Dumilim ang kinang sa mga mata ni Luna nang marinig niya ang sagot ni Joshua. Nanginig ang kamay niya.Huminga ng malalim si Luna at sinubukan niyang ayusin ang sarili para hindi marinig ni Joshua na naapektuhan siya dahil dito. “Mr. Lynch, kahit na iniisip mo na nag aalala lang ako, may mga rason pa rin ako para gawin ito.”“Dahil payag ako na ibigay kay Mrs. Lynch ang lahat ng puri para sa pagsisikap ko, hindi ba’t isang bonus na ito para sa inyo? Kung nangyari ‘yun, pwede siyang magtrabaho sa Lynch Group ng hindi natatakot sa opinyon ng iba…”Sumandal si Joshua sa upuan niya at tumawa siya. “Kung gusto kong magtrabaho para sa akin ang asawa ko, wala akong pakialam sa mga iniisip ng mga empleyado ko.”Tumigas ang kamay ni Luna.Nagpatuloy ng mababang boses si Joshua, “Asawa ko siya; pwede niyang kunin ang kahit anong posisyon na trabaho basta’t pumayag ako. Hindi niya kailangan kumuha ng puri mula sa trabaho na ginagawa mo.”Naramdaman ni Luna na para bang may humampas sa kanya
"Ito na ang magiging opisina ko ngayon"Nanigas si Luna. Pagkatapos ng mahabang oras, nanlaki ang mga mata niya sa tuwa. "Nandito ka para magtrabaho?" Naiirita siyang tinignan ni Alice. "Syempre!" Hindi alam ni Alice kung bakit siya biglang pinadala ni Joshua na magtrabaho sa departamento ni Luna, at bilang assistant pa nga nito! Natutulog siya ng mahimbing kaninang umaga nang bigla na lang siyang ginising ni Joshua at sinabihan siyang pumasok ng trabaho. Syempre, nainis siya dahil doon, pero hindi siya nangahas na magreklamo. Ang bagay na lalong nagpainis kay Alice ay ang utos ni Joshua. Binilinan soya nito nung una pa lang na kahot anong mangyari ay kailangan niyang sundin kung ano ang ipag-uutos ni Joshua. Ang malala pa nga sa bagay na yun ay hindi siya pinayagan ni Joshua na kunin ang papuri sa gawa ni Luna kapag nakumpleto na ang proyekto. Hindi maunawaan ni Alice ang lahat ng ito. Siya ang asawa ng CEO, parang awa naman! Bakit siya magtatrabaho bilang isang hamak na as
Kaagad na sumugod si Luna at hinawi si Alice. Nagkabasag-basag ang salamin ng frame at mayroong malaking butas sa kung nasaan ang mukha ni Luna sa larawan kung saan ito tinapakan ni Alice gamit ng kanyang takong. Buti na lang, buo pa rin ang parte ni Nigel sa larawan. Ito ang huling larawan ni Luna kasama ni Nigel bago siya bumalik sa Banyan City. Sa tuwing napapagod siya, titignan niya lang ang larawang ito at magkakaroon na siya ng lakas ng loob na magsikap. Gayunpaman… Kumunot ang noo ni Luna at dinampot ang natitirang piraso ng larawan. Nahiwaan ng mga bubog ang mga daliri niya, pero para bang hindi siya nakaramdam ng kahit na anong sakit. Pinunasan niya ang dugo at binulsa ang larawan. "Director Luna…" Sama-sama ang mga empleyado sa pintuan nang may nag-aalalang mga mukha at pinag-iisipan kung tutulong sila o hindi. Kaagad na ngumisi si Alice nang nakita niya kung gaano nanlulumo si Luna. "Larawan lang naman iyan ninyong dalawa ni Niel. Bakit ka masyadong nagagalit, Lu
Lumapit si Joshua kay Luna at inabot ang kamay nito sa kanya. “Akin na yan.” Sumimangot si Luna at umatras sa halip na sumunod. Alam niyang maaaring gusto ni Joshua na tulungan siyang ayusin ang larawan para makabawi sa ginawa ni Alice, pero… Ito ang larawan nilang dalawa ni Nigel. Kahit na nakita na ito ni Joshua noon, hindi niya ito masyadong pinansin. Kapag binigay niya ito sa kanya, at pinaayos niya ito para sa kanya… Ikinakatakot ni Luna na baka matuklasan ni Joshua na ang batang lalaking nasa larawan ay hindi si Neil tulad ng nasa isip niya. Hindi pa alam ni Joshua ang tungkol kay Nigel. Sa sandaling malaman niya ang tunay na pagkatao ni Neil at Nellie, kaagad niyang kinuha ang mga ito mula sa kanya. Hindi niya kakayaning mawala rin sa kanya pati si Nigel. “Gusto lang kitang tulungan.” Sumimangot si Joshua at humakbang siya palapit dito. Kaagad na umiling si Luna. “Di na kailangan. Kaya ko na ito mag-isa…” “Luna!” Nagsalubong ang kilay ni Joshua. “Gusto mo bang
"Hindi… Syempre hindi." Kinagat ni Alice ang kanyang labi at tumingin siya kay Joshua ng may nakakaawang ekspresyon. "Hindi masama ang loob ko sayo. Yung totoo, masaya ako na makakapagtrabaho ako sa Lynch Group. Alam ko na ang dahilan kung bakit mo ako pinapagtrabaho dito ay dahil ayaw mong mabagot ako sa bahay, at gusto mo rin na masanay ako sa lugar na 'to para magtulungan tayo, pero…"Tumalim ang mga mata ni Joshua. "Pero ano?" Bumuntong hininga si Alice at tumingin siya kay Joshua. "Natatakot ako na kapag nagsimula ako sa pinakababa, bababa ang tingin sakin ng mga empleyado. Kahit na asawa ako ng CEO, kailangan ko pa ring magsimula sa pinakababa para maabot ko ang pinakataas…" Pinunasan ni Alice ang kanyang mga luha at nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Joshua, alam mo na pinanganak ako sa isanh ordinaryong pamilya sa Sea City. Hindi mayaman ang pamilya ko, at hindi ako mapalagay dahil dun…" Nagsalubong ang mga kilay ni Joshua nang marinig niya iyon. Tumingin siya sa namumulang
Humarap si Alice at nagtataka siyang tumingin kay Joshua. "Dalawa lang ba… ang niluwal kong bata?" Ampon lang ba ang isa sa mga bata? Tumawa ng mapait si Joshua nang makita niya ang naguguluhang ekspresyon sa mukha ni Alice. Nagkamali siya. Muling tumingin sa kanya si Alice bago siya umalis sa opisina ni Joshua. Sa design department. Nakabalot ng benda ang daliri ni Luna. Sa sandaling iyon, nakatayo siya sa labas ng kanyang opisina habang inuutusan niya si Shannon at ang iba pa na humanap ng bakanteng mesa para kay Alice. Nang makita niyang nakabalik na si Alice, tumingin si Luna sa kanya at sinabing, "Dahil ayaw mo sa opisina ko, pinakiusapan ko ang staff na humanap sila ng maayos, at malaking mesa para sayo. Wala ka pang gagawin sa ngayon, kaya subukan mo munang alamin kung anong ginagawa namin sa design department araw-araw at kilalanin mo ang mga katrabaho natin."Umirap si Alice, tumalikod siya, at umupo siya. Pagkatapos, nginitian niya si Luna. "Maraming salamat sa p
Kahit na walang intensyon si Luna na hanapin si Joshua, umakyat pa rin siya at kumakot sa kwarto nito. “Pasok,” sabi ni Joshua ng walang emosyon sa boses nito mula sa kwarto. Huminga ng malalim si Luna, binuksan ang pinto, at pumasok, “Mr. Lynch.” Tinitigan lang ni Joshua si Luna bago sumenyas ang kanyang kamay. “Maupo ka.” “Hindi ako uupo.” Huminga ng malalim si Luna, at kalmado ang tingin nito. “Tanghalian na. Pakiusap at subukan mong paikliin mo lang ito, Mr. Lynch.”Syempre, nasabi lang niya yun dahil sa natatakot siya na baka malaman ni Joshua ang buong problema tungkol kay Nigel, pero gusto pa rin niyang bitinin ito. Sa puntong yun, nawalan na siya ng kapangyarihan para baguhin ang lahat.Kung talagang alam na ni Joshua ang tungkol kay Nigel, umaasa na lang siya na magiging mabilis na lang siyang harapin ito kaysa sa patagalin pa ito. Yun nga lang, para naman kay Joshua, mukha siyang nagwawala. Tinitigan niya si Luna gamit ng kanyang malalim na mga mata. “Galit k
Pagkatapos ng mga ilang sandali, huminga ng malalim si Luna at ngumiti. “Pinalaki ko lang ang bagay na to, yun lang.” Walang imik na umangat ang kilay ni Joshua habang pinagmamasdan ang ekspresyon ni Luna. Tumawa ng bahagya si Luna. “Nagdugo noon ang ilong ni Neil dahil sa sipon. Marami na akong nakitang mga taong na-diagnos ng leukemia dahil lang sa hindi matigil ang pagdurugo ng kanilang ilong, at nag-alala ako na baka magkaganun siya, kaya pinadala ko siya sa hematology department para mapatignan. Sa bandang huli, lumabas na meron lang siyang sipon. Nag-alala lang ako sa wala.” Nagpanggap si Luna na kalmado at nagkibit balikat. “Maraming tao ang naoospital dahil sa sipon sa taglamig, kaya sinabihan kami ng doktor na manatili sa may hematology department.”Naningkit ang mga mata ni Joshua. “Yun lang?” “Syempre. Ganun lang siya kasimple.” Bahagyang tumawa si Luna. Kinuha niya ang litrato kay Joshua, lumingon at umalis. Nanatili nakatayo sa kanyang pwesto si Joshua habang
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya