Share

Chapter 2

Author: Dahlia Faith
last update Last Updated: 2020-09-14 10:43:30

Elegante ang pulang dress na sinuot ni Jaqui para sa gabing iyon. Pinagkatago tago niya ang damit na iyon. Noong mag-resign siya sa trabaho niya sa isang kilalang corporation, pinambili niya ng mga damit ang nakuha niyang back pay sa sobrang sama ng loob niya. Nagawa kasi siyang tyansingan ng manager niya at nang isumbong niya iyon sa HR, wala man lang ginawa ang mga ito. Mas minabuti niyang umalis ng trabaho kaysa naman pababain ang moralidad niya. Imbes na magmukmok, lumabas siya at namili ng mga damit mula sa mga kilalang shop. At ang pulang dress na iyon ang pinakapaborito niya.

              Nahuhulaan na ni Jaqui ang mangyayari sa pagkikita nilang iyon ni Amigo Imperial. Sa totoo lang ay kinakabahan siya. Napanood niya ang ilang interview ng binata sa TV patungkol sa pagtakbo nito bilang mayor at halata ang pagiging matalino at matapang nito. Hindi ito kagaya ng ibang pulitiko na puro mura ang sinasabi para mag mukhang matapang. Amigo was different. Halata ang pagiging edukado nito sa bawat kilos at salita.

              Hindi alam ni Jaqui na konsehal pala ito sa Poblacion. Sa totoo lang, hindi na matandaan ni Jaqui kung kailan siya huling bumoto sa probinsya. Hindi nga niya kilala kung sino ang kasalukuyang alkalde doon. Nagtataka din siya kung bakit ang isang kagaya ni Amigo Imperial, na galing sa kilala at mayamang pamilya ay nanaising maging pulitiko sa Poblacion. Hindi naman ganoon kalaki ang bayan na iyon. Ni wala ngang mga kilalang establishments doon. Halos lahat ng tao doon, sa larangan ng agrikultura kumikita ng pera. Kung sakaling tiwaling pulitiko si Amigo Imperial, hindi naman ganoon kalaki ang makukubrang pera nito dahil mahirap na bayan ang Poblacion.

Masyado ka namang judgmental.

Sabagay. Baka sa pambihirang pagkakataon, may pulitiko pang may malinis na intensyon sa bansa. Kagaya ni lolo.

Natigil sa pagtatalo ang isip ni Jaqui nang tumunog ang cellphone at makita ang isang bagong notification. Nang buksan niya ang message requests, ganoon na lamang ang naging pagbilis ng tibok ng puso niya.

Edward Cristobal wants to connect with you.

Bago pa makapag-isip si Jaqui, napindot na niya ang mensahe.

Hi, Kamusta? Hope you’re doing okay.

Mariing napalunok si Jaqui saka napahawak sa dibdib. Gusto niyang pindutin ang Accept button pero pinigilan niya ang sarili. Mamaya na niya aasikasuhin iyon. Baka ma-late pa siya sa ‘date’ niya sa ‘boyfriend’ niya.

Makalipas ang isang oras ay narating na ni Jaqui ang isang restaurant na iyon sa Taguig. Bumaba siya ng sasakyan at napatingin sa kalangitan. Mapula ang ulap, mukhang uulan. Isang kilalang garden-inspired restaurant ang pinasukan ni Jaqui. Ang sabi ni Karen, siya daw ang mamili ng lugar kung saan sila magkikita ni Amigo matapos niyang tumanggi na magpunta sa opisina nito sa Poblacion. Isang receptionist ang lumapit sa kaniya at tinanong kung may reservation siya sa restaurant. Nang sabihin niya ang pangalan ni Karen ay iginiya siya ng receptionist sa pinakaloob na bahagi ng restaurant. Isang kanta ng kilalang Bossa Nova singer ang pumapailanlang sa buong paligid, bagay na bagay iyon sa kalmadong ambience ng restaurant. Puno din ng mga hanging plants at iba’t ibang bulaklak ang buong lugar.

Pagdating nila sa isang sulok ng restaurant, may dalawang lalaki ang umookupa sa isang lamesa. Ang isang lalaki na ngayon lang niya nakilala ay tumayo nang makita siya.

“Ms. Jacintha Quijano?” anito saka inilahad ang kamay.

“Hi,” bati niya sa binata na mukhang mas matanda lang sa kaniya ng ilang taon.

Ang lalaking kasama nito ay tumayo din. At nang humarap ito, hindi napigilan ni Jaqui ang mapasinghap. Hindi naman iyon ang unang beses na nakita niya ang binata pero ibang iba ang aura nito ngayon kumpara sa lalaking humingi ng tulong sa kaniya sa tulay. Ngayon kasi, sumisigaw ng awtoridad ang tindig nito pero sa hindi nakakatakot na paraan. Kahit sinong makakita dito, iisipin na matalino ang binata dahil kitang kita iyon sa bawat kilos nito. Kahit simpleng puting polo at slacks lang ang suot nito, hindi maitatago na nasa dugo ng binata ang pagiging elegante at ang karisma nito, naguumapaw. Ito iyong tipo ng lalaking kahit pagsuotin mo ng sako, magmumukhang disente at mamahalin ang damit na iyon. Nang mapako ang mga mata ni Jaqui sa mukha ng binata, pakiramdam niya ay kailangan na niya maghabol ng hininga. Ngayon lang niya napagmasdan maigi ang makapal na kilay ng binata, ang matangos nitong ilong, ang bilugang mga mata at ang mga labi na perpekto ang pagkakakurba sa mukha nito. His face was perfectly made in a manly figure. Gwapo na ito noong una niyang makita pero ngayon, kung may salita pang hihigit sa gwapo, kailangang malaman ni Jaqui iyon.

Nang mas lumapit ito, saka lang mas napagtanto ni Jaqui kung gaano ito katangkad. Napalunok nang mariin si Jaqui. No, she was not feeling scared. Nervous? Yes, maybe. But her racing heart tells her differently.

“Hi, Ms. Quijano,” bati nito sa kaniya sa baritonong tinig. “I don’t think we’ve been properly introduced. I’m Amigo Imperial.”

Tila may sariling isip ang kamay ni Jaqui nang abutin no’n ang palad ng binata pagkatapos nitong ilahad iyon. Pinigilan ni Jaqui ang muling mapasinghap nang maramdaman ang init ng palad ng binata. Hindi alam ni Jaqui kung paano pero pakiramdam niya, walang mangyayaring masama sa kaniya habang hawak siya ng kamay nito.

“Hi,” mahinang bati ni Jaqui nang sa wakas ay matagpuan niya ang boses niya. “I’m Jacintha Quijano. Just call me ‘Jaqui’.” Hindi nakaligtas sa pandinig ni Jaqui ang kaunting panginginig sa boses niya kaya naman nang magbitiw sila ni Amigo, huminga siya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili.

“Have a seat. Kumusta ka?” tanong ni Amigo.

Nagpasalamat siya sa isa pang lalaking kasama nila na Miko pala ang pangalan. Inalalayan siya nitong umupo. Bahagyang nagtaka si Jaqui nang malamang abogado pala ito. 

Oh well. What did you expect? Date ninyo `to ni Amigo? Syempre magdadala siya ng abogado para masiguradong legal at mado-dokumento ang paguusapan ninyo.

“I hope you don’t mind. Dinala ko lang si Miko para masigurong—”

“It’s okay. Naiinitindihan ko,” putol ni Jaqui sa sinasabi ni Amigo. Mukhang nabasa nito ang iniisip niya.

“Don’t worry, nandito kami para makipagusap lang sa’yo,” sabi naman ni Miko.

Sinubukang ngumiti ni Jaqui. Nawala na ang kakaibang pakiramdam niya dahil sa presensya ni Amigo kanina. Unti unti ay napalitan iyon ng kaba dahil hindi niya alam kung anong mangyayari sa paguusap nilang iyon. Basta ang importante, hindi siya lalabas na luhaan.

“So, why did you choose this restaurant? Maganda dito ah,” kaswal na tanong ni Amigo habang tinitingnan ang paligid.

“Ah, this is one of my favorites. Okay din `yung food dito,” aniya. Pero ang totoo, pinili niya ang lugar na iyon dahil alam niyang maraming pumupuntang artista at paparazzi doon. Pero sa pwesto nila ngayon na napapalibutan ng pader at walang bintana, halatang nakapaghanda ang dalawang kausap niya. Halatang umiiwas ang mga ito na malaman ng iba ang pagkikita nila ngayon.

Pagkatapos nilang um-order ng pagkain ay muling nagsalita si Miko.

“By now, I think alam mo na kung ano iyong nangyari,” anito. “Iyong tungkol sa video ninyo ni Mr. Imperial na kumakalat sa social media. And just in case na hindi mo pa alam, isang councilor si Mr. Imperial sa probinsya ng Poblacion at hindi maganda sa imahe niya ang masangkot sa kung anong scandal lalo na ngayong tatakbo siya bilang Mayor. Kaya naman—”

“Oo. Alam ko ang tungkol doon pero hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Wala akong kinalaman doon, kung iyon ang gusto mong malaman,” depensa ni Jaqui na kinatahimik ng abugado.

Ramdam ni Jaqui ang pagbigat ng hangin sa lugar.

Nagtanggal ng bara sa lalamuna si Amigo saka nagsalita.

“Sorry pero hindi iyon ang ibig sabihin ni Miko. We’ve checked your profile and we knew you’re not some sort of paparazzi.”

“You’ve checked my profile? As in sa social media?”

Napamaang si Amigo.

“Even your personal records.”

Napatingin siya kay Miko na prenteng nakamasid lang sa kaniya.

“Isn’t that invasion of privacy? Kapag ba talaga may kapangyarihan, wala nang imposibleng gawin?”

Nang tumingin ng diretso si Amigo kay Jaqui, pinilit niyang huwag magpaapekto sa mga mata ng binata. Bakit ba parang may sariling bibig ang mga iyon at tila may sinasabi?

“Look, alam kong hindi tama iyong ginawa naman. But we just want to make sure of everyone’s safety.”

Mariing lumunok si Jaqui. “You mean your safety? Okay, fine. Kunwari wala akong narinig at hindi ko nalaman na kinalkal ninyo ang pagkatao ko. Ano ba dapat ang mangyari ngayon?”

“Well, ang gusto sana namin, lumabas ang totoo na wala naman kayong relasyon ni Mr. Imperial. Kasi iniisip namin na baka malaki ang maging epekto nito sa mga tao. Na imbes abala siya sa opisina at pangangampanya, ay may oras pa siya para gumawa ng ibang bagay at makipagkita sa kung sinong babae.”

Tumaas ang kilay ni Jaqui nang marinig ang sinabi ni Miko. Hindi niya talaga nagugustuhan ang tabas ng dila ng abogadong nasa harap niya. Natigil naman sa pagsasalita si Miko nang tumaas ang kamay ni Amigo. Bakas sa mukha nito ang kawalan ng pasensya.

“I’m sorry. He didn’t mean that. Ito kasi iyong unang beses ko na tatakbo bilang mayor sa probinsya namin. Oo, kilala na `ko sa lugar bilang konsehal pero hindi pa ako kilala ng buong Poblacion at meron lang akong halos dalawang buwan para gawin iyon. And yes, tama si Miko kahit masakit sa pandinig. Hindi maganda kung habang nangangampanya ako, may ganitong isyu ang kumakalat tungkol sa’kin. Hindi biro ang kalaban ko. For sure, they will use it against me. Kaya ang gusto sana namin, totoo lang. Na hindi ka magsasabi ng hindi totoo sa ibang tao.”

“At bakit ko naman gagawin iyon?” tanong niya sa binata. Nang hindi ito sumagot, nagsalita muli si Miko.

“We are planning to deny the issue. Sa panahon ngayon, magagaling na ang mga paparazzi mag-pohotoshop ng mukha para magmukhang totoo ang hindi totoo. Magkakaroon ng live interview si Mr. Imperial sa isang network. We would like to ask for your cooperation. You’re a vlogger. Pwede mo ding i-deny iyong issue sa bago mong content. Kahit maiksing statement lang. Ito lang nakikita naming paraan para matuon ang atensyon ng tao sa plataporma ni Mr. Imperial at hindi sa kung anong isyu.”

Ilang sandali ang kinailangan ni Jaqui para intindihin ang sinabi ni Miko. Pagkatapos ay umayos siya ng upo at huminga ng malalim. Prenteng nakatingin lang ang dalawang lalaki sa kaniya, hinihintay ang sagot niya.

“No. Hindi ko gagawin iyon.”

Related chapters

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 3

    TUMUWID ng upo si Jaqui at matapang na sinalubong ang mga tingin ni Amigo Imperial. “I will not do it.” Nagsalubong ang kilay ng dalawalang lalaking nasa harap siya. “Ha? What do you mean? B-bakit?” naguguluhang tanong ni Amigo.

    Last Updated : 2020-09-14
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 4

    “THIS can’t be happening.” Mula sa mga pinipirmahang papeles ay napatingala si Amigo nang pumasok ng opisina niya ang campaign manager na si Aries. Mukhang dismayado ito at pagod na pagod. Kasama din nito ang ilang supporters niya.  

    Last Updated : 2020-09-14
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 5

    KINUHA ni Jaqui ang baso na may lamang orange juice saka uminom mula doon. Niyaya siya ni Amigo sa café na matatagpuan sa tuktok ng museum. Mula doon ay matatanaw ang ilang kabundukan sa Rizal. Sariwa ang hangin at hindi nakakapaso sa balat ang init ng araw. Ang café na iyon ay nagkakaroon ng romantic ambience sa gabi ayon sa mga nabasa ni Jaqui. Nabubuhay kasi ang mga hanging lamps sa gabi at may pumapailanlang na malamyos na musika. Balak ni Jaqui magpagabi para masaksihan ang ganda ng lugar na iyon. Kung maiiba lang ang sitwasyon, iisipin ni Jaqui na masarap makipag-date sa lugar na iyon. Muli siyang uminom ng juic

    Last Updated : 2020-09-14
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 6

    BINABA ni Jaqui ang bintana sa tabi niya nang makita ang asul na dagat sa labas. Bumungad sa mukha niya ang mainit na sikat ng araw at hangin ng dalampasigan. Pumikit si Jaqui at hinayaang tangayin ng hangin ang buhok niya. Sa ilang taon niyang hindi pagbalik sa Poblacion, nakalimutan na niyang napapalibutan nga pala ng magandang karagatan ang probinsya. Noong bata pa siya, madalas siyang dinadala ng kaniyang mga magulang sa dagat para ipasyal at turuan din siyang lumangoy. Pero kahit kailan ay hindi siya natuto. Natakot kasi siya na oras bitiwan siya ng mga ito, hindi na siya makaahon.

    Last Updated : 2020-09-20
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 7

    UMUPO si Jaqui sa tabi ni Amigo matapos niyang maghugas ng kamay. Kasalukuyan silang nasa dining area at naghihintay sa lolo niya na naghahain ng pagkain. Katulong nito ang stay out na kasambahay sa paghahain ng mga paborito niyang putahe. Talagang pinaghandaan ng lolo niya ang pagbabalik niya. Pero kahit pa masasarap ang pagkain, tila mahihirapan si Jaqui kumain dahil sa tensyong kanina pa namumuo sa paligid. Nilingon niya si Amigo na bagama’t wala ng bakas ng kaba sa mukha ay hindi pa din umiimik. “OK ka lang?” taong n

    Last Updated : 2020-10-03
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 8

    IN-OFF ni Jaqui ang cellphone nang muling tumunog iyon sa pangatlong pagkakataon. Naka-ilang missed calls na ang kaniyang ina pero ni isang text message ay ayaw niya itong padalhan. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis ang ina pero sa ngayon ay wala pa talaga siyang balak kausapin ito. Ang sabi ni Tita Eden, paalis na daw ulit ang kaniyang mama at ang asawa nito papuntang Europe upang mag-honeymoon doon. Noong nakaraang buwan lang ay muling nag-renew ng vows ang mga ito na taon taong ginagawa. Ang sabi ng tiyahin niya, gusto daw nitong makilala ng personal si Amigo kung totoo mang nobyo niya ang binata.

    Last Updated : 2020-10-17
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 9

    MALAKAS na tawa ni Clara ang narinig ni Jaqui mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya. Kinuwento niya dito ang ginawa ng lolo niya kay Amigo. “Huy! Anong nakakatawa do’n?” nagtatakang tanong niya. Ang akala yata nito ay nagbibiro siya.

    Last Updated : 2020-11-23
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 10

    “MUKHANG wala pa ang Lolo mo sa bahay ninyo.” Napatingin si Jaqui sa buong kabahayan at mukhang wala pa ngang tao doon dahil nakapatay pa ang mga ilaw. “Oo nga. Baka nasa barangay pa din siya,” pagsang-ayon niya sa sinabi n

    Last Updated : 2020-12-06

Latest chapter

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 14

    KAHIT hingal na dahil sa ilang oras na paglalakad, excited pa din si Jaqui na marating ang Barangay Mayana. Matagal na din muli noong nakita niya ang kaibigang si Wayda at ilan pang taga barangay. Totoo ang sinabi ng lolo niya na doon siya tumatakbo sa tuwing nakakagawa siya ng kasalanan at takot na mapalo ng mama at papa niya. Hindi kasi basta basta ang pagpasok doon. Ilang beses nang nakaranas ng kalupitan ang mga taga Mayana mula sa mga tagalabas kaya naman hindi niya masisisi ang mga ito kung bakit naging mailap ang mga ito sa ibang tao. Kung hindi nakakaranas ng pangungutya dahil sa hitsura ng mga ito, pinagsasamantalahan naman ang kakulangan ng mga ito sa kaalaman. Naging magkaibigan sila ni Wayda matapos niyang suntukin ang kaklase nilang nanabunot dito. Madalas kasing tampulan ng tukso ang hitsura ni Wayda kaya palagi niya itong nakikitang umiiyak sa C.R. Kahit pa pinatawag siya sa Principa

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 13

    TILA hindi malasahan ni Jaqui ang mga nakahain sa hapag. Araw ng Sabado at kasabay niyang kumakain ng pananghalian ang lolo niya at si Amigo. Nagpapasalamat na lang si Jaqui at hindi namugto ang mga mata niya dahil sa pag-iyak noong nakaraang gabi. Kagaya ng mga nakaraang araw, bilang sa kamay ang mga salitang sinabi sa kaniya ni Amigo. Ngunit hindi na iyon iniinda ni Jaqui. Kung wala itong ganang kausapin siya, wala din siyang balak kausapin ang ito. “Apo, balak naming mangampanya sa Lunes sa Barangay Mayana. Naalala mo iyon? H

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 12

    AGAD na tumayo si Jaqui at tinungo ang pinto nang marinig ang katok doon. Alas otso na ng gabi pero hindi pa umuuwi ang lolo niya kaya hinihintay niya ito. Hindi niya kinakailang hinihintay din niya si Amigo kahit pa alam niyang kapag nagkita sila, mabibilang sa kamay ang mga salitang sasabihin nito. “Oh, apo, pasensya na at ginabi kami.”

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 11

    TUMIGIL muna sa pagtakbo si Jaqui saka hingal na dumantay sa isang puno. Tumingala siya at dinama ang preskong hangin nang umihip iyon. Hindi mawala sa isip niya ang inakto ni Amigo kaninang umaga nang magkita sila nito sa bahay. Tipid na ngiti lang ang pinakita nito at hindi gaanong umiimik. Habang nasa hapag sila, ang pinaguusapan nito at ng lolo niya ay tungkol sa eleksyon at kahit gustong sumali ni Jaqui sa usapan, wala naman siyang masabi tungkol doon. Tahimik lang siyang nakinig sa usapan ng mga ito. Matapos ang agahan, nagpaalam lang ito saka umalis na. &nb

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 10

    “MUKHANG wala pa ang Lolo mo sa bahay ninyo.” Napatingin si Jaqui sa buong kabahayan at mukhang wala pa ngang tao doon dahil nakapatay pa ang mga ilaw. “Oo nga. Baka nasa barangay pa din siya,” pagsang-ayon niya sa sinabi n

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 9

    MALAKAS na tawa ni Clara ang narinig ni Jaqui mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya. Kinuwento niya dito ang ginawa ng lolo niya kay Amigo. “Huy! Anong nakakatawa do’n?” nagtatakang tanong niya. Ang akala yata nito ay nagbibiro siya.

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 8

    IN-OFF ni Jaqui ang cellphone nang muling tumunog iyon sa pangatlong pagkakataon. Naka-ilang missed calls na ang kaniyang ina pero ni isang text message ay ayaw niya itong padalhan. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis ang ina pero sa ngayon ay wala pa talaga siyang balak kausapin ito. Ang sabi ni Tita Eden, paalis na daw ulit ang kaniyang mama at ang asawa nito papuntang Europe upang mag-honeymoon doon. Noong nakaraang buwan lang ay muling nag-renew ng vows ang mga ito na taon taong ginagawa. Ang sabi ng tiyahin niya, gusto daw nitong makilala ng personal si Amigo kung totoo mang nobyo niya ang binata.

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 7

    UMUPO si Jaqui sa tabi ni Amigo matapos niyang maghugas ng kamay. Kasalukuyan silang nasa dining area at naghihintay sa lolo niya na naghahain ng pagkain. Katulong nito ang stay out na kasambahay sa paghahain ng mga paborito niyang putahe. Talagang pinaghandaan ng lolo niya ang pagbabalik niya. Pero kahit pa masasarap ang pagkain, tila mahihirapan si Jaqui kumain dahil sa tensyong kanina pa namumuo sa paligid. Nilingon niya si Amigo na bagama’t wala ng bakas ng kaba sa mukha ay hindi pa din umiimik. “OK ka lang?” taong n

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 6

    BINABA ni Jaqui ang bintana sa tabi niya nang makita ang asul na dagat sa labas. Bumungad sa mukha niya ang mainit na sikat ng araw at hangin ng dalampasigan. Pumikit si Jaqui at hinayaang tangayin ng hangin ang buhok niya. Sa ilang taon niyang hindi pagbalik sa Poblacion, nakalimutan na niyang napapalibutan nga pala ng magandang karagatan ang probinsya. Noong bata pa siya, madalas siyang dinadala ng kaniyang mga magulang sa dagat para ipasyal at turuan din siyang lumangoy. Pero kahit kailan ay hindi siya natuto. Natakot kasi siya na oras bitiwan siya ng mga ito, hindi na siya makaahon.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status