“Ang rason kung bakit nagtatalo kami ay dahil palihim niyang ninakaw ang bank account passcode ko at ginamit niya ang pera ko.”Pagkatapos, yumuko si Aura. Puno ng sama ng loob ang boses niya. “Hindi ko gustong sabihin sayo nung una. Nakakahiya masyado. Natatakot lang ako na kulang siya sa pera, kaya binigay ko ang passcode ko sa kanya. Hindi ko alam na magnanakaw siya ng malaking pera mula sa akin…”Matapos ang ilang saglit, kinagat ni Aura ang mga labi niya. “Pero gustong gamitin ni Luna ang paraan na ‘to para malaman kung alam ko ang tungkol dito o hindi, parang na agrabyado ako. Wala talaga akong alam tungkol dito! Naging mabait lang naman ako sa manager ko para gamitin niya ang pera at computer ko, pero nahila rin ako pababa.”“Kalokohan!” kinagat ng manager ang mga labi niya at sinagot niya, “Hindi ko alam ang passcode mo!”Nangutya si Aura. “Ang lakas ng loob mo na tanggihan na hindi mo alam? Maituturing na pagnanakaw ang paggamit ng pera ko ng walang permiso. Pwede kang ma
Hindi lang si Luna nagulat dito. Pati si Aura ay nagulat.Anong nangyari? Si Aura ang nagbayad sa sindikato ng mga spammer gamit ang account niya. Bakit bigla itong naging account ng kumpanya?Gayunpaman, hindi ito ang oras para pag isipan ito.Inayos ni Aura ang mga emosyon niya. Tumalikod siya at muling sinampal ng malupit ang manager. “Mabuti na lang at may konsensya ka pa! Mabuti na lang at ginamit mo ang account ng kumpanya. Kung hindi, hindi ko na malilinis ang pangalan ko!”Pagkatapos itong pagdaanan ng manager, naintindihan niya na ang intensyon ni Aura. Wala siyang magawa kundi sumunod na lang. “Paano ko naman gagamitin ang account mo para sa ganito…”Mayabang na ngumiti si Aura. Lumingon siya para tumingin kay Luna. “Pwede na ba ‘tong patunay sa pagiging inosente ko?”Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya kay Aura. Saan nagkamali? Hindi magbibigay ng maling record si Neil.Mabagal siyang tumingin kay Joshua.Kung hindi ito si Neil, baka ginawa ito ni Joshua. Sadya
Kahit na hindi niya alam kung bakit lumabas ang record ng account ng kumpanya imbis na sa kanya, ano man ang mangyari, nanalo na siya!Isang katulong lang si Luna. Paano niya malalabanan si Aura? Klaro na masyado siyang kampante sa kakayahan niya!“Aura,” ang sinabi ni Joshua ng may mahinang boses, kaya’t bumalik si Aura sa katotohanan.Inalis niya ang kayabangan sa mga mata niya at tumingin siya ng masunurin kay Joshua. Tila malambing at mapagkumbaba ang boses niya. “Joshua, ano ‘yun?”Malamig si Joshua sa kasiglahan niya.Matapos ang ilang saglit, tumingin siya kay Aura. “Ayaw ko na na mangyari ulit ito. Mag ingat ka.”Pagkatapos, umalis na si Joshua. Sa likod niya, tumingin si Lucas kay Aura bago ito tumalikod para sundan si Joshua.“Lucas.” sa loob ng kotse, nakasandal si Joshua sa backseat. Nakakurot ang payat at mahahaba niyang mga daliri sa kanyang noo.“Ilang taon ka na bang nagtatrabaho para sa akin?”Nagdalawang isip ng ilang saglit si Lucas. Ngumiti siya habang binu
“Opo.” tumango si Lucas.“Maraming taon na po kayong mag kasama ni Ms. Gibson, pero hindi niyo po siya binilihan ng mga damit ni minsan. Pero ngayong araw po, pumili po kayo mismo ng dalawang set ng mga damit para kay Luna.”“Dati, wala pong katulong ang sumasagot sa inyo. Sisisantihin po ang mga susuway. Pero, maraming beses na po kayong sinagot ni Luna, pero hindi pa rin po kayo galit sa kanya. Hindi niyo rin po siya sinisante. Pati po…”“Tama na.” malamig na tinikom ni Joshua ang kanyang mga labi. Siningitan niya si Lucas. “Babantayan ko sa susunod ang distansya namin sa isa’t isa.”Pagkatapos, pumikit si Joshua at sumandal na lang siya.“Lucas. Ito ang unang pagkakamali mo simula ng magtrabaho ka sa akin ng maraming taon. Pagbibigyan kita ngayon, pero hindi na ito mauulit.”Natuwa si Lucas. “Balak niyo pa po bang sundan ang bagay na ito?”Si Aura ang tinutukoy niya. Ngumiti ng malamig si Joshua. “May mga plano ako.”Hindi pa lumabas ang report tungkol sa nangyari sa Ferris
Gayunpaman, hindi na dapat humingi ng tawad si Nigel tungkol sa bagay na ito.Kung sabagay, ginagawa niya lang ito para tulungan si Luna na pabilisin ang paghihiwalay nila Joshua at Aura.Ngunit, hindi nila inaasahan ang pagiging bias ni Joshua kay Aura ay ganun kalala.Habang iniisip ito, napabuntong hininga si Luna. Sumagot siya kay Nigel, [Hindi kita sinisisi. Alagaan mo lang ang sarili mo].Sa katotohanan, ito ang unang beses na nag send sa kanya ng message si Nigel nung bumalik si Luna sa bansa.Noong nasa Ferris Wheel sila, tinawagan ni Nigel si Luna gamit ang necklace, ngunit dahil lang ito sa isang emergency.Ayaw ni Nigel ang desisyon ni Luna na bumalik sa bansa. Dahil dito, naging malamig si Nigel sa Mommy niya.“Mommy, pwede po bang ‘wag na kayong bumalik? Makakahanap po tayo ng ibang paraan. Hindi po natin kailangan ang lalaking ‘yun.”“Ayaw ko po na bumalik ka sa kanya. Ayaw ko po na magkaroon kayo ng anak sa kanya.”“Kung ganun po, mas pipiliin ko na lang po na m
Hindi siya pinansin ni Luna.Ang taong pinaka ayaw makita ni Luna ngayon ay si Joshua.Lumagpas siya sa sofa at dumirecho siya sa kusina para kumuha ng isang baso ng tubig.“Kuhanan mo rin ako ng baso ng tubig,” nanggaling ang mababa at malamig na boses ni Joshua mula sa sala.Gumulong ang mga mata ni Luna at minura niya ito sa kanyang puso, ngunit magalang niya pa rin na ipinagsalin ng tubig si Joshua at nilapag ito sa mesa.Hindi niya nakalimutan na katulong lang siya ngayon. Si Joshua ang amo ng bahay na ‘to.Ang pagsasalin ng isang baso ng tubig ng katulong sa kanyang amo. Ito ang pinaka ordinaryo na bagay sa mundo.“Bakit ka umiiyak?”Sa sandali na nilapag ni Luna ang baso ng tubig sa mesa, tinapik ni Joshua ang kanyang sigarilyo sa ashtray.Ang malalim na mga mata ni Joshua ay nakatitig sa mukha ni Luna na para bang sinusubukan niyang basahin ang isip nito.Suminghot si Luna, nilapag ang baso, at tumayo siya ng direcho. “Wala po. Gusto ko lang po umiyak.”Tumingin siya
Sa harap ni Luna, nagkwento ang lasing na si Joshua tungkol sa pagkakakilala nila. Ang tapat na mga salita ni Joshua ay puno ng pagpapanggap sa pandinig ni Luna.Hindi alam ni Joshua na ang unang pagkikita nila ay hindi sa ilalim ng cherry blossom tree. Ito ay nung nagkita sila sa isang aksidente.Noong nakaraan na maraming taon, naaksidente ng seryoso si Joshua. Nung bumangga sa kanya ang kotse, iniwan lang siya sa tabi ng kalsada. Si Luna ang nagligtas sa kanya at nagdala sa kanya sa hospital. Inalagaan siya ni Luna sa isang buong buwan habang siya ay nasa isang coma.Gusto siya ni Luna, ngunit hindi nito gustong mahulog para sa kanya. Alam ni Luna na masyado siyang ordinaryo. Hindi siya nararapat para sa lalaking tulad ni Joshua, kaya’t nung magkamalay na si Joshua, iniwan niya ito ng determinado.Inisip ni Luna nung una na makakalimutan nila ang isa’t isa, ngunit hindi niya inaasahan na muli silang magkikita.Sa sandali na magtagpo ulit sila, naniwala si Luna na parte ng buhay
Hindi nakatulog ng mabuti si Luna ng gabing ‘yun.Napanaginipan niya ang mga pinagdaanan nila ni Joshua. Ang tibok ng puso niya sa unang pagkikita nila, ang saya na naramadaman niya noong kunan ng litrato ang wedding nila, ang pagmamadali sa kasal nila...Lagi niyang tinatangong kay Joshua kung bakit.Bakit? Bakit dapat mawala ang pagmamahal niya ng ganito?Paggising si Luna, basa na ang unan niya ng kanyang luha. Hindi pala mahirap bitawan ang sakit na pinagdaanan sa pag ibig kahit na lumipas na ang maraming taon.“Mommy.” nakatayo sa tabi ng kama si Nellie habang may hawak na tissue. Dahan dahan niyang pinunasan ang mga luha ni Luna. “Ginalit po ba ulit kayo ni Daddy?”Pumikit si Luna at niyakap niya si Nellie. Muling bumalik ang sigla niya nang maramdaman niya ang init ng katawan ni Nellie.Sa mga nakalipas na anim na taon, ang tatlong mga anak ni Luna ang nagbibigay lakas sa kanya para mabuhay. Kahit anong mangyari, hindi niya iiwan ang mga ito.“Mommy, ‘wag na po kayong um