Nasa loob lang ako ng sasakyan habang nag-aabang sa pagbabalik ni Vyn. Ilang minuto lang ay natanaw ko na siya mula sa labas ng presinto.
Pasimple muna itong tumitingin sa kaniyang paligid bago siya pumasok sa loob ng sasakyan ko."Hindi ka pa pala umaalis," bungad nitong sabi sa akin nang makapasok na siya sa loob."Hinihintay talaga kita," sabay pinaandar ko ang sasakyan at nilisan ang lugar na iyon."Sandali nga lang, saan mo ko balak dalhin?" aniya na may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha."Sa lugar kung saan nagtatrabaho ang magkapatid (sina Shaina at Aubrey.)" Ang tinugon ko naman sa kaniya at saka hinarurot ang aking pagmamaneho."Teka lang, hindi naman siguro nagmamadali no?" usisa niya habang mahigpit siyang nakakapit sa upuan niya."Maraming oras na akong sinayang kaya dapat mahanap ko na kaagad ang babaeng 'yon," ang isinaad ko sa kaniya.Wala pang isang oras ay nakarating kami kaagad sa nasabing luHalos bumaligtad ang sikmura ko sa ginawang panghahalik ni Vyn sa akin. Naitulak ko rin naman siya kaagad at mabilis na umiwas sa kaniya.Sa lakas ng pagkakatulak ko sa kaniya ay nabitawan niya ang hawak niyang baril at napaupo na lamang sa sahig.Naisip kong iyon na aking pagkakataon para maagaw sa kaniya ang baril na iyon at hindi naman ako nabigo.Dahil bago pa man niya ito makuha ay naunahan ko na siya kaagad."Ivan," aniya na may bakas ng takot sa kaniyang mukha.Nakatingala siya sa akin habang tinututukan ko naman siya ng baril."Sabihin mo sa akin, ano ang kinalaman mo rito at ano ang mga alam mo?" mahina ngunit madiin kong tanong sa kaniya.Tinaas naman niya pareho ang dalawang kamay niya at halata sa mga mata niya na may iba pa siyang itinatago sa akin."Wa... wala. Wala akong alam sa mga sinasabi, Ivan. At saka nakalimutan mo na ba? matalik tayong magkaibigang dalawa kaya alam kong hindi
Habang nagpapahinga ako sa loob ng sasakyan ko ay bigla akong naalimpungatan nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng aking pantalon.Napamulat ako ng mata at kaagad itong hinugot sa aking bulsa. Nakita ko na nakatanggap ako ng dalawang mensahe mula sa unknow number. Binuksan ito at laking gulat ko na lamang nang mapagtanto na nanggaling pala ang mensaheng iyon kay Mira.(Puntahan mo ako sa address na ito; Mira) ang nakasaad sa unang mensaheng ipinadala niya at yung pangalawang mensahe naman ay naglalaman ng lokasyon o address kung nasaan siya naroroon.Hindi na ako nag-aksaya pa ng ilang segundo at pinuntahan ko kaagad ang lokasyon na pinadala niya sa akin.Medyo may kalayuan ang lugar na iyon at dahil nasa karatig itong probinsya, kung saan siya kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa isang private hospital, kung kaya't umabot ako ng tatlong oras bago ko marating ang nasabing lugar.Huminto ako
Apurahan akong lumapit sa kaniya pero nakakailang hakbang pa lamang ako ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at bigla na lang umiikot ang buong paligid ko.Napaluhod na lang ako at mabilis na bumagsak sa sahig.Ang huling pagkaalala ko ay may sinasabi siya sa akin ngunit hindi ko naman marinig at pagkatapos non ay bigla na lang pumikit ang aking mga mata.Nang magkamalay na ako ay nadatnan ko na lamang ang aking sarili na nakahiga sa 'di pamilyar na kuwarto.Bumagon rin ako kaagad at ramdam ko ang bigat mula sa likod ng aking ulo dahil sa pagkakabagsak ko kanina.Bumukas naman bigla yung pintuan at pumasok sa loob si Mira na may bitbit na isang baso ng tubig.Tipong tatayo na sana ako nang matigilan ako at napagtanto na nakaposas pala ang isang kamay ko sa kama."Mina," tawag ko sa pangalan niya na may bakas ng pagtataka sa aking mukha."Pasensya na, Ivan. Kailangan ko itong gawin para sa sarili
Sa kalagitnaan ng pagtakas naming dalawa ay may bigla na lang huminto at humarang na dalawang itim na van sa dinaraanan namin.Pinilit kong umatras at umabante para lang malusutan ang mga humahabol sa amin. Pero sa dami nila ay hindi ko sila napigilan at hindi ako nakagawa kaagad ng paraan para matakasan sila.Bumaba ang mahigit sampung armadong lalaki mula sa dalawang van na iyon at saka sapilitang pinababa sa loob ng aking sasakyan.Hinigit nila ako sa braso at kinaladkad papasok sa loob ng sasakyan.Nakatakip ng itim na maskara ang mga bibig nila kung kaya't hindi ko sila namukahan isa-isa. Wala pa ring malay si Mira nang isakay siya sa kabilang sasakyan at sa kabilang van na iyon ay may napansin akong isang lalaki na nakaupo sa tabi ng driver seat habang nakamaskara ang buong mukha nito.Kapansin-pansin ang maskarang suot niya dahil siya lamang ang natatangging may kakaibang maskara sa kanila at bukod pa roon ay may kutob ak
Maingat akong pumasok sa loob ng exit stairs at dahan-dahan itong isinara. Mula sa ikalawang palapag ay may naririnig akong boses ng isang lalaki na animoy may kinakausap sa cellphone niya."Huwag po kayong mag-alala at ako po ang bahala sa lahat, Dad." Ang huling salitang narinig ko mula sa kaniya sabay binabaan na niya ito ng tawag.Dad? ibig sabihn, tatay pala niya yung kausap niya?Bulong ko mula sa aking isipan."Hay naku, kung anu-ano na lang ang iniisip ko. Kapamilya pala niya yung kinakausap niya." Mahinang saad ko sa aking sarili at tipong lalabas na sana pero kaagad din akong natigilan nang matandaan ko ang pamilyar niyang boses.Sandali nga lang, bakit parang magkaboses silang dalawa nung lalaking kumidnap sa amin non at ng misteryosong lalaki na nakatakip ng maskara ang mukha? hindi kaya siya nga yung narinig ko kanina? Muli akong napatingala sa kinaroroonan niya at apurahang umakyat ng hagdan para puntahan ito.
"Ano na ang plano mo ngayon, Ivan?" tanong ni Mira sa akin kung kaya't napatingin ako sa kaniy ngunit saglit lamang dahil muli kong tinuonan ng atensyon ang minamaneho kong sasakyan."Ang totoo niyan wala akong ibang maisip na paraan kun'di ang mahanp yung usb na sinasabi sa akin ni Vyn." Pagkabanggit ko tungkol doon ay saglit naman siyang natahimik at napayuko sa kaniyang ulo.Tila may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha at parehas namin inaalala yung mga oras na nilunok niya ang maliit na memory card sa pag-aakalang kasabwat ako ng mga kalaban."Huwag kang mag-alala ibibigay ko rin sa'yo iyon, sa tamang panahon." Pagkasabi niya ay napalingon naman ako sa kaniya nang bigla siyang sumigaw at tinawag ang aking pangalan."Ivan!" mabilis kong binalingan ng atensyon ang minamaneho kong sasakyan at laking gulat ko na lamang nang makita ang isang malaking truck na sasalubong sana sa aming dalawa ngunit kaagad ko rin naman itong napreno kaya walang nangy
Nang makalabas na kami ng hospital ay nakiusap ako kay Mira na kung maaari siya na muna ang pansamantalang magbantay kay Alona, habang wala ako.Nung una ay tumanggi siya pero kalaunan ay napapayag ko rin naman siya. Sinabi ko sa kaniyana may mahalaga akong aasikasuhin at hindi ako sugurado kung kailan ako makakabalik.Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay kaagad ko naman inalaman ang tunay na pagkatao nung misteryosong nakamaskara na ngangalang, Jake. Bigla rin sumagi sa aking isipan ang mga nangyari bago mangyari ang insidente pati na rin yung paghubad ng maskara ng lalaking nasa loob ng sasakyan at bumaril sa gulong ng sinasakyan namin.Ngayon ko lang napagtanto na ang nakaupo sa driver seat at nagmamaneho ng sasakyan nang mga sandaling iyon ay si Jake. Marahil ay ipinasa niya ang sinusuot niyang maskara sa katabi niya para lituhin ako kung sino ba sa kanilang dalawa ang tunay na namumuno sa kanilang grupo.Makalipas ang isang buwan ay na
Nang makabalik na ako ng bansa ay kaagad din akong nakipagkita kay Mira.Hating gabi iyon nang magkita kaming dalawa. Mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin na may guhit ng ngiti sa kaniyang labi.Sa gabing iyon ay naikwento niya sa akin ang lahat ng mga nangyari sa hospital na kinaroroonan ni Alona, maging yung pagpasok sa loob ng isang misteryosong tao upang pagbantaan ang kaniyang buhay.Malakas daw ang kutob niya na may kinalaman si Karlos Miguel sa mga nangyayari sa dalaga, gayong nalaman niya na sinugod ito sa hospital na pinagtatrabauhan niya nang mawalan ito ng malay.Nakita rin niya ang lagay ng kondisyon nito na may mga pasa at sugat sa iba't-ibang bahagi ng kaniyang katawan na animoy binugbog siya ng isang grupo.Nalaman ko rin na unti-unti na ring napapalapit ang kalooban ni Alona sa kaniya at nangangamba ako na baka tuluyan siyang mahulog sa patibong ng lalaking iyon. Hindi talaga ako mapalagay sa t