Apurahan akong lumapit sa kaniya pero nakakailang hakbang pa lamang ako ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at bigla na lang umiikot ang buong paligid ko.
Napaluhod na lang ako at mabilis na bumagsak sa sahig.Ang huling pagkaalala ko ay may sinasabi siya sa akin ngunit hindi ko naman marinig at pagkatapos non ay bigla na lang pumikit ang aking mga mata.Nang magkamalay na ako ay nadatnan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa 'di pamilyar na kuwarto.Bumagon rin ako kaagad at ramdam ko ang bigat mula sa likod ng aking ulo dahil sa pagkakabagsak ko kanina.Bumukas naman bigla yung pintuan at pumasok sa loob si Mira na may bitbit na isang baso ng tubig.Tipong tatayo na sana ako nang matigilan ako at napagtanto na nakaposas pala ang isang kamay ko sa kama."Mina," tawag ko sa pangalan niya na may bakas ng pagtataka sa aking mukha."Pasensya na, Ivan. Kailangan ko itong gawin para sa sariliSa kalagitnaan ng pagtakas naming dalawa ay may bigla na lang huminto at humarang na dalawang itim na van sa dinaraanan namin.Pinilit kong umatras at umabante para lang malusutan ang mga humahabol sa amin. Pero sa dami nila ay hindi ko sila napigilan at hindi ako nakagawa kaagad ng paraan para matakasan sila.Bumaba ang mahigit sampung armadong lalaki mula sa dalawang van na iyon at saka sapilitang pinababa sa loob ng aking sasakyan.Hinigit nila ako sa braso at kinaladkad papasok sa loob ng sasakyan.Nakatakip ng itim na maskara ang mga bibig nila kung kaya't hindi ko sila namukahan isa-isa. Wala pa ring malay si Mira nang isakay siya sa kabilang sasakyan at sa kabilang van na iyon ay may napansin akong isang lalaki na nakaupo sa tabi ng driver seat habang nakamaskara ang buong mukha nito.Kapansin-pansin ang maskarang suot niya dahil siya lamang ang natatangging may kakaibang maskara sa kanila at bukod pa roon ay may kutob ak
Maingat akong pumasok sa loob ng exit stairs at dahan-dahan itong isinara. Mula sa ikalawang palapag ay may naririnig akong boses ng isang lalaki na animoy may kinakausap sa cellphone niya."Huwag po kayong mag-alala at ako po ang bahala sa lahat, Dad." Ang huling salitang narinig ko mula sa kaniya sabay binabaan na niya ito ng tawag.Dad? ibig sabihn, tatay pala niya yung kausap niya?Bulong ko mula sa aking isipan."Hay naku, kung anu-ano na lang ang iniisip ko. Kapamilya pala niya yung kinakausap niya." Mahinang saad ko sa aking sarili at tipong lalabas na sana pero kaagad din akong natigilan nang matandaan ko ang pamilyar niyang boses.Sandali nga lang, bakit parang magkaboses silang dalawa nung lalaking kumidnap sa amin non at ng misteryosong lalaki na nakatakip ng maskara ang mukha? hindi kaya siya nga yung narinig ko kanina? Muli akong napatingala sa kinaroroonan niya at apurahang umakyat ng hagdan para puntahan ito.
"Ano na ang plano mo ngayon, Ivan?" tanong ni Mira sa akin kung kaya't napatingin ako sa kaniy ngunit saglit lamang dahil muli kong tinuonan ng atensyon ang minamaneho kong sasakyan."Ang totoo niyan wala akong ibang maisip na paraan kun'di ang mahanp yung usb na sinasabi sa akin ni Vyn." Pagkabanggit ko tungkol doon ay saglit naman siyang natahimik at napayuko sa kaniyang ulo.Tila may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha at parehas namin inaalala yung mga oras na nilunok niya ang maliit na memory card sa pag-aakalang kasabwat ako ng mga kalaban."Huwag kang mag-alala ibibigay ko rin sa'yo iyon, sa tamang panahon." Pagkasabi niya ay napalingon naman ako sa kaniya nang bigla siyang sumigaw at tinawag ang aking pangalan."Ivan!" mabilis kong binalingan ng atensyon ang minamaneho kong sasakyan at laking gulat ko na lamang nang makita ang isang malaking truck na sasalubong sana sa aming dalawa ngunit kaagad ko rin naman itong napreno kaya walang nangy
Nang makalabas na kami ng hospital ay nakiusap ako kay Mira na kung maaari siya na muna ang pansamantalang magbantay kay Alona, habang wala ako.Nung una ay tumanggi siya pero kalaunan ay napapayag ko rin naman siya. Sinabi ko sa kaniyana may mahalaga akong aasikasuhin at hindi ako sugurado kung kailan ako makakabalik.Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay kaagad ko naman inalaman ang tunay na pagkatao nung misteryosong nakamaskara na ngangalang, Jake. Bigla rin sumagi sa aking isipan ang mga nangyari bago mangyari ang insidente pati na rin yung paghubad ng maskara ng lalaking nasa loob ng sasakyan at bumaril sa gulong ng sinasakyan namin.Ngayon ko lang napagtanto na ang nakaupo sa driver seat at nagmamaneho ng sasakyan nang mga sandaling iyon ay si Jake. Marahil ay ipinasa niya ang sinusuot niyang maskara sa katabi niya para lituhin ako kung sino ba sa kanilang dalawa ang tunay na namumuno sa kanilang grupo.Makalipas ang isang buwan ay na
Nang makabalik na ako ng bansa ay kaagad din akong nakipagkita kay Mira.Hating gabi iyon nang magkita kaming dalawa. Mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin na may guhit ng ngiti sa kaniyang labi.Sa gabing iyon ay naikwento niya sa akin ang lahat ng mga nangyari sa hospital na kinaroroonan ni Alona, maging yung pagpasok sa loob ng isang misteryosong tao upang pagbantaan ang kaniyang buhay.Malakas daw ang kutob niya na may kinalaman si Karlos Miguel sa mga nangyayari sa dalaga, gayong nalaman niya na sinugod ito sa hospital na pinagtatrabauhan niya nang mawalan ito ng malay.Nakita rin niya ang lagay ng kondisyon nito na may mga pasa at sugat sa iba't-ibang bahagi ng kaniyang katawan na animoy binugbog siya ng isang grupo.Nalaman ko rin na unti-unti na ring napapalapit ang kalooban ni Alona sa kaniya at nangangamba ako na baka tuluyan siyang mahulog sa patibong ng lalaking iyon. Hindi talaga ako mapalagay sa t
Pakiusap, Mira.Huwag na huwag kang papayag sa inuutos niyang ipagawa sa'yo. Bulong ko mula sa aking isipan habang nakatingin ako sa kinaroroonan niya.Pero habang tumatakbo ang segundo ng oras ay pabilis naman ng pabilis ang kaba mula sa aking puso.Hanggang sa tumango siya sa kaniyang ulo na nagpakirot sa aking didbib.Napapikit na lamang ako ng aking mata at napakuyom ng mariin sa dalawa kong kamao. Gumuhit naman ang mawalak na ngiti sa labi ni Jake at muli siyang napatingin sa akin na may pag-ngiwi sa gilid ng kaniyang labi.Pagkatapos niya itong mapapayag ay kaagad naman niya pinatayo si Mira at sinama sa kaniya hanggang sa paglabas."Mira! Mira!" paulit-ulit ko siyang tinatawag sa pangalan niya hanggang sa hindi ko na siya nakita pa.Nagsialisan naman silang lahat at sumunod kay Jake sa paglabas ng bodega.Nakadapa pa rin ako sa sahig na may guhit ng kunot sa aking noo.Paulit-ulit
Nang madischarge ako sa hospital ay nagtungo rin ako kaagad sa sementeryo kung saan inilibing si Mira.Maghahating gabi na non kaya wala ng tao roon at ako na lamang mag-isa.May dala akong pala at binabalak ko na hukayin ang libingan niya dahil may mahalagang bagay ako na dapat makuha sa kaniya. Iyon ang memory card na pinasok niya at itinago sa loob ng kamay niya. "Patawad, Mira. Kung hindi kita naprotekatahan at patawarin mo ako kung gagawin ko ito." Saad ko at unti-unting tinuklap ang nakamarkang tahi sa kaniyang kamay gamit ang matalas na gunting. Labag sa kalooban ko ang gawin iyon gayung wala naman akong karapatan na dalawin siya sa puntod niya dahil ko siya nagawang iligtas ng mga sandaling iyon.Pagkatapos ko makuha sa kaniya ang maliit na memory card ay kaagad ko rin binalik sa maayos ang libingan niya at tsaka ako nag-alay ng isang puting rosas bilang pamamaalam sa kaniya at dahil alam kong paborito niya ang bu
"Kainis! bakit pa kasi ako pinapunta ni Dad sa ganitong klase ng restaurant? mukhang hindi naman masarap yung mga pagkain nila dito." Reklamong saad ni Karlos habang nakaupo siya sa aking tabi at nilalapag ng mga waitress ang pagkaing inorder ng kaniyang ama sa lamesang nasa harapan namin.Kasalukuyan kasi kaming nasa loob ng isang sosyaling restaurant at wala ring gaanong mga customer doon maliban lang sa amin dahil pinareserve ni Mr. Sermiento ang buong restaurant na iyon. Nakatayo naman sa bandang likuran ko si Ivan at tahimik lang na nagbabantay sa akin."Nga pala, bakit mo pa sinama itong, (pinagmasdan na muna niya si Ivan mula ulo hanggang paa, pabalik,) bodyguard mo? hindi ka ba makaalis sa inyo ng wala siya? hindi ka naman bata, malaki ka na kaya bakit sinama mo pa ang alalay mo?" mariin na sambit ni Karlos kaya matalim siyang tinignan sa mata ni Ivan at tipong lalapitan sana siya nito nang muling magsalita si Karlos na ikinahinto niya.
Makalipas ang isang taon pagkatapos naming makapag-usap dalawa ni Karlos ay nabalitaan ko na lamang na isinuko niya ang kaniyang sarili na kasama si Shaina, pagkatapos niyang makapanganak. Nalaman ko rin na pinaubaya niya ang kanilang anak sa mas ligtas na lugar, sa isang bahay-ampunan. Kung saan nangako sila sa mga tagapagbantay doon na babalikan nila ang kanilang anak pagkatapos nilang malinis ang mga kasanalang nagawa nilang dalawa. Pinaubaya rin niya sa kamay ng mga owtoridad ang tungkol sa USB na ibinigay ko sa kaniya na may nilalamang ebidensiya tungkol sa mga krimeng ginawa ng sarili niyang ama na si Henry Sermiento at kasama na roon ang anak nito sa labas na si Jake. Maraming kaso ang kinakaharap nila ngayon at unti-unti ring bumagsak ang sarili nilang kumpanya. Bukod pa roon ay marami rin silang nahanap na ebidensiya na magpapatunay sa krimeng ginawa
Dalawang taon ang makalipas magmula no'ng mamalagi ako sa ibang bansa kasama ang aking anak na si Emily.Pagkatapos ng dalawang taong iyon ay muli akong bumalik sa Pilipinas na kasama ang aming anak ni Karlos, upang ipakilala sa kaniya ang naging bunga ng aming pagmamahal nuon sa isa't-isa.Sapat na ang dalawang taong iyon upang makaipon ako ng lakas ng loob at ipagtapat sa kaniya ang matagal ko nang itinatago sa kaniya. Nakipagkita ako sa kaniya sa isang private restaurant upang makipag-usap sa kaniya ng masinsinan. Habang naglalakad ako papunta sa pinareserve niyang table ay natanaw ko kaagad ang pamilyar na mukha ng isang babaeng katabi niya.Nakasuot akong puting off-shoulder blouse at simpleng black-trouser na may five inch heels na suot sa aking paa, habang maayos namang nakaipit ang mahaba kong buhok na taas-noong naglalakad papunta sa kanila. "Alona." Ang unang salitang narinig ko mula kay Karlos na
Kanina pa ako palakad-lakad at palingon-lingon sa aking paligid, habang hinahanap ko si Karlos. Nagpaalam kasi siya sa akin kanina na pupunta lang siya sandali ng restroom, ngunit halos mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya bumabalik. Iniisip ko na baka natangay na naman siya ng mga kakilala niyang negosyante o baka nakipagkuwentuhan na naman siya sa mga kasosyo niya sa negosyo.Subalit halos nalibot ko na yata ang buong hasyenda ay hindi ko pa rin siya nahahagilap. Nagpunta na rin ako sa men's restroom at inaabangan siya sa paglabas mula roon sa banyo, ngunit mukhang wala rin siya roon.Saan kaya siya nagpunta? bakit ang tagal naman yata niyang bumalik? Ang paglalayag sa aking isipan habang naglalakad ako at may hawak na metal stick pang-suporta sa aking paglalakad dahil kailangan ko pa ring mag-ingat sa bawat ikinikilos ko at dahil kailangan ko pa ring magpanggap na bulag
"Good evening, Mr. Sermiento. Nice too see you again." Bati ng isang ginoo kay Karlos habang nagkakamayan silang dalawa.Kasalukuyan kaming nasa isang engrandeng okasyon. Hindi nabanggit sa akin ni Karlos kung saan kami tutungo, basta ang sinabi lang niya ay may pupuntahan daw kaming espesyal na okasyon.Nilibot ko ng tingin ang buo naming paligid. Mukhang napakaespesyal nga ng gabing ito dahil hindi lang basta-bastang ordinaryong bisita ang mga dumalo sa okasyong iyon. Pasimple kong pinagmamasdan ang aming paligid at hindi ako masyadong gumagalaw dahil baka may makahalata na nakakakita na akong muli. Nagsuot ako ng itim na sunglasses dahil iyon ang binilin sa akin ni Ivan, medyo hindi kasi ako mahusay umakting kaya nag-iingat lang din siya. Pagkatapos niyang makipagbatian sa mga kakilala niyang negosyante ay kaagad din naman siyang lumapit sa akin at inakbayan ako sa aki
Makalipas ang mahigit isang taon na pamamalagi namin ni Ivan sa ibang bansa ay muli kaming nakabalik at nakauwi ng Pilipinas. Pagkababa ng eroplano ay sumalubong din naman kaagad sa aming dalawa ang mga malalapit naming kaibigan at kamag-anak. Saglit kong inalis ang itim na sunglasses na aking suot at saka itiningala ang aking mukha sa langit, sabay ipinikit ang aking mga mata upang damhin ang sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha.Namiss ko 'to. Ang tumingala sa langit at damhin ang sinag ng araw habang tahimik na pinapakinggan ang ingay sa aking kapaligiran. Pagkatapos ng isang taon na pamamalagi ko sa ibang bansa ay halos ngayon ko lang ulit naramdaman ang init na pagsalubong sa akin ng bansang kinagisnan ko. Palagi na lang kasi kaming nakasuot ng makakapal na damit sa ibang bansa at halos puro snow lang ang makikita sa aming paligid.Umaaraw din naman roon pero hindi gaanong kainit, hindi
Nakatanggap kami ng magandang balita ni Ivan mula sa ibang bansa, tungkol ito sa aking donor sa mata.Nakumpirma rin namin mula sa pinakamahusay na doktor na may pag-asa pang maibalik muli sa normal ang mga paningin ko at buong puso akong nagpapasalamat sa maykapal dahil binigyan niya ako muli ng isa pang pag-asa para makita ang mga magagandang tanawin sa aking kapaligiran.Kaya nagsagawa na rin kami kaagad ng plano na pansamantala na muna kaming maninirahan sa ibang bansa hanggang sa matapos ang operasyon ko at hanggang sa mailuwal ko ng maayos ang aking anak.Wala pa ring kaalam-alam si Karlos tungkol sa anak naming dalawa. Pinili kong ilihim ito sa kaniya dahil ayokong angkinin niya ang aking anak, kagaya ng ginawa ng kaniyang ama sa tunay na ina ni Jake.Kung saan puwersahan siyang sinama ng kaniyang ama at pinatay ang sarili niyang ina. Kung magkataon ay baka ikamatay ko rin iyon kung sakaling mawa
Pagkagising ko sa umaga ay bigla na lang akong nakaramdam ng papanakit ng ulo kaya napabangon din ako kaagad at lumabas mula sa aking kuwarto nang makarinig ako ng mga pagtatawanan mula sa kabilang silid at kung hindi ako nagkakamali ay opisina iyon ni Karlos. Maliit na liwanag lamang ang naaninag ko ngunit parang dinadala ako roon ng mga paa ko, hanggang sa mapakahawak sa seradura ng pinto at marahan itong binuksan.Mas lumakas pa ang pagtatawanan na naririnig ko kanina at napagtanto ko na may babae pala sa loob ng opisina niya at kung hindi ako nagkakamali sa boses na aking narinig kanina ay mula mismo iyon kay Jen o sa totoong pangalan na si Shaina.Tila nabigla naman silang dalawa nang makita ako sa tapat ng pintuan kaya kaagad din silang natahimik at apurahan namang lumapit sa akin si Karlos habang nakasunod sa likuran niya ang babae niya."Kanina ka pa ba nandiyan?" bungad niyang tanong
(Alona's POV)Nagpasama ako sa isang kasambahay ko na magtungo sa malapit na hospital upang ipatingin ang aking mga mata.Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iba ang sinadya ko roon at hindi para ipa-check up ang aking mga mata.Walang nakakaalam tungkol sa pag-alis kong iyon. Tangging ako lang at ang kasambahay na sinamahan ako sa pagpunta roon.Nito kasing mga nakaraang araw ay parang nagiging madalas ang pagkahilo ko at pagsusuka.Palagi rin mabigat yung pakiramdam ko kahit wala naman talaga akong sakit. Medyo nag-iiba na rin ang timpla ng panlasa at pang-amoy ko na tipo pati mga paborito kong kinakain nuon ay tinatanggihan ko na ngayon at parang nababauhan ako.May kutob na ako sa mga sunud-sunod na sintomas na nararamdaman ko, subalit gusto ko pa rin makasigurado kung tama ba ang hinala ko at hindi naman ako nabigo dahil nakumpirma ko mismo mula sa aking doktor na isang buw
Nabitawan na lang bigla ni Alona ang hawak niyang baso habang pinupunasan niya ito at tinutulungan sa gawaing bahay ang mga kasambahay niya sa loob ng kusina na kasalukuyang nagpupunas din naman ng mga pinggan at baso.Napalingon naman silang lahat at natigilan nang marinig nila ang malakas na pagkabagsak nito sa sahig at kaagad ding nagkapiraso-piraso sa sahig. "Naku, Ms. Alona! ayos lang ho ba kayo? hindi ba kayo nasaktan o nasugatan? sinabi ko naman ho sa inyo na kami na ang bahala rito at magpahinga na lang kayo sa loob ng kuwarto niyo." Nag-aalalang turan ng isang katulong nila sa kaniya habang nililinis naman ng ibang kasambahay niya ang basong nabitawan nito kanina.Apurahan namang tumungo sa loob ng kusina si Ivan nang marinig niya ang malakas na pagkabasag ng baso at nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata nang matagpuan niya si Alona na nakatayo lamang sa puwesto niya at nakatulala.