Share

Chapter 1

Author: Dahlia Faith
last update Huling Na-update: 2020-09-14 10:43:05

ILANG katok sa pinto ang nagpagising kay Jaqui. Napakamot siya sa ulo. Wala pa yatang limang oras siyang nakakatulog. Napuyat siya kaka-edit ng content niya para sa isang social media platform. Halos isang taon na niyang ginagawa ang pagba-vlog at umaasa siya na kahit papaano, kagaya ng ibang sikat na vlogger, ay kikita din siya sa ginagawa niya.

“Bakit?” tanong niya habang inaantok pa.

“Jaqui, buksan mo `tong pinto,” dinig niyang utos ni Tita Eden, ang nagiisang kapatid ng mommy niya.

Inaantok na bumangon si Jaqui saka binuksan ang pintuan. “Bakit po? Ang aga aga mainit ulo ninyo,” aniya saka pabagsak na bumalik sa higaaan.

“Saan ka ba galing last week?” tanong ng tiyahin niya.

“Sa farm po,” mahinang sagot niya.

“Sa farm? Ikaw lang mag-isa?”

Napakamot siya ng ulo. “Opo. Inaantok pa po `ko, Tita,” angal niya.

“Kung ikaw lang mag-isa, bakit may kasama kang lalaki sa video?” tanong ni Clara, ang panganay na anak ng Tita Eden niya.

“Anong video?”

“Ito oh, trending ka, girl.”

Napabangon si Jaqui sa narinig. “Ano bang sinasabi mo, Clara?”

Inabot nito ang cellphone sa kaniya. Humikab muna si Jaqui bago pinindot ang play button. Nang mag-play iyon, tila nawala ang antok sa sistema niya. Isang babae at lalaki ang magkaakbay habang naglalakad sa isang tulay. Pamilyar kay Jaqui ang lugar na iyon lalo na ang papalubog na araw. Nanlaki ang mga mata niya habang pinapanood ang video clip. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga nang mapagtantong siya ang babaeng nasa video. Kitang kita doon ang mukha niya at ng lalaki lalo pa nang tumama ang liwanag mula sa papalubog na araw sa mukha nilang dalawa. Kung sino man ang kumuha ng kaganapang iyon, paniguradong naghanda ito. Mukhang hindi lang basta simpleng cellphone ang ginamit nito, mukhang gumamit pa ito ng advanced na camera.  Pero ang pinagtataka ni Jaqui, bakit mukhang may relasyon sila ng lalaking tinulungan niya sa tulay? Bakit sa video, mukha silang nagde-date at pianapanood ang sunset habang naglalakad? Hindi naman ganoon ang nangyari sa pagkakatanda niya.

“Teka teka. Paano ka nagkaro’n nito?” naguguluhang tanong niya kay Clara.

“Girl, may nag-upload niyan kagabi sa Youtube. Ang daming views. Hashtag-Amigo-Imperial-Girlfriend. Trending kayo kahit sa Twitter. Sikat ka na!” excited na sagot nito.

“Uy, tumigil ka nga,” saway ng nanay nito.

“Ha? Amigo Imperial? Sino iyon?”

Hindi makapaniwalang tiningnan siya ng mag-ina.

“Kasama mo sa farm, hindi mo kakilala? Ayan kaakbayan mo pa,” sermon ng tiyahin niya.

Napailing si Jaqui. “Hindi. Hindi. Hindi totoo `to. Ano kasi, tinulungan ko siya kaya nakaakbay siya sa’kin. Nahihirapan kasi siyang makalakad no’ng time na `yan. Tapos iyon na, ni hindi ko nga alam ang pangalan niya,” depensa ni Jaqui.

“Opo nga,” giit niya nang tingnan siya ng mag-ina na animo’y hindi totoo ang sinasabi nya. “Saka, s-sino nga ulit iyon? Amigo? Sino ba iyon? Artista ba iyon?”

Kinuha ni Clara ang cellphone nito at may tinipa doon. “Hindi siya artista, konsehal siya sa Poblacion. At siya lang naman ang nagiisang anak ni Amanda Imperial at Senator Abuel.”

Napalunok si Jaqui. “H-ha?”

“Nag-file siya ng candidacy para sa pagka-mayor ng Poblacion. Bigla siyang sumikat. Paano ba naman, ang gwapo, ang talino, matangkad, lakas ng appeal. At ang alam kasi ng lahat, single siya. Good catch! Kaya siya nagte-trending. Hindi ka ba nanonood ng news?”

“H-hindi.” Pulos vlog ang madalas na pinapanood ni Jaqui. Sa panahon ngayon, wala namang magandang malalaman sa balita. Hindi na lang siya manonood kaysa naman puro pulitikong nangungurakot, kabilaang patayan at tungkol sa drugs ang mapanood niya.

“Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Tawagan mo ang Mama mo. Gusto ka niyang makausap tungkol diyan sa scandal mo. Saka `wag ka munang bumaba. Iyong mga tsismosang kapit bahay, kanina ka pa hinahanap,” ani Tita Eden saka lumabas na ng silid niya.

“Maka-scandal naman `to si Mama,” sabi ni Clara. “Sabi naman ni Jaqui, hindi totoo iyong nasa video `di ba?”

Tumango siya. “T-teka. Ano bang gagawin ko? May dapat ba kong gawin? Kailangan ko ba siyang tawagan?”

“Ha? Alam mo ang number niya? Pa-send naman!”

Inirapan niya si Clara. Hindi niya alam kung pinsan niya ba talaga ito o ano. Kinuha niya ang cellphone niya at nagulat sa dami ng mga text messages at missed calls na na natanggap niya. Galing iyon sa mga kaibigan niya na nagtatanong sa relasyon niya kay Amigo Imperial. May ilang missed call din siyang natanggap mula sa kaniyang ina pero hindi niya iyon pinansin. Nang buksan niya ang laptop, nanlaki ulit ang mga mata niya nang makita ang biglang pagtaas ng mga subscriber at views niya sa Youtube. Sa isang taon na gumagawa siya ng content, ngayon lang siya nagkaroon ng mahigit 10,000 views sa isang content. Saglit niyang pinasadahan ang comments ng mga netizens sa vlog niya.

Siya pala ang girlfriend ni Amigo Imperial. Swerte naman niya!

She looks hot and smart. Baka kaya siya nagustuhan.

Great content. Bakit ba ngayon ko lang ito napanood?

Pati sa iba niyang Social Media accounts, dumagsa ang mga friend requests at comments sa page niya. Pakiramdam ni Jaqui ay nananaginip lang siya. Isang napakagandang panaginip.

“Wow. Peymus ka, Girl?” asar ni Clara sa kaniya.

“Totoo ba `to?” hindi makapaniwalang tanong ni Jaqui sa pinsan niya. “Sampalin mo nga `ko.”

Dali dali siyang sinampal ni Clara.

“Aw,” aniya saka sinapo ang pisngi.

Shit. Totoo nga.

Tiningnan niya si Clara saka napangiti. Para silang mga batang naghiyawan sa tuwa. Hindi pa nakuntento, umakyat pa sila sa kama at nagtatatalon doon.

“OMG! Hindi ako makapaniwala!”

“Sikat ka na, girl! Yayaman ka na! Instant celebrity!”

“Kikita na `ko sa Youtube! Finally! Yayaman na `ko!,” masayang sabi niya habang tumatalon sa kama.

“Shocks! Naisip ko, sa susunod na video mo, i-guest mo `ko. Gawin natin iyong ginagawa ng ibang vloggers like mukbang with questions ganun.”

Natawa siya kay Clara. “Okay, sige!”

Natigil lang sila sa paglundag nang tumunog ang cellphone niya. Nang sagutin iyon ni Jaqui, boses ng babae ang bumungad sa kaniya.

“Hi! May I speak with Ms. Jacintha Quijano? I’m Karen, I’m calling from the office of Councilor Amigo Imperial.”

Napalunok ng mariin si Jaqui. Inimbitahan si Jaqui ng babaeng nagpakilalang Karen. Staff daw ito ni Amigo Imperial. Gusto daw siyang makita ng binata para makausap. Gusto sanang h-um-indi ni Jaqui pero naka-oo na siya. Pakiramdam niya’y wala naman siyang magagawa. Hindi niya alam kung bakit pero hindi maganda ang pakiramdam niya sa mangyayari kapag nag-usap na sila ng binata.

Kaugnay na kabanata

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 2

    Elegante ang pulang dress na sinuot ni Jaqui para sa gabing iyon. Pinagkatago tago niya ang damit na iyon. Noong mag-resign siya sa trabaho niya sa isang kilalang corporation, pinambili niya ng mga damit ang nakuha niyang back pay sa sobrang sama ng loob niya. Nagawa kasi siyang tyansingan ng manager niya at nang isumbong niya iyon sa HR, wala man lang ginawa ang mga ito. Mas minabuti niyang umalis ng trabaho kaysa naman pababain ang moralidad niya. Imbes na magmukmok, lumabas siya at namili ng mga damit mula sa mga kilalang shop. At ang pulang dress na iyon ang pinakapaborito niya. &nbs

    Huling Na-update : 2020-09-14
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 3

    TUMUWID ng upo si Jaqui at matapang na sinalubong ang mga tingin ni Amigo Imperial. “I will not do it.” Nagsalubong ang kilay ng dalawalang lalaking nasa harap siya. “Ha? What do you mean? B-bakit?” naguguluhang tanong ni Amigo.

    Huling Na-update : 2020-09-14
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 4

    “THIS can’t be happening.” Mula sa mga pinipirmahang papeles ay napatingala si Amigo nang pumasok ng opisina niya ang campaign manager na si Aries. Mukhang dismayado ito at pagod na pagod. Kasama din nito ang ilang supporters niya.  

    Huling Na-update : 2020-09-14
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 5

    KINUHA ni Jaqui ang baso na may lamang orange juice saka uminom mula doon. Niyaya siya ni Amigo sa café na matatagpuan sa tuktok ng museum. Mula doon ay matatanaw ang ilang kabundukan sa Rizal. Sariwa ang hangin at hindi nakakapaso sa balat ang init ng araw. Ang café na iyon ay nagkakaroon ng romantic ambience sa gabi ayon sa mga nabasa ni Jaqui. Nabubuhay kasi ang mga hanging lamps sa gabi at may pumapailanlang na malamyos na musika. Balak ni Jaqui magpagabi para masaksihan ang ganda ng lugar na iyon. Kung maiiba lang ang sitwasyon, iisipin ni Jaqui na masarap makipag-date sa lugar na iyon. Muli siyang uminom ng juic

    Huling Na-update : 2020-09-14
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 6

    BINABA ni Jaqui ang bintana sa tabi niya nang makita ang asul na dagat sa labas. Bumungad sa mukha niya ang mainit na sikat ng araw at hangin ng dalampasigan. Pumikit si Jaqui at hinayaang tangayin ng hangin ang buhok niya. Sa ilang taon niyang hindi pagbalik sa Poblacion, nakalimutan na niyang napapalibutan nga pala ng magandang karagatan ang probinsya. Noong bata pa siya, madalas siyang dinadala ng kaniyang mga magulang sa dagat para ipasyal at turuan din siyang lumangoy. Pero kahit kailan ay hindi siya natuto. Natakot kasi siya na oras bitiwan siya ng mga ito, hindi na siya makaahon.

    Huling Na-update : 2020-09-20
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 7

    UMUPO si Jaqui sa tabi ni Amigo matapos niyang maghugas ng kamay. Kasalukuyan silang nasa dining area at naghihintay sa lolo niya na naghahain ng pagkain. Katulong nito ang stay out na kasambahay sa paghahain ng mga paborito niyang putahe. Talagang pinaghandaan ng lolo niya ang pagbabalik niya. Pero kahit pa masasarap ang pagkain, tila mahihirapan si Jaqui kumain dahil sa tensyong kanina pa namumuo sa paligid. Nilingon niya si Amigo na bagama’t wala ng bakas ng kaba sa mukha ay hindi pa din umiimik. “OK ka lang?” taong n

    Huling Na-update : 2020-10-03
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 8

    IN-OFF ni Jaqui ang cellphone nang muling tumunog iyon sa pangatlong pagkakataon. Naka-ilang missed calls na ang kaniyang ina pero ni isang text message ay ayaw niya itong padalhan. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis ang ina pero sa ngayon ay wala pa talaga siyang balak kausapin ito. Ang sabi ni Tita Eden, paalis na daw ulit ang kaniyang mama at ang asawa nito papuntang Europe upang mag-honeymoon doon. Noong nakaraang buwan lang ay muling nag-renew ng vows ang mga ito na taon taong ginagawa. Ang sabi ng tiyahin niya, gusto daw nitong makilala ng personal si Amigo kung totoo mang nobyo niya ang binata.

    Huling Na-update : 2020-10-17
  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 9

    MALAKAS na tawa ni Clara ang narinig ni Jaqui mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya. Kinuwento niya dito ang ginawa ng lolo niya kay Amigo. “Huy! Anong nakakatawa do’n?” nagtatakang tanong niya. Ang akala yata nito ay nagbibiro siya.

    Huling Na-update : 2020-11-23

Pinakabagong kabanata

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 14

    KAHIT hingal na dahil sa ilang oras na paglalakad, excited pa din si Jaqui na marating ang Barangay Mayana. Matagal na din muli noong nakita niya ang kaibigang si Wayda at ilan pang taga barangay. Totoo ang sinabi ng lolo niya na doon siya tumatakbo sa tuwing nakakagawa siya ng kasalanan at takot na mapalo ng mama at papa niya. Hindi kasi basta basta ang pagpasok doon. Ilang beses nang nakaranas ng kalupitan ang mga taga Mayana mula sa mga tagalabas kaya naman hindi niya masisisi ang mga ito kung bakit naging mailap ang mga ito sa ibang tao. Kung hindi nakakaranas ng pangungutya dahil sa hitsura ng mga ito, pinagsasamantalahan naman ang kakulangan ng mga ito sa kaalaman. Naging magkaibigan sila ni Wayda matapos niyang suntukin ang kaklase nilang nanabunot dito. Madalas kasing tampulan ng tukso ang hitsura ni Wayda kaya palagi niya itong nakikitang umiiyak sa C.R. Kahit pa pinatawag siya sa Principa

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 13

    TILA hindi malasahan ni Jaqui ang mga nakahain sa hapag. Araw ng Sabado at kasabay niyang kumakain ng pananghalian ang lolo niya at si Amigo. Nagpapasalamat na lang si Jaqui at hindi namugto ang mga mata niya dahil sa pag-iyak noong nakaraang gabi. Kagaya ng mga nakaraang araw, bilang sa kamay ang mga salitang sinabi sa kaniya ni Amigo. Ngunit hindi na iyon iniinda ni Jaqui. Kung wala itong ganang kausapin siya, wala din siyang balak kausapin ang ito. “Apo, balak naming mangampanya sa Lunes sa Barangay Mayana. Naalala mo iyon? H

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 12

    AGAD na tumayo si Jaqui at tinungo ang pinto nang marinig ang katok doon. Alas otso na ng gabi pero hindi pa umuuwi ang lolo niya kaya hinihintay niya ito. Hindi niya kinakailang hinihintay din niya si Amigo kahit pa alam niyang kapag nagkita sila, mabibilang sa kamay ang mga salitang sasabihin nito. “Oh, apo, pasensya na at ginabi kami.”

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 11

    TUMIGIL muna sa pagtakbo si Jaqui saka hingal na dumantay sa isang puno. Tumingala siya at dinama ang preskong hangin nang umihip iyon. Hindi mawala sa isip niya ang inakto ni Amigo kaninang umaga nang magkita sila nito sa bahay. Tipid na ngiti lang ang pinakita nito at hindi gaanong umiimik. Habang nasa hapag sila, ang pinaguusapan nito at ng lolo niya ay tungkol sa eleksyon at kahit gustong sumali ni Jaqui sa usapan, wala naman siyang masabi tungkol doon. Tahimik lang siyang nakinig sa usapan ng mga ito. Matapos ang agahan, nagpaalam lang ito saka umalis na. &nb

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 10

    “MUKHANG wala pa ang Lolo mo sa bahay ninyo.” Napatingin si Jaqui sa buong kabahayan at mukhang wala pa ngang tao doon dahil nakapatay pa ang mga ilaw. “Oo nga. Baka nasa barangay pa din siya,” pagsang-ayon niya sa sinabi n

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 9

    MALAKAS na tawa ni Clara ang narinig ni Jaqui mula sa kabilang linya. Napakunot ang noo niya. Kinuwento niya dito ang ginawa ng lolo niya kay Amigo. “Huy! Anong nakakatawa do’n?” nagtatakang tanong niya. Ang akala yata nito ay nagbibiro siya.

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 8

    IN-OFF ni Jaqui ang cellphone nang muling tumunog iyon sa pangatlong pagkakataon. Naka-ilang missed calls na ang kaniyang ina pero ni isang text message ay ayaw niya itong padalhan. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis ang ina pero sa ngayon ay wala pa talaga siyang balak kausapin ito. Ang sabi ni Tita Eden, paalis na daw ulit ang kaniyang mama at ang asawa nito papuntang Europe upang mag-honeymoon doon. Noong nakaraang buwan lang ay muling nag-renew ng vows ang mga ito na taon taong ginagawa. Ang sabi ng tiyahin niya, gusto daw nitong makilala ng personal si Amigo kung totoo mang nobyo niya ang binata.

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 7

    UMUPO si Jaqui sa tabi ni Amigo matapos niyang maghugas ng kamay. Kasalukuyan silang nasa dining area at naghihintay sa lolo niya na naghahain ng pagkain. Katulong nito ang stay out na kasambahay sa paghahain ng mga paborito niyang putahe. Talagang pinaghandaan ng lolo niya ang pagbabalik niya. Pero kahit pa masasarap ang pagkain, tila mahihirapan si Jaqui kumain dahil sa tensyong kanina pa namumuo sa paligid. Nilingon niya si Amigo na bagama’t wala ng bakas ng kaba sa mukha ay hindi pa din umiimik. “OK ka lang?” taong n

  • Make It Through the Day (Tagalog Romance Novel)   Chapter 6

    BINABA ni Jaqui ang bintana sa tabi niya nang makita ang asul na dagat sa labas. Bumungad sa mukha niya ang mainit na sikat ng araw at hangin ng dalampasigan. Pumikit si Jaqui at hinayaang tangayin ng hangin ang buhok niya. Sa ilang taon niyang hindi pagbalik sa Poblacion, nakalimutan na niyang napapalibutan nga pala ng magandang karagatan ang probinsya. Noong bata pa siya, madalas siyang dinadala ng kaniyang mga magulang sa dagat para ipasyal at turuan din siyang lumangoy. Pero kahit kailan ay hindi siya natuto. Natakot kasi siya na oras bitiwan siya ng mga ito, hindi na siya makaahon.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status