Share

Kabanata 96

Author: Señorita
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Maya maya lamang ay dumating na nga ang nasabing bisita na inimbitahan ni Ginoong Henry Sermiento.

"Nandito na pala sila." Sabay napatayo siya upang salubungin ang nabanggit na bisita. Nagsilingunan naman silang lahat sa tinutukoy ng ginoo at laking gulat na lamang ni Ivan, nang mapagtanto niya na si Jake pala ang tinutukoy ng Ginoo.

Napatayo naman sina Karlos at Alona, upang batiin ang mga ito.

Napamaang na lamang si Karlos sa kinatatayuan niya at napatitig sa dalagang kasama ni Jake, na si Shaina. Na kasalukuyan namang nagpapanggap bilang si Jen at kahit nagpalit na ito ng kaniyang mukha ay tila parang nakukutuban niya na kilala niya ito kahit parang hindi rin siya sigurado sa kaniyang nararamdaman.

Lumapit naman ang dalawa sa lamesa nila at isa-isa silang kinamayan na may guhit ng ngiti sa kanilang mga labi.

Wala namang kamalay malay si Alona na yung taong nasa harapan niya ngayon ay sina Jake at Shaina, ang mga hinihinala ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 97

    "Hello, nice to meet you. I'm Jen." Halos hindi mawala sa isipan ko ang boses at mga ngiti niya sa labi habang nagpapakilala siya kanina kay Alona.Kasalukuyan akong nasa loob ng men's restroom habang naghuhugas ng aking mga kamay at tinitignan ang aking sarili sa harap ng salamin.Kahit anong pilit na paglimot ang gawin ko sa aking sarili ay tila paulit-ulit na bumubulong sa mga tainga ko ang pamilyar niyang boses.Mula sa galaw, kilos at pananalita niya ay ibang katauhan ang nakikita ko sa kaniya.Nakikita ko si Shaina sa pagkatao niya, ngunit alam ko rin naman na magkaibang tao silang dalawa.Pagkatapos kong mahugasan ang aking mga kamay ay lumabas na rin ako kaagad ng banyo nang bigla akong matigilan at mahinto sa aking paglalakad nang makasalubong ko sa paglabas si Jen, na kakalabas lang din galing sa restroom ng mga babae.Nagkasalubong ang mga mata namin sa isa't-isa pero mabilis itong umiwas ng tingin sa akin at muli

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 98 : Karlos POV

    Halos hindi ako mapakali sa loob ng opisina ko habang palakad lakad ko sa katabing bintana kung tatawagan ko ba yung cellphone number niya dahil parang kagabi pa ako hindi makatulog ng maayos sa kakaisip sa kaniya.Pakiramdam ko tuloy ay parang napakatagal naming nag-usap dalawa kaya parang hinahanap hanap siya kaagad ng mga tainga ko at gusto ko muling marinig ang nakakahalinang boses niya.Kaya hindi na ako nakapagtiis pa at tinawagan ko na ang cellphone number niya mula sa calling card na ibinigay niya sa akin.Halos panay ang pagkagat ko sa aking kuko habang hinihintay ang pagsagot niya sa tawag ko, nang bigla niya itong sagutin na mas lalo kong ikinatuwa."Yes, hello? sino 'to?" bungad niyang tanong sa akin nang sagutin niya ang tawag ko.Medyo natagalan naman ako sa aking pagtugon dahil sobrang lakas ng kaba mula sa aking dibdib pero naglakas loob pa rin ako at prenteng umupo sa aking swivel chair."Ako ito, si Karlos Migue

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 99 : Karlos POV

    Nagkita kaming dalawa ni Jen sa isang bar, kung saan naabutan ko siyang nakaupo at umiinom ng whiskey habang nakamasid siya sa binatang bartender na nasa harapan niya.Tumaas naman ang isa kong kilay nang makita kong nagpapalitan sila ng tingin ng lalaking iyon."Sorry, i'm late." Pagkasabi ko ay naputol naman ang pagtitigan nila sa isa't-isa at mabilis siyang napalingon sa akin na may guhit ng ngiti sa kaniyang labi."Ayos lang, sanay naman ako na laging pinaghihintay." Pabirong saad niya sa akin kaya tumawa na lang din ako.Umupo ako sa tabi niya at maiging pinagmasdan ang bartener na nakatingin sa kaniya kanina.Hamak namang mas guwapo ako sa kaniya kung ikikumpara ang mukha naming dalawa sa isa't-isa.Bulong ko mula sa aking isipan, matapos ko itong mapagmasdan mula ulo hanggang paa, pabalik."Nga pala, buti tinawagan mo ako?" aniya sabay uminom siya ng whiskey."What do you mean? naabala ba kita?" nakangiti

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 100

    "Ivan, nasaan tayo?" usisa ni Alona kay Ivan nang marinig niya ang mga ligalig sa kanilang paligid."Hulaan mo, Ms. Alona." Nakangiting tugon sa kaniya nang binata habang nakapamulsa ang dalawang kamay nito."Ivan, huwag mo nga akong biruin. Wala ako sa mood ngayon para makipagbiruan sa'yo kaya sabihin mo na sa akin kung saan mo ako dinala." Nakasimangot namang turan ng dalaga sa kaniya kaya umupo saglit si Ivan sa tabi niya at masayang pinagmamasdan ang buo nilang paligid."Amusement park." Mahina at maikling tugon niya sa dalaga na ikinagulat naman nito."Anong... ano nga ulit yung sinabi mo? amusement park ba kamo?" naninigurong saad nito sa kaniya at tumango na lang sa ulo si Ivan."Iva ," mahinang tawag niya sa pangalan nito na may pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata. Sandali namang napatunghay ang binata sa kaniya at laking gulat na lamang niya nang mapagtanto na may namumuong luha sa mga mata niya."Alona, ayos ka lan

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 101

    "Okay na ba? masaya ka na ba?" lingong turan ni Ivan kay Alona mula sa passenger seat habang abala itong kumakain ng cotton candy."Suotin mo na yung seat belt mo at aalis na tayo." Dugtong pa niya pero hindi siya pinapansin nito kaya saglit na muna siyang bumaba ng sasakyan at tumungo sa puwesto ng dalaga para ikabit ang seat belt nito, ngunit bigla naman siyang napamaang at napatitig sa kagandahan nito.Umayos ka, Ivan. Huwag mong abusohin ang pagkakataon dahil lang sa hindi siya nakakakita. Ang binulong niya sa kaniyang isipan kaya umalis na rin siya kaagad at muling tumungo sa puwesto niya, (sa driver seat.)Maya maya pa ay nakarating na nga sila sa mansyon nito at naabutan niyang nakatulog na pala ito dahil sa sobrang pagod. Napangisi na lang siya nang mapalingon siya sa dalaga at pinagmamasdan ang mahimbing niyang pagtulog."Pati sa pagtulog, maganda ka pa rin." Mahinang saad niya sa kaniyang sarili.Nauna na siy

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 102

    "Saan ka nanggaling kahapon?" biglang tanong ni Karlos kay Alona habang nasa harapan sila ng hapag-kainan at natigilan naman ito sa pagsubo nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang asawa. "Diyan lang sa tabi." Maikling tugon niya na ikinangisi naman ni Ivan na kasalukuyang nakatayo sa likuran ng dalaga. Tumingin naman si Karlos sa kaniya at inirapan siya sa mata."Sa susunod magpaalam ka na muna sa akin kung saan ka pupunta bago ka umalis." Dugtong pa niya habang nakayuko ang ulo niya at nakatingin sa plato niya.Muling natigilan sa pagsubo si Alona at binaba saglit ang hawak niyang kutsara at tinidor sa plato, sabay pinunasan ang kaniyang bibig gamit ang puting panyo na nakapatong sa hita niya kanina."Bakit? tapos ka na ba kumain? e, halos hindi mo pa nga nagagalaw yung kalahati ng pagkain mo." Ani ni Karlos sa kaniya habang tinuturo ang plato nito na nasa harapan niya.

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 103

    Habang nagmamaneho ng sasakyan si Ivan, patungo sa hospital kung saan dinala si Alona ay tila panay naman ang pag-iling niya sa kaniyang ulo na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha.Bago kasi mawalan ng malay si Alona ay saglit muna itong napasulyap sa kinaroroonan niya at nagtama ang mga mata nila sa isa't-isa na animoy nakikita talaga siya nito."Totoo kayang nanumbalik na ang paningin niya sa normal?" bulong niya sa kaniyang isipan at tila hindi siya mapalagay hangga't hindi niya nasisiguro kung tama ang hinala niya tungkol sa dalaga.Pagkarating niya sa nasabing lokasyon ng hospital ay laking gulat naman niya nang bumaba siya ng sasakyan at nakita ang pamilyar na lugar sa kaniya."Nalintikan na." Mahinang saad niya sa kaniyang sarili at apurahan siyang napatakbo papasok sa loob ng hospital nang makapagtanto niya ang hospital na kinalalagyan ni Alona ay yung hospital kung saan nagtatrab

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 104

    Nang magkamalay na si Alona ay nadatnan niya na si Ivan ang kasalukuyang nasa tabi niya. "Alona? Alona, naririnig mo ba ako ha?" tanong ng binata sa kaniya na may bakas ng pag-aalala sa kaniyang mukha."Karlos," ang unang salitang bumigkas sa kaniyang bibig na ikinatahimik ni Ivan.Muli tuloy siya napaupo sa silya at napabuga ng malalim na paghinga."Wala siya rito. Kakaalis lang niya kasama yung tatay niya." Mahina niyang tugon sa sinabi nito na may guhit ng kunot sa kaniyang noo.Tila naalimpungatan din naman kaagad ang dalaga nang marinig niya ang sinabi nito."Ivan?" tawag niya kaya muli nabaling ang tingin nito sa kaniya."Ako nga 'to, naririnig mo ba ako? kamusta ang pakiramdam mo? may masakit pa rin ba sa iyo o gusto mong tumawag na muna ako ng doktor?" tipong aalis na sana siya ng silid nito upang tumawag ng doktor ngunit natigilan a

Pinakabagong kabanata

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 115

    Makalipas ang isang taon pagkatapos naming makapag-usap dalawa ni Karlos ay nabalitaan ko na lamang na isinuko niya ang kaniyang sarili na kasama si Shaina, pagkatapos niyang makapanganak. Nalaman ko rin na pinaubaya niya ang kanilang anak sa mas ligtas na lugar, sa isang bahay-ampunan. Kung saan nangako sila sa mga tagapagbantay doon na babalikan nila ang kanilang anak pagkatapos nilang malinis ang mga kasanalang nagawa nilang dalawa. Pinaubaya rin niya sa kamay ng mga owtoridad ang tungkol sa USB na ibinigay ko sa kaniya na may nilalamang ebidensiya tungkol sa mga krimeng ginawa ng sarili niyang ama na si Henry Sermiento at kasama na roon ang anak nito sa labas na si Jake. Maraming kaso ang kinakaharap nila ngayon at unti-unti ring bumagsak ang sarili nilang kumpanya. Bukod pa roon ay marami rin silang nahanap na ebidensiya na magpapatunay sa krimeng ginawa

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 114

    Dalawang taon ang makalipas magmula no'ng mamalagi ako sa ibang bansa kasama ang aking anak na si Emily.Pagkatapos ng dalawang taong iyon ay muli akong bumalik sa Pilipinas na kasama ang aming anak ni Karlos, upang ipakilala sa kaniya ang naging bunga ng aming pagmamahal nuon sa isa't-isa.Sapat na ang dalawang taong iyon upang makaipon ako ng lakas ng loob at ipagtapat sa kaniya ang matagal ko nang itinatago sa kaniya. Nakipagkita ako sa kaniya sa isang private restaurant upang makipag-usap sa kaniya ng masinsinan. Habang naglalakad ako papunta sa pinareserve niyang table ay natanaw ko kaagad ang pamilyar na mukha ng isang babaeng katabi niya.Nakasuot akong puting off-shoulder blouse at simpleng black-trouser na may five inch heels na suot sa aking paa, habang maayos namang nakaipit ang mahaba kong buhok na taas-noong naglalakad papunta sa kanila. "Alona." Ang unang salitang narinig ko mula kay Karlos na

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 113

    Kanina pa ako palakad-lakad at palingon-lingon sa aking paligid, habang hinahanap ko si Karlos. Nagpaalam kasi siya sa akin kanina na pupunta lang siya sandali ng restroom, ngunit halos mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya bumabalik. Iniisip ko na baka natangay na naman siya ng mga kakilala niyang negosyante o baka nakipagkuwentuhan na naman siya sa mga kasosyo niya sa negosyo.Subalit halos nalibot ko na yata ang buong hasyenda ay hindi ko pa rin siya nahahagilap. Nagpunta na rin ako sa men's restroom at inaabangan siya sa paglabas mula roon sa banyo, ngunit mukhang wala rin siya roon.Saan kaya siya nagpunta? bakit ang tagal naman yata niyang bumalik? Ang paglalayag sa aking isipan habang naglalakad ako at may hawak na metal stick pang-suporta sa aking paglalakad dahil kailangan ko pa ring mag-ingat sa bawat ikinikilos ko at dahil kailangan ko pa ring magpanggap na bulag

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 112

    "Good evening, Mr. Sermiento. Nice too see you again." Bati ng isang ginoo kay Karlos habang nagkakamayan silang dalawa.Kasalukuyan kaming nasa isang engrandeng okasyon. Hindi nabanggit sa akin ni Karlos kung saan kami tutungo, basta ang sinabi lang niya ay may pupuntahan daw kaming espesyal na okasyon.Nilibot ko ng tingin ang buo naming paligid. Mukhang napakaespesyal nga ng gabing ito dahil hindi lang basta-bastang ordinaryong bisita ang mga dumalo sa okasyong iyon. Pasimple kong pinagmamasdan ang aming paligid at hindi ako masyadong gumagalaw dahil baka may makahalata na nakakakita na akong muli. Nagsuot ako ng itim na sunglasses dahil iyon ang binilin sa akin ni Ivan, medyo hindi kasi ako mahusay umakting kaya nag-iingat lang din siya. Pagkatapos niyang makipagbatian sa mga kakilala niyang negosyante ay kaagad din naman siyang lumapit sa akin at inakbayan ako sa aki

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 111

    Makalipas ang mahigit isang taon na pamamalagi namin ni Ivan sa ibang bansa ay muli kaming nakabalik at nakauwi ng Pilipinas. Pagkababa ng eroplano ay sumalubong din naman kaagad sa aming dalawa ang mga malalapit naming kaibigan at kamag-anak. Saglit kong inalis ang itim na sunglasses na aking suot at saka itiningala ang aking mukha sa langit, sabay ipinikit ang aking mga mata upang damhin ang sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha.Namiss ko 'to. Ang tumingala sa langit at damhin ang sinag ng araw habang tahimik na pinapakinggan ang ingay sa aking kapaligiran. Pagkatapos ng isang taon na pamamalagi ko sa ibang bansa ay halos ngayon ko lang ulit naramdaman ang init na pagsalubong sa akin ng bansang kinagisnan ko. Palagi na lang kasi kaming nakasuot ng makakapal na damit sa ibang bansa at halos puro snow lang ang makikita sa aming paligid.Umaaraw din naman roon pero hindi gaanong kainit, hindi

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 110

    Nakatanggap kami ng magandang balita ni Ivan mula sa ibang bansa, tungkol ito sa aking donor sa mata.Nakumpirma rin namin mula sa pinakamahusay na doktor na may pag-asa pang maibalik muli sa normal ang mga paningin ko at buong puso akong nagpapasalamat sa maykapal dahil binigyan niya ako muli ng isa pang pag-asa para makita ang mga magagandang tanawin sa aking kapaligiran.Kaya nagsagawa na rin kami kaagad ng plano na pansamantala na muna kaming maninirahan sa ibang bansa hanggang sa matapos ang operasyon ko at hanggang sa mailuwal ko ng maayos ang aking anak.Wala pa ring kaalam-alam si Karlos tungkol sa anak naming dalawa. Pinili kong ilihim ito sa kaniya dahil ayokong angkinin niya ang aking anak, kagaya ng ginawa ng kaniyang ama sa tunay na ina ni Jake.Kung saan puwersahan siyang sinama ng kaniyang ama at pinatay ang sarili niyang ina. Kung magkataon ay baka ikamatay ko rin iyon kung sakaling mawa

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 109

    Pagkagising ko sa umaga ay bigla na lang akong nakaramdam ng papanakit ng ulo kaya napabangon din ako kaagad at lumabas mula sa aking kuwarto nang makarinig ako ng mga pagtatawanan mula sa kabilang silid at kung hindi ako nagkakamali ay opisina iyon ni Karlos. Maliit na liwanag lamang ang naaninag ko ngunit parang dinadala ako roon ng mga paa ko, hanggang sa mapakahawak sa seradura ng pinto at marahan itong binuksan.Mas lumakas pa ang pagtatawanan na naririnig ko kanina at napagtanto ko na may babae pala sa loob ng opisina niya at kung hindi ako nagkakamali sa boses na aking narinig kanina ay mula mismo iyon kay Jen o sa totoong pangalan na si Shaina.Tila nabigla naman silang dalawa nang makita ako sa tapat ng pintuan kaya kaagad din silang natahimik at apurahan namang lumapit sa akin si Karlos habang nakasunod sa likuran niya ang babae niya."Kanina ka pa ba nandiyan?" bungad niyang tanong

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 108

    (Alona's POV)Nagpasama ako sa isang kasambahay ko na magtungo sa malapit na hospital upang ipatingin ang aking mga mata.Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iba ang sinadya ko roon at hindi para ipa-check up ang aking mga mata.Walang nakakaalam tungkol sa pag-alis kong iyon. Tangging ako lang at ang kasambahay na sinamahan ako sa pagpunta roon.Nito kasing mga nakaraang araw ay parang nagiging madalas ang pagkahilo ko at pagsusuka.Palagi rin mabigat yung pakiramdam ko kahit wala naman talaga akong sakit. Medyo nag-iiba na rin ang timpla ng panlasa at pang-amoy ko na tipo pati mga paborito kong kinakain nuon ay tinatanggihan ko na ngayon at parang nababauhan ako.May kutob na ako sa mga sunud-sunod na sintomas na nararamdaman ko, subalit gusto ko pa rin makasigurado kung tama ba ang hinala ko at hindi naman ako nabigo dahil nakumpirma ko mismo mula sa aking doktor na isang buw

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 107

    Nabitawan na lang bigla ni Alona ang hawak niyang baso habang pinupunasan niya ito at tinutulungan sa gawaing bahay ang mga kasambahay niya sa loob ng kusina na kasalukuyang nagpupunas din naman ng mga pinggan at baso.Napalingon naman silang lahat at natigilan nang marinig nila ang malakas na pagkabagsak nito sa sahig at kaagad ding nagkapiraso-piraso sa sahig. "Naku, Ms. Alona! ayos lang ho ba kayo? hindi ba kayo nasaktan o nasugatan? sinabi ko naman ho sa inyo na kami na ang bahala rito at magpahinga na lang kayo sa loob ng kuwarto niyo." Nag-aalalang turan ng isang katulong nila sa kaniya habang nililinis naman ng ibang kasambahay niya ang basong nabitawan nito kanina.Apurahan namang tumungo sa loob ng kusina si Ivan nang marinig niya ang malakas na pagkabasag ng baso at nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata nang matagpuan niya si Alona na nakatayo lamang sa puwesto niya at nakatulala.

DMCA.com Protection Status