“Matagal na tayong hindi magkasama, kaya’t syempre miss na kita. Miss na miss na kita.”“Syempre mahal kita. Ano ba ang iniisip mo?”“Okay, okay, ‘wag ka nang makulit. Gagawan kita ng espesyal na cookies kapag nagkita tayo, okay?”“Mhm, ikaw lang ang gagawan ko. Walang ibang makakatikim.”…Sumimangot ng mapait si Joshua ng marinig niya ito. Tila malandi ang boses ni Luna, at malambing din ang tono niya.Sino ang kausap niya sa phone? Ibang lalaki?Kaya pala malamig ang pagtrato niya kay Joshua at hindi niya ito kinakausap.Tila nagbago na ang puso ni Luna. Nagbago na ang puntirya ng babaeng ito. Dapat maging masaya si Joshua.Ngunit, nalilito si Joshua kung bakit hindi siya masaya. Hindi lang ito, medyo naiinis pa siya.Matapos ang mahabang sandali, binaba na ni Luna ang phone. Nakahinga na siya ng maluwag.Nakatira ang makulit na si Neil sa bahay ni Anne, at minsan inalagaan at ipinagluluto pa niya si Anne. Ganun man ang sitwasyon, sinasabi niya pa rin na malungkot siya at
Mas naging malapit at malakas ang amoy ni Joshua.Noon, hiniling ni Luna na halikan siya ng kusa ni Joshua, ngunit hindi siya hinalikan nito ng kusa sa tatlong taon ng kanilang kasal.Maging sa buhay man o sa kama, laging si Luna ang unang kumikilos.Dati, inisip lang niya na passive si Joshua. Ngunit, sa mga sandaling ito, nakita niya na ng klaro.Hindi naman sa passive si Joshua; kay Luna lang siya hindi nagkukusa. Tulad sa mga sandaling ito, kalahating buwan pa lamang siyang katulong ni Joshua, ngunit hinalikan na siya ng basta basta.Habang iniisip ito, naging malamig ang mga mata ni Luna.Pak!Sa sandaling dumikit ang mga labi ni Joshua sa mga labi niya, may malutong na tunog ng sampal na maririnig sa backyard.Sa sobrang lakas ng sampal ay napaliko ang ulo ni Joshua sa gilid. Dumilim ang ekspresyon niya at bumalik siya sa kanyang sarili.Lumingon siya at tumingin siya ng galit kay Luna. “Ang lakas naman ng loob mo na sampalin ako?”Binalik ni Luna ang kamay niya dahil
“Papatulugin ko po ulit si Ms. Nellie.”Yumuko si Luna at kinarga niya si Nellie. Tinulak niya patabi si Joshua at naglakad na siya pabalik ng villa.Tumayo lang sa lugar si Joshua, nakakunot ang noo niya habang pinapanood niya na maglakad palayo si Luna.Sumara na ang pinto ng entrance.Tumingin ng malalim si Joshua sa pinto. Matapos ang ilang saglit, nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan niya si Lucas.“Kunin mo ang kotse.”Sa kabilang linya ng tawag, tila inaantok pa si Lucas. “Mr. Lynch, gabi na po. Saan niyo po gustong pumunta?”“Papunta sa opisina,” ito ang sagot ni Joshua. Nabigla si Lucas at ilang saglit siyang walang masabi. “Hindi po ba’t dinala niyo ang lahat ng trabaho sa villa? Bakit po kayo babalik sa opisina?”“Pinagsisisihan ko na ang desisyon ko. Bakit? May gusto ka bang sabihin tungkol dito?”Paano magkakaroon ng lakas ng loob si Lucas na magsalita?Agad na bumangon si Lucas mula sa kama ng girlfriend niya at mabilis siyang nag drive papunta sa Blue Ba
Nagkatinginan sina Zach at Yuri, pagkatapos ay tumingin sila ng nahihiya kay Joshua. “Mr. Lynch, halos alas otso na po ng gabi, at isang bata lang po ang boss namin. Dapat nasa tulugan na po siya.”“Kaya, baka po…”Naging malamig ang tingin ni Joshua sa mukha ni Zach. “Hindi ba’t sinabi mo kanina na kachat niyo lang siya?”Muling nagkatinginan ang dalawa bago nila tinawagan si Neil at sinabi na gusto siyang makita ni Joshua.“Sige.” ngumiti ng malamig si Neil sa balkonahe ng bahay ni Anne.Kausap siya ni Nellie kanina at sinabi nito sa kanya na inaway ng masamang lalaki na ‘yun ang Mommy nila, pero gusto nitong makipagkita sa kanya ngayon?Ah, marami siyang paraan para ipaghiganti si Mommy!Habang iniisip ito, binaba ni Neil ang phone at bumaba siya papunta sa kusina. Kumuha siya ng isang bote ng Sprite at isang pinya mula sa ref. Kinuha niya ang juice ng pinya, hinalo ito sa sprite, at dinagdagan niya ng ibang espesyal na sangkap. Pagkatapos ay binuhos niya ito sa isang thermos
Iniisip ni Joshua na nababaliw na siguro siya.“Gusto niyo po akong kwentuhan?” kumurap si Neil at naging mabait ang ugali niya. “Sige po!”Ngumiti ng mapait si Joshua. Pinahinto niya ang kotse kay Lucas sa tabi ng Bay Bridge kung saan wala gaanong tao kapag gabi. Kahit ang mga kotse ay kaunti lang.Binuksan ni Joshua ang pinto at tumayo siya sa tabi ng tulay. Tumingin siya sa tubig sa ilalim ng tulay. “Dito naaksidente ang asawa ko. Iniwan niya ako, pagkatapos ay nagkaroon siya ng aksidente.”“Nung pumunta ako sa eksena, maliban sa magulong sitwasyon at sira sira na railing, wala nang natira. Hindi ko alam kung saan siya napunta; hindi ko siya mahanap. Sinabi ng iba na namatay siya, pero hindi ako naniwala dito kahit minsan. Hangga’t hindi ko nakikita ang katawan niya, may pagasa pa rin ako na buhay siya.”“Sa nakalipas na kalahating buwan, naging tama ang hula ko. Buhay pa nga talaga siya. Hindi lang siya buhay, pero pinanganak niya rin ang anak namin. Siya ay ang batang iniligt
“Ayos lang naman po si Daddy kaninang hapunan.”Nakahawak si Nellie sa kamay ni Luna habang nakatayo sila sa main lobby ni Central Hospital. Nagaalala siyang tumingin sa kalayuan. “Bakit bigla pong sumama ang pakiramdam niya?”“Baka may nakain o nainom siya pagkatapos,” ang simpleng sagot ni Luna.Tumingin siya sa entrance ng hospital at nagsalubong ang mga kilay niya. Bakit nagkaproblema sa tiyan si Joshua? Mula sa naaalala niya, maganda ang panunaw ni Joshua. Lagi siyang nakikipaghalubilo sa iba, ngunit ni minsan hindi siya nagkaroon ng problema sa tiyan.Nagkaroon ng problema sa tiyan si Joshua sa loob lang ng anim na taon? Anong ginagawa ni Aura? Hindi niya ba inalagaan si Joshua hanggang maging ganito ang kondisyon hniya?Habang malalim na nag iisip, may huminto na isang itim na Maserati sa entrance ng hospital.“Si Daddy!” agad na binitawan ni Nellie ang kamay ni Luna at tumakbo siya ng mabilis papunta sa kotse.Nang makita niya ang pag aalaga ng anak niya, may kakaibang e
Matapos ang ilang saglit, bumukas ang pinto ng emergency room.Lumabas ng nakasimangot ang doctor. “Bigyan niyo po ako ng listahan ng lahat ng kinain ni Mr. Lynch ngayong araw. Gusto ko suriin ang lahat.”Kumunot ang mga noo ni Lucas. “Anong ibig sabihin niyo doc?”“Pinainom siya ng malakas na laxative.”Walang masabi si Luna. Alam niya na kung sino ang nagpainom nito kay Joshua.Kung sabagay, bago siya dumating, ang anak niya ay sadya na pumunta sa doctor at sinabi na seryoso ang constipation nito.Nagbuntong hininga si Luna. Kalokohan ito!“Pati.” tumingin ng malamig ang doctor kay Lucas “Alam niyo naman po na masama ang kondisyon ng tiyan niya. Bakit niyo siya pinainom ng malamig na inumin ng gabi?”Nabigla si Lucas. Naalala niya na si Neil ang nagbigay ng inumin kay Joshua, laxative pala ito...Huminga siya ng malalim. “Luna, ikaw muna ang bahala kay Mr. Lynch. Tatawagan ko ang butler para alamin kung sino ang mga katulong na gumawa ng hapunan ngayong gabi.”Habang sinasa
Walang dala na laxatives si Luna.Yumuko si Luna. “Hindi ko po dala.”“Lucas,” ang tono ni Joshua ay malamig, “Bumalik ka sa Blue Bay Villa at kunin mo ang natitirang laxatives.”Pagkatapos, medyo malandi ang tingin niya. Tumingin siya ng malalim kay Luna. “Saan mo nilagay?”Kinagat ni Luna ang kanyang labi. Hindi niya alam kung bakit sabik ang lalaking ito na ipainom sa kanya ang laxatives na nainom nito.Kumunot ang noo ni Luna. “Mr. Lynch malaki pong abala para kay Lucas na bumalik para kunin ‘yun. Nasa hospital naman po tayo, bakit hindi po natin makuha ang doctor na—”“Tama!” halatang ayaw bumalik ni Lucas sa Blue Bay Villa, ngunit bago pa matapos si Luna, sumingit si Lucas, “Sir, tawagin ko na po ba ang doctor?”“Ang sabi ko, gusto kong inumin niya ang natitirang laxatives.” Tumingin ng malamig si Joshua kay Lucas. Ang tono niya ay kasing lamig ng Arctic. “Hindi mo ba maintindihan?”Nabigla si Lucas. Dumilim ang kanyang ekspresyon.Tumingin siya kay Luna at tinanong niya