"Hello, nice to meet you. I'm Jen." Halos hindi mawala sa isipan ko ang boses at mga ngiti niya sa labi habang nagpapakilala siya kanina kay Alona.
Kasalukuyan akong nasa loob ng men's restroom habang naghuhugas ng aking mga kamay at tinitignan ang aking sarili sa harap ng salamin.Kahit anong pilit na paglimot ang gawin ko sa aking sarili ay tila paulit-ulit na bumubulong sa mga tainga ko ang pamilyar niyang boses.Mula sa galaw, kilos at pananalita niya ay ibang katauhan ang nakikita ko sa kaniya.Nakikita ko si Shaina sa pagkatao niya, ngunit alam ko rin naman na magkaibang tao silang dalawa.Pagkatapos kong mahugasan ang aking mga kamay ay lumabas na rin ako kaagad ng banyo nang bigla akong matigilan at mahinto sa aking paglalakad nang makasalubong ko sa paglabas si Jen, na kakalabas lang din galing sa restroom ng mga babae.Nagkasalubong ang mga mata namin sa isa't-isa pero mabilis itong umiwas ng tingin sa akin at muliHalos hindi ako mapakali sa loob ng opisina ko habang palakad lakad ko sa katabing bintana kung tatawagan ko ba yung cellphone number niya dahil parang kagabi pa ako hindi makatulog ng maayos sa kakaisip sa kaniya.Pakiramdam ko tuloy ay parang napakatagal naming nag-usap dalawa kaya parang hinahanap hanap siya kaagad ng mga tainga ko at gusto ko muling marinig ang nakakahalinang boses niya.Kaya hindi na ako nakapagtiis pa at tinawagan ko na ang cellphone number niya mula sa calling card na ibinigay niya sa akin.Halos panay ang pagkagat ko sa aking kuko habang hinihintay ang pagsagot niya sa tawag ko, nang bigla niya itong sagutin na mas lalo kong ikinatuwa."Yes, hello? sino 'to?" bungad niyang tanong sa akin nang sagutin niya ang tawag ko.Medyo natagalan naman ako sa aking pagtugon dahil sobrang lakas ng kaba mula sa aking dibdib pero naglakas loob pa rin ako at prenteng umupo sa aking swivel chair."Ako ito, si Karlos Migue
Nagkita kaming dalawa ni Jen sa isang bar, kung saan naabutan ko siyang nakaupo at umiinom ng whiskey habang nakamasid siya sa binatang bartender na nasa harapan niya.Tumaas naman ang isa kong kilay nang makita kong nagpapalitan sila ng tingin ng lalaking iyon."Sorry, i'm late." Pagkasabi ko ay naputol naman ang pagtitigan nila sa isa't-isa at mabilis siyang napalingon sa akin na may guhit ng ngiti sa kaniyang labi."Ayos lang, sanay naman ako na laging pinaghihintay." Pabirong saad niya sa akin kaya tumawa na lang din ako.Umupo ako sa tabi niya at maiging pinagmasdan ang bartener na nakatingin sa kaniya kanina.Hamak namang mas guwapo ako sa kaniya kung ikikumpara ang mukha naming dalawa sa isa't-isa.Bulong ko mula sa aking isipan, matapos ko itong mapagmasdan mula ulo hanggang paa, pabalik."Nga pala, buti tinawagan mo ako?" aniya sabay uminom siya ng whiskey."What do you mean? naabala ba kita?" nakangiti
"Ivan, nasaan tayo?" usisa ni Alona kay Ivan nang marinig niya ang mga ligalig sa kanilang paligid."Hulaan mo, Ms. Alona." Nakangiting tugon sa kaniya nang binata habang nakapamulsa ang dalawang kamay nito."Ivan, huwag mo nga akong biruin. Wala ako sa mood ngayon para makipagbiruan sa'yo kaya sabihin mo na sa akin kung saan mo ako dinala." Nakasimangot namang turan ng dalaga sa kaniya kaya umupo saglit si Ivan sa tabi niya at masayang pinagmamasdan ang buo nilang paligid."Amusement park." Mahina at maikling tugon niya sa dalaga na ikinagulat naman nito."Anong... ano nga ulit yung sinabi mo? amusement park ba kamo?" naninigurong saad nito sa kaniya at tumango na lang sa ulo si Ivan."Iva ," mahinang tawag niya sa pangalan nito na may pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata. Sandali namang napatunghay ang binata sa kaniya at laking gulat na lamang niya nang mapagtanto na may namumuong luha sa mga mata niya."Alona, ayos ka lan
"Okay na ba? masaya ka na ba?" lingong turan ni Ivan kay Alona mula sa passenger seat habang abala itong kumakain ng cotton candy."Suotin mo na yung seat belt mo at aalis na tayo." Dugtong pa niya pero hindi siya pinapansin nito kaya saglit na muna siyang bumaba ng sasakyan at tumungo sa puwesto ng dalaga para ikabit ang seat belt nito, ngunit bigla naman siyang napamaang at napatitig sa kagandahan nito.Umayos ka, Ivan. Huwag mong abusohin ang pagkakataon dahil lang sa hindi siya nakakakita. Ang binulong niya sa kaniyang isipan kaya umalis na rin siya kaagad at muling tumungo sa puwesto niya, (sa driver seat.)Maya maya pa ay nakarating na nga sila sa mansyon nito at naabutan niyang nakatulog na pala ito dahil sa sobrang pagod. Napangisi na lang siya nang mapalingon siya sa dalaga at pinagmamasdan ang mahimbing niyang pagtulog."Pati sa pagtulog, maganda ka pa rin." Mahinang saad niya sa kaniyang sarili.Nauna na siy
"Saan ka nanggaling kahapon?" biglang tanong ni Karlos kay Alona habang nasa harapan sila ng hapag-kainan at natigilan naman ito sa pagsubo nang marinig niya ang sinabi ng kaniyang asawa. "Diyan lang sa tabi." Maikling tugon niya na ikinangisi naman ni Ivan na kasalukuyang nakatayo sa likuran ng dalaga. Tumingin naman si Karlos sa kaniya at inirapan siya sa mata."Sa susunod magpaalam ka na muna sa akin kung saan ka pupunta bago ka umalis." Dugtong pa niya habang nakayuko ang ulo niya at nakatingin sa plato niya.Muling natigilan sa pagsubo si Alona at binaba saglit ang hawak niyang kutsara at tinidor sa plato, sabay pinunasan ang kaniyang bibig gamit ang puting panyo na nakapatong sa hita niya kanina."Bakit? tapos ka na ba kumain? e, halos hindi mo pa nga nagagalaw yung kalahati ng pagkain mo." Ani ni Karlos sa kaniya habang tinuturo ang plato nito na nasa harapan niya.
Habang nagmamaneho ng sasakyan si Ivan, patungo sa hospital kung saan dinala si Alona ay tila panay naman ang pag-iling niya sa kaniyang ulo na may bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha.Bago kasi mawalan ng malay si Alona ay saglit muna itong napasulyap sa kinaroroonan niya at nagtama ang mga mata nila sa isa't-isa na animoy nakikita talaga siya nito."Totoo kayang nanumbalik na ang paningin niya sa normal?" bulong niya sa kaniyang isipan at tila hindi siya mapalagay hangga't hindi niya nasisiguro kung tama ang hinala niya tungkol sa dalaga.Pagkarating niya sa nasabing lokasyon ng hospital ay laking gulat naman niya nang bumaba siya ng sasakyan at nakita ang pamilyar na lugar sa kaniya."Nalintikan na." Mahinang saad niya sa kaniyang sarili at apurahan siyang napatakbo papasok sa loob ng hospital nang makapagtanto niya ang hospital na kinalalagyan ni Alona ay yung hospital kung saan nagtatrab
Nang magkamalay na si Alona ay nadatnan niya na si Ivan ang kasalukuyang nasa tabi niya. "Alona? Alona, naririnig mo ba ako ha?" tanong ng binata sa kaniya na may bakas ng pag-aalala sa kaniyang mukha."Karlos," ang unang salitang bumigkas sa kaniyang bibig na ikinatahimik ni Ivan.Muli tuloy siya napaupo sa silya at napabuga ng malalim na paghinga."Wala siya rito. Kakaalis lang niya kasama yung tatay niya." Mahina niyang tugon sa sinabi nito na may guhit ng kunot sa kaniyang noo.Tila naalimpungatan din naman kaagad ang dalaga nang marinig niya ang sinabi nito."Ivan?" tawag niya kaya muli nabaling ang tingin nito sa kaniya."Ako nga 'to, naririnig mo ba ako? kamusta ang pakiramdam mo? may masakit pa rin ba sa iyo o gusto mong tumawag na muna ako ng doktor?" tipong aalis na sana siya ng silid nito upang tumawag ng doktor ngunit natigilan a
Malakas na pagsuntok sa mukha ang naramdaman ni Ivan mula sa nangangalit na kamao ni Jake nang madatnan siya sa ganoong posisyon habang nakatitig sa mga mata ni Jen. Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga sa sobrang gulat at tila hindi ito makapaniwala sa ginawa ng binata sa kaniyang harapan. Sa lakas ng pagkakasuntok niya ay mabilis ding dumugo ang gilid ng labi ni Ivan, dahilan para gumanti siya sa binata at sinungaban ito ng malakas na suntok sa mukha na mas lalong ikinabigla ng dalaga.Tipong susuntukin sana niya ulit ito ngunit kaagad din namang lumapit si Jen kay Jake upang harangan ito at pigilan si Ivan sa binabalak pa niyang gawin sa binataNatigilan naman saglit si Jake nang masilayan niya ang likuran ng dalaga sa kaniyang harapan at nang makitang pinoprotektahan siya nito.Sa mga sandaling iyon ay tila bigla siya nakaramdam ng kakaibang kaba mula sa kaniyang dibdib na hindi