Sa kalagitnaan ng pagtakas naming dalawa ay may bigla na lang huminto at humarang na dalawang itim na van sa dinaraanan namin.
Pinilit kong umatras at umabante para lang malusutan ang mga humahabol sa amin. Pero sa dami nila ay hindi ko sila napigilan at hindi ako nakagawa kaagad ng paraan para matakasan sila.Bumaba ang mahigit sampung armadong lalaki mula sa dalawang van na iyon at saka sapilitang pinababa sa loob ng aking sasakyan.Hinigit nila ako sa braso at kinaladkad papasok sa loob ng sasakyan.Nakatakip ng itim na maskara ang mga bibig nila kung kaya't hindi ko sila namukahan isa-isa. Wala pa ring malay si Mira nang isakay siya sa kabilang sasakyan at sa kabilang van na iyon ay may napansin akong isang lalaki na nakaupo sa tabi ng driver seat habang nakamaskara ang buong mukha nito.Kapansin-pansin ang maskarang suot niya dahil siya lamang ang natatangging may kakaibang maskara sa kanila at bukod pa roon ay may kutob akMaingat akong pumasok sa loob ng exit stairs at dahan-dahan itong isinara. Mula sa ikalawang palapag ay may naririnig akong boses ng isang lalaki na animoy may kinakausap sa cellphone niya."Huwag po kayong mag-alala at ako po ang bahala sa lahat, Dad." Ang huling salitang narinig ko mula sa kaniya sabay binabaan na niya ito ng tawag.Dad? ibig sabihn, tatay pala niya yung kausap niya?Bulong ko mula sa aking isipan."Hay naku, kung anu-ano na lang ang iniisip ko. Kapamilya pala niya yung kinakausap niya." Mahinang saad ko sa aking sarili at tipong lalabas na sana pero kaagad din akong natigilan nang matandaan ko ang pamilyar niyang boses.Sandali nga lang, bakit parang magkaboses silang dalawa nung lalaking kumidnap sa amin non at ng misteryosong lalaki na nakatakip ng maskara ang mukha? hindi kaya siya nga yung narinig ko kanina? Muli akong napatingala sa kinaroroonan niya at apurahang umakyat ng hagdan para puntahan ito.
"Ano na ang plano mo ngayon, Ivan?" tanong ni Mira sa akin kung kaya't napatingin ako sa kaniy ngunit saglit lamang dahil muli kong tinuonan ng atensyon ang minamaneho kong sasakyan."Ang totoo niyan wala akong ibang maisip na paraan kun'di ang mahanp yung usb na sinasabi sa akin ni Vyn." Pagkabanggit ko tungkol doon ay saglit naman siyang natahimik at napayuko sa kaniyang ulo.Tila may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha at parehas namin inaalala yung mga oras na nilunok niya ang maliit na memory card sa pag-aakalang kasabwat ako ng mga kalaban."Huwag kang mag-alala ibibigay ko rin sa'yo iyon, sa tamang panahon." Pagkasabi niya ay napalingon naman ako sa kaniya nang bigla siyang sumigaw at tinawag ang aking pangalan."Ivan!" mabilis kong binalingan ng atensyon ang minamaneho kong sasakyan at laking gulat ko na lamang nang makita ang isang malaking truck na sasalubong sana sa aming dalawa ngunit kaagad ko rin naman itong napreno kaya walang nangy
Nang makalabas na kami ng hospital ay nakiusap ako kay Mira na kung maaari siya na muna ang pansamantalang magbantay kay Alona, habang wala ako.Nung una ay tumanggi siya pero kalaunan ay napapayag ko rin naman siya. Sinabi ko sa kaniyana may mahalaga akong aasikasuhin at hindi ako sugurado kung kailan ako makakabalik.Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay kaagad ko naman inalaman ang tunay na pagkatao nung misteryosong nakamaskara na ngangalang, Jake. Bigla rin sumagi sa aking isipan ang mga nangyari bago mangyari ang insidente pati na rin yung paghubad ng maskara ng lalaking nasa loob ng sasakyan at bumaril sa gulong ng sinasakyan namin.Ngayon ko lang napagtanto na ang nakaupo sa driver seat at nagmamaneho ng sasakyan nang mga sandaling iyon ay si Jake. Marahil ay ipinasa niya ang sinusuot niyang maskara sa katabi niya para lituhin ako kung sino ba sa kanilang dalawa ang tunay na namumuno sa kanilang grupo.Makalipas ang isang buwan ay na
Nang makabalik na ako ng bansa ay kaagad din akong nakipagkita kay Mira.Hating gabi iyon nang magkita kaming dalawa. Mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin na may guhit ng ngiti sa kaniyang labi.Sa gabing iyon ay naikwento niya sa akin ang lahat ng mga nangyari sa hospital na kinaroroonan ni Alona, maging yung pagpasok sa loob ng isang misteryosong tao upang pagbantaan ang kaniyang buhay.Malakas daw ang kutob niya na may kinalaman si Karlos Miguel sa mga nangyayari sa dalaga, gayong nalaman niya na sinugod ito sa hospital na pinagtatrabauhan niya nang mawalan ito ng malay.Nakita rin niya ang lagay ng kondisyon nito na may mga pasa at sugat sa iba't-ibang bahagi ng kaniyang katawan na animoy binugbog siya ng isang grupo.Nalaman ko rin na unti-unti na ring napapalapit ang kalooban ni Alona sa kaniya at nangangamba ako na baka tuluyan siyang mahulog sa patibong ng lalaking iyon. Hindi talaga ako mapalagay sa t
Pakiusap, Mira.Huwag na huwag kang papayag sa inuutos niyang ipagawa sa'yo. Bulong ko mula sa aking isipan habang nakatingin ako sa kinaroroonan niya.Pero habang tumatakbo ang segundo ng oras ay pabilis naman ng pabilis ang kaba mula sa aking puso.Hanggang sa tumango siya sa kaniyang ulo na nagpakirot sa aking didbib.Napapikit na lamang ako ng aking mata at napakuyom ng mariin sa dalawa kong kamao. Gumuhit naman ang mawalak na ngiti sa labi ni Jake at muli siyang napatingin sa akin na may pag-ngiwi sa gilid ng kaniyang labi.Pagkatapos niya itong mapapayag ay kaagad naman niya pinatayo si Mira at sinama sa kaniya hanggang sa paglabas."Mira! Mira!" paulit-ulit ko siyang tinatawag sa pangalan niya hanggang sa hindi ko na siya nakita pa.Nagsialisan naman silang lahat at sumunod kay Jake sa paglabas ng bodega.Nakadapa pa rin ako sa sahig na may guhit ng kunot sa aking noo.Paulit-ulit
Nang madischarge ako sa hospital ay nagtungo rin ako kaagad sa sementeryo kung saan inilibing si Mira.Maghahating gabi na non kaya wala ng tao roon at ako na lamang mag-isa.May dala akong pala at binabalak ko na hukayin ang libingan niya dahil may mahalagang bagay ako na dapat makuha sa kaniya. Iyon ang memory card na pinasok niya at itinago sa loob ng kamay niya. "Patawad, Mira. Kung hindi kita naprotekatahan at patawarin mo ako kung gagawin ko ito." Saad ko at unti-unting tinuklap ang nakamarkang tahi sa kaniyang kamay gamit ang matalas na gunting. Labag sa kalooban ko ang gawin iyon gayung wala naman akong karapatan na dalawin siya sa puntod niya dahil ko siya nagawang iligtas ng mga sandaling iyon.Pagkatapos ko makuha sa kaniya ang maliit na memory card ay kaagad ko rin binalik sa maayos ang libingan niya at tsaka ako nag-alay ng isang puting rosas bilang pamamaalam sa kaniya at dahil alam kong paborito niya ang bu
"Kainis! bakit pa kasi ako pinapunta ni Dad sa ganitong klase ng restaurant? mukhang hindi naman masarap yung mga pagkain nila dito." Reklamong saad ni Karlos habang nakaupo siya sa aking tabi at nilalapag ng mga waitress ang pagkaing inorder ng kaniyang ama sa lamesang nasa harapan namin.Kasalukuyan kasi kaming nasa loob ng isang sosyaling restaurant at wala ring gaanong mga customer doon maliban lang sa amin dahil pinareserve ni Mr. Sermiento ang buong restaurant na iyon. Nakatayo naman sa bandang likuran ko si Ivan at tahimik lang na nagbabantay sa akin."Nga pala, bakit mo pa sinama itong, (pinagmasdan na muna niya si Ivan mula ulo hanggang paa, pabalik,) bodyguard mo? hindi ka ba makaalis sa inyo ng wala siya? hindi ka naman bata, malaki ka na kaya bakit sinama mo pa ang alalay mo?" mariin na sambit ni Karlos kaya matalim siyang tinignan sa mata ni Ivan at tipong lalapitan sana siya nito nang muling magsalita si Karlos na ikinahinto niya.
Maya maya lamang ay dumating na nga ang nasabing bisita na inimbitahan ni Ginoong Henry Sermiento."Nandito na pala sila." Sabay napatayo siya upang salubungin ang nabanggit na bisita. Nagsilingunan naman silang lahat sa tinutukoy ng ginoo at laking gulat na lamang ni Ivan, nang mapagtanto niya na si Jake pala ang tinutukoy ng Ginoo.Napatayo naman sina Karlos at Alona, upang batiin ang mga ito.Napamaang na lamang si Karlos sa kinatatayuan niya at napatitig sa dalagang kasama ni Jake, na si Shaina. Na kasalukuyan namang nagpapanggap bilang si Jen at kahit nagpalit na ito ng kaniyang mukha ay tila parang nakukutuban niya na kilala niya ito kahit parang hindi rin siya sigurado sa kaniyang nararamdaman.Lumapit naman ang dalawa sa lamesa nila at isa-isa silang kinamayan na may guhit ng ngiti sa kanilang mga labi.Wala namang kamalay malay si Alona na yung taong nasa harapan niya ngayon ay sina Jake at Shaina, ang mga hinihinala ni