TUMUWID ng upo si Jaqui at matapang na sinalubong ang mga tingin ni Amigo Imperial. “I will not do it.”
Nagsalubong ang kilay ng dalawalang lalaking nasa harap siya.
“Ha? What do you mean? B-bakit?” naguguluhang tanong ni Amigo.
Humalukipkip si Jaqui. “I cannot afford to lose my subscribers. Hindi sila pwedeng mawala,” aniya na naging dahilan para lalong kumunot ang noo ng mga kausap niya. Hindi niya ito masisi. Dahil kahit siya, hindi makapaniwala sa lumalabas sa bibig niya.
“Did you just say subscribers? Dahil lang doon?” hindi makapaniwalang tanong ni Amigo.
Tumawa naman si Miko na ang akala yata ay nagbibiro siya. Nang hindi tumawa si Jaqui ay tumigil din ito at hindi makapaniwalang tiningnan siya.
“Oh, no,” tanging nasambit ni Miko.
“Seriously? Malaki ba ang naging impact sa’yo ng video na iyon?”
Tumango si Jaqui. “At hindi ko kaya na ma-bash at mawalan ng subscribers. Imagine, iyong video na iyon, mukha tayong may relasyon at naglalampungan sa tulay. Whoever took that video, he’s very talented.”
“Pero alam mong hindi naman iyon totoo.”
“Anong mas paniniwalaan ng tao? Iyong nakikita ng mata o naririnig ng tenga? If i-deny ko ang video na iyon at sabihing fake iyon, hindi pa din maniniwala ang mga tao. Magmumukha lang akong kung sinong babaeng na sumasama sa isang politician kahit wala silang relasyon. At doon magsisimula ang pagbagsak ng career ko.” Hindi makakapayag si Jaqui na halos nagsisimula pa nga lang siya ay bigla na siyang lulubog dahil lang sa pag-deny sa isang video. Kahit hindi tama ang desisyon niya, kailangan pa din niyang panindigan iyon dahil baka ito na lang ang natitirang oportunidad niya para makaangat sa buhay.
“Okay, sabihin nating may point ka. Pero kagaya ng sinabi ko kanina, hindi maganda ang epekto nito sa pangangampanya ko. We will push through with our plan. I’ll tell the truth.”
“No, you can’t do that. Ganyan ka ba tumanaw ng utang na loob sa taong tumulong sa’yo?” hindi napigilang sabihin ni Jaqui. Alam ni Jaqui na ito na dapat iyong oras na itikom na niya ang bibig.
Tumiim ang bagang ni Amigo. Sa pagkakatitig ng binata sa kaniya, pakiramdam ni Jaqui ay lalamunin siya nito ng buhay.
“Isn’t thank you enough? Humihingi ka ba talaga ng kapalit sa pagtulong mo?”
“I won’t deny that.”
“Seriously?”
Napasandal si Amigo sa upuan at huminga nang malalim. Mukhang nauubusan na ito ng pasensya sa kaniya.
“Alam ko iyong iniisip ninyo? That I’m a sucker? A leech? But you know what? Hindi ko din naman inasahan iyong ganitong isyu. Oo, hindi ako sikat, hindi ako politician. Hindi ba, biktima lang din ako? I helped you in that bridge but one of your stalkers made a big deal out of it. At isang araw, nagising na lang ako na pinagpe-pyestahan na lang din ako ng madla. If we will both deny the issue, I will be bashed. Hindi pa man ako kumikita sa mga content na ginagawa ko, palubog na `ko. Sa tingin ninyo ba hindi pa `ko naba-bash ngayon? One of the viewers told me who am I to be loved by someone like you? As if you’re one of the Greek gods or something. Either way, makakatanggap pa din ako ng panghuhusga.”
“So what are you telling now?”
“What I’m telling you is, I think we should just keep our mouth shut. Neither we confirm nor deny the issue.”
“Which is hindi nga pwede—”
“Bakit hindi pwede? It’s not as if I’ll be making a content with him.” putol niya sa sa sinasabi ni Miko. “It was just a harmless video clip. Hindi naman iyon matuturing na scandal. Wala naman tayong ginawang masama doon. Isa pa, sa dami ng mga kontrobersyal na balita ngayon, paniguradong matatabunan din ang issue na iyon at makaka-move on din ang mga tao. By that way, walang dehado sa ating dalawa.”
Umiling iling si Miko. “Sabihin natin na tama ka, Ms. Quijano. Pero sa dulo nito, ikaw lang ang makikinabang sa lahat. Sa tingin ko, wala naman kaming ibang pagpipilian. Let’s just say, nakipagkita lang kami ngayon sa’yo to formally meet you and to apologize for what happened. But we will push through in denying this issue. That’s the best thing to do.”
Tumayo na ang dalawang kausap niya.
Inilahad ni Amigo ang kamay sa kaniya. “It was nice to meet you.” Hindi niya nagustuhan ang paraan nito ng pagtingin sa kaniya. Na para bang sa loob lang ng ilang minuto, ay nakilala na siya nito at nahusgahan.
Nakipagkamay si Jaqui sa dalawang lalaki. Sa puntong iyon, alam niyang talo na siya. Pero tila may sariling isip ang bibig niya nang magsalita siya.
“Barangay Acacia,” aniya na nagpatigil sa pag-alis ng dalawang lalaki. Muli siyang hinarap ng mga ito at nagtatakang tiningnan siya.
Mariing napalunok si Jaqui. At bago pa niya mapigilan ang sarili ay naibuka na niya ang mga labi.
“Kamusta ang pangangampanya ninyo sa Barangay Acacia? Ang pinakamalaking barangay at pinakamataong lugar sa Poblacion?”
“So far, it’s good.”
Tiningnan niya si Miko. “Really? I doubt that. Nagawa ninyo na bang magkabit ng campaign posters ninyo sa barangay?”
Ang katahimikan ng dalawa ang sumagot sa tanong ni Jaqui. Kinuha niya ang tinidor at nilaro laro ang salad na in-order niya kanina. Pakiramdam niya ay wala naman talagang balak kumain ang dalawang kausap niya. Maging siya ay wala na ding gana.
“That barangay has a well-known chairman who was a former mayor. At kung hindi ako nagkakamali, nakikinig ang mga tao sa kaniya. At kung sino ang pagkatiwalaan niya, pagkakatiwalaan din ng mga tao. At kapag na-impluwensyahan ang isang barangay, kakalat iyon sa buong probinsya.”
Naguguluhang tiningnan siya ni Miko. “What are you talking about?”
“Wait, are you related to—”
Tiningnan ni Jacintha si Amigo. “And I thought you checked my profile already.”
ITINAAS ni Jaqui ang kanang kamay at nakita ang pagpatak ng ambon sa palad niya. Naipadyak niya ang paa sa inis. Sa lahat na lang ng pagkakataon, nakakalimutan niyang magdala ng payong. Kanina pa siya hindi makahanap ng masasakyan. Ang akala niya kasi, may dumadaan pang jeep sa lugar na iyon pero wala na pala. Sabagay, dalawang taon na mula nang makapunta siya sa lugar na iyon para sa date nila ng dati niyang nobyo. Kanina pa siya palakad lakad. Wala naman na siyang pang-taxi. Wala din siyang pang-Grab. Sakto na lang ang pamasahe niya pauwi.
Napatakbo siya nang biglang bumuhos ang ulan. Tinahak niya ang daan patungo sa waiting shed. Ang sabi ng mga street vendors, may dadaan daw na bus doon. Hingal na umupo si Jaqui. Para na siyang basang sisiw. Hinawakan niya ang mga binti na kanina pa sumasakit. Bakit ba kasi naisip pa niyang mag-suot ng high heels?
Naisip mo kasing babagay iyan sa damit mo.
Napabuntong hininga si Jaqui. Kung alam lang niya na bababa ang tingin niya sa sarili matapos siyang makipagusap kay Amigo at sa abugado nito, dapat pala ay hindi na siya tumuloy na makipagkita dito. Napatingin si Jaqui sa madilim na kalangitan. Napakalakas ng ulan. Pati ba naman ang panahon ay hindi umaayon sa kaniya? Siguro, dati siyang kriminal sa past life niya, na nakagawa ng malaking kasalanan kaya ngayon, sobra siyang pinaparusahan ng tadhana.
Hindi namalayan ni Jaqui na nagsimula na palang mag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. Ang akala niya, maiintindihan siya ni Amigo Imperial pero sino nga ba ang niloko niya? Kahit siya, hindi niya mapaniwalaan ang mga sinabi niya kanina sa harap ng mga ito. Pinagmukha niyang desperada ang sarili niya. Desperada para sa pera, para sa ambisyon niyang maging mayaman. Ngayon, bukod sa sarili niya, may dalawang tao pa na nalaman kung gaano siya kasakim at ka-desperada. Siguro’y pinaguusapan na siya ng mga ito, kinukutya at pinagtatawanan.
Pati ang lolo niya na nananahimik sa probinsya, dinamay pa niya. Siguro nga, sobrang desperada na siyang makawala sa buhay niyang iyon para idamay pa niya ang abuelo na ilang taon na niyang hindi nakikita ng personal. Ang kapal ng mukha niya para isali pa ito sa problema niya. Hindi niya ma-imagine ang magiging hitsura nito oras na malaman ang mga kalokohang ginawa niya.
Nakakahiya siya. Marahil, kung napapanood lang siya ng mga ninuno niya, tinatakwil na siya ng mga ito. Hindi siya karapat dapat para sa apelyido ng angkan nila. Wala siyang kwentang apo. Wala siyang kwentang anak.
Hindi na alam ni Jaqui ang gagawin niya sa buhay niya. Ang akala niya, dahil sa nangyari sa kanila ni Amigo, aangat na siya sa buhay, na sa wakas, nahanap na din niya ang oportunidad na matagal na niyang hinahanap. Pero hindi pala iyon totoo. Pinatikim lang siya nito ng isang araw na saya. Sa oras na i-deny ni Amigo ang video nila, paniguradong katapusan na ng karera niya. Pero hindi niya masisisi ang binata kung gagawin nito iyon. Tama naman ito. Mas lalong naiinis si Jaqui dahil tama ito. At siya, makapal lang talaga ang mukha niya para hilinging pumayag ito sa gusto niya. Sana pala,hindi na sila nito nagkita. Sana pala, hindi na sila nito nagkakilala.
Paano nga kung hindi siya nito nakita ng araw na iyon sa tulay? Papaano kung hindi niya ito tinulungan? Paano kung natuloy ang balak niyang pagpapakamatay?
Muling bumuhos ang luha ni Jaqui nang maalala ang balak niya nang araw na makita niya si Amigo. Kung hindi dahil sa binata, malamang, pinaglalamayan na siya ngayon ng pamilya niya. Nayakap niya ang sarili nang umihip ang malakas at malamig na hangin. Kahit hindi sinadya ng binata, natulungan siya nitong huwag kitilin ang buhay niya. Kung natuloy man iyon, hindi niya alam kung paano haharapin ang papa niya sa kabilang buhay. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito na nagpadaig siya sa kalungkutan at hirap ng buhay. Na hindi siya lumaban hanggang sa huli.
Pinunanasan ni Jaqui ang mukhang basang basa na ng luha. Kung tutuusin, utang niya kay Amigo ang buhay niya. Niligtas siya nito. Kaya dapat, hindi niya ito bigyan ng problema. Sobra naman kung dadagdag pa siya sa mga sulirain nito.
“Matatapos din ang araw na `to. At bukas magiging maayos na ang lahat,” pagkumbinsi niya sa sarili.
Sana nga.
“THIS can’t be happening.” Mula sa mga pinipirmahang papeles ay napatingala si Amigo nang pumasok ng opisina niya ang campaign manager na si Aries. Mukhang dismayado ito at pagod na pagod. Kasama din nito ang ilang supporters niya.  
KINUHA ni Jaqui ang baso na may lamang orange juice saka uminom mula doon. Niyaya siya ni Amigo sa café na matatagpuan sa tuktok ng museum. Mula doon ay matatanaw ang ilang kabundukan sa Rizal. Sariwa ang hangin at hindi nakakapaso sa balat ang init ng araw. Ang café na iyon ay nagkakaroon ng romantic ambience sa gabi ayon sa mga nabasa ni Jaqui. Nabubuhay kasi ang mga hanging lamps sa gabi at may pumapailanlang na malamyos na musika. Balak ni Jaqui magpagabi para masaksihan ang ganda ng lugar na iyon. Kung maiiba lang ang sitwasyon, iisipin ni Jaqui na masarap makipag-date sa lugar na iyon. Muli siyang uminom ng juic
BINABA ni Jaqui ang bintana sa tabi niya nang makita ang asul na dagat sa labas. Bumungad sa mukha niya ang mainit na sikat ng araw at hangin ng dalampasigan. Pumikit si Jaqui at hinayaang tangayin ng hangin ang buhok niya. Sa ilang taon niyang hindi pagbalik sa Poblacion, nakalimutan na niyang napapalibutan nga pala ng magandang karagatan ang probinsya. Noong bata pa siya, madalas siyang dinadala ng kaniyang mga magulang sa dagat para ipasyal at turuan din siyang lumangoy. Pero kahit kailan ay hindi siya natuto. Natakot kasi siya na oras bitiwan siya ng mga ito, hindi na siya makaahon.
UMUPO si Jaqui sa tabi ni Amigo matapos niyang maghugas ng kamay. Kasalukuyan silang nasa dining area at naghihintay sa lolo niya na naghahain ng pagkain. Katulong nito ang stay out na kasambahay sa paghahain ng mga paborito niyang putahe. Talagang pinaghandaan ng lolo niya ang pagbabalik niya. Pero kahit pa masasarap ang pagkain, tila mahihirapan si Jaqui kumain dahil sa tensyong kanina pa namumuo sa paligid. Nilingon niya si Amigo na bagama’t wala ng bakas ng kaba sa mukha ay hindi pa din umiimik. “OK ka lang?” taong n
IN-OFF ni Jaqui ang cellphone nang muling tumunog iyon sa pangatlong pagkakataon. Naka-ilang missed calls na ang kaniyang ina pero ni isang text message ay ayaw niya itong padalhan. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis ang ina pero sa ngayon ay wala pa talaga siyang balak kausapin ito. Ang sabi ni Tita Eden, paalis na daw ulit ang kaniyang mama at ang asawa nito papuntang Europe upang mag-honeymoon doon. Noong nakaraang buwan lang ay muling nag-renew ng vows ang mga ito na taon taong ginagawa. Ang sabi ng tiyahin niya, gusto daw nitong makilala ng personal si Amigo kung totoo mang nobyo niya ang binata.
MALAKAS na tawa ni Clara ang narinig ni Jaqui mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya. Kinuwento niya dito ang ginawa ng lolo niya kay Amigo. “Huy! Anong nakakatawa do’n?” nagtatakang tanong niya. Ang akala yata nito ay nagbibiro siya.
“MUKHANG wala pa ang Lolo mo sa bahay ninyo.” Napatingin si Jaqui sa buong kabahayan at mukhang wala pa ngang tao doon dahil nakapatay pa ang mga ilaw. “Oo nga. Baka nasa barangay pa din siya,” pagsang-ayon niya sa sinabi n
TUMIGIL muna sa pagtakbo si Jaqui saka hingal na dumantay sa isang puno. Tumingala siya at dinama ang preskong hangin nang umihip iyon. Hindi mawala sa isip niya ang inakto ni Amigo kaninang umaga nang magkita sila nito sa bahay. Tipid na ngiti lang ang pinakita nito at hindi gaanong umiimik. Habang nasa hapag sila, ang pinaguusapan nito at ng lolo niya ay tungkol sa eleksyon at kahit gustong sumali ni Jaqui sa usapan, wala naman siyang masabi tungkol doon. Tahimik lang siyang nakinig sa usapan ng mga ito. Matapos ang agahan, nagpaalam lang ito saka umalis na. &nb
KAHIT hingal na dahil sa ilang oras na paglalakad, excited pa din si Jaqui na marating ang Barangay Mayana. Matagal na din muli noong nakita niya ang kaibigang si Wayda at ilan pang taga barangay. Totoo ang sinabi ng lolo niya na doon siya tumatakbo sa tuwing nakakagawa siya ng kasalanan at takot na mapalo ng mama at papa niya. Hindi kasi basta basta ang pagpasok doon. Ilang beses nang nakaranas ng kalupitan ang mga taga Mayana mula sa mga tagalabas kaya naman hindi niya masisisi ang mga ito kung bakit naging mailap ang mga ito sa ibang tao. Kung hindi nakakaranas ng pangungutya dahil sa hitsura ng mga ito, pinagsasamantalahan naman ang kakulangan ng mga ito sa kaalaman. Naging magkaibigan sila ni Wayda matapos niyang suntukin ang kaklase nilang nanabunot dito. Madalas kasing tampulan ng tukso ang hitsura ni Wayda kaya palagi niya itong nakikitang umiiyak sa C.R. Kahit pa pinatawag siya sa Principa
TILA hindi malasahan ni Jaqui ang mga nakahain sa hapag. Araw ng Sabado at kasabay niyang kumakain ng pananghalian ang lolo niya at si Amigo. Nagpapasalamat na lang si Jaqui at hindi namugto ang mga mata niya dahil sa pag-iyak noong nakaraang gabi. Kagaya ng mga nakaraang araw, bilang sa kamay ang mga salitang sinabi sa kaniya ni Amigo. Ngunit hindi na iyon iniinda ni Jaqui. Kung wala itong ganang kausapin siya, wala din siyang balak kausapin ang ito. “Apo, balak naming mangampanya sa Lunes sa Barangay Mayana. Naalala mo iyon? H
AGAD na tumayo si Jaqui at tinungo ang pinto nang marinig ang katok doon. Alas otso na ng gabi pero hindi pa umuuwi ang lolo niya kaya hinihintay niya ito. Hindi niya kinakailang hinihintay din niya si Amigo kahit pa alam niyang kapag nagkita sila, mabibilang sa kamay ang mga salitang sasabihin nito. “Oh, apo, pasensya na at ginabi kami.”