Share

Chapter 4

Author: Dahlia Faith
last update Huling Na-update: 2020-09-14 10:44:45

“THIS can’t be happening.”

              Mula sa mga pinipirmahang papeles ay napatingala si Amigo nang pumasok ng opisina niya ang campaign manager na si Aries. Mukhang dismayado ito at pagod na pagod. Kasama din nito ang ilang supporters niya.

              “Anong nangyari?” nagaalalang tanong niya.

              “Galing kami sa Barangay Sabila, lahat ng posters na kinabit namin sa mga pader, wala na. Tanging mukha na lang ni Mayor Tiago ang nakapaskil sa buong lugar. Lahat nagkalat sa kalye. You are being sabotaged, Amigo.”

              “Sinubukan din po naming magkabit sa Barangay Laurel pero may isang lalaki ang nag-amok doon. Pinagbantaan pa ang isa naming kasama na sasaksakin kapag tinuloy namin ang pagkakabit ng mga posters mo, Konsehal,” sumbong naman ng isa sa mga supporters niya.

              “Ha? Naisumbong ninyo ba sa mga pulis o sa barangay ang nangyari?”

              “Sinubukan pong habulin ng mga taga-barangay pero hindi daw po nila naabutan. Tinanong namin iyong mga taga doon kung kilala nila iyong lalaki, hindi daw.”

“Mukhang tao ni Mayor Tiago ang may pakana ng mga ito,” sabi naman ni Karen, ang isa sa mga staff niya. “Mukhang seryoso nga siya sa sinabi niyang hindi magiging madali ang laban na ito para sa’yo, Konsehal.”

              Naikuyom ni Amigo ang mga kamay. Dalawang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang magsimula ang kampanya pero halos maubos na ang mga campaign materials nila dahil sa tahasang paninira ng mga hindi kilalang tao. Nagkakaroon din sila ng problema kapag nagpupunta sila sa bawat barangay para ipaalam ang plano niya sa probinsya. Alam naman ni Amigo na walang ibang gagawa ng bagay na iyon kundi ang kasalukuyang alkalde ng Poblacion. Hindi man nito tahasang pinapaalam na ito ang may pakana ng mga iyon, alam niyang iyon ang ibig sabihin ng mensahe nito sa kaniya noong mabalita na kakandidato siya sa pagka-mayor.

              Huminga ng malalim si Amigo bago muling nagsalita. “`Wag tayong panghinaan ng loob. Kung ganitong tinatarantado nila tayo, isang magandang senyales iyon. Dahil ibig sabihin, natatakot sila sa’tin.”

              “Right. Nagsisimula ka nang makilala ng mga mamamayan ng Poblacion. Kaya siguro mas nagiging agresibo ang kampo ni Mayor Tiago,” pagsang-ayon ni Miko na siyang kaniyang legal adviser.

              “Alam ko naman na may laban ka, Konsehal. Pero kailangan pa din nating ipakilala sa mga tao ang pangalan at plataporma mo sa kanila. Hindi pwede na tatahimik lang tayo. Ilang tao na din ang nagpapadala ng mga sumbong na tinatakot sila ng ilang opisyal ng munisipyo,” sabi ni Aries.

              “How could we handle that?”

              “Let’s upload it all in social media. Burahin lang ang mga sensitibong detalye kagaya ng pangalan. We will let the public hear the sentiments of the people of Poblacion. Pero alam kong hindi pa din iyon sapat. Sa lahat ng kampanyang nahawakan ko, ito na yata ang lugar na pinakamahirap. Masyadong takot ang mga tao, masyado silang hesitant. Please, kung may alam pa kayong paraan o kilalang tao na makakatulong sa’tin, sabihin ninyo na dahil sayang ang panahon,” hinaing ni Aries. “What if, hingin na natin ang suporta ng daddy mo?”

              Napatingin silang lahat kay Aries na dahilan para matigilan ito. Nahihiya namang ngumiti ito saka nag-peace sign.

              “Kung makakausap lang natin nang matino si Kapitan Ernie, paniguradong matutulungan niya tayo,” sabi ni Karen.

              “That man is not easy. Oo, kinakausap niya tayo pero parang hindi siya nakikinig,” inis na sabi ni Miko.

              “Kung makukuha natin ang tiwala ni Kapitan Ernie, paniguradong magiging madali ang lahat. Mas nakikinig ang mga tao sa kaniya kaysa kay Mayor Tiago. And to think na sinuportahan lang niya si Mayor Tiago noong unang eleksyon nito. Ang problema lang, parang hindi naniniwala si Kapitan Ernie na mabuti ang hangarin mo sa Poblacion, Amigo.”

              Saglit na nagisip si Amigo. “Kung patuloy na may maninira sa atin at matatakot ang mga tao, mawawalan ng saysay ang mga paghihirap natin. Kung si Kapitan Ernie ang magsisilbing tulay natin sa mga mamayan ng Poblacion, gagawin ko ang lahat para makuha ang loob niya.”

              “At paano mo naman iyon gagawin?” tanong ni Miko. Nang mapagtanto nito ang iniisip niya, umiling iling ito.

              “No, no, no. You can’t do that. Sa Friday na ang interview mo sa network, at nasabi ko sa kanila na willing kang pagusapan ang video na iyon.”

              “Bawiin mo na lang muna,” sabi ni Amigo habang kinukuha ang sombrero niya. Pupunta na sila sa isa pang barangay para mangampanya.

“But how about—”

“She needs to understand. Ilang beses ko nang pinapaliwanag sa kaniya,” aniya na ang tinutukoy ay ang nobya. “And give Jaqui’s info to me. Ako mismo ang pupunta sa kaniya,” aniya.

              Ang akala ni Amigo ay hindi na sila magkikitang muli ni Jacintha Quijano pero mali siya. Mukhang pinapaburan talaga ng pagkakataon ang dalaga.

INAYOS muna ni Jaqui ang lente ng camera niya bago nagsalita.

“Hi, everyone! Welcome to my vlog! For today’s episode, naisip kong pumunta sa isang kilalang museum dito sa Antipolo. This is my first time here at buti na lang, napakaganda ng panahon!” aniya saka tinapat ang camera sa paligid. “At the end of the video, ipapakita ko sa inyo iyong different ways pa’no makapunta dito, iyong breakdown ng expenses at iba pang information na dapat ninyong malaman.”

Nang pumasok si Jaqui sa loob ng museum ay sobrang namangha siya sa ganda no’n. Habang kumukuha siya ng video at nagsasalita sa camera, nagdadasal siya na madaming manood ng content niyang iyon. Sa totoo lang, ilang gabi na siyang hindi makatulog mula nang makausap niya si Amigo at malaman ang balak nitong gawin. Nang dahil dito ay naging interesado si Jaqui manood ng balita, inaabangan niya ang bawat articles at interviews ng binata. Hindi niya alam kung kailan nito ide-deny ang issue nilang dalawa at dahil doon ay lalong kinakabahan si Jaqui. Hindi niya alam kung kailangang siya ba ang mauna na magsabi ng totoo sa mga tao. Isang linggo matapos lumabas ang video nila, patuloy pa din ang pagdami ng subscribers ni Jaqui na ang ibig sabihin, madami nang tao ang nakakakilala sa kaniya. Sa oras na i-deny siya ni Amigo, malamang ay madami na ang mamba-bash sa kaniya.

Which was very ironic. Ang gusto ni Jaqui ay makilala siya ng mga tao pero takot siya sa sasabihin ng mga ito tungkol sa kaniya.

Saglit na in-off ni Jaqui ang camera at umupo sa isang baitang ng hagdan doon. Pinagmasdan niya ang mga halamang namumulaklak sa paligid. Pinikit ni Jaqui ang mga mata at ninamnam ang sariwang hangin, ang sikat ng araw at ang katahimikan ng paligid. Ilang beses na niyang sinusubukang mag-meditate pero hindi magawang kumalman ng isip niya. Palagi niyang naiisip kung bakit walang direksyon ang buhay niya ngayon. Kung bakit hindi niya makita ang sarili sa hinaharap. Kung bakit parang walang nangyayaring maganda sa buhay niya. Kung bakit parang walang dahilan para mabuhay pa siya sa mundo.

Naramdaman ni Jaqui ang pagiinit ng mga mata pero agad niyang tiningala ang ulo para pigilin ang nagbabadyang mga luha. Hindi. Hindi siya iiyak. Napakaganda ng lugar na iyon para mag-drama siya. Isa pa, mahihirapan siyang ayusin na naman ang make up niya.

“Just make it through the day, Jaqui. Just make it through.”

Ilang saglit pang nasa ganoong pwesto si Jaqui nang may marinig siyang pamilyar na baritonong boses.

“Enjoying the sun?”

Dahan dahang minulat ni Jaqui ang mga mata. Isang bulto ang nakayuko at nakatingin sa kaniya. Hindi niya nakita agad ang mukha nito dahil natatakpan nito ang liwanag mula sa araw. At nang unti unting luminaw ang mukha ng binata sa paningin ni Jaqui, at magtama ang mga mata nila, bigla na lang niyang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Ang makapal na kilay nito, ang matangos na ilong, ang mga labing bumagay sa hugis ng mukha nito. Ang akala ni Jaqui, hindi niya na masisilayan muli ng personal ang mukhang iyon.

              At nang kumurba ang mga labi nito para sa isang ngiti, pakiramdam ni Jaqui ay biglang bumagal ang paligid at tanging nakakabinging pagtibok na lang ng puso ang naririnig niya. Anong nangyayari sa kaniya? Anong ginagawa nito sa kaniya?

Kaugnay na kabanata

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 5

    KINUHA ni Jaqui ang baso na may lamang orange juice saka uminom mula doon. Niyaya siya ni Amigo sa café na matatagpuan sa tuktok ng museum. Mula doon ay matatanaw ang ilang kabundukan sa Rizal. Sariwa ang hangin at hindi nakakapaso sa balat ang init ng araw. Ang café na iyon ay nagkakaroon ng romantic ambience sa gabi ayon sa mga nabasa ni Jaqui. Nabubuhay kasi ang mga hanging lamps sa gabi at may pumapailanlang na malamyos na musika. Balak ni Jaqui magpagabi para masaksihan ang ganda ng lugar na iyon. Kung maiiba lang ang sitwasyon, iisipin ni Jaqui na masarap makipag-date sa lugar na iyon. Muli siyang uminom ng juic

    Huling Na-update : 2020-09-14
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 6

    BINABA ni Jaqui ang bintana sa tabi niya nang makita ang asul na dagat sa labas. Bumungad sa mukha niya ang mainit na sikat ng araw at hangin ng dalampasigan. Pumikit si Jaqui at hinayaang tangayin ng hangin ang buhok niya. Sa ilang taon niyang hindi pagbalik sa Poblacion, nakalimutan na niyang napapalibutan nga pala ng magandang karagatan ang probinsya. Noong bata pa siya, madalas siyang dinadala ng kaniyang mga magulang sa dagat para ipasyal at turuan din siyang lumangoy. Pero kahit kailan ay hindi siya natuto. Natakot kasi siya na oras bitiwan siya ng mga ito, hindi na siya makaahon.

    Huling Na-update : 2020-09-20
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 7

    UMUPO si Jaqui sa tabi ni Amigo matapos niyang maghugas ng kamay. Kasalukuyan silang nasa dining area at naghihintay sa lolo niya na naghahain ng pagkain. Katulong nito ang stay out na kasambahay sa paghahain ng mga paborito niyang putahe. Talagang pinaghandaan ng lolo niya ang pagbabalik niya. Pero kahit pa masasarap ang pagkain, tila mahihirapan si Jaqui kumain dahil sa tensyong kanina pa namumuo sa paligid. Nilingon niya si Amigo na bagama’t wala ng bakas ng kaba sa mukha ay hindi pa din umiimik. “OK ka lang?” taong n

    Huling Na-update : 2020-10-03
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 8

    IN-OFF ni Jaqui ang cellphone nang muling tumunog iyon sa pangatlong pagkakataon. Naka-ilang missed calls na ang kaniyang ina pero ni isang text message ay ayaw niya itong padalhan. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis ang ina pero sa ngayon ay wala pa talaga siyang balak kausapin ito. Ang sabi ni Tita Eden, paalis na daw ulit ang kaniyang mama at ang asawa nito papuntang Europe upang mag-honeymoon doon. Noong nakaraang buwan lang ay muling nag-renew ng vows ang mga ito na taon taong ginagawa. Ang sabi ng tiyahin niya, gusto daw nitong makilala ng personal si Amigo kung totoo mang nobyo niya ang binata.

    Huling Na-update : 2020-10-17
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 9

    MALAKAS na tawa ni Clara ang narinig ni Jaqui mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya. Kinuwento niya dito ang ginawa ng lolo niya kay Amigo. “Huy! Anong nakakatawa do’n?” nagtatakang tanong niya. Ang akala yata nito ay nagbibiro siya.

    Huling Na-update : 2020-11-23
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 10

    “MUKHANG wala pa ang Lolo mo sa bahay ninyo.” Napatingin si Jaqui sa buong kabahayan at mukhang wala pa ngang tao doon dahil nakapatay pa ang mga ilaw. “Oo nga. Baka nasa barangay pa din siya,” pagsang-ayon niya sa sinabi n

    Huling Na-update : 2020-12-06
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 11

    TUMIGIL muna sa pagtakbo si Jaqui saka hingal na dumantay sa isang puno. Tumingala siya at dinama ang preskong hangin nang umihip iyon. Hindi mawala sa isip niya ang inakto ni Amigo kaninang umaga nang magkita sila nito sa bahay. Tipid na ngiti lang ang pinakita nito at hindi gaanong umiimik. Habang nasa hapag sila, ang pinaguusapan nito at ng lolo niya ay tungkol sa eleksyon at kahit gustong sumali ni Jaqui sa usapan, wala naman siyang masabi tungkol doon. Tahimik lang siyang nakinig sa usapan ng mga ito. Matapos ang agahan, nagpaalam lang ito saka umalis na. &nb

    Huling Na-update : 2021-01-10
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 12

    AGAD na tumayo si Jaqui at tinungo ang pinto nang marinig ang katok doon. Alas otso na ng gabi pero hindi pa umuuwi ang lolo niya kaya hinihintay niya ito. Hindi niya kinakailang hinihintay din niya si Amigo kahit pa alam niyang kapag nagkita sila, mabibilang sa kamay ang mga salitang sasabihin nito. “Oh, apo, pasensya na at ginabi kami.”

    Huling Na-update : 2021-01-18

Pinakabagong kabanata

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 14

    KAHIT hingal na dahil sa ilang oras na paglalakad, excited pa din si Jaqui na marating ang Barangay Mayana. Matagal na din muli noong nakita niya ang kaibigang si Wayda at ilan pang taga barangay. Totoo ang sinabi ng lolo niya na doon siya tumatakbo sa tuwing nakakagawa siya ng kasalanan at takot na mapalo ng mama at papa niya. Hindi kasi basta basta ang pagpasok doon. Ilang beses nang nakaranas ng kalupitan ang mga taga Mayana mula sa mga tagalabas kaya naman hindi niya masisisi ang mga ito kung bakit naging mailap ang mga ito sa ibang tao. Kung hindi nakakaranas ng pangungutya dahil sa hitsura ng mga ito, pinagsasamantalahan naman ang kakulangan ng mga ito sa kaalaman. Naging magkaibigan sila ni Wayda matapos niyang suntukin ang kaklase nilang nanabunot dito. Madalas kasing tampulan ng tukso ang hitsura ni Wayda kaya palagi niya itong nakikitang umiiyak sa C.R. Kahit pa pinatawag siya sa Principa

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 13

    TILA hindi malasahan ni Jaqui ang mga nakahain sa hapag. Araw ng Sabado at kasabay niyang kumakain ng pananghalian ang lolo niya at si Amigo. Nagpapasalamat na lang si Jaqui at hindi namugto ang mga mata niya dahil sa pag-iyak noong nakaraang gabi. Kagaya ng mga nakaraang araw, bilang sa kamay ang mga salitang sinabi sa kaniya ni Amigo. Ngunit hindi na iyon iniinda ni Jaqui. Kung wala itong ganang kausapin siya, wala din siyang balak kausapin ang ito. “Apo, balak naming mangampanya sa Lunes sa Barangay Mayana. Naalala mo iyon? H

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 12

    AGAD na tumayo si Jaqui at tinungo ang pinto nang marinig ang katok doon. Alas otso na ng gabi pero hindi pa umuuwi ang lolo niya kaya hinihintay niya ito. Hindi niya kinakailang hinihintay din niya si Amigo kahit pa alam niyang kapag nagkita sila, mabibilang sa kamay ang mga salitang sasabihin nito. “Oh, apo, pasensya na at ginabi kami.”

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 11

    TUMIGIL muna sa pagtakbo si Jaqui saka hingal na dumantay sa isang puno. Tumingala siya at dinama ang preskong hangin nang umihip iyon. Hindi mawala sa isip niya ang inakto ni Amigo kaninang umaga nang magkita sila nito sa bahay. Tipid na ngiti lang ang pinakita nito at hindi gaanong umiimik. Habang nasa hapag sila, ang pinaguusapan nito at ng lolo niya ay tungkol sa eleksyon at kahit gustong sumali ni Jaqui sa usapan, wala naman siyang masabi tungkol doon. Tahimik lang siyang nakinig sa usapan ng mga ito. Matapos ang agahan, nagpaalam lang ito saka umalis na. &nb

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 10

    “MUKHANG wala pa ang Lolo mo sa bahay ninyo.” Napatingin si Jaqui sa buong kabahayan at mukhang wala pa ngang tao doon dahil nakapatay pa ang mga ilaw. “Oo nga. Baka nasa barangay pa din siya,” pagsang-ayon niya sa sinabi n

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 9

    MALAKAS na tawa ni Clara ang narinig ni Jaqui mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya. Kinuwento niya dito ang ginawa ng lolo niya kay Amigo. “Huy! Anong nakakatawa do’n?” nagtatakang tanong niya. Ang akala yata nito ay nagbibiro siya.

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 8

    IN-OFF ni Jaqui ang cellphone nang muling tumunog iyon sa pangatlong pagkakataon. Naka-ilang missed calls na ang kaniyang ina pero ni isang text message ay ayaw niya itong padalhan. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis ang ina pero sa ngayon ay wala pa talaga siyang balak kausapin ito. Ang sabi ni Tita Eden, paalis na daw ulit ang kaniyang mama at ang asawa nito papuntang Europe upang mag-honeymoon doon. Noong nakaraang buwan lang ay muling nag-renew ng vows ang mga ito na taon taong ginagawa. Ang sabi ng tiyahin niya, gusto daw nitong makilala ng personal si Amigo kung totoo mang nobyo niya ang binata.

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 7

    UMUPO si Jaqui sa tabi ni Amigo matapos niyang maghugas ng kamay. Kasalukuyan silang nasa dining area at naghihintay sa lolo niya na naghahain ng pagkain. Katulong nito ang stay out na kasambahay sa paghahain ng mga paborito niyang putahe. Talagang pinaghandaan ng lolo niya ang pagbabalik niya. Pero kahit pa masasarap ang pagkain, tila mahihirapan si Jaqui kumain dahil sa tensyong kanina pa namumuo sa paligid. Nilingon niya si Amigo na bagama’t wala ng bakas ng kaba sa mukha ay hindi pa din umiimik. “OK ka lang?” taong n

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 6

    BINABA ni Jaqui ang bintana sa tabi niya nang makita ang asul na dagat sa labas. Bumungad sa mukha niya ang mainit na sikat ng araw at hangin ng dalampasigan. Pumikit si Jaqui at hinayaang tangayin ng hangin ang buhok niya. Sa ilang taon niyang hindi pagbalik sa Poblacion, nakalimutan na niyang napapalibutan nga pala ng magandang karagatan ang probinsya. Noong bata pa siya, madalas siyang dinadala ng kaniyang mga magulang sa dagat para ipasyal at turuan din siyang lumangoy. Pero kahit kailan ay hindi siya natuto. Natakot kasi siya na oras bitiwan siya ng mga ito, hindi na siya makaahon.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status