Kahit na hindi niya alam kung bakit lumabas ang record ng account ng kumpanya imbis na sa kanya, ano man ang mangyari, nanalo na siya!Isang katulong lang si Luna. Paano niya malalabanan si Aura? Klaro na masyado siyang kampante sa kakayahan niya!“Aura,” ang sinabi ni Joshua ng may mahinang boses, kaya’t bumalik si Aura sa katotohanan.Inalis niya ang kayabangan sa mga mata niya at tumingin siya ng masunurin kay Joshua. Tila malambing at mapagkumbaba ang boses niya. “Joshua, ano ‘yun?”Malamig si Joshua sa kasiglahan niya.Matapos ang ilang saglit, tumingin siya kay Aura. “Ayaw ko na na mangyari ulit ito. Mag ingat ka.”Pagkatapos, umalis na si Joshua. Sa likod niya, tumingin si Lucas kay Aura bago ito tumalikod para sundan si Joshua.“Lucas.” sa loob ng kotse, nakasandal si Joshua sa backseat. Nakakurot ang payat at mahahaba niyang mga daliri sa kanyang noo.“Ilang taon ka na bang nagtatrabaho para sa akin?”Nagdalawang isip ng ilang saglit si Lucas. Ngumiti siya habang binu
“Opo.” tumango si Lucas.“Maraming taon na po kayong mag kasama ni Ms. Gibson, pero hindi niyo po siya binilihan ng mga damit ni minsan. Pero ngayong araw po, pumili po kayo mismo ng dalawang set ng mga damit para kay Luna.”“Dati, wala pong katulong ang sumasagot sa inyo. Sisisantihin po ang mga susuway. Pero, maraming beses na po kayong sinagot ni Luna, pero hindi pa rin po kayo galit sa kanya. Hindi niyo rin po siya sinisante. Pati po…”“Tama na.” malamig na tinikom ni Joshua ang kanyang mga labi. Siningitan niya si Lucas. “Babantayan ko sa susunod ang distansya namin sa isa’t isa.”Pagkatapos, pumikit si Joshua at sumandal na lang siya.“Lucas. Ito ang unang pagkakamali mo simula ng magtrabaho ka sa akin ng maraming taon. Pagbibigyan kita ngayon, pero hindi na ito mauulit.”Natuwa si Lucas. “Balak niyo pa po bang sundan ang bagay na ito?”Si Aura ang tinutukoy niya. Ngumiti ng malamig si Joshua. “May mga plano ako.”Hindi pa lumabas ang report tungkol sa nangyari sa Ferris
Gayunpaman, hindi na dapat humingi ng tawad si Nigel tungkol sa bagay na ito.Kung sabagay, ginagawa niya lang ito para tulungan si Luna na pabilisin ang paghihiwalay nila Joshua at Aura.Ngunit, hindi nila inaasahan ang pagiging bias ni Joshua kay Aura ay ganun kalala.Habang iniisip ito, napabuntong hininga si Luna. Sumagot siya kay Nigel, [Hindi kita sinisisi. Alagaan mo lang ang sarili mo].Sa katotohanan, ito ang unang beses na nag send sa kanya ng message si Nigel nung bumalik si Luna sa bansa.Noong nasa Ferris Wheel sila, tinawagan ni Nigel si Luna gamit ang necklace, ngunit dahil lang ito sa isang emergency.Ayaw ni Nigel ang desisyon ni Luna na bumalik sa bansa. Dahil dito, naging malamig si Nigel sa Mommy niya.“Mommy, pwede po bang ‘wag na kayong bumalik? Makakahanap po tayo ng ibang paraan. Hindi po natin kailangan ang lalaking ‘yun.”“Ayaw ko po na bumalik ka sa kanya. Ayaw ko po na magkaroon kayo ng anak sa kanya.”“Kung ganun po, mas pipiliin ko na lang po na m
Hindi siya pinansin ni Luna.Ang taong pinaka ayaw makita ni Luna ngayon ay si Joshua.Lumagpas siya sa sofa at dumirecho siya sa kusina para kumuha ng isang baso ng tubig.“Kuhanan mo rin ako ng baso ng tubig,” nanggaling ang mababa at malamig na boses ni Joshua mula sa sala.Gumulong ang mga mata ni Luna at minura niya ito sa kanyang puso, ngunit magalang niya pa rin na ipinagsalin ng tubig si Joshua at nilapag ito sa mesa.Hindi niya nakalimutan na katulong lang siya ngayon. Si Joshua ang amo ng bahay na ‘to.Ang pagsasalin ng isang baso ng tubig ng katulong sa kanyang amo. Ito ang pinaka ordinaryo na bagay sa mundo.“Bakit ka umiiyak?”Sa sandali na nilapag ni Luna ang baso ng tubig sa mesa, tinapik ni Joshua ang kanyang sigarilyo sa ashtray.Ang malalim na mga mata ni Joshua ay nakatitig sa mukha ni Luna na para bang sinusubukan niyang basahin ang isip nito.Suminghot si Luna, nilapag ang baso, at tumayo siya ng direcho. “Wala po. Gusto ko lang po umiyak.”Tumingin siya
Sa harap ni Luna, nagkwento ang lasing na si Joshua tungkol sa pagkakakilala nila. Ang tapat na mga salita ni Joshua ay puno ng pagpapanggap sa pandinig ni Luna.Hindi alam ni Joshua na ang unang pagkikita nila ay hindi sa ilalim ng cherry blossom tree. Ito ay nung nagkita sila sa isang aksidente.Noong nakaraan na maraming taon, naaksidente ng seryoso si Joshua. Nung bumangga sa kanya ang kotse, iniwan lang siya sa tabi ng kalsada. Si Luna ang nagligtas sa kanya at nagdala sa kanya sa hospital. Inalagaan siya ni Luna sa isang buong buwan habang siya ay nasa isang coma.Gusto siya ni Luna, ngunit hindi nito gustong mahulog para sa kanya. Alam ni Luna na masyado siyang ordinaryo. Hindi siya nararapat para sa lalaking tulad ni Joshua, kaya’t nung magkamalay na si Joshua, iniwan niya ito ng determinado.Inisip ni Luna nung una na makakalimutan nila ang isa’t isa, ngunit hindi niya inaasahan na muli silang magkikita.Sa sandali na magtagpo ulit sila, naniwala si Luna na parte ng buhay
Hindi nakatulog ng mabuti si Luna ng gabing ‘yun.Napanaginipan niya ang mga pinagdaanan nila ni Joshua. Ang tibok ng puso niya sa unang pagkikita nila, ang saya na naramadaman niya noong kunan ng litrato ang wedding nila, ang pagmamadali sa kasal nila...Lagi niyang tinatangong kay Joshua kung bakit.Bakit? Bakit dapat mawala ang pagmamahal niya ng ganito?Paggising si Luna, basa na ang unan niya ng kanyang luha. Hindi pala mahirap bitawan ang sakit na pinagdaanan sa pag ibig kahit na lumipas na ang maraming taon.“Mommy.” nakatayo sa tabi ng kama si Nellie habang may hawak na tissue. Dahan dahan niyang pinunasan ang mga luha ni Luna. “Ginalit po ba ulit kayo ni Daddy?”Pumikit si Luna at niyakap niya si Nellie. Muling bumalik ang sigla niya nang maramdaman niya ang init ng katawan ni Nellie.Sa mga nakalipas na anim na taon, ang tatlong mga anak ni Luna ang nagbibigay lakas sa kanya para mabuhay. Kahit anong mangyari, hindi niya iiwan ang mga ito.“Mommy, ‘wag na po kayong um
Sa nakalipas na anim na taon, noong siya pa ang Madam ng bahay, walang nagpakita sa kanya ng respeto na nararapat sa kanya.Nagdalawang isip ng ilang saglit si Lucas, “Oo.”“‘Sariling pag iisip mo lang ‘yan.”Kumuha ng kutsara at tray sa aparador si Luna at hinugasan niya ito.“Marami na akong pinagdaanan na masama sa buong buhay ko. Ayaw ko na muling maulit ‘yun.”Pagkatapos, kinuha niya ang tray, nilagpasan si Lucas, at umakyat.Nakatayo lang sa isang lugar si Lucas. Habang nakatingin kay Luna, nanlabo ang paningin niya .Kung pwede lang pumili, sino ang may gugustuhing ma-agrabyado? Gayunpaman, kung hindi nsila nanalo kay Aura sa mga sandaling ‘yun, magiging huli na ang lahat kapag kinasal na siya kay Joshua.…Sa loob ng Master Bedroom.Nung pumasok si Luna habang dala ang sabaw, nakasandal si Joshua sa ulo ng kama, nakatingin sa kanyang phone.May hangover pa rin si Joshua mula kagabi. Sa sobrang sakit ng ulo niya ay nahihirapan siyang umalis sa kama.Malabo pa ang is
Hindi ito tama. Ito ang parehong lasa na ginawa ni Luna Gibson dati!Kailangan niyang makipag halubilo ng husto dahil sa trabaho niya. Noon, nung magkasama pa sila, laging uuwi ng lasing si Joshua. Tuwing may hangover siya, gagawan siya ng sabaw ni Luna gibson para mahimasmasan siya.Mahilig siyang mag lagay ng espesyal na pampalasa sa sabaw, kaya’t natatangi ang lasa nito. Anim na taon nang hindi natikman ni Joshua ang sabaw na ito.Gayunpaman, sa mga sandaling ito, ang sabaw na ginawa ni Luna ay parehong pareho sa gawa ni Luna Gibson!Wala nang pakialam si Joshua sa kahit anong bagay. Agad siyang tumayo mula sa kama at mabilis siyang bumaba.Sa kusina sa baba, gumagawa ng oats si Luna para kay Nellie. Sobrang pokus niya sa paggawa nito, kaya’t hindi niya napansin ang mabilis na mga yapak sa likod niya.Nang mapansin niya na ang presensya ni Joshua, nakatayo na ito sa likod niya.Pinatalikod ni Joshua si Luna at hinawakan niya ang mga panga ni nito gamit ang malaki niyang mga k