Kinagat ni Luna ang kanyang labi, nagmamatigas na itinaas ang kanyang mga mata, at tinitigan sa mga mata si Joshua. “Bakit?” Dahil sa may nangyaring ganito kay Gwen, mag-aalala pa rin siya kahit nakabalik na siya sa Banyan City, magiging imposible para sa kanya na magtrabaho dahil dito. Nanatiling walang emosyon ang mga titig ni Joshua. “Kahit na manatili ka dito sa Sea City, ano naman ang magagawa mo para kay Gwen? Patuloy mong sisisihin ang sarili mo, paulit-ulit mong ipapaalala kay Gwen ang nangyari sa kanya para pareho kayong malungkot, ganun?” Walang malay na napaatras si Luna sa mga sinabi ni Joshua. Hindi siya makapaniwala at tinitigan si Joshua, binuka ang kanyang bibig, na may gustong sabihin, pero walang lumalabas sa kanyang bibig. Sumimangot si Joshua, kalmado ang kanyang boses pero malamig. “Una, hindi mo na pwede pang ibalik kung ano ang nangyari sa kanya. Ang mahalaga ngayon ay ang pigilan siyang makita ang mga taong may kinalaman sa insidenteng ito, ng sa gayo
Kahit na naging isa na siyang tao na hindi niya gusto, hindi naman niya pwedeng abandunahin at iwanan ito. Ito ang responsibilidad niya bilang isang asawa at bilang isang ama. Pero hindi niya talaga maunawaan. “Natatandaan ko pa, ikaw at si Gwen ay magkalamesa at matalik na magkaibigan sa buong tatlong taon niyo sa high school. Nung nangyari sa kanya ito, akala ko ay magiging ganun din katulad kay Luna ang reaksyon mo.” Biglang natigilan si Alice.Isang segundo ang lumipas, lumingon siya at humarap sa mga buton ng elevator. “Hindi naman talaga kami magkaibigan, magkalamesa lang. Bukod doon, hindi na kami nakapag-usap pa pagkatapos ng high school. Para sa akin, si Gwen ay isa na lamang dating kaklase na ilang taon na ring hindi ko nakita.” Kumunot ang kilay ni Joshua. “Pero inaway pa nga ni Gwen si Luna para sayo.” “Iyon ay dahil sa alam niya na kinasal ako sa isang mayaman na lalake at gusto niyang pataasin ang posisyon niya sa lipunan,” walang pakundangan na sinabi ni Alice
Walang malay na nakahiga si Luna sa hotel hanggang 3 pm ng hapon. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Neil nung 3 pm ng hapon. Ang boses ng munting bata ay nanggaling sa kabilang linya ng phone. Mukha itong sabik na sabik. “Mommy, gaano ka kalayo? Miss ka na namin ni Nellie!”Nang marinig niya ang boses ng kanyang anak, lumambot at natunaw ang puso ni Luna. Hinawakan niya ang kanyang phone ng mga ilang segundo ng tahimik, saka niya hininaan ang kanyang boses at sumagot, “Hindi pa… makakabalik ngayon si Mommy. Nandito pa din ako sa Sea City.” Sa kabilang linya, huminto ang munting bata, pagkatapos ay kaagad naging kalmado ang boses nito. “May problema po ba kayo?” “Naaksidente ang isa sa mga kaibigan ni Mommy.”Napakamaunawain ng munting bata na nasa kabilang linya ng phone. Tinikom niya ang kanyang bibig. “Nauunawaan ko po. Ipapaliwanag ko na lang po ang sitwasyon kay Nellie ng maayos, mauunawaan naman niya ito at hindi siya magagalit sayo o kaya ay gagawa ng gulo tungkol
Hindi siya nagtangkang mag-isip pa, ang tanging nagawa niya na lang ay kagatin ang kanyang labi at tanungin nang mahina si Neil, "May iba pa bang sinabi ang kapatid mo?" "Wala po." Kumunot ang noo ni Neil. "Mommy, may problema po ba?" "Wala, wala naman." Huminga nang malalim si Luna pagkatapos ay nakipag-usap sa kanya sandali at nagmadaling tinapos ang tawag. Pagkalapag niya ng phone, matagal bago kumalma si Luna. Pagkatapos, sa wakas ay nakaipon na siya ng tapang at pinindot ang buton para paganahin ang kwintas na gamit niya para makausap si Nigel. "Mommy." Sa sandaling kumonekta na ang signal, narinig ang seryosong boses ni Nigel mula sa kabilang linya. "Nagpadala na ako ng email sa Sea City, nakadetalye roon ang sari-saring iligal na gawain ng Walter family sa lahat ng mga taon iyon. Wag kang mag-alala, mapaparusahan ang mga taong nanakit kay Aunt Gwen."Bahagyang nanginig ang kamay ni Luna na nakahawak sa kwintas. “Nigel…”"Alam ko ang lahat." Huminga nang malalim ang
Sandaling nanahimik si Luna, pagkatapos ay tumawa siya. "Nigel, paanong magagawa niya ito para sa'kin? Para sa kanya, isa lang akong mahinang nilalang, isang bagay na pwedeng pabayaan." Sa kabilang linya, nanatiling tahimik si Nigel nang ilang sandali. Gusto niyang sabihin sa kanya… Mula sa kuha ng CCTV na hinack niya kagabi, nakita niya ang ekspresyon ni Joshua na puno ng kaba at sakit habang dala niya si Luna. Sa hapong iyon, nakatingin siya sa eksena sa kanyang computer buong hapon. Sa hapon, tinawagan niya si Malcolm, nakipag-usap siya sa kanya at nagpasya na pigilan ang pag-atake sa Lynch Group. Mula sa screenshots na nakuha niya, sa bawat isang larawan, imposibleng pag-arte lang ang kaba at pagsisisi ni Joshua. Dahil imposibleng malaman niya na pinapanood siya ng anak niya mula sa malayo. Hindi man lang niya alam na mayroon pa siyang isang anak, si Nigel. Kaya ang kanyang mga mata at ang pagtakbo niya palabas ng abandonadong pabrika habang buhat si Luna, lahat
Hawak niya nang mahigpit ang dokumento sa kanyang mga kamay. "Ikaw… bakit mo tinutulungan si Gwen at ang Larson family?" Malinaw na wala siyang kahit na anong koneksyon sa kanila. Ang pagbili sa Larson Group sa halagang mas mataas ng tatlompung porsyento sa halaga nito sa merkado ay tiyak na hindi maganda para sa Lynch Group. Walang masyadong potensyal ang Larson Group. Kung mayroon ito, hindi titingalain ni Andy Larson si Old Mr. Walter sa lahat ng taong iyon ay susundin ang bawat isa niyang utos. Tinaas ni Joshua ang kanyang mga mata nang walang emosyon. "Kung hindi ko ginawa to, aalis ka ba ng Sea City kasama ko nang magaan ang loob?" Nanikip ang puso ni Luna sa kanyang mga salita. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Nigel mula sa kabilang linya. Hindi kaya ginagawa ni Joshua ang lahat ng ito… para sa kanya? Hindi, imposible iyon. Kinagat niya nang malakas ang kanyang labi, imposible iyon. Siguro ay nabasa niya ang iniisip niya at bahagya siyang tumingin muli sa
Pagkatapos tapusin ang tawag niya kay Nigel, nagdalawang-isip muna si Luna sa kwarto niya nang matagal, pero sa wakas ay nabuo na ang kanyang tapang na pumunta sa ospital. Tama si Joshua. Maigi ngang prinotektahan ni Luke si Gwen. Kahit na gusto niyang makita si Gwen, ang mga tauhan na nakabantay sa pintuan ay kailangan munang mag-ulat sa mga nakatataas sa kanila bago nila makuha ang permiso ni Luke at hayaan siyang makapasok sa ward. Nang makarating si Luna sa kwarto ni Gwen, bumababa si Gwen ng kama sa tulong ng kanyang ama na si Andy. Nang makita niyang dumating si Luna, bahagyang nanlaki ang mga mata ni Gwen, pagkatapos ay inangat niya ang kanyang mga mata at malumanay siyang nginitian. "Sakto ang dating mo." Ngumiti siya at umupo sa wheelchair. "Sabi ni Luke Jones ay ipapadala sa raw ako sa ibang ospital bukas. Gusto kong bumiyahe pauwi para mag-impake ng ilan sa mga gamit ko at dalhin roon." Pagkatapos nito, kalmadong tinignan ni Gwen si Luna. "Dahil nandito ka na, sa
Mahigpit na hinawakan ng mga kamay ni Luna ang hawakan ng wheelchair. Inangat ni Gwen ang kanyang mukha at tinitigan si Ben na para bang hindi niya narinig ang mga salita ng babae. Malamig at malayo ang boses niya nang walang kahit na anong bahid ng lambing. "Sino siya?"Kumunot ang noo ni Ben at hindi na nagsalita. Nilakasan ni Gwen ang kanyang boses pero nanatili ang lamig sa kanyang tono, "Ben Zeller, sino siya?!" "Ako ang girlfriend ni Ben." Tumawa ang babae at sumandal ang buo niyang katawan sa kanya, "Pero wag kang magkakamali ng intindi, hindi siya nangaliwa. Ngayong araw lang namin kinumpirma ang relasyon namin. Ang lahat ng iyon ay dahil ikaw-" Pinikit ni Gwen ang mga mata niya. "Ben Zeller, pipe ka ba?" Doon lamang kumunot ang noo ni Ben at pinapakita ng kanyang boses ang kanyang inis. "Hindi ba pareho lang naman yun kahit na ako o si Clover ang magsabi? Girlfriend ko si Clover, ngayong hapon lang kami nagpasya na maging magkasintahan. Nakumpleto na natin ang divor