Share

Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)
Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)
Penulis: Dahlia Faith

Prologue

Penulis: Dahlia Faith
last update Terakhir Diperbarui: 2020-09-14 10:42:21

HUMINGA nang malalim si Jaqui habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Nakatayo siya ngayon sa gitna ng isang tulay, sa ibabaw ng isang malawak na ilog. Malayo layo na iyon sa lodge house ng nature farm at wala na ding tao sa paligid dahil malapit nang mag-gabi. Alas-singko ng hapon ang call time para sa mga guest at ang hudyat na dapat ay nasa lodge house na ang lahat para sa hapunan. Ang sabi sa I*******m post ng nature farm, kakaibang sigla daw ang mararamdaman ng mga bumibisita sa lugar na iyon. Nago-offer ang management ng farm ng tatlong araw na educational tour. Maraming nag-komento sa post at ang lahat ay sinasabi na sobrang na-relax sila sa ambience ng lugar at pakiramdam nila ay naging masaya sila sa ilang araw na pananatili sa doon.

Sa loob ng ilang buwan ay p-in-lano ni Jaqui ang trip na iyon bilang regalo niya sa sarili niya. Ngayong araw ay ang ika-28 birthday niya. Mula nang magtrabaho siya, ngayon lang siya nakaranas na mag-bakasyon ng isang linggo. Pero hindi siya pumunta doon upang mag-relax at matutong magtanim ng halaman. Nagpunta siya sa lugar na iyon upang isakatuparan ang matagal na niyang planong gawin.

"Gusto ko na talagang mamatay," malungkot na sabi niya. Hindi na napigilan ang pagtulo ng luha.

Hindi alam ni Jaqui na darating pala ang panahong mapapagod na siyang mabuhay sa mundo. Mas maganda pa nga sigurong tapusin na niya ang kaniyang buhay dahil mukhang hindi matatapos ang mga problema niya. Sawang sawa na siya. Wala yatang isang araw na hindi siya nakakadama ng lungkot at pagod.

"Papa, bakit gano'n? Sinunod ko naman iyong sinabi ninyo ah. Ang sabi ninyo, kapag nag-aral ako ng maayos, magiging maayos ang buhay ko. Magiging maganda ang future ko," himutok niya, umaasa na naririnig siya ng ama niya kung saan man ito naroroon. Pinunasan niya ang mga luha saka muling nagsalita.

"Sabi ninyo, pati sabi ni Lolo, pati sabi ng mga professors ko, kapag nag-top ako sa class, makakakuha ako ng magandang trabaho. But look at me now! Look at me, hanggang ngayon wala akong matinong trabaho. Lahat ng grades ko, lahat ng uno ko noong college, walang silbi! Bakit?!”

Nagtapos siya ng kursong Business Administration pero kahit pala nakatapos ang isang tao, hindi garantiya na uunlad ang buhay nito. Ilang beses siyang nagpalipat lipat ng trabaho dahil sa maraming dahilan. Ang kinikita niya, sapat lang na panggastos niya sa sarili at hindi sapat para makapundar siya ng kahit ano.

"You can't say I didn't try. You all know I tried to be better. Ginawa ko ang lahat ng paraan para umayos ang buhay ko. Kahit pagbebenta ng Avon, ginawa ko na! Pati vlogging, pinasok ko. Pero kulang pa din. Kulang na kulang pa din. "

Naitakip ni Jaqui ang mga palad sa mukha nang humagulgol na siya sa iyak.

100% expenses.

Zero savings.

Walang love life.

Walang permanenteng trabaho.

At iyong pesteng ex niya na masayang masaya ngayon sa piling ng iba.

"Lecheng buhay ˋto!"

Pakiramdam ni Jaqui, lahat ng karapatang maging masaya ay pinagkait sa kaniya. Ang gusto na lang niya ngayon ay magpakatiwakal para matapos na ang lahat.

"Bakit ba kasi hindi ninyo man lang sinabi sa'kin kung ano bang dapat gawin para maging masaya kapag tumanda na?"

Bakit parang hindi naman naituro sa kahit anong libro kung ano bang sikreto para maging masaya ka sa buhay. Kung nalaman lang niya iyon noon, baka ngayon ay hindi siya ganoon kalungkot.

Pinahid ni Jaqui ang mga luha saka naglakad palapit sa gilid ng tulay na gawa sa bakal. Mula sa papalubog na araw ay nakikita niya ang payapang ilog. Tamang tama ang lalim no’on upang mahirapan siyang makaahon, lalo pa’t hindi naman siya marunong lumangoy.

Sumampa si Jaqui sa hamba ng tulay. Matagal na niyang dinadasal sa Panginoon na sana ay mapatawad siya Nito sa gagawin niyang iyon. Matagal na din niyang ipinagdasal na sana ay hindi pabayaan ng Panginoon ang pamilya niya Kaya namang mabuhay nang mga ito nang wala siya. Siguro nga ay mas magiging masaya pa ang buhay ng mga ito kapag wala na siya sa mundo.

"Mahal ko naman kayo eh, Pero sadyang ayoko na talaga," aniya. "I'm sorry kung wala man lang akong kahit anong yaman na maiiwan sa inyo."

Nanginginig ang mga kamay ni Jaqui nang kumapit siya sa bakal at isampa ang mga paa sa pangalawang hamba ng tulay. Huminga siya nang malalim, ipinikit ang mga mata nang humampas sa kaniya ang malamig na hangin.

"Mahal ko kayo. I'm sorry. Paalam..."

"Tulong! Tulong!"

Napaigtad si Jaqui nang may narinig siyang humihingi ng tulong mula sa hindi kalayuan. Nang dumilat siya at lumingon sa kanan ay may nakita siyang bulto na nakayakap sa poste ng ilaw, sa may dulo ng tulay.

Napakunot noo siya. "Tao ba iyon?" naguguluhang tanong niya. Ang akala niya ay walang tao sa lugar na iyon. O baka naman dinadaya lang siya ng paningin niya.

"Tulungan mo ˋko, please!"

"Hala, tao nga," gulat na sabi ni Jaqui. Napatingin si Jaqui sa ilog at ganoon na lang ang naging takot niya nang mapagtanto kung gaano kataas ang babagsakan niya. Mabilis siyang bumaba at napaupo sa semento. Muli ay gusto niyang umiyak sa takot. Sa sobrang gusto niyang magpakamatay, nakalimutan niyang acrophobic pala siya.

"Miss, okay ka lang? Please. Tulungan mo naman ako oh."

Nilingon ni Jaqui ang lalaki. Mukhang may iniinda itong sakit base na din sa paghingi nito ng tulong sa kaniya. Kahit nanginginig pa ang katawan, pinilit ni Jaqui tumayo at lapitan ang estrangherong nang-istorbo sa pagpapakamatay niya.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" naguguluhang tanong ni Jaqui.

Hinawakan ng lalaki ang kanang tuhod nito. May dala itong backpack at mukhang nag-trekking ito sa gubat na matatagpuan sa dulong iyon ng tulay. Sa kabilang dulo naman ay ang papunta sa nature farm.

"Masakit na kasi iyong tuhod ko," daing nito. Pawis na pawis ito at mukhang nahihirapan talaga. Dumausdos ito sa lupa at inilapat ang mga binti. "It's painful. Can you call someone for help? I stay in the nature farm."

Nakagat ni Jaqui ang ibabang labi. "I forgot my phone," she lied. Hindi talaga niya iyon dinala. Sino bang magpapakamatay ang magdadala pa ng cellphone?

"Dead bat na ˋko," problemadong sabi ng lalaki.

"Can you wait here? Ilang minutes lang naman, nasa lodge na ˋko. Hintayin mo na lang ako dito."

Tatakbo na sana si Jaqui paalis nang pigilan siya ng lalaki.

"Wait. Can you just help me walk? Baka pwedeng alalayan mo na lang ako. Kaya ko pa naman humakbang."

Saglit na nag-isip si Jaqui. Nag-alangan kung totoo ang sinasabi ng lalaki. Mukha naman itong disente at hindi psychotic. Mukha namang nagsasabi ito ng totoo.

Saka gwapo siya.

Natigil ang iniisip niya nang muling dumaing ang lalaki. Wala nang nagawa si Jaqui kundi ang alalayan itong tumayo.

"Humawak ka sa'kin,” aniya.

Tinulungan ni Jaqui ang lalaki na tumayo. Matangkad ito. Marahil ay six-footer. Sa height niyang 5'4, bagay talaga siyang tungkod nito.

"Sigurado kang kaya mo pang lumakad?" nagaalalang tanong niya sa lalaki.

"Yes. Kaunting lakad na lang naman, nasa lodge na tayo."

Maingat niyang inalalayan ang estranghero sa paglalakad.

"Ano pa lang ginagawa mo kanina? Bakit ka nakasampa sa gilid ng tulay?" usisa nito habang dahan dahan silang naglalakad.

Napatingin siya sa kinatatayuan niya kanina. Napansin din niya ang kulay kahel na kalangitan dahil sa papalubog na araw. "Wala. Pinapanood ko lang iyong sunset," tanging sagot niya.

Komen (2)
goodnovel comment avatar
Alfredo Velasquez
so beautifull
goodnovel comment avatar
alanasyifa11
i try reading this using MTL and seems like this is a good story! will you upload translated version of this novel? do you have social media? i would love to keep updated about your future works
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 1

    ILANG katok sa pinto ang nagpagising kay Jaqui. Napakamot siya sa ulo. Wala pa yatang limang oras siyang nakakatulog. Napuyat siya kaka-edit ng content niya para sa isang social media platform. Halos isang taon na niyang ginagawa ang pagba-vlog at umaasa siya na kahit papaano, kagaya ng ibang sikat na vlogger, ay kikita din siya sa ginagawa niya. “Bakit?” tanong niya habang inaantok pa. “Jaqui, buksan mo `tong pinto,”

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-14
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 2

    Elegante ang pulang dress na sinuot ni Jaqui para sa gabing iyon. Pinagkatago tago niya ang damit na iyon. Noong mag-resign siya sa trabaho niya sa isang kilalang corporation, pinambili niya ng mga damit ang nakuha niyang back pay sa sobrang sama ng loob niya. Nagawa kasi siyang tyansingan ng manager niya at nang isumbong niya iyon sa HR, wala man lang ginawa ang mga ito. Mas minabuti niyang umalis ng trabaho kaysa naman pababain ang moralidad niya. Imbes na magmukmok, lumabas siya at namili ng mga damit mula sa mga kilalang shop. At ang pulang dress na iyon ang pinakapaborito niya. &nbs

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-14
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 3

    TUMUWID ng upo si Jaqui at matapang na sinalubong ang mga tingin ni Amigo Imperial. “I will not do it.” Nagsalubong ang kilay ng dalawalang lalaking nasa harap siya. “Ha? What do you mean? B-bakit?” naguguluhang tanong ni Amigo.

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-14
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 4

    “THIS can’t be happening.” Mula sa mga pinipirmahang papeles ay napatingala si Amigo nang pumasok ng opisina niya ang campaign manager na si Aries. Mukhang dismayado ito at pagod na pagod. Kasama din nito ang ilang supporters niya.  

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-14
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 5

    KINUHA ni Jaqui ang baso na may lamang orange juice saka uminom mula doon. Niyaya siya ni Amigo sa café na matatagpuan sa tuktok ng museum. Mula doon ay matatanaw ang ilang kabundukan sa Rizal. Sariwa ang hangin at hindi nakakapaso sa balat ang init ng araw. Ang café na iyon ay nagkakaroon ng romantic ambience sa gabi ayon sa mga nabasa ni Jaqui. Nabubuhay kasi ang mga hanging lamps sa gabi at may pumapailanlang na malamyos na musika. Balak ni Jaqui magpagabi para masaksihan ang ganda ng lugar na iyon. Kung maiiba lang ang sitwasyon, iisipin ni Jaqui na masarap makipag-date sa lugar na iyon. Muli siyang uminom ng juic

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-14
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 6

    BINABA ni Jaqui ang bintana sa tabi niya nang makita ang asul na dagat sa labas. Bumungad sa mukha niya ang mainit na sikat ng araw at hangin ng dalampasigan. Pumikit si Jaqui at hinayaang tangayin ng hangin ang buhok niya. Sa ilang taon niyang hindi pagbalik sa Poblacion, nakalimutan na niyang napapalibutan nga pala ng magandang karagatan ang probinsya. Noong bata pa siya, madalas siyang dinadala ng kaniyang mga magulang sa dagat para ipasyal at turuan din siyang lumangoy. Pero kahit kailan ay hindi siya natuto. Natakot kasi siya na oras bitiwan siya ng mga ito, hindi na siya makaahon.

    Terakhir Diperbarui : 2020-09-20
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 7

    UMUPO si Jaqui sa tabi ni Amigo matapos niyang maghugas ng kamay. Kasalukuyan silang nasa dining area at naghihintay sa lolo niya na naghahain ng pagkain. Katulong nito ang stay out na kasambahay sa paghahain ng mga paborito niyang putahe. Talagang pinaghandaan ng lolo niya ang pagbabalik niya. Pero kahit pa masasarap ang pagkain, tila mahihirapan si Jaqui kumain dahil sa tensyong kanina pa namumuo sa paligid. Nilingon niya si Amigo na bagama’t wala ng bakas ng kaba sa mukha ay hindi pa din umiimik. “OK ka lang?” taong n

    Terakhir Diperbarui : 2020-10-03
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 8

    IN-OFF ni Jaqui ang cellphone nang muling tumunog iyon sa pangatlong pagkakataon. Naka-ilang missed calls na ang kaniyang ina pero ni isang text message ay ayaw niya itong padalhan. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis ang ina pero sa ngayon ay wala pa talaga siyang balak kausapin ito. Ang sabi ni Tita Eden, paalis na daw ulit ang kaniyang mama at ang asawa nito papuntang Europe upang mag-honeymoon doon. Noong nakaraang buwan lang ay muling nag-renew ng vows ang mga ito na taon taong ginagawa. Ang sabi ng tiyahin niya, gusto daw nitong makilala ng personal si Amigo kung totoo mang nobyo niya ang binata.

    Terakhir Diperbarui : 2020-10-17

Bab terbaru

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 14

    KAHIT hingal na dahil sa ilang oras na paglalakad, excited pa din si Jaqui na marating ang Barangay Mayana. Matagal na din muli noong nakita niya ang kaibigang si Wayda at ilan pang taga barangay. Totoo ang sinabi ng lolo niya na doon siya tumatakbo sa tuwing nakakagawa siya ng kasalanan at takot na mapalo ng mama at papa niya. Hindi kasi basta basta ang pagpasok doon. Ilang beses nang nakaranas ng kalupitan ang mga taga Mayana mula sa mga tagalabas kaya naman hindi niya masisisi ang mga ito kung bakit naging mailap ang mga ito sa ibang tao. Kung hindi nakakaranas ng pangungutya dahil sa hitsura ng mga ito, pinagsasamantalahan naman ang kakulangan ng mga ito sa kaalaman. Naging magkaibigan sila ni Wayda matapos niyang suntukin ang kaklase nilang nanabunot dito. Madalas kasing tampulan ng tukso ang hitsura ni Wayda kaya palagi niya itong nakikitang umiiyak sa C.R. Kahit pa pinatawag siya sa Principa

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 13

    TILA hindi malasahan ni Jaqui ang mga nakahain sa hapag. Araw ng Sabado at kasabay niyang kumakain ng pananghalian ang lolo niya at si Amigo. Nagpapasalamat na lang si Jaqui at hindi namugto ang mga mata niya dahil sa pag-iyak noong nakaraang gabi. Kagaya ng mga nakaraang araw, bilang sa kamay ang mga salitang sinabi sa kaniya ni Amigo. Ngunit hindi na iyon iniinda ni Jaqui. Kung wala itong ganang kausapin siya, wala din siyang balak kausapin ang ito. “Apo, balak naming mangampanya sa Lunes sa Barangay Mayana. Naalala mo iyon? H

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 12

    AGAD na tumayo si Jaqui at tinungo ang pinto nang marinig ang katok doon. Alas otso na ng gabi pero hindi pa umuuwi ang lolo niya kaya hinihintay niya ito. Hindi niya kinakailang hinihintay din niya si Amigo kahit pa alam niyang kapag nagkita sila, mabibilang sa kamay ang mga salitang sasabihin nito. “Oh, apo, pasensya na at ginabi kami.”

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 11

    TUMIGIL muna sa pagtakbo si Jaqui saka hingal na dumantay sa isang puno. Tumingala siya at dinama ang preskong hangin nang umihip iyon. Hindi mawala sa isip niya ang inakto ni Amigo kaninang umaga nang magkita sila nito sa bahay. Tipid na ngiti lang ang pinakita nito at hindi gaanong umiimik. Habang nasa hapag sila, ang pinaguusapan nito at ng lolo niya ay tungkol sa eleksyon at kahit gustong sumali ni Jaqui sa usapan, wala naman siyang masabi tungkol doon. Tahimik lang siyang nakinig sa usapan ng mga ito. Matapos ang agahan, nagpaalam lang ito saka umalis na. &nb

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 10

    “MUKHANG wala pa ang Lolo mo sa bahay ninyo.” Napatingin si Jaqui sa buong kabahayan at mukhang wala pa ngang tao doon dahil nakapatay pa ang mga ilaw. “Oo nga. Baka nasa barangay pa din siya,” pagsang-ayon niya sa sinabi n

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 9

    MALAKAS na tawa ni Clara ang narinig ni Jaqui mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya. Kinuwento niya dito ang ginawa ng lolo niya kay Amigo. “Huy! Anong nakakatawa do’n?” nagtatakang tanong niya. Ang akala yata nito ay nagbibiro siya.

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 8

    IN-OFF ni Jaqui ang cellphone nang muling tumunog iyon sa pangatlong pagkakataon. Naka-ilang missed calls na ang kaniyang ina pero ni isang text message ay ayaw niya itong padalhan. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis ang ina pero sa ngayon ay wala pa talaga siyang balak kausapin ito. Ang sabi ni Tita Eden, paalis na daw ulit ang kaniyang mama at ang asawa nito papuntang Europe upang mag-honeymoon doon. Noong nakaraang buwan lang ay muling nag-renew ng vows ang mga ito na taon taong ginagawa. Ang sabi ng tiyahin niya, gusto daw nitong makilala ng personal si Amigo kung totoo mang nobyo niya ang binata.

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 7

    UMUPO si Jaqui sa tabi ni Amigo matapos niyang maghugas ng kamay. Kasalukuyan silang nasa dining area at naghihintay sa lolo niya na naghahain ng pagkain. Katulong nito ang stay out na kasambahay sa paghahain ng mga paborito niyang putahe. Talagang pinaghandaan ng lolo niya ang pagbabalik niya. Pero kahit pa masasarap ang pagkain, tila mahihirapan si Jaqui kumain dahil sa tensyong kanina pa namumuo sa paligid. Nilingon niya si Amigo na bagama’t wala ng bakas ng kaba sa mukha ay hindi pa din umiimik. “OK ka lang?” taong n

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 6

    BINABA ni Jaqui ang bintana sa tabi niya nang makita ang asul na dagat sa labas. Bumungad sa mukha niya ang mainit na sikat ng araw at hangin ng dalampasigan. Pumikit si Jaqui at hinayaang tangayin ng hangin ang buhok niya. Sa ilang taon niyang hindi pagbalik sa Poblacion, nakalimutan na niyang napapalibutan nga pala ng magandang karagatan ang probinsya. Noong bata pa siya, madalas siyang dinadala ng kaniyang mga magulang sa dagat para ipasyal at turuan din siyang lumangoy. Pero kahit kailan ay hindi siya natuto. Natakot kasi siya na oras bitiwan siya ng mga ito, hindi na siya makaahon.

DMCA.com Protection Status