Mabagal na sabi ni Jane. Kahit na masama ang dating ng driver at pinagtaasan siya ng

    Last Updated : 2021-04-27
  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 11 Andito Siya

    Sandali pagkatapos, may dalawang katok sa bintana ng driver. Narinig ni Jane ang isang parang businessman na boses sa labas ng bintana, nagsasabi, “Maaari bang buksan mo ang pinto.”Ang boses ay sobrang lamig at serysos, walang bahid ng emosyon. Kahit na ang gumamit siya ng salita ‘Maaari’, ito ay isang utos at hindi hiling… Ang mga tauhan ni Sean ay tulad niya sa ganoong paraan.Sumigaw si Jane sa driver, “Huwag mong buksan ang pinto!” Sabi niya, “Babayaran kita...Biglang...Smash!Mayroong malakas na tunog at ang bintana ng taxi ay nabasag. Ang biglaang pangyayari ay tumakot kay Jane ng tuluyan, ngunit ito natakot din ang driver ng taxi na nasa harapan.“T-t-tatawagan ko ang pulis! Iyan ay paglabag sa...” batas!Swoosh! Ng sandaling iyon, isang bulto ng bagong pera ang umulan sa driver. Halos mga sampung libong ang hula sa halaga noon. Sa labas ng bintana ng kotse, isang bodyguard na malinis ang gupit at nakaitim na damit ay nagtanong, “Pwede mo na bang buksan ang pintuan nga

    Last Updated : 2021-04-27
  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 12 Mapagkumbabang Jane Dunn

    Noon, kaya niya pang sabihin ng diretsuhan sa mukha niya niya, “Sean, masyado kang impluensyal at makapangyarihan. Masyado kang madaming kaawa, kaya wala ka dapat kahinaan. Una, ang iyong babae ay hindi mo dapat kahinaan. Masyadong mahina si Rosaline, kaya hindi siya pwede. Ngunit perpekto ako para sayo!”Lagi na lang, sinasabi niya ito ng ganito, “Paano mo nagagawang sabihin iyan? Ang paghabol sa lalaki ng iyong kaibigan?!” Subalit, sa nangyayari ito, bumabawi siya sa sinabi niya ng ganito, “Single ka naman ngayon, Sean. Kapag naging girlfriend mo si Rosaline, lalayo na ako sayo! Nangangako ako bilang Jane Dunn!”Sobrang arogante niyang babae dati“Nagmamakaawa ako, pakiusap ibalik mo na ang pera ko.” Ang tanging naririnig niya lang ay ang kanyang pagmamakaawa.Natahimk bigla si Sean… Talaga bang siya si Jane Dunn? Ang babaeng umaapaw sa pride at kumpyansa?Hinawakan niya ang kanyang kamay at hinatak siya pabalik sa kanyang kotse.“Pera, ang pera ko! Bitawan mo ako, Wala akong m

    Last Updated : 2021-04-27
  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 13 Ilipat Siya Sa PR Department

    Kabadong nakatayo si Jane sa harapan ni Sean. Isang saglit pa, may kumatok sa pintuan at sabi ni Sean sa kanyang malalim at nakakaakit na boses, “Pumasok ka na”Kabadong tumingin si Jane sa taong kapapasok palang— Ito ay si Alora Smith, ang taong nag interview sa kanya tatlong buwan ang nakalipas.“Hi, Alora.” Ang puso ni Jane ay nasa kanyang lalamunan na. Maingat niyang tinignan si Sean, na siyang nakaupo sa couch at lumingon pabalik kay Alora, na biglang dumating dito. Ang kanyang puso ay kumakabog. Wala siyang ideya kung ano ang balak ng hindi mabasang lalaking ito ngayon.“Kamusta, Mr. Stewart.” Nakasuot si Alora ng puting suit at hindi nito itinatago ang kanyang ganda. Alam niya kung paano dapat kumilos sa harapan ni Sean, nagsalita,”Ano ang magagawa ko para sayo, sir?”Napansin ni Jane na kakaiba ang paguugali ni Alora kay Sean, na para bang si Sean ay kanyang suki o boss… Ang hindi alam ay na si Sean talaga ang big boss ni Alora. Nakulong si Jane ng tatlong taon sa bilanggua

    Last Updated : 2021-04-27

Latest chapter

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 331 Dagdag na Kwento Ang Pagtatapos

    Ang pangalan ko ay Luka Stewart. Ito ay kakaibang pangalan, ‘diba? Parang ‘Tignan mo! Sabaw.’Lolo ko ang nagbigay ng pangalan ko. Sa lahat ng maraming taon ng karanasan ko bilang bata ay nagsasabi na ang lolo ko ay hindi mabait na tao.Isang tabi na ang lahat, tignan mo na lang ang pangalan na binigay niya sa akin. Mayroon siyang mahusay na pangalan mismo, ngunit binigyan niya ako ng kakaibang pangalan.Subalit, bawat beses na mag protesta ako tungkol dito sa kanya, lagi niyang sinasabi na ito ay kasalanan ng aking ama. Kung si Dad ay naging babae, siya sana ang magkakaroon ng pangalan na iyon.Tignan mo, SI Grandpa ay ang siyang nagbigay sa akin ng ganito kasamang pangalan, ngunit sinisisi niya ang lahat sa aking ama.Ah, nakalimutan ko silang ipakilala ng ayos.Ang pangalan ng lolo ko ay Sean Stewart.Tila, siya ay medyo gwapo noong kanyang kabataan.Ang aking lolo ay nagngangalang Jane Dunn.Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano sila nauwing magkasama. Sila talaga

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 330 Kinulong Ni Sean Ang Katawan ni Jane Kinulong ni Jane Ang Sarili Niyang Puso

    Sa ospital, walang tunog na bumukas ang pinto ng ward. Sa oras na ‘to, hindi ipinahayag ni Dos ang pagdating ng mas maaga.Nang nagmamadaling dumating si Elior, mabilis niyang nakita ang babaeng iyon.Bago pa siya makapagsalita, hinila siya ni Alora papunta sa pasilyo. Nagbukas ang pinto at nagsara muli.Ang lalaki sa kama ay tumagilid, mahimbing ang tulog.Walang nakakaalam kung tungkol saan ang napapanaginipan ng lalaki, ngunit ang malalim na pagkakunot ng noo sa kanyang mukha ay nagpakitang hindi maganda ang mga panaginip niya.Ang kanyang kamay ay nagpapahinga sa panlatag, ang kanyang wedding ring ay suot niya pa rin sa kanyang daliri.Mabagal siyang nilapitan ng babae, sa wakas ay tumigil sa harap ng kanyang hospital bed.Ang mga mata nito’y maningning at maaliwalas, ang kanyang tingin ay lumapag sa singsing sa kamay ng lalaki.Wala ring nakakaalam kung ano ang iniisip ng babae.Tinitigan niya ang singsing ng mahabang, mahabang oras, hanggang mawalan siya ng ulirat.Mata

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 329 Jane Dunn Ang Lagi Mong Ginagawa Ay Ang Tumakbo

    "Jane, hindi paraiso ang Erhai. Ang tinatawag mong kapayapaan ay pagtakas lamang," taimtim na sinabi ni Alora.Hindi nga dapat niya ito sinasabi, pero may mga nakikita siyang bagay na hindi nakikita ng mga taong sangkot.Siguro ang sitwasyon ay laging mas malinaw mula sa labas. Siguro hindi.Kahit na, malinaw niyang nakikita na nag-aalinlangan si Jane.Tatlong taon na ang nakalipas, tinulungan niya si Jane tumakbo palayo dahil taos puso niyang gustong mamuhay si Jane ng payapang buhay mula noon.Marami na ang nagbago sa tatlong taon. Nagmature na rin siya.Ito ay dahil sa bago niyang nalamang maturity na hindi siya tumigil kakaisip tungkol doon.Tama ba siyang tulungan si Jane na makatakas tatlong taon na ang nakalipas? O ito ay isang pagkakamali?Malabo, nagsimula siyang mag-isip na mali siya.Ang babaeng ito ay lubusang natakot. Walang paraan na titigil siya at titingin sa kanyang paligid para makita ang mga tao at katotohanan.Sa loob ng tatlong taon, nakita rin ni Alora k

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 328 Pinilit Siya Paisa Isang Hakbang

    So pumunta ka nga rito para pag-usapan ang matandang lalaki?” Natawa ang lalaki sa kama, may malinaw na hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. “Michael Luther, ang matandang lalaki ay hindi takot na mamatay ako. Mayroon siyang isa pang apo para magmana ng trono niya.Si Michael ay tumawa ironically.“Sa tingin mo talaga na babalik ako sa Stewarts? Ang maruming lugar na iyon.”“Ayaw mo sa Stewart Industries?” malamig na sinabi ni Sean. “Well, sa kasong ‘yan, mukhang mabibigo ka.“Stewart Industries, huh.” Pinadaan ni Michael ang kanyang tingin kay Sean at tumingin sa labas ng bintana. “Mukha maganda, so palagay ko gusto ko nga ito. Ibibigay mo ba ito sa akin?”“Kung hindi, hindi mo ba ‘to kukunin ng pwersahan?”“Kung ikaw ang may hawak, sigurado.” Hindi sinubukan ni Michael itago ang kanyang ambisyon. “Pero kung mamatay ka, hindi ko ito kukunin mula sa kanya.”Naningkit ang mga mata ni Sean. “Well, siguradong tapat ka sa nararamdaman mo para sa kanya. Dapat bang sabihan kitang a

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 327 Hindi Imbitadong Bisita

    Si Michael Luther ay pumasok sa Stewart Old Manor.“Ikaw ang nasa likod ‘nun, hindi ba?”Walang kahit anong babala o konteksto, sinigawan niya si Old Master Stewart, na simpleng umiinom ng tsaa.“Bigla kang lumabas kung saan… para lang magpakita ng kabastusan sa lolo mo? Ibinaba ni Old Master Stewart ang kanyang tasa, naninigas ang kanyang matandang mukha.“Ikaw ang naglagay kay butler Summers doon, ‘di ba?“Kung hindi man, ay hindi siya maglalakas ng loob, ‘di ba?”“Anong ibig mong sabihin? Anong nagawa ni Summers na dahil sa akin?”“Ikaw ang nasa likod ng aksidente ni Jane. ‘Yan ang gusto kong malaman. Ikaw ba, o hindi ikaw?!” Si Michael ay nasa tabi niya.Sa sandaling narinig ni Old Master Stewart ang pangalan ni Jane, ang kanyang ekspresyon ay mabilisang naging madilim. “Ano ito? Lalabanan mo ang sarili mong lolo para sa kanya?”“Ibig sabihin niyan… inaamin mo.”Tinikom ni Michael ang kanyang kamay sa isang kamao, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa galit. “Ano ba

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 326 Pagod Na Ako Sa Laro Na Ito

    Sa sumunod na tatlong araw, ang taong iyon ay hindi humakbang kahit isa papasok ng bahay.Tumayo si Tres at si Cuatro sa may pinto na tila isang pares ng walang ekspresyong guardian gods.Ang dating tahanan ng babae ay wasak na, kaya bumalik siya sa Stewart Manor. Sa pinakamalalim na bahagi ng manor, hindi niya marinig ang mga ibon o maamoy ang mga bulaklak. Ang butler ay ganap na ganap na professional din, at lahat ay naayos na para sa kanya.Bukod kay Tres at kay Cuatro, wala siyang ibang makausap.Wala, kahit si Tres at si Cuatro ay hindi siya kinausap.At para sa family butler, laging mabuti ang pagkilos nito at tunay na magalang sa kanya sa tuwing sila’y nagkikita.Ang kanyang tainga ngayon ay halos wala nang pakinabang, ang kanyang bibig ay dekorasyon na lamang.Ang mga naglilingkod sa paligid ng bahay ay pamilyar ang mga mukha, habang ang iba ay mukhang bago. Hindi ito mahalaga. Kahit sino pa ang makakita sa kanya, sila’y tumatango lamang bilang paggalang at maglalakad sa

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 325 Mahal Kita

    Nalalapit na ang araw para sa bone marrow transplant ni Jason.Nagpalit na siya sa isang surgical gown. Si Madam Dunn ang kasama niya.“Huwag ka kabahan, Jason. Walang mangyayari na mali.” Inalo siya ni Madam Dunn. Kahit na, ang anak niya ay nanatiling tahimik.Habang tinitignan niya ang payat na pisngi ng anak niya, minura niya ulit si Jane sa puso niya.“Kung hindi dahil sa mabuting-puso na tao na kamatch mo, iyong malditang Jane na iyon ay muntik ka na mapatay.”Mukhang nasaktan si Jason.“Mama! Tumigil ka!”“Huh? Anong mayroon sa iyo?“Naaawa si mama para sayo. Bakit mo ako sinisigawan?”“Mama, huwag ka magsalita ng ganyang kay Jane.”“Bakit hindi ko pwede gawin iyon? Wala nga siya pake sa sariling miyembro ng pamilya niya.”Kinamumuhian ni Madam Dunn ang anak niyang babae mula sa kailaliman ng puso niya.Ngunit kahit na napatunayan niyang na talgang napagkamalan niya na hindi niya sariling anak si Jane, si Madam Dunn ay nanatiling kampi laban sa anak niya.Kung sabaga

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 324 Nakuha Na Ni Jane Ang Gusto Niya

    Lumipas ang mga araw. Lulutuin ng lalaki lahat ng pagkain niya. Kapag pupunta siya sa trabaho, isasama niya ang babae sa tabi niya, pinapanatili siya sa paningin niya sa lahat ng oras. Mukha silang matamis at mapagmahal na mag-asawa.Mayroon itsura ng kainggitan sa mga mata ng ibang tao kapag nakikita nila si Jane.Sa oras, lahat ng tao mula sa bilog ay alam na.May nag buntong hininga, ‘si Jane Dunn mula sa pamilyang Dunn ay nakaraos na. Noong hinahabol niya pa lang si Sean dati, siya ay isang mapamillit na go-getter.’Ang iba ay may katulad na sentimyento rin. Nakuha na rin Jane kung ano ang gusto niya/Isang katapusan ng linggo.“Gusto ko siya makita.”“Sino?”“...Kuya ko.”May kumislap sa mga mata ng lalaki. Kahit na, pinanatili niya pa rin ang itsura niya.“Hindi mo kailangan mag-alala kay Jason.”Isang casual na ugali.Piniga ni Jane ang mga kamao niya. Pagkatapos ng ilang saglit...“Ang kondisyon niya ay hindi maganda. Gusto ko siya makita.”“Hindi ba maayos ang pa

  • Mapanganib na Pagbabago   Kabanata 323 Gumawa Siya Ng Isa Pang Kulungan

    ‘Di kinalauna’y nagising din si Jane. Madilim ang kuwarto nang siya’y magising. Bumangon siya at naglakad-lakad sa sala. Hindi na niya ikinagulat ang lalaking nakaupo sa may sofa sa ilalim ng mainit na ilaw habang nanonood ng telebisyon.Mahina lamang ang tunog ng telebisyon sa sala dahil nag-aalala itong baka magising niya ang kanyang kasama kapag masyado itong malakas.Maririnig ang mga magaang yapak mula sa pasilyo. Napalingon ang lalaki.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Ni wala ma lang pagbabago sa kanilang mga emosyon. Tila’y matagal na panahon na silang kasal at nagsasama. Tila ri’y mayroon silang kasunduang hindi na kailangang sabihin pa. Walang nagtangkang pigilan ang kakaibang kapayapaang kanilang nararamdaman.Mistulang… payapa sila sa isa’t isa.Tumayo ang lalaki, naglakad patungo sa gilid na lamesa, ininit ang mga pagkain, at ibinalik ito sa lamesa.Tahimik na tumungo rito ang babae, at umupo sila upang kumain.Mistulang wala silang away-bati na pagsasama, na wala si

DMCA.com Protection Status