Hindi ito tama. Ito ang parehong lasa na ginawa ni Luna Gibson dati!Kailangan niyang makipag halubilo ng husto dahil sa trabaho niya. Noon, nung magkasama pa sila, laging uuwi ng lasing si Joshua. Tuwing may hangover siya, gagawan siya ng sabaw ni Luna gibson para mahimasmasan siya.Mahilig siyang mag lagay ng espesyal na pampalasa sa sabaw, kaya’t natatangi ang lasa nito. Anim na taon nang hindi natikman ni Joshua ang sabaw na ito.Gayunpaman, sa mga sandaling ito, ang sabaw na ginawa ni Luna ay parehong pareho sa gawa ni Luna Gibson!Wala nang pakialam si Joshua sa kahit anong bagay. Agad siyang tumayo mula sa kama at mabilis siyang bumaba.Sa kusina sa baba, gumagawa ng oats si Luna para kay Nellie. Sobrang pokus niya sa paggawa nito, kaya’t hindi niya napansin ang mabilis na mga yapak sa likod niya.Nang mapansin niya na ang presensya ni Joshua, nakatayo na ito sa likod niya.Pinatalikod ni Joshua si Luna at hinawakan niya ang mga panga ni nito gamit ang malaki niyang mga k
Tumawa ng mapait si Luna at umiling siya habang nagkibit balikat para alisin ang mga magulong iniisip niya.Bakit magiging malungkot si Joshua? Si Luna dapat ang malungkot nitong mga nakalipas na taon.Tumalikod siya at nagpatuloy na siya sa paggawa ng oats para kay Nellie.Hindi niya sinasadyang makita ang repleksyon niya sa kalan. Sa mga sandaling ito, kakaiba ang mukha niya. Sa sobrang ganda nito ay halos perpekto na ito, ngunit wala na siyang maramdaman na saya.…Sa mga sumunod na araw, sinubukan ni Luna na iwasan na magpakita kay Joshua. Una, dahil ito sa huling nangyari; wala siyang lakas para magpanggap na maging mabait kay Joshua. Pati, nagsisimula nang magduda si Joshua sa relasyon nila ni Luna Gibson. Ginagawa ni Luna ang lahat para maging maliit ang kanyang sarili at hindi siya mapansin ni Joshua.Gayunpaman, napansin ng lahat ng tao sa Blue Bay Villa na sinusubukang lumayo ni Luna kay Joshua.Sinermonan siya ng ilang mga matandang katulong, “Luna, tandaan mo ang lu
Nung kumatok si Luna sa pinto at pumasok ng may dalang mainit na tsaa, nakaupo si Joshua at may kausap sa phone.Nang makita niya na pumasok si Luna, sumulyap ng malamig si Joshua at nagpatuloy siya sa pagsaway ng kanyang staff, “Ilang taon ka na bang nasa trabahong ito? Kailangan ko pa bang itruo sayo kung paano irespeto ang mga nakakataas sayo? Ano ngayon kung bad mood ka? Kailangan ko ba, ang boss mo, pakialaman ang mga emosyon mo? Kapag naulit ito, maghanda ka nang mag resign!”Ngumiti ng maliit si Luna nang marinig niya ang mga sinabi ni Joshua. Tila pinapagalitan ni Joshua ang kanyang staff, ngunit indirekta niya itong sinasabi kay Luna.Ito ang pangatlong beses na pinapunta siya ni Joshua para gumawa ng maiinom. Mula sa kape at tsaa, alam ni Luna na hindi kailangan uminom ni Joshua ng ganito karami habang nagtatrabaho ng gabing ‘yun. Ang tanging rason lamang ay sumama ang loob ni Joshua dahil hindi niya ito pinapansin at trintrato niya ito ng malamig.Laging mapagmataas si J
“Matagal na tayong hindi magkasama, kaya’t syempre miss na kita. Miss na miss na kita.”“Syempre mahal kita. Ano ba ang iniisip mo?”“Okay, okay, ‘wag ka nang makulit. Gagawan kita ng espesyal na cookies kapag nagkita tayo, okay?”“Mhm, ikaw lang ang gagawan ko. Walang ibang makakatikim.”…Sumimangot ng mapait si Joshua ng marinig niya ito. Tila malandi ang boses ni Luna, at malambing din ang tono niya.Sino ang kausap niya sa phone? Ibang lalaki?Kaya pala malamig ang pagtrato niya kay Joshua at hindi niya ito kinakausap.Tila nagbago na ang puso ni Luna. Nagbago na ang puntirya ng babaeng ito. Dapat maging masaya si Joshua.Ngunit, nalilito si Joshua kung bakit hindi siya masaya. Hindi lang ito, medyo naiinis pa siya.Matapos ang mahabang sandali, binaba na ni Luna ang phone. Nakahinga na siya ng maluwag.Nakatira ang makulit na si Neil sa bahay ni Anne, at minsan inalagaan at ipinagluluto pa niya si Anne. Ganun man ang sitwasyon, sinasabi niya pa rin na malungkot siya at
Mas naging malapit at malakas ang amoy ni Joshua.Noon, hiniling ni Luna na halikan siya ng kusa ni Joshua, ngunit hindi siya hinalikan nito ng kusa sa tatlong taon ng kanilang kasal.Maging sa buhay man o sa kama, laging si Luna ang unang kumikilos.Dati, inisip lang niya na passive si Joshua. Ngunit, sa mga sandaling ito, nakita niya na ng klaro.Hindi naman sa passive si Joshua; kay Luna lang siya hindi nagkukusa. Tulad sa mga sandaling ito, kalahating buwan pa lamang siyang katulong ni Joshua, ngunit hinalikan na siya ng basta basta.Habang iniisip ito, naging malamig ang mga mata ni Luna.Pak!Sa sandaling dumikit ang mga labi ni Joshua sa mga labi niya, may malutong na tunog ng sampal na maririnig sa backyard.Sa sobrang lakas ng sampal ay napaliko ang ulo ni Joshua sa gilid. Dumilim ang ekspresyon niya at bumalik siya sa kanyang sarili.Lumingon siya at tumingin siya ng galit kay Luna. “Ang lakas naman ng loob mo na sampalin ako?”Binalik ni Luna ang kamay niya dahil
“Papatulugin ko po ulit si Ms. Nellie.”Yumuko si Luna at kinarga niya si Nellie. Tinulak niya patabi si Joshua at naglakad na siya pabalik ng villa.Tumayo lang sa lugar si Joshua, nakakunot ang noo niya habang pinapanood niya na maglakad palayo si Luna.Sumara na ang pinto ng entrance.Tumingin ng malalim si Joshua sa pinto. Matapos ang ilang saglit, nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan niya si Lucas.“Kunin mo ang kotse.”Sa kabilang linya ng tawag, tila inaantok pa si Lucas. “Mr. Lynch, gabi na po. Saan niyo po gustong pumunta?”“Papunta sa opisina,” ito ang sagot ni Joshua. Nabigla si Lucas at ilang saglit siyang walang masabi. “Hindi po ba’t dinala niyo ang lahat ng trabaho sa villa? Bakit po kayo babalik sa opisina?”“Pinagsisisihan ko na ang desisyon ko. Bakit? May gusto ka bang sabihin tungkol dito?”Paano magkakaroon ng lakas ng loob si Lucas na magsalita?Agad na bumangon si Lucas mula sa kama ng girlfriend niya at mabilis siyang nag drive papunta sa Blue Ba
Nagkatinginan sina Zach at Yuri, pagkatapos ay tumingin sila ng nahihiya kay Joshua. “Mr. Lynch, halos alas otso na po ng gabi, at isang bata lang po ang boss namin. Dapat nasa tulugan na po siya.”“Kaya, baka po…”Naging malamig ang tingin ni Joshua sa mukha ni Zach. “Hindi ba’t sinabi mo kanina na kachat niyo lang siya?”Muling nagkatinginan ang dalawa bago nila tinawagan si Neil at sinabi na gusto siyang makita ni Joshua.“Sige.” ngumiti ng malamig si Neil sa balkonahe ng bahay ni Anne.Kausap siya ni Nellie kanina at sinabi nito sa kanya na inaway ng masamang lalaki na ‘yun ang Mommy nila, pero gusto nitong makipagkita sa kanya ngayon?Ah, marami siyang paraan para ipaghiganti si Mommy!Habang iniisip ito, binaba ni Neil ang phone at bumaba siya papunta sa kusina. Kumuha siya ng isang bote ng Sprite at isang pinya mula sa ref. Kinuha niya ang juice ng pinya, hinalo ito sa sprite, at dinagdagan niya ng ibang espesyal na sangkap. Pagkatapos ay binuhos niya ito sa isang thermos
Iniisip ni Joshua na nababaliw na siguro siya.“Gusto niyo po akong kwentuhan?” kumurap si Neil at naging mabait ang ugali niya. “Sige po!”Ngumiti ng mapait si Joshua. Pinahinto niya ang kotse kay Lucas sa tabi ng Bay Bridge kung saan wala gaanong tao kapag gabi. Kahit ang mga kotse ay kaunti lang.Binuksan ni Joshua ang pinto at tumayo siya sa tabi ng tulay. Tumingin siya sa tubig sa ilalim ng tulay. “Dito naaksidente ang asawa ko. Iniwan niya ako, pagkatapos ay nagkaroon siya ng aksidente.”“Nung pumunta ako sa eksena, maliban sa magulong sitwasyon at sira sira na railing, wala nang natira. Hindi ko alam kung saan siya napunta; hindi ko siya mahanap. Sinabi ng iba na namatay siya, pero hindi ako naniwala dito kahit minsan. Hangga’t hindi ko nakikita ang katawan niya, may pagasa pa rin ako na buhay siya.”“Sa nakalipas na kalahating buwan, naging tama ang hula ko. Buhay pa nga talaga siya. Hindi lang siya buhay, pero pinanganak niya rin ang anak namin. Siya ay ang batang iniligt