SCARLETT Akala ko aabutin lang ang meeting nila Lucien ng isa o dalawang oras pero inabot hanggang alas dose ng tanghali, Hindi pa nga sila tapos kaya napagpasyahan ko na lang sana dalhin sa conference room ang lunch, pero tinawagan ako ng secretary niya at sinabi na ako na lang muna ang kumain ng baon na pagkain dahil nanlibre ng lunch ang isang ka-meeting nila. Mukhang aabutin pa ang kanilang meeting hanggang hapon. Tsk, gustong gusto ko pa naman sana makausap si Lucien. Pero sige, pwede naman sa mansion ko na lang siya kausapin o sa susunod na araw. Bandang alas dos ng makaramdam ako ng boredom kaya naisipan ko munang lumabas ng opisina ni Lucien. Mukhang mamaya pa naman ang tapos ng meeting. Sumasakit na rin ang pwet ko kakaupo. Nag-inat-inat ako bago lumabas ng opisina. Habang naglalakad-lakad nililibot ko ang tingin sa paligid, Sa tagal kong sumasama kay Lucien dito sa kumpanya ngayon ko pa lang malilibot itong buong floor, Lagi kasi akong nandoon lang sa laba
SCARLETT Seryoso kong tinitigan ang bawat isa, tinatantya ang magiging reaksyon nila kapag sinabi ko ang tungkol sa Phantom at Kay franco. Tumingin ako kay Boss na naghihintay sa anumang sasabihin ko. “I apologize if I disturbed your work, but this meeting is important. We have gathered information on who is the boss of the underground and who killed Alonzo. Because we all the same mission, I didn't hesitate to call for this meeting.” Seryoso kong turan. Mukhang nabuhayan naman sila ng dugo ng marinig ang aking sinabi. “Then whos is the new boss of the underground? Who killed Alonzo” Boss asked seriously. Halatang gusto na rin niya malaman kung sino ang nasa likod ng lahat. “It's Franco Salvador, The one who's extremely angry at our organization.” I answered coldly. Napatuwid ng upo ang lahat, hindi makapaniwa sa aking binitiwang salita. “Are you sure about this, Red?” Seryosong tanong ni Thunder. Tumango naman ako bago pinag patuloy ang sinasabi
OFFICE Alas dies na ng umaga pero si Lucien nakatulala lang sa kanyang laptop. Naiiling na lang ako bago binaba ang hawak na folder. Sa totoo lang ang dami ko ng nagawa ‘e. Na-arranged ko na lahat ng pipirmahan at babasahin niyang documents, ang iba pa nga ay ako na mismo ang naghatid sa ibang department. Kanina ko pa rin pa-simpleng pinag mamasdan ang lalaki. Lutang na lutang ang loko, Akala mo broken hearted e. Hindi na ako nakatiis, tumayo ako sa kinauupuan saka dumeretso sa table niya saka naupo sa upuan na nasa harap. Humalukipkip ako habang nakataas ang isang kilay. Napaangat siya ng tingin. Takte, hindi ako sanay makita na ganito ang lalaki. “Ano ba ang nangyayari sa ‘yo? Kahapon ka pa wala sa sarili mo.” Tanong ko. Kunwari walang akong alam, titignan ko lang kung mag oopen up. Maang-maangan muna ako sa ngayon. “N-nothing, wala lang ako sa mood.” Matamlay niyang sagot na siyang kinataas lalo ng kilay ko. Aba! Itatago niya talaga sa akin ang pag
SCARLETT PAGSAPIT ng alas singko ng hapon, tumayo na ako para mag-handa dahil uwian na. Kanina ko pa gusto umuwi dahil antok na antok na ako. For sure naman na uuwi na si Lucien dahil halatang wala pa rin sa mood ang lalaki. Simula ng mag usap kami kanina ay walang naging kibuan sa pagitan namin, kahit noong tanghalian. Pinili pa nga ng lalaki na kumain sa table nito kesa saluhan ako sa mahabang lamesa. Isinawalang bahala ko nalang baka galit dahil sa mga sinabi ko. Humakbang na ako saka kinuha sa lamesa ang lunch bag ng biglang magsalita si Lucien. “Hindi pa tayo uuwi, Hermosa. I will meet Claire at the Cafe near her subdivision.” Napatingin tuloy agad ako sa kanya. Don't tell me nakapag isip na siya agad? Ngayon na ba niya gagawin? Sino ang pinili niya? “Tsk, I know what you're thinking, don't give me that look, Hermosa. Makikipag kita ako kay Claire para timbangin ang sarili. Hindi ko pa gagawin ang gusto mo mang-yari. Pinag iisipan ko pang maigi ang lahat
SCARLETT point of view Nakasandal ako sa kotse habang sumisimsim ng kape na binili ko. Nakaharap ako mismo sa cafe na kinaroroonan ni Claire at Lucien. Para mabantayan sila maige. Gusto ko nga rin sana kumain ng cake sa loob kaso iniisip ko na baka biglang may kalaban na sumulpot. Isa pa ayoko makausap si Lucien, naiinis pa rin ako sa naging pag uusap namin kanina habang papunta dito sa Cafe. Buti nga hindi na ulit nagtanong ng nagtanong dahil kung nagkulit pa siya makakatikim na siya sa akin ng sapak. Naubos ko na ang kape na iniinom, itatapon ko na sana sa basurahan ang cup ng biglang may tumawag sa akin. “Hermosa, comer here!” Napalingon ako sa entrance ng cafe, nangunot ang noo ko ng makitang sinesenyasan ako ni Lucien na lumapit. Nagtataka naman akong humakbang papalapit sa kanya, bakit kaya? May problema ba? “Bakit?” Tipid na tanong ko. Inis pa rin ako sa kanya. “Tara sa loob, I ordered pasta and cake for you. I know you're hungry too.” Tinaasan k
SCARLETT “Hey, Hermosa, Are you okay?” Nakatulala pa rin ako habang nakatingin sa magandang katawan ni Lucien. Sa tagal ko dito sa mansion ngayon ko lang nakita ng ganito ang katawan ng lalaki. “Hey, Hermosa.” Napakurap-kurap ako ng mapansin na nakalapit na pala si Lucien sa akin. Wala sa hulog na napa-atras ako at napalunok. Pakiramdam ko mas lalo akong napaso dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Nagtaka naman ang lalaki saka kumunot noo. Tapos unti-unting bumaba ang tingin niya sa braso kong natalsikan ng mantika. Humakbang siya at maingat na hinawakan ang braso ko. Balak ko pa sana iyong iiwas pero mabilis ang naging kilos ni Lucien. Kaya wala na akong nagawa pa. And there it was again, that strange spark I felt when our skin touched. Mahinang napamura si Lucien ng makita ang braso kong natalsikan ng mantika, namumula iyon at mahapdi. Napasinghap ako ng marahan niya akong hinila patungo sa lababo at maingat na hinugasan ang paso ko. “Does it h
SCARLETT Magaan ang pakiramdam ko habang nakasunod kay Lucien papasok sa loob ng building ng kompanya. Good mood ako dahil sa nakalipas na dalawang araw ay todo pahinga lang ang aking ginawa. Hindi ako hinayaan ng lalaki na kumilos. Nakakatawa nga dahil paso lang naman ‘yung natamo ko pero grabe niya ako pag bawalan. Daig ko pa ang nabaril at malala ang tama. Sa dalawang araw na iyon hindi ko naramdaman ang pagiging isang maid. Nakasakay na kami ng elevator pinindot ko ang floor kung saan ang opisina ni Lucien. Papasarado na ang elevator ng may humarang na kamay kaya muli itong nag bukas. Napataas ako ng kilay ng makita si Crystal na abot tenga ang ngiti tapos pumasok sa loob at tumabi kay Lucien. Nang ibaling ko ang tingin sa lalaki ay walang emosyon ang mukha nito habang nakatingin lang sa harap. Hindi pinansin ang kakapasok lang na si Crystal. Napangisi na lang ako saka tumingin kay Crystal na patingin tingin sa katabing lalaki at halatang nagpapansin. Binalik
SCARLETT PAGKARATING sa kwarto kung saan gaganapin ang shoot ay naabutan namin na abala ang lahat. Hindi din namin nakita si Claire dahil inaayusan pa rin daw ito. Ayaw naman ni Lucien na puntahan ang kasintahan dahil ayaw niyang makaabala. Naupo na lang kami sa gilid habang nakamasid sa mga abalang tao. Wala rin kasi ang manager ni Claire dahil kasama ito ng dalaga sa dressing room, kaya wala ring makakausap si Lucien. Maya-maya pa napatingin ako sa entrada ng pinto ng makitang papasok si Crystal, nakangiti ang babae habang may kausap na isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali kasing edad lang niya at kasama nila sa project. Masayang nag-kwekwentuhan ang mga ito. Hanggang mapatingin ako sa dalawang lalaking nakasunod sa kanila, nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang mga ito. Si Thunder at Night! Anong ginagawa nila dito? Napatingin sa gawi ko si Night saka simple akong tinanguan. Makahulugan naman akong tumingin sa kanya at na-gets naman niya ang gusto kong iparat
Mabilis akong bumaba ng sasakyan at sumunod sa lalaki. Baka magbago pa ang isip. “You like K-restaurant, right? Then order whatever you want. It’s on me,” He said bossily as we sat down. Instead of getting annoyed, I just smiled and shook my head. I think I already know why he’s acting like this—it’s because of Night. “Why are you shaking your head? Don’t you want to eat here? Where do you want to go? Let’s go there instead,” he said.“Nah, I like it here,” I replied with a smile. “Tss. Stop smiling.” “Why? I’m happy.” “Really, huh?”“Yeah, good thing you asked me to join you. I didn’t eat properly earlier. I didn’t even finish my food.” “Huh, paano enjoy na enjoy ka makipag usap sa Night na 'yon. May pa punas punas pa sa gilid ng labi mo.” I grinned at his reaction. He looked like a jealous boyfriend. “Why? Are you jealous? Do you want to be the only one to do that for me? Why? Are you in love with me?” I teased him.“What the… In your dreams. I’m loyal to Crystal,” he s
UWIAN Nakasunod ako kay Lucien at Crystal na magkahawak ang kamay. Patungo kami sa paborito nilang kainan para mag dinner. Well, Sila lang ang kakain dahil hindi naman nila ako niyaya. Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Lucien. Isa pa ayoko din silang makasabay. Sa bahay na lang siguro ako kakain or bibili na lang ako. Nasa harap na kami ng restaurant ng biglang tumunog ang cellphone ko. Shit, nakalimutan kong i-silent. Naka-agaw tuloy ako ng atensyon. Tumigil ako saglit at nagmamadaling kinuha sa bulsa ang phone. Napansin kong tumigil din ang dalawa at sinulyapan ako ni Lucien. Hindi ko siya pinansin, nang makitang si Night ang tumatawag ay agad ko iyong sinagot. “Hello Night?” “Hi, Are you guys having dinner?” Nangunot naman ang noo ko. “Huh? No, just them. I’m not joining. Why?” “Good, then let’s eat together. I’ll come to you.” “Huh? Where are you?” “Same place kung nasaan kayo. wait for me there.” “Naku, ‘wag na sa bahay na ako kakain ok—” Hindi kona nata
“Ouch! Why did you push me, Lu? That hurts!” I heard Crystal's pained complaint. But instead of paying attention and helping her, I froze in place as if rooted to the ground. “OPEN THIS FUCKING DOOR!! WHY IS YOUR DOOR LOCKED?!” Oh fck! Natataranta kong nilapitan si Crystal na kakatayo lang. “Fix your clothes quickly! Then sit over there.” “Why? Why are you panicking?” Nakataas na kilay na tanong niya. “Just do what I’m telling you.” Medyo naiinis kong sabi. “No. Don’t tell me you’re scared because your bodyguard might see us like this? Let me remind you, I’m your fiancé, there’s nothing wrong with what we’re doing. Kung makita man niya tayo wala na siya don, Right?” Inis na sagot niya sa akin pero hindi ko ‘yun pinansin dahil focus ako sa babaeng kanina pa katok ng katok. “Tsk, Just do what I'm telling you.” Sagot ko sa kanya saka inayos ang sarili at humakbang papalapit sa pinto. “KAPAG HINDI MO BINUKSAN ANG PINTO SISIRAIN KO TO LUCIEN!!” D*mn it! This woman is re
“Tsk, that's not what I want to hear. That's not the Louise I know who loves my son. I'm here to give you a chance to fight for what you feel for Lucien. Find a way to catch his attention and stir up his mind and heart.” Natigilan ako sa sinabi ni Sir Aidan. Seryosong seryoso ito. “I’m doing this because I don’t want us to have any regrets in the end. I don’t want us to blame each other later. I’m giving you a chance, but if there’s truly nothing, I’ll let Lucien go ahead and marry Crystal. I’ll intervene for the last time. So, gawin mo na ang lahat habang may natitirang araw pa. It’s up to you what fate has in store for the two of you.” Hindi agad ako nakasagot. Mariin akong pumikit saka sumandal sa kinauupuan ko. Nahihirapan akong magdesisyon lalo na sa mga binitawang salita ni Sir Aidan. Gusto kong ipaglaban si Lucien, gusto kong bawiin ang lalaking mahal ko. Pero nagtatalo ang puso’t isip ko. Sinisigaw ng puso ko na ipaglaban ko siya pero ang isip ko sinasabing mali dahil m
KINABUKASAN Ang aga-aga pero wala sa mood ang boss ko. Hindi man lang ako pinansin mula kanina, mukhang napikon ko ata kagabi. Argh! Araw araw ba na magiging ganito ang ganap ko kapag badmood ang boss ko? Bumuntong hininga ako saka sumandal sa kinauupuan at kinuha ang aking phone. Oorder na nga lang ako ng pagkain tsk! Hindi ako nakapag almusal kanina dahil na late ako ng gising ‘e. Tapos nagmamadali pa ang boss ko na pumasok. Ang ending wala akong almusal kahit man lang humigop ng hot choco or kape wala! Buti pa siya nakapag kape at almusal ‘e. Sakto naman na tumunog ang phone ko hudyat na may nag text. Bumungad sa akin ang pangalan ni Night, Agad kong binasa ang text niya. Night: Good morning, Red. Are you busy? Mabilis naman akong nagreply. To Night: Not really, why? Night: I’m here outside Lucien’s office. I brought some hot chocolate and a sandwich. I found out you didn’t have breakfast earlier, so I brought you some. Come on out, let’s eat together. Hindi
PAGBALIK sa opisina ganon pa rin ang mood ni Lucien. Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin o kahit sulyap man lang. Ano bang problema niya? Ano ba ang nangyari sa kanila ni Crystal? Nag-away ba sila? Kung nag-away man sila bakit pati ako damay? Or… Galit siya sa akin dahil hindi ako sumabay sa kanila sa pagkain? Hm, imposible naman ‘yun. Pakialam ba niya sakin ‘diba? Argh! Ewan! Ang hirap na nga ng sitwasyon ko dinadagan pa ng ganito. Bahala nga siya d’yan. Hahayaan ko siya sa toyo niya. Mahirap kapag sinabayan ‘e, Baka kung saan kami humantong kapag pinatulan ko siya. Hanggang sa mag-uwian hindi pa rin niya ako pinapansin. Bad mood pa din ang hinayupak. Pati ako dinadamay, nakakainis! Seryoso ako sa pagmamaneho ng biglang magsalita ang katabi kong lalaki. “Have you known that guy for a long time?” Nangunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. Anong sinasabi niya? Sinong guy? Bahagya ko siyang sinulyapan. “Who?” Taka kong tanong. “The guy who was sitting
MASAYA akong tumalikod para puntahan ‘yung dalawa. Atleast ma-eenjoy ko ang lunch ko! “Hey!” Masayang bati ko sa dalawa sabay upo sa tabi ni Night. Parehas naman silang nagulat at napatingin sa akin. “Gulat na gulat? Hindi niyo man lang napansin na palapit ako. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo.” Nakangiti kong sambit. “What are you doing here, Red?” Nagtatakang tanong ni Night sa akin. “Oo nga, anong ginagawa mo dito? ginulat mo pa kami. Nasaan ang alaga mo?” Segundang tanong naman ni Thunder. Aba parang ayaw nilang nandito ako ah. Pero imbes na sagutin sila ay nginuso ko na lang kung nasaan sila Lucien tapos nanguha ng lutong pork sa plato ni Night at kinain ‘yun. “Oh, I get it. Sasabay ka dapat sa kanila no? kaso nakita mo kami ni Night dito kaya lumipat ka?” Napaangat ako ng tingin kay Thunder saka nag thumps up at ngumisi. “Yeah, good thing nandito kayo kaya nakatakas ako. Hindi ko kayang makasama ng matagal ang Crystal na ‘yun. Saka sa lagay e, mukha akong third
NANG makarating sa mansyon ay nauna itong bumaba habang ako ay pinarada muna ang sasakyan tapos pumasok na rin sa loob. Saktong pag pasok ko siyang labas naman sa kusina ng lalaki, Mukhang uminom muna ito ng tubig or tinanong ang mga katulong kung ano ang dinner. Hindi na lang ako umimik at pinauna siyang umakyat ng hagdan habang ako ay nakasunod lang. Tumigil ako sa aking kwarto at akmang bubuksan na ng biglang magsalita si Lucien. “Si Dad ba ang pumili ng kwarto mo?” Nagtataka ko naman siyang binalingan dahil sa biglaan nitong tanong. Akala ko pa naman papasok na siya sa kanyang kwarto. “Oo, bakit?” “I see, alam mo bang ang kwartong ‘yan ang pinaka maganda at espesyal sa mansyon. Maswerte ka dahil ‘yan ang naging kwarto mo. Hm, halatang paborito ka ni Dad.” Mahaba niyang turan habang nakasandal sa pader ng kanyang kwarto habang ang mga pagod niyang mata ay nakatingin sa akin. Pero wait, pinaka maganda at espesyal? Bakit hindi ko alam `yon? Hindi nabanggit ni Sir Aid
Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na close kami noon, Hindi pa rin siya sanay na ang isang katulad ko ay malapit sa kanya. Tinuon ko na lang ang pansin sa folder na hawak para basahin ‘yon. Saka naglakad sa harap ng table ni Lucien para maupo sa bakanteng upuan. Nang maintindihan ko para saan ang folder ay sinimulan kong ipaliwanag sa kanya. Nakinig naman siyang mabuti at wala akong narinig na reklamo. Pati ang ibang hindi niya maintindihan ay pinaliwanag ko na rin.Hanggang sa abutin kami ng ala singko ng hapon. “Naintindihan mo naman ba lahat ng pinaliwanag ko?” Marahan kong tanong habang nag-uunat. Masakit din sa likod ang maghapon nakaupo habang nagpapaliwanag ah. Buti na lang talaga ay may alam ako, kung hindi siguradong aburido maghapon si Lucien. Saka masaya akong nakatulong sa kanya at nabawasan ang kanyang stress. “Yes, Thank you for helping me. Kung hindi mo pina-intindi sa akin ang lahat siguradong wala akong magagawa mag-hapon.” Malamyos niyang sagot sa akin. N