Nung pumasok si Lucas na may hawak na kape, magiting na nakikipaglaban pa rin si Joshua sa kanyang computer.Habang nakatingin si Lucas sa coding sa computer screen, nabigla siya.Nilapag niya ang kape sa mesa. “Sir, maraming taon na po kayong hindi kumilos ng kayo mismo.”Tumango si Joshua at tinaas niya ang tasa ng kape. Ininom niya ito ng isang lagukan.Maraming taon na siyang hindi nahirapan ng ganito. Maraming taon na rin siyang hindi nagalit ng ganito!Nilapag ni Joshua ang tasa na walang laman at nagpatuloy siya sa pagtype sa keyboard!Ang first layer, second layer… at pagdating sa fifth layer ng firewall, malakas na ang pagtulo ng pawis ni Nigel. Alam niya na mahusay na hacker ang kalaban niya, ngunit hindi niya inaasahan na magaling na magaling ito!Kampante si Nigel sa kakayahan niya sa paghack, ngunit habang kaharap ang kalaban na ito, nahirapan siyang dumipensa!Beep, beep, beep!May nakakabinging tunog sa computer.Hindi lang binalaan ng system na gustong kunin n
Dahil lang hindi siya matagpuan ni Joshua, gumamit ito ng pagbabanta?Ngumiti ng bahagya si Nigel. Pinasok niya ang hard disk sa kanyang laptop, pagkatapos ay nagsend siya ng anonymous email kay Joshua.Nakatanggap ng email si Joshua. Walang laman ito kundi ang isang video.Sa loob ng video, nakaupo sa harap ng computer si Aura habang may suot na malaking shades. Nakatingin siya sa coding ng computer screen, nakakunot ang noo.Hindi nagtagal, tila may naisip siya at nagsimula siyang magtype ng galit sa kanyang keyboard, nag dedecode siya.“Uh…” gulat na tumingin si Lucas sa computer screen. “Sir, ang hacker po kanina ay si Ms. Gibson?”“Hindi siya.” Itinaas ni Joshua ang tasa ng kape at uminom siya dito. “Konti lang ang kakayahan niya sa computer. Pati, ang mga tinype niya ay hindi ang tamang decoding method. Mahusay na hacker ang katapat ko. Hindi siya ‘yun.”Tumango lamang si Lucas, kahit na hindi niya ito naiintindihan.“Pupunta tayo sa bahay ni Aura.” nilapag ni Joshua ang
“M-Mr. Lynch!”Tumingin ang manager sa lalaking may malupit na aura. Nanginig ang boses niya.Sadya niyang nilakasan ang boses niya para balaan si Aura sa loob, ngunit sa sobrang babad ni Aura sa internet ay halos hindi niya narinig ang manager.“Nasa loob si Aura, tama ba?” tumingin ng malamig si Joshua sa manager at pumasok siya sa bahay..Sa likod niya, tahimik na tiningnan ni Luna ang studio apartment sa harap niya. Naging emosyonal siya.“Luna, salamat sa pagbili mo ng apartment na ‘to para sa akin, ang ganda!”“The best ka talaga! Akala ko nakalimutan mo na ako pagkatapos mong ikasal!”“Luna…”Lumabas sa isip niya ang eksena kung kailan nilibot ni Aura ang apartment. Hindi niya inaasahan na sa anim na taon, dito pa rin nakatira si Aura.Noon, kakakasal lang ni Luna kay Joshua, dahil namiss niya si Aura, binili niya ang apartment na ito gamit ang pera na kinita niya mula sa pag dedesign. Nangarap siya na pupunta si Aura sa Banyan City para samahan siya.Ang nakuha niya p
Kakasara lang ng computer nang dumating si Joshua sa pinto.“Joshua.” awkward na tumayo si Aura at ngumiti siya ng hindi natural. Pumunta siya sa harap ng computer, hinarangan niya ito mula kay Joshua.“Bakit bigla kang pumunta dito?”Bahagyang kumunot ang noo ni Joshua. Tumingin siya kay Lucas. “Buksan mo ang computer.”Sinubukang pigilan ni Aura si Lucas. Ngumiti siya kay Joshua. “Bakit mo sinusubukan na tingnan ang computer ko?”Pagkatapos, nag panggap siya na maging kalmado at inutusan ang kanyang manager, “Bakit hindi mo dalhin sa baba ang mga bisita at ipagsalin mo sila ng tsaa?” habang sinasabi ito, medyo nanginginig na ang tono niya.Nakatayo lang si Joshua at malamig ang ekspresyon niya. “Hindi na kailangan ng tsaa. Kung ayaw mong buksan ni Lucas ang computer, ikaw na mismo ang magbukas.”Mahigpit na sinara ni Aura ang mga kamay niya. Biglaan ang pagdating ni Joshua. Wala siyang oras para paghandaan ito!Hindi lang sa puno ang computer niya ng pakikipag usap niya sa mg
Nabigla ang manager sa sampal.Nasa sahig siya at tumingin siya ng nakatulala kay Aura. “Aura, ikaw ang nagsabi sakin na gawin ‘yun…”Bakit biglang siya ang may kasalanan?“Kailan ko pa sinabi na gawin mo ‘to?” muling sinampal ni Aura ang kanyang manager. “Sinabi ko na ‘wag mo nang palakihin ‘to. Sinabi ko na ‘wag mong gawin ang ganitong walang kwentang bagay, pero hindi ka nakinig sa akin!”Pagkatapos, tumingin si Aura kay Joshua habang puno ng luha ang kanyang mga mata. “Joshua, Luna, pasensya na at hindi ko nabantayan ang manager ko. Pwede kayong magalit sa akin, tatanggapin ko na lang.”Pinunasan niya ang kanyang mga luha. “Salamat. Kung hindi lang kayo dumating sa oras, hindi ko malalaman na ginamit niya ang computer ko para gawin ang lahat ng ito!”Hindi mapigilan ni Luna na manuya sa husay ng pag akting niya.Bahagyang kumunot din ang noo ni Joshua. “Hindi mo ba napansin na ginagamit niya ang computer mo para gawin ang ganitong mga bagay?”“Syempre,” tila na agrabyado si
“Ang rason kung bakit nagtatalo kami ay dahil palihim niyang ninakaw ang bank account passcode ko at ginamit niya ang pera ko.”Pagkatapos, yumuko si Aura. Puno ng sama ng loob ang boses niya. “Hindi ko gustong sabihin sayo nung una. Nakakahiya masyado. Natatakot lang ako na kulang siya sa pera, kaya binigay ko ang passcode ko sa kanya. Hindi ko alam na magnanakaw siya ng malaking pera mula sa akin…”Matapos ang ilang saglit, kinagat ni Aura ang mga labi niya. “Pero gustong gamitin ni Luna ang paraan na ‘to para malaman kung alam ko ang tungkol dito o hindi, parang na agrabyado ako. Wala talaga akong alam tungkol dito! Naging mabait lang naman ako sa manager ko para gamitin niya ang pera at computer ko, pero nahila rin ako pababa.”“Kalokohan!” kinagat ng manager ang mga labi niya at sinagot niya, “Hindi ko alam ang passcode mo!”Nangutya si Aura. “Ang lakas ng loob mo na tanggihan na hindi mo alam? Maituturing na pagnanakaw ang paggamit ng pera ko ng walang permiso. Pwede kang ma
Hindi lang si Luna nagulat dito. Pati si Aura ay nagulat.Anong nangyari? Si Aura ang nagbayad sa sindikato ng mga spammer gamit ang account niya. Bakit bigla itong naging account ng kumpanya?Gayunpaman, hindi ito ang oras para pag isipan ito.Inayos ni Aura ang mga emosyon niya. Tumalikod siya at muling sinampal ng malupit ang manager. “Mabuti na lang at may konsensya ka pa! Mabuti na lang at ginamit mo ang account ng kumpanya. Kung hindi, hindi ko na malilinis ang pangalan ko!”Pagkatapos itong pagdaanan ng manager, naintindihan niya na ang intensyon ni Aura. Wala siyang magawa kundi sumunod na lang. “Paano ko naman gagamitin ang account mo para sa ganito…”Mayabang na ngumiti si Aura. Lumingon siya para tumingin kay Luna. “Pwede na ba ‘tong patunay sa pagiging inosente ko?”Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya kay Aura. Saan nagkamali? Hindi magbibigay ng maling record si Neil.Mabagal siyang tumingin kay Joshua.Kung hindi ito si Neil, baka ginawa ito ni Joshua. Sadya
Kahit na hindi niya alam kung bakit lumabas ang record ng account ng kumpanya imbis na sa kanya, ano man ang mangyari, nanalo na siya!Isang katulong lang si Luna. Paano niya malalabanan si Aura? Klaro na masyado siyang kampante sa kakayahan niya!“Aura,” ang sinabi ni Joshua ng may mahinang boses, kaya’t bumalik si Aura sa katotohanan.Inalis niya ang kayabangan sa mga mata niya at tumingin siya ng masunurin kay Joshua. Tila malambing at mapagkumbaba ang boses niya. “Joshua, ano ‘yun?”Malamig si Joshua sa kasiglahan niya.Matapos ang ilang saglit, tumingin siya kay Aura. “Ayaw ko na na mangyari ulit ito. Mag ingat ka.”Pagkatapos, umalis na si Joshua. Sa likod niya, tumingin si Lucas kay Aura bago ito tumalikod para sundan si Joshua.“Lucas.” sa loob ng kotse, nakasandal si Joshua sa backseat. Nakakurot ang payat at mahahaba niyang mga daliri sa kanyang noo.“Ilang taon ka na bang nagtatrabaho para sa akin?”Nagdalawang isip ng ilang saglit si Lucas. Ngumiti siya habang binu